Fairyland...
Ang sagradong lugar sa Engkantadya...
Kung saan naninirahan ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga Diwata.. Ang pinagkakatiwalaang tagapagbantay ng Bathalang Kaiser sa mundo ng Engkantadya.
Si Enolla, ang Golden Mother Fairy ng Fairyland, ang natatanging Bataluman na nag aalaga ng apat na brilyante ni Bathalang Kaiser... noon.
Hindi basta basta nakakapasok ang sinumang Engkanto sa loob ng Fairyland, dahil sa lagusan ay may tagapagbantay na isang Diwatang nagngangalang Loretta. Sya lang ang tanging nakakaalam kung paano magbubukas ang lagusan.. Dahil sya ang ginawang susi ni Mother Golden Fairy sa lagusan patungong Fairyland.
Sa mga digmaang nagaganap sa Engkantadya, nagbaba si Enolla ng kautusan sa nag iisa nyang Anak na si Fairy Io..
Ipinaubaya nya dito ang paghahanap ng mga bagong tagapangalaga ng..
Brilyante ng 'Hangin',
Brilyante ng 'Lupa',
Brilyante ng 'Tubig' at
Brilyante ng 'Apoy' na ngayon ay hawak na nya ulit...
Dahil isinuko ng lahat ni Reyna Amethyst ng kahariang Umbra ang mga Brilyante, kapalit ng kahilingang kalayaan na makasama at mapangalagaan ang dalawang Anak nitong Prinsesa.
Sa paglalakbay ni Fairy lo, para hanapin ang nararapat na tagapangalaga ng mga Brilyante. Nakaantabay lang si Lorsan sa kanya. Hindi man ito magpakita, pero nararamdaman naman ni Fairy lo ang presensya nito, lalo na kapag may panganib na humahadlang sa kanyang daraanan.
Bago pa kasi sya malapitan ng iba't ibang masasamang Engkanto, kusa na itong nagiging abo na tinatangay na lang ng ihip ng hangin palayo sa kanya. Hindi sya nagsasalita ng kahit na ano, walang imik lang syang naglalakbay.
Apat na kaharian ang naiisip nyang puntahan...
Ang Kaharian ng Nahara...
Ang kaharian ng Inspra...
Ang Kaharian ng Potion Mansion...
Ang Kaharian ng Umbra...
Alam nyang hindi madali ang landas na kanyang tatahakin..
Maraming balakid ang kanyang haharapin..
Pero isa lang ang kanyang titiyakin..
Hinding hindi sya babalik ng Fairyland hanggat hindi nya kasama ang apat na Diwatang bagong tagapangalaga ng makapangyarihang mga Brilyante.
Sa pagkakataong ito.. Hinding hindi na nya bibiguin ang kanyang Ina.. Hinding hindi na.
"Lorsan!"
Napangiti ng lihim si Fairy lo ng umihip ang malakas na hanging kulay itim, saglit lang yun dahil kasabay ng pagkapayapa ng paligid, nakatayo na si Lorsan sa kanyang harapan, nakabaon sa lupa ang hawak nitong espada at seryosong nakatingin sa kanya.
"Handa kana ba?" Agad nyang tanong dito.
"Ano sa tingin mo?" Seryosong tanong din nito.
"Aba'y, tayo ng maglakbay kung ganun!"
Pagkasabi nya nun, agad syang naglakad at nilampasan si Lorsan. Pigil ang kanyang pagngiti ng tawagin nitong kanyang pangalan.
"Io!"
"Huh?"
"Dami mo ng utang sakin."
"Ilista mo na lang!"
"Saan? sa tubig, sa apoy, sa hangin ba, o sa lupa? "
"Bahala ka! kung san mo gusto!"
"Ah.. alam ko na! Sa ulap ko na lang ililista."
"Ha! at bakit naman sa ulap? Sira ulo ka talaga!"
"Para, sa tuwing titingin ka sa langit, mababasa mo sa ulap ang napakahaba mong utang sakin hahaha."
Napasimangot syang bigla...
"Sa bituin mo ilista."
Napatigil sa pagtawa si Lorsan, hinabol sya nito at sumabay sa kanyang paglalakad.
" Bakit naman sa bituin, lo?"
"Para diko mabilang ang aking pagkakautang sayo .. hahaha."
Kaagad syang naglaho. Masaya na syang makaganti sa mga pang aasar sa kanya ni Lorsan..
Mas binilisan nyang paglalakbay para agad nyang marating ang hangganan ng Kahariang Nahara. Napangiti sya ng maalala ang Diwatang kanyang kinagigiliwan at naging kaibigan.
'Amihan... Ikaw ang una kong papasyalan'
💃MahikaNiAyana