CHAPTER 8
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER
"Are you sure, Nathalia? Walang naghahanap sa akin? O balita man lang na may nawawalang Xyvielle Mornett diyan sa Manila, o saang lupalop ng mundo?" tanong ko sa kaibigan.
"So far, wala naman girl. Malinis ang lahat. Walang tabloid, walang magazine o social media man lang diyan na nagtatanong o naghahanap kung nasaan na yang bitag mo at ang gumawa ng krimen na yan, kaya relax ka lang diyan, okay. Huwag kang mag panic, okay. Ayos lang din si Lola mo, nanggaling ako kahapon sa bahay niyo. Kunwari lang na may ibibigay ako para sa'yo," aniya.
Totoo ba? Wow naman kung ganun. Tinulungan ba ako ni Dark na kaibigan ko? Sa kanya galing sina kuya Edgar na tumulong sa akin ngayon. Kung siya nga ay aba ililibre ko siya ng maraming condom. Lalo at nakilala ko ang ipinakilala niyang girlfriend nung may auction sa Cebu.
Baliw 'yon.
"Akala ko kasi na isang Wanted na ako ngayon, Nathalia. Late ko ng na realize ang mga kagagahan na ginawa ko."
"So! What do you mean? Ititigil mo na ba ang kahibangan mo sa kanya at ibang mga plano mo? Support pa rin kita kung ano pa yang mga trip mo sa buhay, Shanna Cole!" dagdag ng kaibigan.
It's almost three in the afternoon. Nasa sala ako ngayon, habang ang bitag ko naman ay nasa banyo. Magna number two ata kaya hindi na ako sumunod sa kanya. Binabantayan ko na lang siya baka makatakas. I already locked the door palabas ng main door at kung saan na pwede siyang makalabas kahit itong mga bintana.
Hindi siya tatakas dahil sa gusto niya na manatili raw dito sa island. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang mga pinangako nyang 'yan.
"No way, Nathy! Nandito na siya bakit pa ako uurong! Ituloy ko lang ang laban noh, magugustuhan nya ako at papayag siya na ikasal kami bago ang palugit ni lola sa akin na 60 days."
"And kung hindi?"
"Kung hindi and then magpapanggap na lang kami na mag-asawa, basta ngayon kunin ko lang muna ang loob niya kasi you know what girl, iba siya sa nakilala ko na Xyvielle," nagsisimula na akong magkwento kay Nathalia.
"Like what?"
"Nag-iba yung boses niya, yung pananamit niya, may earrings siya sis sa mukha at may tattoo sa may leeg. Akalain mo 'yun papunta lang siya ng ibang bansa, ganito na ang porma niya." Gwapo at astig, gusto ko pa sanang idadag pero nahihiya naman ako at baka sabihin ng kaibigan ko na tinamaan na talaga ako kahit totoo naman. Mas lalo tuloy akong na inlove sa kanya dahil sa nakikita ko na fashion and style ng crush ko, sa tingin ko nga na mahal na talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi lang yung tipong crush lang.
"Well baka may pinopormahan sana doon sa malayo kaya ganyan ang porma, Shanna. Pero hoy! Babae ka! Ito ha payong kapatid, kaibigan at kung ano pa tawag mo sa tawagan na yan sa ating dalawa. Kung may makalap ako na impormasyon na may asawa na pala yan sa ibang bansa o jowa, anong gagawin mo? Kasi ako girl, papakawalan ko talaga. Ayokong makasira ng pamilya. Remember that!" aniya sa kabilang linya kaya bigla tuloy akong nalungkot dahil doon.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya."O-of course, pakawalan ko siya Nathy. Lalo kapag may asawa na siya at mga anak at itinago niya lang sa publiko pero naroon pala sa ibang bansa ang gusto niya o asawa," malungkot ko na wika.
"Well, hindi pa naman sure, diba? Kaya enjoy ka muna diyan at wag ka ng sad, okay? Oh, wait! Ano na, may nangyari na ba sa inyong dalawa?" Excited niya na tanong kaya napailing na lang ako sa kanya.
Iniisip ko pa ang tanong ng kaibigan. "Ha? Anong nangyari? Ano…ayon nahulog ako sa kama dahil sa hindi nag-iingat-" nailayo ko bigla ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng tili ni Nathalia.
"Tapos? Tapos anong nangyari?"
"Huh? Ano.. ayon nagbardagulan kaming dalawa."
"The heck! Yun lang? Wala ng iba? Wala ng kasunod? Ikwento mo na lahat at ng kiligin ako!" Bakit ang daming tanong ng sissy na 'to.
"Yun nga lang! Ano pa ba ang next?" naguguluhan kong tanong.
"Omg, babae ka! Dapat nilubos-lubos mo na, nagpasagad ka na," bigla ko na lang tinakpan ang isang tenga ko dahil sa pinagsasabi ng kaibigan.
"Akala ko ba, ayaw mo akong mabuntis o di kaya kung maari wala mangyayari at baka iiwan lang ako, huh Nathy?"
"Ay, oo nga pala. Basta ikaw na ang bahala basta yon lang muna ang good news dito sa Manila na maibigay ko sa iyo na impormasyon. Sige baboosh na at may client ako ngayon na paparating. Mabuti ang pangangalakad ng company mo, so yeah, don't worry about us here at ikaw na babaeng marupok at loyal, gawin mo yang trabaho mo to seduce your crush, malay mo… okay lang kung matigas ang ano nya hotdog basta lumambot ang puso niya para sa'yo," natawa naman ako sa huling sinabi niya.
"Salamat Nathy, I owe you this. Chat or call me huh kapag may problema sa company. Titingnan ko na rin yung email ko kung may bagong email for new projects."
"Alright, noted po madam Shanna Cole," natatawa niyang sabi kaya napailing na lang ako.
Pinatay ko na ang tawag at nagtungo sa loob ng guest room kung nasaan ang bisita ko. Maliligo ako pero hindi ko alam kung paano ako makaka siguro na hindi talaga siya tatakas na kahit sinabi niya pa kanina ay wala talaga akong tiwala. Kahit crush ko pa ito ay pwede siyang gumawa ng paraan para makatakas at pupuntahan ang jowa o asawa niya sa ibang bansa kung tama nga yong hula ni Nathalia.
Pagharap sa pinto ng guest room ay binuksan ko na ito. Ang mga mata ko ay nagtungo agad sa bathroom, until now hindi pa rin siya tapos? Binuksan ko agad ang pinto na hindi na kumakatok dahil baka tama ang kutob ko. Na nakatakas siya.
At tama nga ang hinala ko, wala na siya sa bathroom. "s**t! Nakatakas nga–"
"What are you saying?"
"Palakang kabayo ka! Nandyan ka pala!" gulat kong sabi habang hinihimas ang dibdib ko dahil sa gulat at bilis ng t***k nito dahil sa tanong ni Xyvielle, nasa labas na pala siya ng bathroom
Lumabas ako ng cr at pinuntahan siya sa kanyang walking closet na ngayon nakasarado na at baka nagbibihis dahil amoy shower gel ang banyo.
Oo lahat ng mga damit niya dito ay binili ko pa, pinili ko halos yung mga mas mahal pa sa mga damit ko. Hindi ko alam kung saan ang mas bet niya na kulay kaya halos lahat siguro ay binili ko. From t-shirts, pants, shorts, undergarments at iba pa na para sa kanya. Kahit ang ginagamit niya na pangligo ay inabunuhan ko muna. Saka ko a lang siya sisingilin.
Wala eh ako nagplano kaya dapat ako ang gumawa ng paraan.
Binuksan ko ang closet at pumasok at agad nagtama ang mga mata namin. Nagkatinginan kami hanggang dumapo ang mga mata ko sa leeg niya, balikat, dibdib at sa kanyang six pack abs, pababa pa ng pababa hanggang sa…
"Ahhhh!!! Ahas! Ouch! Aray ko naman!"
"Are you okay?"
"'Wag na 'wag kang lalapit!" sigaw ko habang itinaas ko ang isang kamay ko para hindi siya lubusang lumapit sa akin at ang isang kamay ko naman ay hawak itong noo ko na tumama sa pinto. Akala ko napalaki ang bukas ko, yon pala hindi, ang sakit tuloy ng noo ko. "Ang sakit!" naiiyak ko na sabi.
Pero bago pa ako nakatayo ng tuwid ay na out of balance pa ako kaya tuloy na bagsak ako sa dibdib ni Xyvielle.
"Oh my! Sorry Xyvielle," hingi ko agad ng tawad sa kanya dahil sa kapalpakan na naman na pinanggagawa ko.
"Don't move!"
"What? What the f**k-" paano ba naman kasi, agad niya akong binuhat at nakahubad pa siya. Jusmiyo marimar.
"Ibaba mo na ako at magbihis ka nga, kaya ko namang maglakad," saad ko pero hindi siya nakinig at diretso ang labas niya sa walk in closet. Don't say nakahubad talaga siya? Oh my…
Ngayon na ba agad ako bibigay? Mas lalo yata akong hindi handa nung nakita ko na yung ano nya, "malaki kaya 'yon-"
"What's malaki?"
"Your d**k-" agad ko na sabi pero natauhan na lang ako dahil sa binanggit ko na pangalan. "Y-our… y-our oh my ibaba mo na ako!" sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang hiyang-hiya na talaga ako kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko ng palad at mabuti naman na agad akong binaba ng dahan-dahan sa kama niya.
Mas lalong pinikit ko ang mga mata ko para hindi siya makita at baka walang saplot ni isa ang Xyvielle na ito.
"Wait! I'll get ice cubes!" pag-alala niya na sabi.
Wala akong ginawa kundi ang ibaon sa unan ang mukha ko at doon sumigaw dahil sa hiya at sakit ng noo ko, for sure nagkakabukol na ito at namumula na ang mga pisngi ko dahil sa eksena lang kanina.
Spell malas, ako na yata iyon. "Ahhh I hate you, Shanna Cole!"
Ano na lang ang sasabihin ni Xyvielle sa akin? Na isa akong clumsy at higit sa lahat hindi marunong magluto kapag nalaman niya. ''Gosh, tatanda ako nitong baliw."
"Here-"
"Shuta ka!" bigla ko tuloy natampal ang braso niya dahil nanggugulat na naman.
Pinaupo niya ako sa kama para madampian ng ice ang noo ko. Mabuti naman at nakabihis na siya ng puting v-neck shirt at khaki short.
"Still hurt?"
"Ano sa tingin mo?"
"I think so…"
"You know naman pala eh!"
"I'm sorry-"
" No… no… no… why are you saying sorry? It's all my fault."
"But still!"
"Okay-" agad na sabi ko para hindi na kami magtulakan kung sino ang may kasalanan dahil kung tutuusin naman pala ay kaming dalawa nga ang may kasalanan.
Kumuha siya ng malinis na towel sa banyo at bumalik sa akin. Pinunasan niya ang buong mukha ko ng dahan-dahan at mga braso at kamay. At ako naman ay tulalang-tulala habang nakatitig sa kanya. What the.. What is the meaning of this? Gusto niya na ba agad ako?
"There you go! I'm done," ngiti niyang sabi kaya napakurap ako dahil doon.
"T-thank you-"
"No problem. I'll prepare our food for dinner. Do you want to come with me?" tanong niya at dahil nakaramdam na rin ng gutom kaya tumango ako.
Bababa na sana ako sa kama pero, "palaka ka talaga.. bitawan mo na ako. Kaya ko pong maglakad, hindi po ako baldado!" angal ko dahil binuhat na naman niya ako na pang bridal.
"Nahhh… " tanging lumabas sa bibig niya kaya hindi na talaga ako umangal pa at lalong pinalupot ko pa ang mga braso ko sa may leeg niya at baka bigla niya na lang akong ibalibag kung saan at least kasama siya.
Akala niya siguro, nagtiwala na ako sa kanya ng lubusan, baka mamaya tama ang nasa utak ko na isang way n'ya lang pala ito para makatakas siya.
Paano kong patayin niya pa ako bago siya umalis. Gosh… my Lola Alma… paalam na ba ako nito?
"Are you feeling comfortable, now?" bigla akong bumalik sa realidad dahil sa tanong niya. Pinaupo niya ako sa may stall para siya na ang mag-asikaso ng pagkain namin. Bababa na sana ako para tulungan siya pero pinigilan niya ako.
Itatali niya raw ang mga paa ko kung ipipilit ko pang bumaba para hindi na makaalis sa kinauupuan ko kaya wala na akong magawa kundi ang pagmasdan siya na busy sa pag-iinit ng mga ulam na inorder ko at nilagay ang iba sa ref habang ako ito hinahawakan pa rin ang ice bag at dinadampi sa noo ko.
Bukas, susubukan ko na talagang magpractice na magluto para naman maging proud siya sa akin. Dahil nga di ba may kasabihan na kapag marunong kang magluto, habang buhay kang busog. Hmm-
Hanggang natapos niyang initin ang mga ulam na kasya sa aming dalawa ngayong dinner, hindi ako marunong magluto pero kompleto naman ang mga kagamitan ko sa pagluluto sa kusina, kaso nga lang tagaluto na lang talaga ang kulang. Hays.
Pagkatapos niya ng mailatag ang mga pinggan at ulam ay saka pa siya umupo. Bigla tuloy akong nagutom dahil sa amoy ng mga pagkain na ininit niya.
No handcuff siya ngayon, sa pagtulog mamaya ay ewan ko na lang kung ibabalik ko pa. Nakakaawa naman at baka magkakapasa pa lalo ang crush ko. Baka awayin pa ako lalo ng mga magulang niya.
"Salamat Xyvielle-" ngiti kong sabi.
"Drop that name!"
"Huh?"
"Don't call me with that name?" bigla naman akong nagtaka.
"Then, what do you want me to call you?" babe.. honey.. darling.. love. Saan kaya diyan ang bagay?
"Call me, Viño Zane Mornett… "