CHAPTER 09

2113 Words
CHAPTER 09 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Hindi ko alam kung bakit niya iniba ang pangalan niya, okay naman yung last name na Mornett pero, ''Viño Zane? That is your new name?" "Y-yes!" "You don't like Xyvielle? It's a nice name though," wala sa sarili ko na sabi. Tapos na kaming kumain pero dahil na curious ako sa pangalan na ibinigay siya sa akin ay parang may natanto ako. Tama kaya si Nathalia na may pamilya na si Xyvielle sa iba at gusto niya, na walang makakaalam sa totoong pangalan niya kaya ito ang binigay niya na pangalan sa akin? Saan ba ang totoo? Xyvielle or Viño Zane? "Viño Zane!" ulit ko kaya nakita ko na may ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. Kung ganun naman pala na gusto niya ang ganitong pangalan eh di ok lang at ayos lang sa akin basta makita ko lang siyang masaya, wala ng problema sa akin hindi naman ito ang reason kung bakit ko siya dinala dito, pero paano nga kung totoong may pamilya na siya? Anong gagawin ko? At kung totoo nga na may anak o girlfriend siya sa ibang bansa and then… napa buntong-hininga na lang ako. Halo-halo ang naramdaman ko na lungkot dahil, ng dahil sa akin kaya nakasira ako ng ibang pamilya. Masaya ako dahil sa akin siya ngayon. Pero… "Can I ask you a question?" "Go on…" aniya habang nakatitig sa akin. Bigla akong umiwas ng tingin dahil para akong nakukuryente sa mga titig niya habang may saya sa kanyang mga mata. Wala na rin siyang posas. Hindi ko na yata kayang pusasan pa siya. Awang-awa naman ako sa kanya. "Do-do you have a baby?" "What kind of question is that, Miss?" Nagkibit-balikat ako. "Just.. just answer me." "No! Never been!" yun naman pala eh. Salamat naman. Nakahinga ako ng maluwag. Pero sure ka ba Shanna Cole? "How about honey, darling, sweetheart? I mean do you have a girlfriend or wife?" Natigilan siya sa kanyang ginagawa at umangat ng tingin ulit sa akin. "Why do you want to know about my lovelife, miss?" tanong niya kaya hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. "Uhmm.. because… I just one to know! Because you know…I brought you here without your consent and by force." Hilaw ko na sabi habang nakangiti sa kanya na hindi abot hanggang tenga dahil what if meron tapos ganito ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan hahantong itong pag-uusap namin, nasasaktan ako kapag sabihin niya na oo, may wife and girlfriend na pero wala pang anak o manganganak pa lang, tapos nandito siya sa puder ko. Na konsensya ako, kaya ko na ba siyang palayain? Hindi naman siguro magagalit si Lola Alma kapag malaman niya na wala akong nahanap talaga na para sa akin. Papayag na lang ba ako na magpakasal sa anak ng kaibigan niya? Napapikit ako sa mga naiisip, gulong-gulo ang utak ko at the same time nasasaktan ang puso ko. "I don't have a girlfriend neither a wife-" natigilan ako sa sinabi niya. "A-Are you sure?" Nauutal ko na naman na tanong sa kanya. Kaya tuloy natawa siya. "Why are you always nervous while asking me that question? Seems like you won't investigate me first before you kidnap me, huh?" he said coldly kaya napalunok ako doon. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa batok. "I did-" "You did? That's good then," sambit niya at tumayo na siya para kunin ang mga pinggan na pinagkainan namin. "Ako na yan.." "Just stay there, I'll be the one who will wash these dishes." pagpigil niya sa akin kaya napangiti ako. Ayokong rin namang maghugas dahil tinatamad ako. Habang nasa sink siya at naghuhugas ay hindi ko na iniwas ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya, parang kuntento na muna itong mga mata ko na makita ang likod niya, from his broad shoulders, yung likod papuntang oh my God look at his bum bum bum. "Are you done checking my back?" "No! Malapit na.. na.. what? I'm not looking at your butt, Viño Zane Mornett." "You did!" "N-no!" walang siguro ko na sagot, paano kaya niya nalaman na pinagtitigan ko siya, sinulyapan niya ba ako kanina at hindi ko man lang alam? Gosh! Shanna Cole. You're dead. Narinig ko siyang tumawa kaya na itago ko ang aking mukha sa aking mga palad. Hindi pa siya natapos kaya hindi pa ako kayang umalis dito at nakakawalang galang naman yon. Wala na nga akong naitulong sa kanya. Habang naghihintay sa kanya ay napahikab ako at dahil naramdaman ko na lang ang antok kaya hinilig ko ang ulo ko sa ibaba ng lamesa, hanggang hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Naramdaman ko na may humalik sa noo ko, iniisip ko pa kung sino pero walang lumalabas sa utak ko kaya natulog ulit ako. Napabalikwas ako ng upo kinaumagahan dahil may naalala, si Xyvielle I mean si Viño Zane. Dinala niya ba ako sa kama after kung makatulog sa lamesa kagabi tapos ngayon nakatakas na siya. "No way… " Agad akong bumaba ng kama at nagsuot ng indoor slipper at tumakbo papuntang guest room. Pagkarating sa kwarto niya ay agad kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pintuan. Agad naman akong natauhan na makita si Zane na nasa ibabaw ng kama, natutulog at nakahiga ng padapa. Walang pang-itaas at tanging kalahating katawan lang ang natabunan ng blanket na kulay gray. Wala rin ba siyang pang-ibaba? Mabuti at nakatulog ako kagabi na may saplot dahil minsan hindi ako makatulog unless kung nakahubo't- hubad akong natulog. Siya kaya? Lumapit ako sa kama hindi para silipin ang pang-ibaba niya kung may nakatabon ba na tela o wala. Ayon sa relo ko ay eight o'clock na ng umaga. Ano kayang pwedeng ulamin o kainin ngayong breakfast? "Palaka!" mahinang sabi ko, paano ba kasi bigla lang tumihaya ang lalaking ito na natutulog sa kama. Nakatayo na naman kasi ako sa may gilid at hmmm pandesal… Binilang ko ang buns na nasa kanyang tiyan, for sure busog na busog na ako sa six packs niya kahit wala ng palaman. Hmm yummy… "Do you like what you see?" "Yeah– perfect!" walang pag-aalinlangan ko na sagot. "Seems like you're enjoying the perfect views again, Miss Cole!" and that moment I knew I'm f****d up. Again.. again and again. Agad kong binato sa kanya ang unan na nalaglag sa kama. "Hindi ah, asa ka! Pumunta lang ako dito para gisingin ka, na kakain na tayo ng almusal and for your information Mr.Mornett, hindi ko po pinagpapantasyahan yang six abs mo!" "I won't believe you…" Namewang ako habang nakadungaw pa rin sa kanya at siya naman ay nakaupo na at nakahilig ang kanyang kalahating katawan sa headboard habang may ngiti sa kanyang mga labi na nakatingala sa akin. "Totoo nga! Bahala ka diyan. Kung ayaw mong maniwala and then wala akong pak- kang palaka, ano ba?!" Paano ba namang hindi ako sisigaw na bigla niya lang akong hinatak papunta sa kanya. Kaya tuloy na bagsak ako sa kama at pumaibabaw siya. Ang lakas ng tambol ng puso ko na kumakarera. "Viño!" tawag ko sa pangalan niya at may pilyong ngiti ang gilid ng mga labi niya. "You know what! I really don't know the main reason why you kidnapped me. I don't know what's running in your head right now, young lady. What is your plan for me? This innocent face, tempted lips. I don't know what is behind this mask of yours. I hope this is good intention because as far as I know, you are an architect and a model at the same time. If they found out that you're doing this for some reason and then I don't know what will happen to your career after all, you lady." mahabang sabi niya at dahil naintindihan ko kaya nanginginig ang kalamnan ko dahil sa paalala niya. Itinulak ko siya sa dibdib niya at nagpatianod naman siya. Umalis siya sa pagka dagan sa akin at naglakad patungo sa banyo. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil malakas pa rin ang kabog nito. Realization hit me. Narinig ko ang ang tubig galing sa shower kaya agad akong umalis sa kama niya at lumabas. Imbis na pumunta ako ng kwarto para magmukmok ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa dalampasigan. Sumalubong sa akin ang pang-umagang hangin at sinag ng araw at bughaw na dagat. Pero imbis na ngumiti dahil sa magandang tanawin sa paligid ay isa't-isa ng nagsisilabasan ang luha ko. Tumakbo ako papalayo muna sa beach house para humupa itong sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Xyvielle, Viño Zane ewan ko saan ang tamang pangalan niya. Dahil sa sinabi niya. Tama siya… tama siya na masisira ang mga nasimulan ko na career dahil lang sa pagkidnap sa kanya. Pinahid ko ang mga luha ko at pumunta sa dagat para lumangoy. Baka sakali lang mas lalo akong matauhan at pagkatapos kung maligo ay makapag desisyon na ako na palayain na lang siya at pakasalan ang lalaki na gusto ni lola para sa akin. Malay ko, mas gusto ko pala siya kaysa ni Xyvielle. Baka nga after ng kasal namin sa estrangherong lalaki na gusto ni lola para sa akin ay baka lang na matutunan ko ring mahalin. Kung hindi ko naman type ay hindi ko na lang siguro hahabulin ang gustong ipamana ni lola sa akin basta I'll make sure na, na pupunta ito sa magandang paraan. Mas okay kapag sa charity basta wag lang sa stepmother ko na mukha ring pera. Pagkaapak ko pa lang sa tubig ay parang isang saglit ay nakaramdam ako ng relaxation. Malamig pero masarap sa pakiramdam lalo at natatapakan ko ang mga buhawi. Dahil wala namang tao na pumupunta dito sa isla mismo ng mga magulang ko kaya wala namang makakakita kapag naliligo ako. Hinubad ko ang damit ko pang-itaas at pang-ibaba na maong short at tanging bra at panty na lang ang natira sa katawan ko. Naglakad ako patungo sa pinakailalim ng dagat, marunong naman akong lumangoy kaya panatag naman ako lalo at kumikinang ang tubig-dagat na parang nang-aakit pa lalo sa akin na sumuong sa pinakailaliman ng dagat at natutuwa ako na makita na may mga maliliit na isda na sumusunod sa akin. Isa ito sa gusto ko sa Isla na nabili ni mommy dahil tahimik at parang ang mga isda ay dito rin naninirahan dahil alam nila na safe sila sa lugar na ito. Walang kukuha sa kanila at hindi sila sasaktan. Lumangoy ako at ineenjoy ang sarili sa ilalim ng dagat at nakalimutan ko na lang ang sakit na nararamdaman ko kanina. Natauhan na ako at hindi ko na itutuloy ito. Salamat sa paalala niya, sa magiging possible kapag nalaman ng mga awtoridad na nawawala ang isang bilyonaryong si Xyvielle Mornett. Hihingi na lang ako ng tawad sa kanya at sana mapatawad niya ako. Dahil hindi ko dala ang cellphone ko para ma text si Dark na kunin na ni kuya Edgar ang kinuha nila at ibalik na safe sa Manila. Ako? Magpaiwan muna ako dito sa isla for two months dahil two months din yung paalam ko na mag leave sa trabaho. Susulutin ko na lang muna na ako lang mag-isa dito. May pagkain man o wala for sure buhay pa ako niyan bago makauwi sa Maynila. Kumuha muna ako ng hangin at maya-maya ay binalik ko ulit ang sarili sa tubig. Natutuwa ako sa mga nakikita ko sa ilalim ng dagat. It really amazed me na may ganito sa mundo, lupa at dagat at kung wala itong tubig na ito for sure sobrang ganda ang mga nakatago dito. Para akong bata na nakawala sa lungga at isang bata na walang ibang iniisip na trabaho at stress. This is heaven for me. Minsan, sinusundan ko ang mga isda na lumalangoy pero kung sobrang lalim na ay hindi na ako sumunod pa lalo at wala akong ni isang oxygen tank sa katawan para makakuha ng hangin sa ilalim ng dagat. Ramdam ko na ang pagod kaya lumangoy ako paitaas para magpahinga muna pero wala pa yata ako sa kalahati na bigla na lang naninigas ang kanang paa ko. Bigla akong nataranta kaya nakainom ako ng tubig-dagat. Oh God. Sinubukan kong bilisan ang paglangoy papunta sa itaas pero parang hinahatak ang mga binti ko pa ilalim. No… Dito na lang ba ako? Kasalanan ko dahil hindi ako nagsuot ng gear pero akala ko kasi hindi ko maramdaman itong sakit ng mga binti. I cried, wala na akong ligtas pa kundi hayaan ang sarili na hatakin ako pa ilalim. This is it huh!? Mas malala pa pala itong punishment kaysa sa mga na iisip ko kanina. Nakakalungkot lang na… I'd rather die under the sea without someone to know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD