CHAPTER 7
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER
"You kidnapped me, am I right, miss?" ulit niya sa malalim na boses. Ganito ba talaga ang totoong boses niya o dahil bagong gising? "Why? Do you want money from me? How much?" binalik ko ang atensyon sa kanya at hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya.
Pero, alam ko na hindi pera ang kailangan ko sa kanya. Anong isasagot ko? Sasabihin ko na ba agad na dahil gusto kong makuha ang yaman ko or oo dahil sa crush na crush kita simula pa noong una, pwede mo ba akong pakasalan? Ito ba ang sasabihin kaya ko siya kinuha?
Napapikit na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Gulong-gulong na naman itong utak ko na kanina ay ang lalim na na iniisip ko at ito na naman ngayon.
"Miss–" tawag niya sa akin. Sus, don't say nakalimutan niya na ako?
"Not exactly Xyvielle. Let me explain, okay?"
"Xyvielle huh!" ulit niya sa pangalan niya. Nakaupo na siya sa kama malapit sa headboard. Ako naman ay nakatayo na sa gilid ng kama na kinakabahan kung saan aabot ang mga pinag-usapan naming dalawa.
"Yeah! Xyvielle. Uhmm aaminin ko na y-yeah I– I kidnapped you but not because of your money or wealth but because of some reason, and that is uhmm I don't want to talk about it right now," ani ko.
"Why not? How can I know the reason why you kidnapped me if you don't tell me? What if I can get out of here, huh? Are you ready for the possible punishment against you, miss?" mas lalo akong natigilan sa sinabi niya.
Wala pa naman pero namumutla na ako dahil sa magiging kahihinatnan ko sa ginawa ko sa kanya ngayon.
Baka nga isa na akong Wanted at itong kasama ko nasa tabloid na at missing.
No way! Matawagan nga mamaya si Natalia. Ibinalik ko ang tingin sa kanya.
"Why? Will you report me to the police and put me in jail? Is that so?" saad ko. Kaya niya akong ipa kulong dahil sa ginawa ko sa kanya ngayon though hindi na ako magugulat kung totoo man at kapag nangyari nga ay… .patay na ba ang pagiging architect at model ko? s**t. Tapos nasa headline pa ako sa mga tabloid.
Where's your brain, Shanna Cole?
Sana pala ipinagpatuloy ko na lang ang pagbibigay sa kanya ng mga flowers at chocolate o niligawan ko na lang talaga siya sa magandang paraan hindi sa ganitong sitwasyon.
"Miss?"
"Huh?" hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala ngayon. "Do you need something?"
"Yeah–" tipid naman niya na salita.
"What is it?"
"Uncuff me-" utos niya.
"No—"
"No? Then.. where do you want me to pee?" giit niyang sabi. What the heck? Hindi ko naisip ang mga ganito?
"Edi sa cr ka, ayun ang cr oh!"
"Then how could I use the bathroom if I have this?" Tukoy niya pa rin sa handcuff.
"Siguro naman, kaya mo na yan. Total nasa harapan naman yan at hindi ka sa likod nakaposas," saad ko.
"What?" what na naman. Tsk. Paulit-ulit din 'to.
Kaya wala na akong nagawa kundi kunin ang susi sa bulsa ko na inabot ni kuya Edgar sa akin at nakakaawa naman ang my love ko na ito na ihing-ihi na at baka sa pantalon pa makaihi. Yuck lang.
"I'm going to uncuff you now and don't you dare. Don't you ever dare to escape from me! Understand?"
"What if… that's my first plan? What if I'm going to hurt you first before I run away from this f*****g place. Are you ready for that, lady?" pagbabanta niya. Pinatitigan ko ang mukha niya na mukhang seryoso sa sinasabi. Gagawin niya yon sa akin?
Natigilan ako sa pagtanggal ng posas at binalik ang tingin sa kanya. "You're planning to hurt me?" mapakla akong natawa. "The one who saved me from bullying before ay planong saktan ako? Just because of what I did to you, today? Are you f*****g serious, Xyvielle?" may diin kong tanong sa kanya. Hindi ko lang ma imagine nasasaktan ako sa taong ni respeto ko at natutunan ko ng mahalin.
"Saved you? Xyvielle, huh? Tsk. That asshole," kausap niya sa sarili n'ya. Hindi man lang sinagot ang mga tanong ko.
Ihing-ihi na siguro ito at kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig niya at kung kausapin mo naman ay tipid lang kung sumagot. Hindi ko alam na ganito pala siya.
Kinuha ko ang kamay niya para tanggalin na talaga ang posas at para makapunta na siya ng cr. May binigay si kuya Edgar sa akin na bagay na tinago ko sa bulsa ng damit ko for protection lalo kapag manlaban ang bitag ko kung sakali, walang iba kundi si Xyvielle.
"See.. your free now. Umihi kana?"
"Umiihi kana–" ulit na naman niya. The heck, kailangan niya ba ng cotton buds? Bigay ko mamaya sa kanya.
"Wag mong subukang tumakas, sinasabi ko sa'yo!" Banta ko habang ni lock ang pintuan at baka aalis siya bigla. Sa tingin ko naman na hindi niya ako sasaktan dahil mabait ang pagkilala ko sa kanya lalo kung gaano niya ako pinagtanggol sa mga bumubully sa akin dati.
Ngumisi siya pero bago nagtungo sa banyo ay natigilan ako na sa akin siya pumunta at kaya nilagay ko sa likod ang isa kong kamay para easy na lang sa akin na kunin ang spray. "What if.. I will finds ways to escape using your bathroom. How would you feel about that, lady?" dahil sa mga what if ng lalaking ito ay agad na akong lumapit sa kanya at kinuha ang isang pulsuhan at binalik ang posas n'ya. Dahil sa inis ko na rin kaya pati pulsuhan ko ay pinusasan ko na rin.
"Okay na ba? Masaya ka na?" matalim ko siyang tiningnan pero ang gago na'to saka pa sumilay ang ngiti. Hindi halata na nasiyahan sa ginagawa ko ah na pagposas din ng sarili ko, di tulad kanina na magkasalubong lagi ang kilay.
Hinatak ko siya papunta ng cr at binuksan ang pinto.
"Ayan… pasok na at umiih–ayy kabayo… bakit ka ba nanghahatak?" Bigla ba naman akong isinama sa loob.
Shanna Cole baka nakalimutan mo, yung posas niya at sa'yo ay the same lang kaya hatak ng isa damay ang isa. Loka-loka ka.
Maktol ko sa sarili ko.
Narinig kong binuksan niya ang zipper niya at nanlaki ang mga mata ko. s**t! Bakit ko ba to ginawa? Ang pagposas ng sarili ko sa kanya! Langya lang.
"Wait… wait…bago mo ilabas ang ahas mo, tanggalin ko muna ang pagka posas k–" pero hindi niya ako hinintay at talagang binuksan niya na talaga ng malaki ang zipper ng pantalon niya. Holy cow… ayoko pang makakita ng birdie.
Agad akong tumalikod at napapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng lalaking ito. Naramdaman ko lang kung saan-saan na umabot ang kamay ko kung saan may posas, mabuti na lang at hindi dumapi sa balat niya at sa..
Wait… ok nga.. aha… baka maliit? Yan kasi sabi ng mga kaibigan ko na may malaki at may maliit, siguro sa kanya maliit lang kasi hindi man lang dumapo ang palad ko sa sawa nga.
Shit Shanna Cole, ang laswa mo mag-isip. Of course yung kaliwang kamay niya ang ginamit siguro sa paghawak ng ano niya.. kasi di ba kapag umiihi ang mga guy hinahawakan nila para mapunta sa bowl ang ano… ihi.. matanong nga si Monshin kapag nagkita na kami. Bumalik kasi siya ng Japan for vacation.
Narinig ko ang pagsarado ng kanyang zipper. Salamat naman at malaya na akong makahinga.
Pasalamat siya at hindi ako nagka interes na silipan siya kung ano ang bagay sa pagitan ng mga hita niya. Hindi naman ako inosente dahil may ilang beses na akong pinapakita ni Monshin sa mga ganyan na kung paano ang babae at lalaki makipagtalik.
Shit lang at bakit ito ang mga naiisip ko sa sarili ko at sa kanyang…
"Are you done?" tanong ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin dinilat ang mga mata ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Natakot ako eh. Baka may makita ako na magpapalaki ng aking mata, maliit man yan o mahaba. f**k!
"Yeah!" aniya.
"A-Are you sure? Go and wash your hands first," sabi ko sa kanya. Pero ang loko ayan na naman at pinagtawanan na naman ako.
Mabuti na lang at sinunod niya ang sinabi ko at nahatak na naman ako papunta sa gripo para makapaghugas siya kaya bigla kong dinilat ang mata ko at baka madapa pa ako na wala sa oras. Of course, naghugas na rin ako ng kamay at baka may molecules na ihi na dumapo sa kamay ko habang sinisirit niya ang kanyang alaga habang umiihi.
Damn.. Shanna.. iba na ang mga iniisip mo. Kailangan mo na talaga ng holy water. Maraming-maraming holy water pangbasbas para sa utak mong ano-ano na lang ang iniisip.
Pagkatapos magpunas ng kamay ay kinuha ko na ulit ang susi sa bulsa ko para tanggalin ko na sana ang pagkaposas sa aming dalawa pero pinigilan niya ako.
"Why?" Takang tanong ko.Salubong ang mga kilay.
"Because I say so…" ang sarap talaga ibalibag itong Xyvielle na ito. Kanina pa siya. Ganito ba talaga siya makikipag-usap sa mga pamilya at kaibigan niya? Ang tipid magsalita, ngumiti at tumawa.
"Well… ako ang masusunod kaya tahimik ka–'
"Uncuff or do you want me to savage your tempting lips, lady? Choose?" napakurap ako sa sinabi niya. Parang gusto ko yung pangalawa?
Pero no way, sobrang maaga pa para sa bagay na yan. Umiling agad ako. "Okay, mamaya ko na lang tanggalin, I want to eat food na because I'm so hungry. Kaya iinitin na lang natin ang mga pagkain. Okay? May mga dala akong ulam at kanin. And I want to remind you. Don't you dare to escape or hurt me. I will sue you, Xyvielle Mornett!"
"Sue me then! " umirap na naman ako sa kawalan, pasalamat ka at mahal kita.
Kung sa ibang sitwasyon pa ito at iba ang kasama niya na dumagit sa kanya ay for sure sasaktan niya na lalo at pwede niyang kunin sa akin ang susi para makalaya siya knowing na babae at wala akong lakas para makipaglaban sa kanya.
Kulang pa ang kakayanan ko para ipagtanggol ang sarili ko lalo at ganito ka tigas ang katawan niya.
Pero dahil naniwala ako sa kanya dahil di ba…siya si Xyvielle eh… ang tagapagtanggol ko dati kaya kampante akong hindi niya ako sasaktan o sasakalin kung sakali at napatunayan niya yon.
Pero alam ko na pwede paring mag-iba ang sitwasyon at kung mabagot siya dito o di kaya habang tulog ako ay doon pa lang siya gagawa ng hindi maganda. Kaya dapat double ingat pa rin ako.
So?
Walang tulugan ito mamaya?
Tsked, bahala siya.
Isinama ko siya sa kusina of course para mainit ko na ang ulam na binili kanina sa oven para kainin at alam ko na pinagmamasdan niya na ang paligid kung saan ko siya dinala.
Baka mamaya, bumaliktad ang sitwasyon at gagawan niya na ako ng hindi maganda habang nakatalikod.
Goodluck na lang talaga sa akin. Nakahanda naman ang love letter ko kay Lola Alma na nasa journal ko isinulat kung sakaling natagpuan nila akong isang bangkay ay mababasa niya na talaga 'yon.
Of course hindi rin pwede na wala ang mga kaibigan ko, may letters na rin sila and of course to my ate Jean at kah Xyvielle.. yeah. Meron din sa kanya.
Pero naniwala pa rin ako na hindi ako sasaktan ng binata na ito na ngayon ay maganang kumain sa beef steak na inorder ko.
Wala akong alam sa pagluluto kaya panay order kami nito ngayon. Magpapasupply lang ako sa mga tauhan ko at makipagbalita na rin kong hinahanap na na ang kinidnap nila at ako na rin na isa ng Wanted.
Pero sa ngayon…
Saka ko na isipin ang ibang bagay kapag tapos na naming kumain at baka mawalan ako ng gana. Magkatabi kaming nakaupo sa upuan of course dahil nakaposas pa rin ang magkabilaang kamay namin kaya ang hirap palang hatak ng hatak ang kamay niyo habang hinihiwa ang steak.
Bahala na talaga ito, Shanna Cole .