CHAPTER 06
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER
"Sigurado po kayo Miss Cole na hindi na namin babantayan? Baka mamaya po pumiglas at makalaya at baka saktan pa kayo?" napangiti ako sa sinabi ni Kuya Edgar.
Inabot ko na sa kanya ang cheque para sa bayad na matagumpay niyang dinala sa harapan ko ang bitag ko, safe and smooth.
"Yes, kuya Edgar! Hindi ako sasaktan ng taong kinuha niyo. Kilala niya ako at kilala ko rin siya, nanakit lang siya sa mga taong sinasaktan ako."
"Sure ka ba talaga ma'am?"
"Kuya… kanina pa po yang sure niyo na yan!" kunwari naiinis ko na sabi.
"Nanigurado lang ma'am at baka kami malilintikan ng boss namin," yeah, thanks to Dark dahil sa mga tauhan niya. Naturuan ng maayos, hindi ko naman maiwasan na mamangha dahil sa ganito sila ka concern sa kalagayan ko knowing na I'm a girl, a model and architect and the one who kidnapped the CEO, no other than Xyvielle Mornett.
"Yes kuya, kung sasaktan man niya ako and then isa lang ang tatawagan ko at ikaw agad yon. I've already saved your number so there's nothing to worry about," paniguro ko sa kanya.
"Sige ma'am para ma I report na rin namin kay boss Dark na tagumpay ang plano. Yung mga gamit niyo pala ay nasa loob na ng beach house at siguro mamayang gabi na or after 5 hours ay gigising na rin ang bisita niyo Miss Cole," saad ni manong.
Nagpasalamat ako at kumaway habang papalayo na ang sinasakyan nila na ginamit na helicopter paghatid sa akin dito sa isla.
Binalingan ko ang beach house na pinaayos ko pa nung isang taon. Hindi ko akalain na magagamit ko siya ng ilang araw o let's say dalawang buwan? Depende sa pag-uusapan namin ni Xyvielle.
Kung ayos sa kanya ang plano ko and then hindi kami magtatagal ngayon dito sa isla. Pero sana naman magtagumpay ako na hindi lang sa kagustuhan ni lola kaya siya pumayag kundi dahil mahal niya ako. Pero of course, hindi naman ako tanga para sabihin agad sa kanya na pakasalan mo ako ngayon para makuha ko lang ang yaman. Like.. what the hell, masakit yon sa part niya dahil sinira ko ang imahe niya at pipilitin ko lang siyang pakasalan niya lang ako para lang sa yaman kaya ko siya kinidnap. Unless kung mukha siyang pera.
"Shanna.. Shanna… baka nakakalimutan mo na mas mayaman pa ang pamilya nila kaysa sa'yo," kausap ko na naman sa sarili ko.
Tss. Tama nga naman. In short, ako pala ang mukhang pera sa aming dalawa.
"No… hindi kaya!" Hindi naman ako mukhang pera, of course ang ayoko lang ay ang sinabi ni lola na ibibigay niya sa ibang tao ang mana knowing na nandito pa ako. Ako? Nandito pa sa mundo at humihinga pa. Bakit hindi mapasakin ang yaman na yan at ako na ang bahalang mamahagi.
Ayoko lang kasi mapunta sa iba dahil may gagawin ako na pinaka importante sa pera na iniwan ng mga magulang ko. But knowing my Lola na kilala na tigasin sa subdivision namin. Isang salita. Isang gawa and then tapos na, na kahit apo niya ako ay walang bisa ang paawa effect ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng makausap ang lawyer dahil ipinagbabawal ni lola.
"Si Lola Alma kasi… ."
Ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang namumutawi sa akin, makuha ang puso ng crush ko para magkagusto siya sa akin o kung walang choice para na lang talaga sa kayamanan.
"Haaaa….baliw na ako… " sigaw ko sa harap ng karagatan. "Malinaw ang dagat pero yung takbo ng buhay ko pa giwang-giwang. Damn!"
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako papasok sa loob at nag-isip ng mabuti kung ipagpatuloy ko pa ba o ibabalik ko na lang sa Manila ang binata na nasa kwarto ngayon at hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Pero…paano kung ibabalik na lang? What if kasuhan niya ako ng kidnapping at baka ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga awtoridad? Paano kung nasa kulungan na ako tapos wala pa akong yaman na makukuha kay Lola para ibayad sa akin para makalaya?
"Damn it! Bakit ngayon ko lang naisip ang katarantaduhan na ginawa ko?"
"Lord, have mercy on me!"
Sa mabibigat na mga paa ko ay pinilit kong maglakad patungo sa loob ng bahay para initin ang mga ulam na pina order ko na lang sa restaurant.
Pagbukas ko ng pinto ay parang sasabog ang puso ko. Pagmamay-ari ko ito pero bakit parang magnanakaw ako sa sarili kong pamamahay?
I'm an architect but when it comes to design my own place. I liked it simply. No a lot furniture or even painting, may isa akong painting na nilagay sa wall at ito yung painting ni mommy.
Lola said na mahilig talaga si mommy na magpaint, yung iba binebenta para magkaroon siya ng pera kahit malaki naman ang ibigay na pera o allowance sa kanya lalo nung nag-aaral pa siya. Kaya siguro ako nagmana kay mommy na kahit ano mang estado sa buhay ko ngayon ay hindi ako umaasa sa luho ng mga mahal ko, kundi pinakita ko pa yung kaya kong gawin, matalo man o manalo. Paano kumita at trabahuin ng maayos ang trabaho na para sa akin.
Kaya ang painting na nasa sala na kung saan may batang masayang tumatakbo sa garden ng malawak na bahay at napapaligiran ng maraming sunflower and Lola said na, kahit hindi pa ako nakikita ni mommy o nailabas sa mundo, alam niya na ako ito. Ang batang masaya at walang problema habang sinusundan ang paglipad ng paro-paro. She painted this, hindi para ibigay lang sa akin bilang regalo but to reminded me everyday how she loves me so much.
Malalim akong bumuntong-hininga at pinahiran ang mga luha ko. Pagkatapos kong kumalma ay binalingan ko ang pinto ng guest room.
Naglakad patungo doon at pagkarating sa tapat ng pinto ay dahan-dahan akong pumasok sa loob at halos walang sound itong sandal kong suot habang nagtungo sa kama kung saan si Xyvielle iniwan ni kuya Edgar at kasamahan niya.
Kinakabahan man ay bahala na ito. Para talaga akong magnanakaw nito ngayon at kailangan na ingat na ingat ka sa bawat kilos mo.
Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, mix emotion kung sa baga. First time ko itong ginawa, baka nga last time ko na sa mundong ito kung hindi ako mag-iingat. Damn you, Shanna Cole.
And there you are-
Nakita ko siya na nakahiga sa kama, walang malay. May tali sa kanyang mga kamay. Nakatakip ang mga mata.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Awang-awa ako, bakit ko 'to ginawa sa kanya? Kasalanan ko talaga ito. Oh my goodness.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya na wala pa ring malay. Buhay pa naman dahil humihinga pa. Nakatagilid siyang nakahiga kaya malaya ko siyang matitigan.
"I'm sorry Xyvielle, kung bakit ko 'to ginawa sayo. Nasa point na kasi ako na kung hindi ka man mapupunta sa akin ay dapat sa akin ka talaga mapupunta kaya nga kita dinala dito na walang paalam at marahas pa na paraan. I'm really really sorry why I did this to you," kausap ko sa kanya kahit tulog pa siya.
Ngayon na nakita ko siya sa malapitan ay may napansin rin ako sa mukha niya. He has a small piercing sa gilid ng kanyang labi. Hindi ba masakit yan?
May napansin din ako na hindi na naka man bun ang crush ko kundi wavy top na with tapered temple ang buhok niya and he has an earring sa left side ng tenga niya.
Whoaa… pupunta lang ng ibang bansa ang tungo sana niya pero ganito niya pinaghandaan ang sarili niya? Shhh… sino kaya ang popormahan niya doon at nagbago ang style niya pati pananamit? Parang emo style lang ang gusto ng crush ko. Tsk.
And his body… na kahit naka long sleeve polo ay pakiramdam ko ang dami niyang pandesal sa tiyan. Matangos na ilong at higit sa lahat wow mas makapal pa yata ang talukap niya kaysa sa akin. Makapal din ang kilay. Ganito pala siya sa malapitan? "Wow–"
"Are you done, checking on me?"
"Yeah…Ang gwapo mo pala, pal—ahh, ouch! Aray! Aray! s**t! My butt!" s**t lang ang sakit ng pwet ko. Paano ba kasi, nahulog ako sa kama dahil sa biglang nag salita ang binata.
Ouch…
Kahit masakit ang pwetan ko ay agad akong umupo at dahan-dahang tumayo para masilip ang crush ko. Kanina pa kaya siya gising?
Sa nanginginig na mga paa ay sinubukan ko ulit na tumayo kahit nakahawak lang ako sa bed sheet. s**t lang! Para akong loka-loka sa pinanggagawa kong ito.
"f**k–" pagmumura niya. "What do you want from me? Money? I can give you that. Just get me out of this place and uncuff me, now!" galit na saad niya. Bigla yata akong na takot dahil sa pagmumura niya na konti na lang ay sasabog ito dahil may kasama pang panggigil habang pumipiglas.
"W-wait, baka masugatan ka!"
"What?" tanong niya habang nahirapang umupo. Umakyat ako sa kama para tulungan siya.
"Wait nga.. tutulungan kit–" hahawakan ko na sana siya pero tinanggal niya na ang blindfold sa kanyang mata.
Nagkatitigan kami, nakaluhod ako sa harapan niya at nasa lap niya ang dalawang kamay ko habang siya naman ay nakaupo na sa kama, hindi ko alam kung anong position ito na parang nang-aakit na lumapit sa kanya.
The heck..
Napalunok ako dahil sa nakikita kong mukha ni Xyvielle, ibang-iba sa nakasanayan ko na awra niya. Lalo at nakita ko ang kanyang almond shape na mata. Pero ngayon na nagtagis ang bagang at salubong ang mga kilay habang nakatitig sa akin ng matalim.
Scary…
Hindi ko alam kung paano maging kampante dahil sa sunod-sunod na bilis na t***k ng puso ko.
"H-hi!" nauutal ko na bati sa kanya.
"Who are you?" shit.. s**t lang, who are daw. Nagka amnesia ba siya habang dinakip at hindi niya na ako kilala? Di nga.
"Ha? M-me? Hehe ano ka ba? I know you know me? Ikaw talaga," sabi ko sabay lagay ng hibla ng buhok ko sa tenga. Pabebe lang, Shanna?
"I don't–"
"What? Impossible.. wee di nga let me check on you!" pagkasabi ko ay agad akong lumapit lalo sa kanya para I check ang ulo niya. Baka mamaya, hindi pala siya na ayos sa pagdala ni kuya Edgar at kung bakit nawalan siya ng malay dahil binagok nila ang ulo ng crush ko sa dingding para tumahimik kaya siya nagka amnesia ngayon.
Hinding-hindi ko talaga sila mapapatawad at kalahati na lang ang ibibigay ko na pera. Babawiin ko ang kalahati para ipagamot sa aking, my love.
"What the hell are you doing?"
"Checking on you, so please, stay and behave," ani ko at agad naman siyang tumigil sa kakaatras.
Agad kong sinuri ang ulo niya at baka may bukol na ito o dugo na natuyo.
"What the–"
"Stay!"
Wala naman, kaya sinakop ko ng dalawang palad ang mukha niya at sinuri, medyo nakikiliti ako because of his beard hair, pero wala na akong pakialam. I need to check on him at dalhin sa hospital.
Hospital?
No… no… ipapadala ko na lang dito sa isla ang kaibigan ko na nurse kung sakali.
"What do you feel right now? Do you have a headache, ahm any pain in your head?"
"No!" aniya sa matigas na English habang nakatitig pa rin sa akin ng matalim. Kaya binitawan ko na ang mga palad ko sa kanyang mukha.
"How about..umm…do you feel any pain in your body?"
"Yes!" bigla naman akong nataranta. Kuya Edgar…
"Where?"
"Here–" tipid niyang sabi, itinuro niya ang pulsuhan n'ya. Kukunin ko na sana ang susi para pakawalan siya pero natigilan ako. Hindi naman ako sobrang bobo para sundin siya.
Paano na lang kapag pinakawalan ko siya ay baka mauna pa akong matigok at hindi pa ako nakapag paalam kay Lola Alma.
"No– I mean, If you want me to uncap you then promise me one thing that…that you will stay in this island–"
"Island,huh?"
"Y–yeah, island. You are in my favorite place."
"Your favorite place," ulit niya habang nakangisi at umiiling. "You kidnapped me, right?"
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.