CHAPTER 05

1634 Words
CHAPTER 5 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Manong: Paalis na raw po ng bahay Miss Cole. Text ni kuya Edgar, paano niya nalaman na paalis na ng bahay si Xyvielle? Easy… Kapag gusto mong makuha ang target mo, dapat marunong kang makipagkaibigan sa mga taong napapaligiran nito. Like Kuya Edgar, isa sa katulong na nagtatrabaho sa bahay ni Xyvielle ay pinsan niya kaya alam ko kung ano na ang ginagawa nito. Nasa airport na si manong Edgar at ang isa pa niyang kasamahan na kung saan maghihintay na lang na dumating ang sasakyan nina Xyvielle sa airport. Doon gagawin ang plano, bago pumasok si Xyvielle sa airport ay nakuha na siya ng mga tauhan ko, bago siya ilipat sa sasakyan at dadalhin saan naroon ang chopper, kung paano na hindi malaman ng mga tao doon ang mga balak nila na pagkidnap sa binata ay 'yon ang hindi ko na alam. Basta gawin ni manong Edgar ang plano sa lalong madaling panahon at walang palpak na mangyayari at baka walang pera sirang makukuha sa akin. I'm shaking, really… I'm really shaking right now. Para akong may ginawang malaking kasalanan at hindi pa naman ako nadakip ay parang nasa presinto na ako at imbestigahan. Bahala na, sinimulan ko ito eh then tatapusin ko. Ang sama ko na ba? Nilagay ko na sa maleta ang ang pwedeng gamitin ko araw-araw. Limang maleta actually ang dadalhin ko, ganun karami, gosh lipat bahay na ba ito agad? Jusmiyo, Shanna Cole! Binigyan ako ng one month leave ng manager ko at dahil ako ang namamahala sa pagiging career ko sa architect kaya ito na ang bakasyon na pinapangarap ko at hindi ko binanggit kung saan ang punta ko, dahil yon ay privacy lamang. Sa ilang taon na akong nag momodel ay kailangan kong magpahinga at ngayon, ito na yon. Aalis ako sa Maynila at tutungo sa Iligan City, Lanao del Norte na kung saan merong nabili si mommy nung dalaga pa siya na island, a small island na sobrang gandang gawing bakasyunan at nakapunta na rin ako doon ng ilang beses at masasabi ko na nagustuhan ko talaga siya. Pinaayos ko, pinaganda ko para naman hindi matuturn-off ang asawa ko. Asawa ko? "Gosh! Ano ba Shanna Cole para kang tanga! Sabi mo ayaw mo munang mag-asawa, bakit may kasamang harot yang iniisip mo? Gusto mo na ba talaga si Xyvielle? Akala ko ba gagawin mo lang dahilan para makuha ang yaman mo, lalo at alam mo naman na hindi ka type n'on, aasawahin mo pa agad? " saway ko sa sarili ko. " Hmm… yes and yes? I guess yes? Kung napaibig ko siya within one month then maybe may chance na siya na talaga yung destiny para sa akin." kausap ko sa sarili ko, nababaliw na yata ako. "Lola kasi… " reklamo ko habang sinasabunutan ang buhok ko. Narinig kong may nag pop-up na message kaya kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng kama at binuksan ito. Manong: Nasa amin na po, Miss Shanna! "What?" Weehh, di nga? Ganun ka bilis? Hindi ba ma traffic ngayon papuntang airport? Buti naman kung ganun? Sa bagay, madaling araw pa lang, kaya madali lang siyang makuha dahil hindi pa masyadong maraming tao at walang traffic. Buti na lang talaga. Good job mga kuya. Okay niyo palang ka bonding. Actually tauhan sila ng kaibigan ko, si Dark Romanoz. Ayon kasi sa pinsan ni manong Edgar na gusto ni Xyvielle sa ganitong oras aalis para gabi na siyang makarating sa kung saan man ang biyahe niya. Tsk.. pero hindi niya alam na sa ibang bansa siya pupunta I mean Pilipinas pa rin pero dadalhin ko siya sa ibang isla. "Well..well…see you soon Xyvielle Mornett. Bago tayo makabalik sa Maynila asawa na kita. Shanna Cole Mornett ang idadag mo sa pangalan ko! s**t! Kinikilig ako…" sa sobrang kilig ko at wala akong mapagsabihan ng kilig kong ito ay dinaan ko na lang sa pagulong gulong sa kama ang kasiyahan ko. Ganito ba talaga ang magmahal? Yung pakiramdam na hindi mo lang siya superhero kundi isa mo pa siyang crush gosh.. do I fall in love already? Hindi ko pwedeng sabihin kay Monshin kahit sa kanya naman ako kumuha ng idea na idaan sa ganitong senaryo ang pagkuha ng target ko kahit hindi niya alam na sinunod ko, narinig ko lang dahil madaldal yong babaklita na yon, si Nathalia lang na co-officemate at friend ko lang talaga ang nakakaalam. Pero ngayon na madaling araw pa, of course I don't want to disturb her morning sleep. Mamaya ko na siguro siya tatawagin. At ako naman ay hindi naman ako inaantok dahil nakatulog ako ng matagal kaninang hapon. Sa ilang minutong pagpalag ni Xyvielle ay ngayon daw wala ng malay, dahil sa pinaamoy sa kanya na gamot para makatulog and now lumipat sila ng van para maidala siya sa private chopper na pinarent ko pa talaga para makarating sa island na yon. Alam na ni kuya Edgar kung saan nila pwede ewan si Xyvielle pagkarating nila doon. Mamayang five to five thirty ng umaga pa ako aalis sa bahay dahil hihintayin ko na munang magising si lola Alma, kahit alam naman niya na aalis ako sa araw na ito. Binilin ko na rin sa mga kasama sa bahay na alagaan nila si Lola ng mabuti. Uuwi naman ako kung kinakailangan. "Toothpaste, toothbrush, feminine wash, deodorant, damit, towel lahat check, ayos..wala na ba akong nakalimutan? Nandito na siguro lahat." kausap ko sa sarili ko. Kulang na lang dadalhin ko lahat ng mga gamit ko sa Isla na yon. Tsk. Gaya ni Xyvielle, susunduin din ako through helicopter, dahil exclusive island lang yon kay mommy kaya hindi yon pinaparenta at kahit maging tourist destination pa iyon ay hindi ako papayag dahil ang bahay na yon ang tanging yaman na iniwan ng mga magulang sa akin. Ang kwento ni lola na minsan tumatakas si mommy sa pag-aaral kaya nagalit ang Lola kaya ayon, imbis na ikulong sa bahay pinalayas ba naman si mama at ito namang si mommy ay nag-explore na mag-isa hanggang one time habang nasa himpapawid kasamang namasyal sila ng dati niyang boyfriend bago si daddy ay may namataan siya na island na walang katao-tao or ano pa and the rest ay history na, ayaw na ipaalam ni lola ang buong detalye kung paano yon napa sa kanila ang island. Basta pinaglaban yon ni mommy. Ang alam lang ni lola na kahit maarte si mommy ay hindi siya maarteng mag design ng kung ano-ano pa man, kaya siguro na mana ko kay mommy ang pagiging architect ko though architect naman din si daddy pero maarte ako kaya kay mommy talaga ako nagmana. "Mag-ingat ka doon, apo! Make sure na may nahanap kana na boyfriend pagbalik mo." "Lola! " "Oh, ang yaman, remember?" "Yan na naman kayo sa ganyan, hindi ba pwede na mag-aasawa ako o maghahanap ng nobyo na walang kapalit?" "Pede naman, pero alalahanin mo pa rin kung ayaw mong mapunta sa iba ang gusto mo." aniya. Kung alam mo lang Lola na nauna na sa isla ang crush ko Kya bakit pa ako maghahanap ng iba. "Okay po… " tinaasan niya lang ako ng kilay. "'Wag puro trabaho apo, may pera ka pa sa isang bank account mo, gamitin mo yon kaysa mabulok lang ang mga yon." "Ginagamit ko naman po lalo na kapag may bibilihin na mga damit for photoshoot or events and what do you want Lola, na maging tamad ako at aasa na lang sa luho ng mga magulang ko, sa inyo? No way! Gusto ko rin pong magkaroon ng sariling pangalan sa bansang Pilipinas na ito, you know kaya ako nagtatrabaho," sambit ko habang kumakain kami ng almusal, minsan kasi maagang nagigising si Lola kaya pinipilit ko ang sarili ko na bumangon para sabayan siya siya sa pagkain bago matulog ulit kapag inaantok na naman. "Ganun ba? Then I will donate your money from–" "Lola? Hindi naman sa ganyan. Basta ako na po bahala sa mga yaman na iniwan sa akin, if ever man-" "Okay! Sabi mo yan. Basta, always remember, apo. They're are two types of people in this world, the good one and the bad one. Choose who you can trust with, not all are trustworthy and friendly. Because some, they just want your money and classy damn gold thing. Love you, apo! " aniya sa malambing na boses. " Lola…" " I know… I know.. that's why Lola's love you so much and I'm so proud of you. You know what kind of path you wanted to be, I know your parents are really proud of you. So do I." "Thank you po, Lola. The best Lola ka talaga para sa akin." "Dapat lang!" proud niyang wika at nagtatawanan kami habang masayang kumakain. Kuya Edgar texted me na nadala na nila si Xyvielle sa island at nasa kwarto raw ito at hanggang ngayon wala pang malay, on the way na yung chopper para sunduin ako. I texted Dark, one of my friends, a son of mafia rather na darating ako sa building niya para doon na ako sunduin ng mga tauhan ko. I said goodbye to my Lola and this is it, my f*****g journey as a kidnapper begins here. I hope I won't regret it after this. God! Have mercy on me. Naging smooth ang biyahe ko, the weather was good and I feel like every minute para akong sasayaw sa tuwa knowing na sa isang bahay lang kami ng taong matagal ko ng gusto. Oh no… Why am I obsessed with this guy? Anong meron sa kanya at naging ganito ako? Will I take his heart or will this be the end of my life? My self, my people and my career, just because of my grandma's request and my dumbest feeling towards this man. Xyvielle Mornett.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD