CHAPTER 04

1600 Words
CHAPTER 4 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER "Basta manong Edgar, kayo na po ang bahala ha, may tiwala ako sa'yo, naka wire na po ang pera sa bank account mo and dadagdagan ko pa po yan kapag nagawa niyo po ng maayos lahat!" panigurado ko kay manong na kung saan isa sa tauhan na gagawa ng mga plano ko na pagkidnap kay Xyvielle. I'm really desperate for this. Really, really. The heck, huli ng na realize ko, oo nga pala. Babae ako tapos ginagawa ko itong bagay na ito na kilalang model at architect sa bansang Pilipinas ay may lihim na maitim na plano. God… What did I do? Pero bahala na, dahil everytime na ayoko na sanang gawin ay saka naman pumapasok sa utak ko ang pinagsasabi ni lola at ang pinaka inisan ko pa sa lahat na parang nabibingi na ako sa paulit-ulit na nagrereply sa utak ko ay ang hindi ko yata matanggap nung sinabi ni Xyvielle na hindi ako yung tipong babae niya. Tapos may tawa effect pa na akala mo parang nandidiri sa akin, tapos ako pa yung babae ang nagbibigay ng chocolate at flowers pa talaga. Grrr. Nakakahiya ka talaga Shanna Cole. Ano ka sugar mommy? Damn it. "Xyvielle Mornett, humanda ka sa akin." Matikman mo lang itong mga labi ko, for sure gagawin mo na itong mukbang. "Ahhh… ang dumi ng utak mo Shanna.. ang dumi…dumi girl!" bulyaw ko sa sarili ko habang nag papadyak at minsan sinasabunutan ang ulo ko. Nahihiya ako sa sarili ko ngayon. s**t lang. Mas pina gulong-gulong ko pa lalo ang sarili ko sa kama at tumitiling mag-isa habang tinatabunan ng unan ang bibig ko para ma realize ko na tama ako, tama ang gagawin ko, walang mali sa gagawin ko. Ewan ko na lang sayong puso ka? Ang rupok-rupok mo. "Bakit ikaw pa Xyvielle? Bakit?" inis ko na tanong sa sarili ko. Saan ba patungo itong buhay ko? Si Lola Alma kasi– "Come in!" sigaw ko sa may pintuan dahil may kumakatok. Nagmo moment ako dito eh. "Miss Shanna!" Tawag ni Yaya Bebang. "Yes, Yaya?" "Pinapasabi po ni madam Alma na bumaba po muna kayo dahil may bisita po kayo na gustong makipag-usap sa inyo," napaupo ako sa kama dahil sa sinabi ni Yaya. Hindi naman ako nakatulog kaya naka short at loose t-shirt ang suot ko ngayon. "Sige po. In ten minutes kamo ay baba na po ako. Salamat Yaya," saad ko. "Sige iha!" agad akong bumaba sa kama at nagtungo sa banyo para magshower saglit. Hindi ko alam kung sino ang bisita na tinutukoy ni Yaya. Bakit kailangan pang magpakita ako? Ako ang gustong makausap, for what? Mga kasosyo lang naman siguro ito ni lola sa kanyang business, dinamay pa ako. Magpakilala o magpapakita lang naman siguro ang beauty face ko kaya i guess okay na itong white t-shirt at black waistline pants. Pagbaba ko ng hagdanan ay naabutan ko si lola sa may sala na nakaupo sa single sofa na naroon at may kausap. Masaya siguro ang topic kasi nagtatawanan. Hindi ko lang masilip kung sino ang kausap dahil medyo nakatago ang space itong hagdan namin patungong sala. Tumingala si lola at nahanap niya ako. "Shanna, apo!" "La– ," "Umupo ka at may ipakilala ako sa'yo." sa mabibigat na mga paa ay sinunod ko si Lola. Bigla pa akong nagulat na may nakaupo sa kabilang sofa. Siya na yata ang tinutukoy ni lola. "Apo, I would like to introduce you the son of my friends, his name is Lance Navarra, he is an engineer," tumayo ang lalaki para lapitan ako para makipag kamayan. Agad din akong tumayo. "Hi! Lance Navarra," inabot ko ang kamay niya para sa isang handshake. "Shanna Cole, architect of Cole Design Corporation. How may I help you?" agad ko na tanong. For sure may kailangan siya dahil hindi naman mag-eefort na pumunta ang isang tao sa bahay kung walang kailangan. Nakita kong tumayo si lola, "Mag-usap lang muna kayong dalawa at papanhik na muna ako sa kwarto ko. Be nice to him Shanna, okay? Don't worry. He is mabait, right iho?" agad din sumilay ang ngiti ng lalaking ito kaya hindi ko tuloy maiwasan na umirap. Yang mukha na yan? Mabait? Parang may pinaiyak na bata ito eh. "Well see that madam–" "Lola! Just call me Lola, hindi naman nagkalayo ang edad niyong dalawa, pwede pa ngang kayong ipakasal dahil bagay kayo," bigla akong napaubo dahil sa sinabi ni lola. "Lola naman…hindi po magandang biro iyan." "Apo? I told you!" mas lalong umasim ang sistema ko dahil sinaway ako ng lola sa harapan ng lalaking ito. "Yeah! Hindi po talaga madam," ani niya sa baritong boses, buti na lang at sumang-ayon ka kundi ibalibag kita sa pamamahay na ito kahit nasa harapan ko pa si Lola. Sheesh, Shanna Cole, ayan na naman ang devil inside mo. "Na hala! Paalam na sa inyong dalawa at manonood pa ako ng Korean drama," pareho kaming tumikhim ng lalaki dahil sa sinabi ni lola. Yeah, at her age 89 ay nahuhumaling siya sa mga Korean drama, recently. Kasalanan ito ng Yaya namin na isa, na kung saan ang hilig manood ng k-drama kapag natapos ang kanilang ginagawa o break time nila kaya nung naabutan ni lola na nangingisay sa kilig ay na curious ang matanda at nanonood na rin, hindi pa nga natapos ang isang episode ay inaabangan na ang next. Ayon, wala na akong ibang ginawa one time kundi naghahanap kami ng mga completed na drama na yan. Patawarin sana siya ni lolo na sumakabilang-buhay na. Bumalik kaming dalawa sa pag upo na wala na si lola sa harapan namin. "How may I help you, Mr. Navarra?" balik tanong ko sa kanya. Hindi ko itinanggi na may itsura din siya, pero para sa akin yung tagapagtanggol ko ang pinaka gwapo sa lahat ng gwapo sa balat ng lupa I mean universe. "Sorry for invading your property Miss Shanna Cole," buti alam mo, sabi ng isip ko, dapat mag-appointment muna sa secretary ko pero dahil friend ni lalo ang mga magulang niya kaya here he is, Sabado pa talaga pumunta na day-off ko, and I don't want to be rude dahil nandito na siya pero sana lang, "I'm here to give you a proposal na makapag design ka ng isang condominium unit for girls property only." aniya, ano raw? "Come again? Do you mean? Don't say…you are involved in human trafficking?" biglang tumaas ang boses ko. Gago ba 'to! Anong akala niya sa akin? No way. "What? Of course not, Miss Cole. Why should I do that? Does not what you think, okay?" agad na angal niya. "Then, what is it?" matalim kong tingin sa kanya. Humalukipkip ako habang hinihintay ang kanyang sagot. "May pinatayo kami na school together with my co-engineers and already had a condominium unit for boys sa mga gusto umupa, so–" "So, you want me to design a condo for females only, tama?" tanong ko. "Y–yeah and I found your architect magazine in which your name was mentioned, so I guess you're the one that we've been looking for this project. If you accept this work then welcome to our team, Miss Cole." pinag-isipan ko ang sinabi niya. "Well, just give me one week to finish my sample and my secretary will email you for your approval, Mr. Navarra." sambit ko. Bibigyan ko ng pansin this week ang project niya dahil may ilang days pa naman ako para pumunta ng island para sa isang mission. Like black mission. Worst mission ever. "Woah!! That was so fast, Ms. Cole. Kaya pala binansagan kang one of the best architect this year." "I know right!" pagmamayabang ko kaya pareho kaming nakangisi, akala niya ba na hindi ko rin alam na isa rin siya at ibang ka team niya na nanalo na isang magaling na engineer. Marami pa kaming suggestions and opinions about this new project of Mr.Navarra at malapit ng matapos ang ginagawa ko kay Mr. Smith na design naman sa kanyang bahay sa Cubao. So I think matatapos ko talaga ito ng mabilisan bago ko ipasa sa mga ka team ko and then email na lang sa mga clients ko. Nasa bahay lang ako buong maghapon unless kung magyaya sina Monshin and Nathalia. Nababagot ako sa office, kapag nasa bahay kasi nakakausap ko si lola at kung gusto ko magpahinga ay walang problema. Kung pagod at gusto kong mag relax at maligo sa swimming pool ang isa sa choice ko o di kaya magpapiano sa music room ko then kapag naka set at nakapag-isip na ang utak ko saka pa ako babalik sa projects na ginagawa ko. Ganito ako magpalakad ng company na tanging iniwan ng mga magulang ko pero sayang lang at hindi pa lahat ay mapapa sa akin dahil sa kagustuhan nilang mag-asawa muna ako. At ngayon ay gagawa ako ng masamang plano sa kapwa ko na walang tanging nakakaalam sa sikreto ko kundi si Nathalia at Manong Edgar. Handa na akong bayaran ang magiging consequences ko kapag nangyari nga ang kinakatakutan ko na magsumbong ang lalaki na kinidnap ko if ever na makatakas siya. 'Wag naman sana. Mas lalo yata siyang maging tigre sa akin. Bahala na. Pagkaalis ng bisita ay agad akong nagtungo sa kwarto ni lola at naabutan ko siya na panay tawa sa pinapanood n'ya na Korean drama. Napailing na lang ako sa nakikita kong kasiyahan ni Lola. Ang manood ng k-drama na nakakakilig. I'm the happiest person too kapag nakikita ko ang Lola ko na nagpalaki sa akin na masaya. I'll do anything for my Lola Alma. I promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD