CHAPTER 10

1695 Words
CHAPTER 10 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER "Don't worry, Mr. Mornett! She's fine." "Thanks Doc." Narinig kong may nagsasalita pero hindi ko alam kung nasaan. Gusto ko man idilat ang mga mata pero sobrang bigat ng mga talukap ko. Manhid ang mga katawan. Hindi ko alam kung bakit. Galing ba ako sa bugbugan at ganito ako kahina ngayon? Dahil sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko kaya mas mabuti na lang na ipahinga ang sarili ko. Baka mamaya maging okay rin ako. Sayang lang at hindi ko masasabayan si Lola Alma sa almusal kung anong oras na ngayon. Kung pupunta siya sa kwarto ko ay for sure diyan niya pa lang malalaman na may sakit ako. Maya-maya maramdaman ko na lang na nasa ospital o pinapunta na ni lola ang mga nurse sa bahay para tingnan ako, hindi titigil si Lola Alma na kulitin ang mga doctor para lang ako ay gumaling. Pero ngayon na hindi niya alam na ganito ako kahina kaya hihintayin ko na lang siya. Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko para makatulog ulit ako. Babawi ako sa'yo Lola. Pagkatapos naming maglaro ng volleyball ay agad akong pumunta sa locker ko para magkapagbihis na ako ng bagong damit. Ito ang laging paalala ni lola sa akin na kapag galing sa pawisan ay dapat magbihis ng bagong damit para hindi magkasakit. Pagkasara ko sa locker ko ay agad akong nagbihis ng puting v-neck shirt at loose black pants. Walang estudyante pa na pumasok dahil nasa field pa ang halos karamihan. Nagmamadali kasi ako dahil natatakot na ma abutan ng mga kaklase ko o di kaya ibang section. Pero nagkamali yata ako ng timing na makitang papasok na sila ng girls locker room. "Ladies! Ang nerd na si Shanna Cole, nandito na pala sa locker, nagmamadali ang loka-loka! For what? Para makatakas ka sa amin?" galit na sabi ni Darla. Hindi ko siya pinansin at diretso lang ang lakad patungo ng exit door. Dahil isang principal ang tatay niya sa school kaya siya ganito, mapagmataas sa kapwa na kahit nananahimik lang ay inaaway niya lalo kung hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya tuloy kahit ako na bagong lipat lang din ng school dito sa Pilipinas ay kailangan ko pang mag-adjust pero sa kasamaang palad, halos ang mga kaklase ko ay ayaw sa akin. Ayaw nila akong kausap. Hindi naman yun problema sa akin. Kaso nga lang pati ako dinadamay nila. Hindi lang si Darla ang may galit sa akin, marami pa. Hindi ko lang alam kung bakit. Dahil ba sa nerd akong manamit at tahimik lang, hindi kasi nila alam na nagluluksa ako kaya ako tahimik or galit sila dahil sa estado ng buhay na meron ako o dahil…hindi ko na alam. Nasa labas na ako ng hatakin ni Darla ang buhok ko sa likod kaya bumagsak ako sa sahig at tumilapon pa ang eyeglass ko. Hindi ko sila pinapansin habang tumatawa at iniinda na lang ko na lang ang sakit ng pwet ko dahil sa pagbagsak kanina dahil hinanap ko muna ang eyeglass ko kung saan tumilapon. Kinapa ko ang sahig na maabutan ng mga kamay ko pero wala talaga akong mahanap. "Yung eyeglass ko, please… have you seen my eyeglass? I really need it. I-i can't see kasi eh!" naiiyak ko na sabi. Pero imbis na tulungan ako o ituro kung saan nakalagay ang eyeglass ko ay narinig ko na lang ang malakas nilang pagtawa. May narinig ako na may naglalakad patungo sa gawi ko, "sa'yo ba itong eyeglass, nerd?" Boses ni Darla ang narinig ko. Tumingala ako para makita ko kung sa akin nga ba talaga. Kahit blurry ang paningin ko ay pinilit kong makita kung sa akin nga ba talaga iyon. Ngumiti ako na mapansin ko na kahawig ito sa ginagamit ko. "Y-yes, that's mine. Thank you…" nakangiti kong wika. "Really? Wee di nga! Ito? We'll kung sayo nga ito ay ito oh… boom, ayon na… nasa soccer field na Shanna Cole, kunin mo na lang!" Saad ni Darla at hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko na imbes ibigay niya sa akin ng walang kahirap-hirap ang eyeglass ko ay mas itinapon pa ito sa malayo. "Why did you do that?" Galit ko na tanong sa kanya. "Aba! Galit ka? Galit?!" duro niya sa noo ko. "What happened here?" may narinig akong boses lalaki. "Eh! Anong pakialam mo?" tanong ni Darla."Kahit na ibalibag ko pa ang babaeng ito ay wala kang paki na doon!" pero imbes na matakot ay narinig kung tumawa lang ang lalaki. "Really?" tanong niya at tumawa ulit . "Okay let me see. Hello Mr. Gondon. Kung mahal mo ang trabaho mo paki ayos ang utak ng iyong anak. Oh! Anong ginawa? Look at the CCTV and see for yourself! Ayoko ng makita ang pagmumukha ng mga estudyante na nanakit malapit sa girls locker ng 4th year, starting tomorrow. Why? Remember the vision and mission bago pinatayo ni grandma ang school na'to. K, bye." Kausap niya sa kabilang linya. "Now!" maya-maya may narinig akong naglalapitan na mga tao. "What? Hindi ako nakisali, sumama lang ako kay Darla! No!" "Kung sino ka mang gago ka, pagbabayarin mo ito!" Boses lang talaga ang familiar sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari sa kanila pero ayon sa mga narinig ko na parang hinuhuli sila. Tatayo na sana ako pero napabagsak ulit ako sa sahig. "Lola Alma!" iyak ko na tawag kay Lola. "Let me help you-" "Huh? Aaayyy… ." tili ko dahil bigla n'ya akong binuhat kung sino man ang lalaking ito. "Mabigat ako-" "I know!" Sumimangot ako. Pinunasan ko ang luha ko at tiningala siya kahit hindi siya klaro sa paningin ko. Hindi man lang nag deny na hindi ako mabigat, talagang I know talaga. Nahampas ko tuloy siya sa may dibdib. "Ibaba mo na lang ako at sayang naman ang energy mo." Pagmamaldita ko. Pero hindi naman siya nakinig. Hindi ko alam kung sino ang estranghero na ito na tumulong sa akin dahil hindi ko siya makita dahil malabo talaga ang mata ko lalo at galing ako sa iyak. Narinig ko siyang tumawa. Mas lalo akong nakasimangot habang karga niya pa ako. "Pero salamat sayo. Thank you for saving me." "May kapalit ang pagtulong ko!" "Ano naman 'yon?" tanong ko. Kumapit lalo ako sa leeg niya at baka bigla niya akong bitawan. "Saka ko na sasabihin kapag naalala ko na," sabi niya sabay tawa. "Huh? Alam mo hindi rin pala kayo magkakasundo ng utak mo ano? Alam mo na may kapalit ang pagtulong mo pero nakalimutan mo." "Yeah! Nakalimutan ko. Ang ganda mo kasi… ouch… pinuri kita tapos ganyan ang ganti mo sa akin? Cannot be… " reklamo niya. Kulang pa nga yang tampal sa braso eh, sa sobrang kilig ko ay baka nasabunutan ko pa ang buhok niya kaso hindi ko magawa at baka bigla niya akong ibalibag. "Hindi kasi iyan ang pinag-usapan natin tapos ikaw naman itong nag-iba," sambit ko. "Just because… basta…We're here!" May narinig akong tunog ng pagbukas ng sasakyan. Tinulungan niya akong makaupo sa front seat ata ito dahil sa mga nakakapa ko. "Feeling comfortable now?" Tukoy niya kung saan niya ako pinaupo sa kanyang sasakyan niya yata? Anyway..bahala na, nakasakay na ako eh. Kaya tumango na lang ako. "Will go first to the hospital para matingnan at ma check ang mga galos mo at hahanap na rin tayo ng eyeglass na para sayo," napangiti ako dahil sa sa sinabi niya. I don't know him pero kuyang-kuya siya sa akin. Paano ko kaya siya mababayaran? "Thank you, my hero!" "My hero… " ulit niya kaya natawa ako. "Ayaw mo ba? Ano ba ang pangalan mo at iyon ang itatawag ko sa'yo?" "Nahh… I prefer the first one," aniya kaya ngumiti ako kahit sobrang labo niya talaga sa mga mata. Hindi ko siya makita ng maayos hangga't wala akong salamin. Hays bakit ba ganito ang kalagayan ko. Subukan ko kaya yung sinabi ni lola na surgery sa mata. "Based sa result ng laboratory ay maayos naman siya, wala namang damage o nabali na buto-buto kung saan siya unang na bagsak, namumula lamang ang kanyang pwet o tinatawag na gluteus maximus kaya bibigyan kita ng ointment at pain reliever para gumaling kana. But of course, a little reminder na dapat mag-ingat na next time. Okay darling?" "Yes po, thank you po." sabay naming nagpasalamat ng kasama ko. Narinig kong bumukas na ang pinto hudyat na umalis na ang nurse sa room kung saan ako dinala. "Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ng hero ko. Ngumiti ako sa kanya. "Medyo okay na ako. Salamat sa pagtulong sa akin, kung wala ka siguro kanina ay baka hindi na ako makakauwi pa na buhay sa bahay namin." "Don't worry, pagbalik mo sa school ay walang sinumang mananakit pa sayo dahil nandito lang ako sa likuran mo. Babantayan kita as I promised, Okay?" "Talaga?" excited ko na tanong. "Ay hindi… hindi talaga…hahayaan lang kita," aniya kaya napanguso ako. "Bad mo naman, hindi pala totoo ang mga sinabi mo, sana hindi ka na lang nangako para hindi mapako…aray. Bakit mo pinitik ang noo ko?" "Kasi ang bilis mong maniwala. Inaasar lang naman kita nung panghuling sinabi ko at totoo yung nauna. Ano? Kaya mo na bang maglakad? Next nating patingnan kung anong bagay na eyeglass para sa mata mo, para naman makita mo ang kagwapuhan ko," aniya, pero sa huling sinabi niya ay deadma lang ako. To see is to believe, kaya. Tumango ako at bumaba sa hospital bed at naglakad. Ilang hakbang lang ay kamuntikan na akong madapa dahil natamaan ko ang silya na naroon. Walang magawa ang hero ko kundi ang ilagay ako sa likod niya. Kahit nahihiya man ako na for sure pinagtitinginan kami ng mga tao na naroon paglabas namin ng kwarto ng hospital na naka piggyback ako sa kasama ko ay wala na akong pake. Ang sarap kaya sa feeling. Pagkarating namin sa 3rd floor ay agad akong inaasikaso ng optician at agad pinasukat ang mga eyeglasses na available sa kanila. Pumikit ulit ako para maisukat niya ang napili namin na eyeglass sa mata ko. Pagkatapos niyang mailagay ay saka ko pa dahan-dahang idinilat ang mga mata ko. "How are you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD