CHAPTER 3
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER
Nagising ako dahil sa paglubog ng kama ko na alam mo na merong humiga. Minulat ko ang mata ko at si ate Jean ang nakita ko.
"Wake up, sleepyhead! Hindi ka nagtext na nakarating ka na pala nung isang araw." pagtatampo niya. Inunat ko ang katawan ko para ma stretch ang mga buto-buto ko.
Si ate Jean, actually Pretty Jean ang totoong pangalan niya pero sanay ako na Jean lang.
"Hey! Inaantok ka pa? Magpapasama sana ako sa'yo sa gallery museum ng friend ko, may bibilhin ako na art doon, please." aniya.
"Huh? Ate.. alam mo naman na hindi ako sanay na pumunta sa mga ganyan. Hindi ba available ang mga kaibigan mo o di kaya si mama mo?" mungkahi ko dahil sa totoo lang, hindi ko talaga forte ang pumupunta sa museum dahil may naalala ako. Pero ang ate ko kasi mahilig siyang mangolekta ng mga painting, ewan ko kung para saan na ang dami ng naka-display sa bahay nila na nasa Makati na iba't-ibang klase ng art painting na yan.
Ngumuso siya, ayan na naman ang paawa effect niya.
Ate ko siya sa ama, wala akong magawa kundi tanggapin ang katotohanan na nagkasala si daddy kay mommy. Knowing na buntis si mommy sa akin nung nalaman na may kabit si dad at malapit ng ipinanganak at ito ay si ate, masaklap kasi nagbunga ang maling relasyon na nagawa nila na pinagsisihan naman ni daddy dahil natanto niya na mas mahal niya si mom na kahit pinagtabuyan siya ng mommy ko ay hindi siya umalis. Nung namatay si mommy, pinakilala ni dad sina ate at ang stepmom sa pamilya niya at kay Lola Alma na ina ni mom dahil na rin sa kagustuhan ni mommy bago siya mamatay na maging isang pamilya kami.
Wala akong kamuwang-muwang na hindi ko pala totoong ina ang nakagisnan ko na si mama Milagrosa, kaya pala na mas binigyan niya ng pansin sa pag-aalaga si ate dahil 'yon pala ang katotohanan, kung hindi ako nagkasakit ng dengue noong bata pa ako at nung kailangan masalenan ng dugo ay hindi daw pwede si mama kaya bigla niyang sinabi na bakit siya eh hindi ko naman yan tunay na anak.
"Isa pa Ate may meeting ako nitong umaga kaya hindi ako available, please schedule na lang natin ang pagpunta, tawagan mo na lang ang friend mo na magpareserve ka ng painting para naman pagpunta natin doon ay ready na, sent niya kamo ang finish works niya sayo para hindi second choice ang ibibigay sayo."
"Hmmm, sige na nga, saka na lang 'yon, gusto ko na ikaw ang kasama ko eh para bonding time na rin sana tayong dalawa." aniya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Well, may next month pa naman ate na magkasama tayong dalawa, maglalaan ako ng oras diyan, sa ngayon kasi na month last na muna ang pagbabar ko noong isang gabi dahil gusto ko munang mag focus sa padedesign ng bahay at sa katunayan ay may tatapusin ako na projects kaya hinahabol ko ang oras at araw ko habang wala pang schedule sa pagmomodel," paliwanag ko rin. Masaya naman kasama ang ate ko lalo kapag kami lang dalawa, basta wala lang ang kanyang mommy, dahil kapag makikita ko lang ang mukha niya ay masisira na agad ang mood ko dahil sa ibang dahilan.
"How sad, kawawa naman pala ang bunso kong kapatid! Sobrang busy eh ang yaman yaman mo na!" yaman? Saan naman banda kung lahat ng yaman ko ay naka freeze dahil sa ayaw ibigay ni lola sa kanyang kaisa-isahang apo at ako yon, ako sana ang bahala kung paano ko yun gagastusin, hindi ko naman iyon gagastusin sa ibang dahilan, bakit kailangan ko pa talagang maghanap ng isang tao para maging asawa para lang sa kagustuhan ni lola na hindi ako mag-isa sa mundong ito, akala ba ni lola na kagaya ng kanyang irog ang magiging boyfriend ko na mapagmahal at maalaga at responsible paano kung hindi, hay naku na lang, ang Lola Alma ko talaga.
"Kung mayaman nga ako ate eh bakit pa ako nagtatrabaho?" saad ko. Napaisip tuloy siya habang pareho kaming nakahiga sa kama patagilid para makita namin ang isa't-isa habang nag-uusap.
"Ayy basta mayaman ka, matalino ka, maganda ka higit sa lahat ay virgin, ouch—" hinampas ko tuloy ng unan ang kanyang balikat.
"Bakit ikaw? Hindi ka na virgin? Hindi? Don't say may iba ka habang malayo ka doon sa sinasabi mo na mapapangasawa mo, ate?" tanong ko habang sinusundot ang tagiliran niya.
"Wala ah, the same lang kaya tayo. May boyfriend, pero never been touched, never been kissed. Wait, wala ka pa palang boyfriend ano? Gusto mo hanapan kita sa dating app?" mungkahi niya. Bumangon na ako dahil may pasok pa ako, dahil ako lang naman sa kwarto natutulog at pumasok lang ang ate ko para makichismiss kaya sanay na siya na nakikita akong hubo't-hubad kapag natutulog, sila ni lola, like tanging seamless underwear lang ang sinusuot ko.
"Nahh! Meron akong boyfriend!"
"Wee… saan at bakit hindi mo sa akin pinakilala?" nginitian ko siya.
"Nasa ibang mundo pa… kaya relax lang ate, ipakilala ko rin siya sayo sa tamang panahon, okay? Diyan ka na at maliligo na ako, dahil may meeting pa pala ako ng umaga." paalam ko at nagtungo na sa banyo.
"Anyway, this coming month I'll be out in this country?" bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo na matigil ako dahil sa sinabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Really? Saan naman and why?" humahalukip ako habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Vacation, together with him! Basta!" nahihiya niya na sabi.
"So, doon kayo magkikita sa ibang bansa tapos ayaw mo pang sabihin sa akin? Paano kung may masama siyang balak sa'yo? Akala ko ba sa makalawa o tatlong buwan pa kayo magkikita?"
"Huh? For sure wala ah at mabait yon, believe me, isa pa dito siya dederitso sa Pilipinas para ipakilala ko siya sa inyo bago kami pumunta sa ibang bansa. Then maybe pagbalik namin, magpapakasal na kami."
"Nge.. mauna pa ang honeymoon niyo bago ang kasal?
"Basta!"
"Basta… " hindi ko alam pero nagdududa ako sa babaeng ito. Ano kaya ang binabalak niya.
"Hindi ko alam kung anong nasa utak mo pero make sure mo lang na matino yang sinasabi mo na papakasalan mo!"
"I love you sista, mauna na ako sa'yo, may ibang lakad na pala ako ngayon. Bye!" paalam niya, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakalabas na siya ng kwarto ko.
Bumuntonghininga ako at agad pumasok sa banyo para maligo.
"Thank you so much Mr. Smith. I'll assure you that our projects will be done for one month. Before one month, rather" sambit ko.
"Thank you so much also, Ms. Cole. I'm looking forward to that project. Alright that's all for today's meeting. I'll see you around then." aniya.
"Yes, sir. Thank you so much." saad ko.
Hanggang nakaalis na sila ay bitbit ko pa rin ang ngiti sa mga labi. Niligpit ko na ang mga importanteng documents for the blueprint. Asikasuhin ko agad itong projects para naman wala na akong poproblemahin bago ako magkaroon ng projects sa aking model career.
"Hello girl! Ano na? Top up?" ngumiti ako at pinakita sa kanya ang signature sa projects ni Mr. Smith. Pang limang clients ko na si Mr. Smith ngayong buwan, basta kapag may pinapagawa sa akin buong maghapon at gabi ko ito binibigyan ng pansin para matapos na agad, ganun ako ka sipag na architect, tsk. "Wow! Congratulations beshy. Ano mukbang tayo?"
"Nah! Kung ngayon then sorry muna, hectic ang schedule ko ngayon baka mamayang gabi bago umuwi pwede pa." sambit ko kahit parang gusto ko nga ngayon kumain ng masarap na pagkain.
"Ok, mamayang gabi na lang bago tayo umuwi. By the way, may chika ako!"
"Wala akong oras sa mga chika na y–"
"Kahit tungkol ito sa crush mo?" agad kong sinarado ng journal notes ko para pakinggan siya. Ewan ko ba kapag narinig ko na nga ang tungkol sa lalaking iyon ay bumigay na agad ako kahit nasaktan na ako nung isang araw na nasa bar kami, sariwa pa sa akin ang mga pinagsasabi niya. Ganun pa man kapag naalala ko ang sinabi ni lola ay talagang naging alisto ako dahil atat na talaga ako kaysa mapunta lang sa wala ang lahat na pinaghirapan ko.
"Sus! Sabi ko na nga na eh."
"Ano nga ang tungkol sa kanya? Please hurry up at ng makalayas kana dito? For sure may gagawin ka pa na iba bukod sa chismiss na yan," biro ko.
" Ay grabe naman ito. Ito nga, ang alam ko aalis siya ng ibang bansa."
"And? Umalis siya kamo!"
"Wee… paano kung sabihin ko na one year siya doon o hindi ko alam kung babalik pa yon ng Pinas, yun ang nakalap ko na balita ha, alam mo naman my cousin is a friend of your crush." natigilan ako sa sinabi niya, hindi pwede ito. Kailangan na talagang gumawa ako ng paraan.
Hanggang hindi na ako nakatiis at pumunta kami ni Nathalia sa bar at sinabi ko sa kanya ang mga plano ko, kaya hanggang ngayon matalim pa rin ang tingin sa akin dahil baka maisama ko ang pangalan niya sa madadawit kung magkabwelyaso kami.
May tauhan na rin ako na game naman niyang gawin ang mga plano ko. Basta, p*****t is the key.
So the plan A ay bago pa siya makasakay ng eroplano ay maharangan na namin siya. Kinabahan ako pero bahala na. Kinausap ko na pero hindi talaga madala sa magandang usapan, ayaw ko rin maghanap ng iba kasi para sa akin perfect siya na maging boyfriend ko.
May island si mama somewhere in Mindanao na pagmamay-ari niya mismo dahil binigay ni lolo at lola kaya sinabi ko kay Lola na magbakasyon muna ako doon dahil stress sa trabaho kahit one month o two para masimulan ko na ang plano ko sa crush ko.
Of course hindi ko sinabi kay Lola na may lalaki ako doon na kasama lalo at galing yon sa kidnap. Hindi naman ako hihingi ng ransom kundi papaibigin ko siya at kung hindi effective ang plan A, then doon ako sa plan B at yon ang magpakasal siya sa akin sa peke na marriage contract, pwede naman totoo para mas makumbinsi si lola Alma na kasal na nga kami and then at one year ay magpapaalam na kaming dalawa sa pamamagitan ng divorce, for sure maintindihan ni lola but I'll make sure na nasa bank account ko na nga ang mana kung ano mang mana yan bago kami magdivorce ng soon to be husband ko.
Kung wala talaga siyang naramdaman sa akin then time na para pakawalan siya.
Papakawalan ko siya kung ayaw niya sa beauty ko.