CHAPTER 02

2067 Words
Chapter 2 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkakita ko sa kanya. Kinikilig na nahihiya, ewan ganun ang nararamdaman ko ngayon. Sa katunayan, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon, gusto ko siyang lapitan to say hi lang sana pero may mga alipores siyang kasama na nakaupo sa kanyang tabi at nakikipag landian sa kanya. Kung wala lang akong pinag-iingatan ngayon na career ay talagang titirisin ko ang mga babaeng ito. "Anong drink sa'yo beshy? The same flavor pa rin ba?" Tanong ni Moshin sa akin. Nakaupo sa kanang bahagi ko habang katapat ko naman ang crush ko na si Xyvielle. Galing siguro sa office ang crush ko na ito dahil naka office attire pa siya. Pinilit na naman siyang pumunta dito sa club kung sino man yang friend na tinutukoy ni Moshin na kaibigan. Hindi lang kasi isa o dalawa ang lalaking andito na friend niya kundi lima kasama na ang crush ko at pinto na babae, kasama na ako, kasama na rin si Moshin sa binibilang ko. "Yep, white wine na lang, please!" ani ko. Agad naman siyang tumango at tinawag ang waiter na lalabas na sana pagkatapos maihatid ang pulutan. Sinabi ng kaibigan ko ang iinumin ko at umalis na ang waiter pero may pahabol pa na kindat itong baklang ito, kaya tuloy umismid ako, meron ng natipuhan tapos ngayon maghahanap na naman ng iba. Okay lang sana kung ang habol sa kanya ay pagmamahal at responsibilidad pero minsan meron talagang iba na nang-aabuso ng kasiyahan at kabaitan mo. "Cheer!" Sigaw namin at tinungga na ang laman ng aming hawak na mga glass o di kaya ang nasa can. "After this, magsisimula na ang bandang Elizcalde kaya dapat suportahan natin sila, okay? Okay!" Tanong ni Moshin, sagot niya rin. Hays– lasing na talaga siya. Umalis na ang dalawa na kasama sa banda, ang drummer at nakatuka sa piano. Kakarating lang ng vocalist at guitarist kaya ngayon nagreready na. Basta balita ko may irerelease sila na kanta ngayong taon, nakikinig lang ako sa mga kanta nila pero hindi ako fan na fan talaga sa kanila. Siguro hindi sila ang bet ko na banda kundi ang mga hip-hop ang nakasanayan ko, simula pagkabata o dahil lagi ko naman silang nakikita at minsan kasama sa circle of friends namin katulad na lang ngayon na narito sila kasama sa group namin at ngayon baba na para mag patugtog. May bago silang ere release na album, mapanakit daw ito kaysa sa nauna nilang na released. Hindi ako fan pero kumpleto ang CD ko na galing sa kanila with signature pa yan nila, see… ang swerte ko sa bandang ito, samantalang ang ibang fans, nakikipag siksikan pa sa concert o album signing, gumagastos ng malaki para makapunta sa concert o gig. Ako na walang invitation, pero kapag may magyaya minsan naka vip seat pa dahil may kaibigan ako na nililibre ako, hindi ko sinasabi na si Moshin ito pero parang ganun na nga, gusto niya lang na may kasama siya sa lahat ng lakad niya sa Elizcalde na sinusuportahan niya na banda simula pa noong na nagsisimula pa lang sila kaya gora na narin ako, lalo at minsan nababagot ako na laging nasa bahay lang at minsan nasa bahay pa ang stepmom ko na akala mo naman bahay niya kung makialam siya sa mga gamit doon ng mga magulang ko eh sampid lang naman siya. Kung hindi lang mabait ang ate ko na anak niya eh di sana pinapalayas ko na ang stepmama ko sa bahay. "Why don't you go with them?" muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko na wine dahil sa biglaang pagsasalita ng tao sa harapan ko, narito pala siya at hindi sumama sa mga alipores kanina? Ang layo ba ng iniisip ko para hindi ko siya napansin na narito lang naiwan sa vip? Imagine, kami lang dalawa ang nandito. Gosh. Ito na ba yung sign na sabihin ko sa kanya na gustong-gusto ko siya at kapag pareho kami na naramdaman o may pagtingin pala siya sa akin ay dito na ako kikilos na alokin siya para pumayag siya na magpakasal sa akin sa lalong madaling panahon, of course, hindi ko muna sasabihin sa kanya ang dahilan dahil ayoko namang maramdaman niya na ginagawa ko lang ito para sa yaman ng pamilya ko na mapunta lahat sa akin. Hmmm… "Sorry! Huh! Ano? Hindi.. uhmm hindi ko lang feel na sumama ngayon para makipag cheer sa banda, k-kasi masakit yung paa ko, t-tama masakit nga ang ankle ko kaya hindi pwede na tumayo ng matagal sa dance floor ayon sa sabi ng doctor ko na tumingin sa akin dahil nga sa sobrang pagod na rin ng ilang mga days na may photoshoot akong sinalihan sa Singapore at pagrampa kaya kailangan daw na rest muna ako ngayon." pagkukunwari ko, sana maniwala siya pero totoo yon na nakakapagod na tumayo ng ilang oras o bago matapos ang banda. Depende sa kanta na pinapatugtog. Nginitian ko siya at agad itinaas ang wine ko, " cheer!" ani ko at tinungga ulit ang wine sa bibig ko. Pinagpawisan ako ng malapot na kami lang dalawa dito sa vip room. Samantalang kitang-kita sa glass wall ang mga tao sa dance floor na masayang nakikisabay sa pagkanta ng bandang Elizcalde. "Ganun ba?" tanong niya, parang ayaw pang maniwala. Ngumuso ako at niyuko ang ulo ko, tinititigan ang alak na nasa lamesa, isa pa kaya... Binalik ko agad ang tingin sa kanya dahil sa tanong niya kanina. "G-ganun nga," s**t, kanina pa ako nauutal. "Ikaw? I-i mean bakit nandito ka at nagpaiwan?" dahil nandyan ka Shanna Cole, tumikhim ako dahil sa iniisip ko na ako ang dahilan kung bakit siya nagpa-iwan sa loob. Ang yabang ko naman ng very light doon. "Wala naman akong gagawin sa baba o balak sumayaw at dahil siksikan pa dahil sa punuan na naman ang mga tao sa oras na ito kaya mas mabuti na lang na magpaiwan dito sa vip." aniya. Tumango ako. Humalukipkip. Inayos ko ang pang-upo ko. Nakaramdam tuloy ako ng antok dahil sa barito niyang boses. Nakaka in love naman masyado. Sa bagay, tama nga naman siya. Hindi naman siguro iiyak ang bandang Elizcalde nila kung wala kaming dalawa versus sa napakaraming fans na ngayon ay enjoy na enjoy na sumasabay sa kanta ng kanilang iniidolo. At least present kami, okay na yon, medyo naririnig naman namin sa vip room ang pinapatugtog ng banda. Marami pa kaming pinag-usapan at hindi ko na namalayan na marami na akong alak na nainom, samantalang ang kausap ko ay patungga lang ng pakunti-kunti. Mapungay ang mga mata na nakatingin sa akin. Siguro, ito na ang tamang paraan para lumakas ang loob ko sa gusto kong sabihin sa kanya. Total panay alak na ang katawan ko kaya for sure kaya ko ito, sabi nga nga ng iba na uminom ka lang ng alak at lalakas din ang loob ko. Ma subukan nga ngayon. Nakaupo pa rin siya sa mahabang sofa habang nakadiskwatro, ang isang kamay nasa mga tuhod, ang kanang bahagi naman ay 'yon ang hawak ng can ng beer na iniinom niya , kaya tumayo ako sa pang-isahan na sofa na inupuan ko at pagiwang-giwang na lumipat sa gawi ng crush ko. Alam kong nagulat siya dahil sa ginawa ko. Nginitian ko siya, "sorry, medyo hindi ko kasi marinig ang pinag-uusapan natin. May sasabihin sana ako," umpisa ko, sinisisi ko lahat sa alak ang mga gagawin ko ngayon, lalo at na isip ko na naman ang kayamanan ng mga magulang ko na gusto kong makuha sa buong buhay ko. "At ano naman 'yon?" tanong niya sa akin, uhmm bakit ang suplado natin ngayon, crush ko? Nagbukas ulit siya ng beer at uminom mismo sa can. Napalunok ako na makita ang kanyang adams apple kaya inabot ko rin ang alak na naroon sa mini table at binuksan ito at uminom mismo sa can gaya niya. "Uhmm… " s**t. Tama ba itong gagawin ko o dahil despirada na talaga ako kaya gagawin ko na agad ito. Nagmamadali na ako eh dahil ang palugit lang ni lola Alma ay two months eh anong petsa na, kapag si lola pa naman ang magsabi na ibibigay niya ang mama sa iba ay talagang totohanin niya eh. "You know what? I really really like you since the day na tinulungan mo ako noong nag-aaral pa lang tayo ng highschool, remember?" magiliw kong tanong, naghihintay na maalala niya ako at lumiwanag ang mukha niya dahil ako yung babaeng tinulungan niya. Ilang beses ko na itong sinabi sa kanya at hindi rin ako mapapagod o magsawa na ipaalala sa kanya pero ganun na lang ang paglumo ko na tinawanan niya lang ako habang umiiling. Bakit kaya? "Then how many times did I told you na kapatid lang ang turing ko sa'yo?" aniya na mas lalong nagpa bigat ng damdamin ko. "No way! Gusto kita, I mean crush na crush kita, simula pa noong una. Bakit hindi tayo pwede? Bakit kapatid ang turing mo sa akin? Wala ka namang natitipuhan o girlfriend, di ba? Then why not me?" again, my heart cuts into two. Parang everytime na nagbabakasakali ako sa nararamdaman ko sa kanya na tanging kami lang ang nakakaalam ay talagang ganito rin ang laging nangyayari, rejected by the man whom I fell in love with. "Shanna! Shanna! Look, this is the first time na sabihin ko rin sa'yo ito para ma pigilan mo ang nararamdaman mo sa akin. I already have a girlfriend and next month I'm gonna meet her. I'm sorry," pinigilan kong lumabas ang mga luha ko sa mga mata dahil sa sinabi niya, akala ko double kill lang bakit ngayon naging triple killed pa nga ang nangyari. Kung alam ko lang na ganito pala ang kahihinatnan ng pag-uusap na ito ay di sana sumama na lang ako kay Moshin na sinusuportahan ang kanyang idol, eh di sana tumatalon-talon ako sa tuwa ngayon, hindi ganito na nasasaktan na naman ako dahil sa sinabi ng crush ko. Mas lalong masakit na pinagtapat niya sa akin na kapatid lang ang turing niya sa akin at may girlfriend na siya. Ang sarap umiyak sa harapan ni Moshin o di kaya kay Nathalia. Kung hindi sana ako pumunta dito ngayon at natulog na lang sa kwarto ko ay hindi sana ako nasasaktan. "I'm back! Gosh nakakapagod beshy! Namamaos na ako sa kakasigaw! Kamusta kayong dalawa rito?" tanong ni Moshin pagpasok niya sa vip room. Tumayo ako at nginitian siya, "restroom lang ako Moshin." "Oh! Alright." aniya sabay kuha ng mineral water sa table. Kinuha ko ang black clutch bag ko at pasuray-suray na nagtungo ng pinto. May tumulong sa akin para magbukas ng pintuan at amoy pa lang ay alam ko na kung sino. "Salamat," yon lang ang sinabi ko at umalis na sa vip room. Nawala yata ang pagkalasing ko at napalitan ito ng inis na hindi na naman ako nagtagumpay ngayon. My inheritance… Dumiretso na ako ng bahay at hindi na bumalik sa vip lalo at nakita ko ang mga alipores kanina na kasama niya na nagsisi pasukan sa room. Nagtaxi na lang ako at iniwan ang sasakyan sa parking area, kilala ko naman ang may-ari ng club na ito kaya ayos lang. Umuwi na lang ako sa bahay na mabigat ang kalooban, tenext ko na lang si Moshin na nauna na ako dahil masakit ang ulo ko at nagreply naman siya agad, pagkarating sa bahay ay dali-dali akong naligo para mawala ang alak sa katawan ko at sa wakas makahiga na rin sa kama. Pero imbis na matulog ay tulala akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko na nilagyan ko ng glow in the dark na mga star at isang moon, nawala ang antok ko at malalim na nag-iisip kung anong pwedeng gawin dahil sa broken hearted ako ngayong gabi, kung wala talaga akong pag-asa sa kanya then focus ako sa plan A at yon ang makuha ko lang ang mana ng mga magulang ko. Wala akong ibang mapili na lalaki, may kasama naman ako na lalaki o friends na model kahit sa trabaho ko for being architect pero wala talaga akong matipuhan na lalaki na pwedeng magkunwari na lang kay Lola, kasi nga di ba? Kung papakasal naman ako sa ibang tao pero sa kaisipang nakatatak ang pangalan ko sa marriage contract eh bakit hindi na lang doon sa tao na gusto ko mismo? Oo nga naman Shanna Cole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD