THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER 01
"Grandma! What do you mean by that? Huh? You mean?"
"Tama ang narinig mo Shanna Cole, bago ko ibigay sa'yo ang yaman na iniwan ng mga magulang mo at sa akin ay dapat kasal ka na and don't say no kasi request yan ng mga magulang mo bago sila pumanaw," paliwanag ni grandma Alma sa akin na tanging nagpapalaki sa akin at nag-aalaga dahil maaga palang na iniwan ako ng mga magulang ko.
Pero dahil sa sinabi niya, actually hindi lang naman ito ang unang beses na sinabi ang mga bagay na 'yan kundi everytime na magkikita kami dito sa mala mansion na bahay namin na walang katao-tao kundi kami lang dalawa at mga kasambahay at driver.
Dito ang bagsak ng mga paa ko kapag galing sa ibang bansa o dito lang sa Pilipinas para sa shooting ng products o modelling. Kaysa magbukod ako ng tahanan ay minabuti ko na lang na dito kay Lola tumira para maalagaan ko rin siya kahit may nurse naman ang lola.
Ako lang ang nag-iisang apo niya, dahil nag-iisa ang lang din naman niya si nanay at sa kasamaang palad namatay siya nung pinanganak ako.
Pagod ako sa trabaho at gusto ko sanang pagkatapos kumain ng dinner ay makapagpahinga na ako sa kwarto pero ito na naman ang paulit-ulit na binubungad ni lola sa akin.
"Lola naman, kaya ko namang mag-isa, kaya ko pong mamahala ng mga kayamanan na iniwan ng mga magulang ko kung yan po ang pinoproblema mo. Bakit kailangan na ibigay niyo sa iba? Ang masaklap pa hindi ko pa masyadong kasundo ang kerida ni daddy. And what? Mag-aasawa pa ako? La ang bata ko pa, di ba pwede na lang ibigay mo na lang sa akin na walang kapalit?" mahinahon kong paliwanag sa kanya para maisip niya na tama ako at mali siya.
Ang bata ko pa para mag-asawa, marami pa akong pangarap para sa sarili ko, sobrang dami pa. Gusto ko pa na makilala bilang magaling na architect sa mundong ito at higit sa lahat may pangalan sa larangan ng pagmomodel. Hindi ako umaasa sa pera ng lola at mga magulang ko pero ibang usapan na siguro kapag narinig mo na hindi mapupunta ang mana sa akin.
Hindi naman ako mapera pero ayoko namang mapupunta ito sa iba at kung meron man akong nagustuhan at gustong pakasalan ay ang matagal ko na crush, pero hindi pa yan mangyayari ngayon dahil ang hirap amuhin ng lalaki na yon.
Lahat na yata ginawa ko para mapansin niya. Chocolate and flower, ayon ginawa ko na, babae ako pero binibigyan ko siya para lang mapansin niya ang kagandahan ko pero wala talaga.
Ang alam ko na hindi naman daw lalaki ang hanap niya, of course naisip ko ang bagay na yan dahil sobrang nakapagtataka lang. Wala naman siyang ibang babae na nahuhumalingan sa ngayon.
"Iha! Listen. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sayo."
" La…hindi po…"
"Dahil sarado pa ang puso at isipan mo kaya yan ang nasabi mo, pero kapag natagpuan mo na ang taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo for sure maiintindihan mo ako at masasabi mo na tama ako, apo." aniya.
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil mas sarado ang utak ni lola sa mga bagay na yan, pinapakialaman ang love life ng iba, ang laki nga naman ng problema ko, ganito ba talaga kapag Lola na o matanda na at kahit ano-ano na lang ang naiisip gaya ng sinasabi ng lola ko ngayon, jusko marimar ng buhay na 'to.
"Kailangan within this month may makilala na ako na mapapangasawa mo at kung hindi yan mangyari ay talagang ipapakilala na kita sa anak ng kaibigan ko."
"Lola! No way! Ako na po ang maghahanap. One month? Gawin niyo naman ng 2 months." I murmured.
"Okay!" kita mo yun ang bilis talaga magdesisyon ni lola basta usapan love life ko na, basta makapagbitiw na ako na deadline o salita ay approved na sa kanya agad-agad.
"Lola! Bakit naman kasi kayo nagmamadali?" simangot ko na sabi, nawalan na ako ng gana na ubusin itong dessert na cake dahil sa hindi na sweet ang nararamdaman ko ngayon.
"Kasi malapit na akong mawala sa mundo, apo," bigla ko siyang tiningnan.
"La hindi pa po yan mangyayari, ang bata nyo pa para mawala sa mundo at malakas kapa."
"Hindi mo masasabi ang panahon iha, siguro oo malakas at matapang pa ang Lola mo pero hindi habang buhay ay lagi kitang masusubaybayan at maalagaan. Ibinilin ka ng mga magulang mo sa akin at ang sabi nila na hindi kita iiwan hangga't hindi ka pa nakapag settle. Kaya mo ngayon dahil bata ka pa, pero sa pagtanda mo kailangan mo rin ng tulong ng iba at kung pipiliin man ako, gusto kong magka-asawa kana." paliwanag niya.
"Lola… "
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa long table at tiningnan ako sa mga mata.
"Mahirap ang request ng lola pero alam ko na darating ang araw na tama ang desisyon ko. Goodnight my favorite grandchild." aniya.
Tumayo na ito at ibinigay ng private nurse niya ang baston. Naglalakad patungo sa kwarto niya para magpahinga. Naiwan akong mag-isa sa hapag-kainan. Tulala ng ilang segundo, nag-iisip kung ano ba ang pwedeng gawin sa problemang ito? Pupunta ng bar para uminom at magwala sa dance floor?
Nah… I have a lot of things to do tomorrow. May meeting pa ako, so I have to attend a f*****g meeting na yan. Hindi na pwede na i-cancel pa yon knowing na ilang beses ko na yung pinapaliban sa secretary ko.
Pero ang cellphone ko panay naman ang ring. I rolled my eyes when I saw who is the caller.
"Yo! Where are you? Balita ko nakarating ka na galing sa Singapore! Ano pasalubong mo sa akin?" ngumiwi ako sa sinabi niya.
Wala man lang kumusta ka na kung okay pa ba ako, pasalubong agad ang hinahanap sa akin.
Sampal gusto niya?
"Kita tayo sa bar bandang nine ng gabi, okay? Nandoon yata ang bandang Elizcalde sa club mamaya kaya dapat samahan mo ako, pwede mo na ring isama kung sino man ang gusto mo pang isama, okay? At isa pa, wear revealing clothes for tonight landian, okay? Okay!" tss. Kung nasa harapan ko lang ang lalaki s***h babaeng ito ay for sure nasabunutan ko na siya.
"Pagod ako!" ani ko. Sa daming nangyari sa ibang bansa kaya kailangan ko ng pahinga ngayon na nandito na ako sa Pilipinas.
"Don't worry, gigising ang diwa mo dahil na invite pala ng kaibigan ko ang kaibigan niya na crush mo girl!, Sige ka mau—"
"Sige pupunta ako, wait lang ha magbibihis muna ako, saan ba yang bar na yan?" tanong ko na nagmamadali na umakyat sa hagdan para makapag-paganda.
"Wooh Shanna Cole, anak ng milyonaryong angkan ay nagmamadali para lang makita ang crush mo ha!" aniya sa kabilang linya. I rolled my eyes for the fifth time.
Kailan pa bang ibulgar niya eh alam naman niya yon.
"Ewan ko sa'yo, Moshin. Alangan naman, namimiss ko kaya siya dahil matagal din ako sa ibang bansa." sabi ko habang nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.
"Na hala, bilang friend-enemy support na lang ako, pero kapag nasaktan ang puso mo… "
"Nandyan ka pa rin para sa akin. I love you Moshin. Mwah mwah…" pang-aasar ko sa kanya.
"Eew… ew.. don't say that… alam mo naman na hindi tayo talo girl at kung may magsabi man sa akin ng ganyan, ang mga papaloves ko lang," mas lalong napangiti ako.
" Arte nito… sige na at maliligo ako, bakla." paalam ko.
"Alright, bilisan mo ha kung ayaw mong tirisin kita dyan sa singit mo, nanggigigil ako sayo, ang ganda mo doon sa photo na sinend mo na magazine, naiinggit ang beshy mo, my dear," maarte nitong sabi. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nagdadabog na ito habang pinagmasdan ang mahaba niyang nail art.
Isa kasi siya sa may-ari ng mga ganyang business kaya minsan napapalibre ako kapag doon sa shop niya ako magpa mani-pedi.
Pagkatapos naming mag-usap ng kaibigan ko na half Japanonesa ay nagmamadali na akong pumasok sa shower para maligo.
Para sa akin, every minute ay mahalaga lalo at may inspirasyon ako kung bakit ako nabubuhay sa mundo, in short… kung bakit ako nagbibihis ngayong gabi dahil may naghihintay sa akin sa club. Tss.
Ang makita at makausap ko na naman ang matagal ko na crush. Ito na naman ako, kinikilig kahit bituka sa tiyan kapag naiisip ko siya, lalo yung mga time na nag-aaral pa ako dati na lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambubully sa akin na ngayon ewan ko na lang kung nasaan na, kasi yung isang leader nila sa pagkakaalam ko nakapag-asawa at ngayon nagtitinda ng isda sa palengke para sa pang-araw araw na gastusin, hmm mabisita nga ang lugar nila one of this day.
Well.. hindi naman para mambully sa kanya pabalik tulad ng ginawa niya sa akin dati kundi bibili lang naman ng isda, lalo at matagal na akong hindi naka kakain lalo na ang tilapia at bangus na prito.
Hays nag cacrave tuloy ako.
Wearing my favorite black bodycon dress na hapit sa hubog ko na katawan, well… na biyayaan tayo ng hinaharap at likuran kaya comfortable akong suotin ang mga ito, thong at adhesive bra lang ang ginamit ko under.
High heels? Nahhh pass muna ako sa ganyan dahil gamit na gamit na ang mga paa ko sa heels kaya I'm wearing sneakers na lang at dadalhin ko na rin itong denim jacket ko, in any case.
Curly hair sa dulo at mabilisang make-up lang ang ginawa ko. Pagkaharap ko ulit sa salamin to check myself ay napagtanto ko na—-'maganda ako," taas-noo ko na sabi sa sarili ko.
Hindi pwede na ibang tao lang ang kayang pumuri sa akin dapat ako mismo ay dapat pinupuri din ang sarili ko kasi bago natin mahalin ang iba ay dapat mahalin muna ang sarili natin.
Hays…
Ito na naman ako dahil sa sinabi ni lola sa akin about sa paghahanap ng mapapangasawa.
Nag-ooverthink na naman ako.
Dahil ayokong masira ang gabi ko kaya ngumiti ulit ako habang tinitingnan ang sarili ko sa bilog na salamin na nasa kwarto ko.
Nag missed call ulit ang bestfriend-enemy ko kaya kahit hindi ko sasagutin ay alam ko na ang gusto niyang sabihin at 'yon ang
ipaalala sa akin na may lakad kami.
Baka sermon na naman ang abutin ko kapag nagkita kami dahil sa hindi natuloy na lakad dahil minsan nakakatulog ako at hirap na akong gisingin, kaya walang Yaya na makapagpagising sa akin lalo at sapilitan.
Nangbabato ako ng unan at walang pakialam kung may matamaan dahil nakapikit lang ako, iniisip ko na lang kung saan banda ang nagsasalita at doon ko itatapon.
Pagkarating sa club na tinutukoy ng kaibigan dito sa BGC ay agad akong pumasok sa loob dahil ang bruha nasa vip room na at naghihintay na lang na magpapatugtog ang Elizcalde band bago lumabas ng lungga at magsisisigaw para suportahan sila.
Mabuti na lang at pinapasok agad ako ng bodyguard at ang sumalubong sa akin ay ang amoy ng alak at sigarilyo. Palakas ng palakas ang sound music habang papalapit na ako sa loob.
Nasa gilid lang naman patungo sa taas kaya umakyat na ako sa hagdan para mapuntahan ang kaibigan. Wala si Nathalia dahil busy ang beshy sa project ng kanyang pamangkin na pinangakoan niyang siya ang gagawa.
"Hi bakla! Ayan na ang model ng mga tala. Asan ang pasalubong ko?" hindi na ako nakatiis at binatokan ko na. Wala akong pakialam kung sino ang mga nandito sa vip room pagpasok ko. Sinalubong niya agad ako kaya hindi ko kita ang mga tao sa room.
"Aww…why naman nanakit?"
"Pasalubong agad ang bungad mo sa akin bakla ka, wala man lang kumusta ka na?
"Ito naman, hindi na mabiro. Halika na at mamaya lalabas na ako dahil malapit ng magpapatugtog ang mga Elizcalde band. At infairmess ang ganda mo talaga girl lalo sa damit na sinuot mo, at ang hugis ng katawan, wow pak..wala ako niyan, grrr…" sambit niya kaya napatawa niya ako.
Napangiti ako dahil doon. Agad akong sumunod sa kanya para makapag-upo na.
Pero nagulat ako kung sino ang mga nasa vip, tatlong lalaki at tatlong babae kabilang na roon ang kaibigan ko.
Eh…paanong hindi ako magulat na nandito sa harapan ko pa mismo ang lalaking nagpapabilis ng puso ko at laman ng isip ko kanina.
Walang iba kundi si Xyvielle Mornett.
Oh my!