Chapter 11: Ability

2198 Words
Porlomolla – a cycle of life for Zasek vampires. It is the rebirth process wherein a zasek should find a mortal pregnant woman about to give birth and transfer their spirits there before they die due to severe attacks. This process was forbidden in 1990 due to the treaty of humans and vampires never to harm each other anymore. The process is that the infant inside the womb of a human/werewolf female will be a vessel for the zasek soul. The zasek, once the soul completely invades the vessel, it will break the womb and kill the mother by fully draining the blood. The growth will be faster up to 7 days until they reach their mature appearance such as a 20 years old human, then stops aging forever. Porlomolla Age Process Number of days vs Age in Appearance 1st day - 0 months old 2nd day - 5 years old 3rd day - 6-7 years old 4th day - 8-9 years old 5th day - 10 years old 6th day - 11-19 years old 7th day - 20 years old ------------ Eve Seryosong nakatingin sa akin ang inosenteng mukha ni Grace. Nakasuot siya ng puting fitted sando at itim na maikling short na nadumihan na sa kaeensayo namin mula pa kaninang umaga. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib, tanda na siya'y hiningal na. Sa may kanang kamay niya ay isang pares ng arnis. Nakabukas ang kanyang dalawang binti at nakaporma upang muling umatake sa akin. Napabuga ako ng hangin at walang ganang napatingin sa kisame. "Inaantok na ako, bata. Hindi ka pa rin ba matututo?" tanong ko sa kanya. Prenteng nakaupo lang ako sa isang stool chair habang may hawak din na isang pares ng arnis. Ang porma ko pa ay tila walang kaalam-alam sa pakikipaglaban. Narinig ko ang hiyaw ni Grace at nagsimula na naman siyang sumugod sa direksyon ko. Akmang tatamaan niya ako ng arnis sa aking leeg nang bigla akong lumiyad. Ang dalawang paa ko ay umangat dahilan para masipa ko ang katawan niya. Kitang-kita ko kung paano muntik nang tumama sa aking mukha ang arnis niya sa mabagal na segundo. Mabuti na lang at nasipa ko na siya bago pa man niya mahawakan ang dulo ng buhok ko. Napasigaw siya sa sakit at tumalsik sa kabilang dulo ng silid kung saan kami nag-eensayo. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa stool habang ang dalawa kong binti ay nakabukang nakalutang sa ere. Tiningnan ko siya at napangisi sa kanyang direksyon. Kitang kita ko ang salubong niyang kilay sa galit. "79% ready ka na. Ngayon ka pa ba susuko?" "I'm not done yet!" sigaw niya. Nagpasya akong ilapag ang dalawa kong paa sa sahig at tumayo. Naglakad ako papalapit kay Grace. Hindi na ako nagdahan-dahan pa at kaagad siyang nilapitan. "Kung gano'n..." Sinunggaban ko ang leeg niya at walang kahirap-hirap siyang iniangat sa ere habang sinasakal. Dinig ko ang mahina niyang pag-ingit at ang paghirap niya sa paghinga. Unti-unti na ring namumula ang kanyang mukha. Ang kanyang dalawang kamay ay sinubukang alisin ang isang kamay kong nakasakal sa kanyang leeg. "Dapat na ba kitang pilitin para magawa mo ang gusto kong totoong natuto?" paghamon ko sa kanya. "A-anong ginagawa mo?" halos pabulong niyang tanong. "Magtuon kang mabuti sa sinasabi ko!" pabigla kong sigaw. Ang kanyang mata ay nanlaki. Gulat na gulat siya sa pagsigaw ko na halos kalimutan niyang sinasakal ko siya. "Hindi kita kailangan sa team ko. Pero dahil pinili mong mabuhay muli sa katawan na 'yan, kailangan mong patunayan sa akin na masaya ka na binuhay kita. Hahayaan mo bang agawin ko sa'yo ang buhay na pinagkaloob ko? At sa tingin mo, kung mawawala ka, matitiyak mo bang magiging ligtas ang ama mo sa lahat ng ito?!" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Eve..." "Makinig ka!" sigaw ko pa. "Hindi ito ang panahon para maging mahina ka. Gisingin mo ang sarili mo. Humanap ka ng paraan para makatakas sa ginagawa ko!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto. Maya-maya ay nakita kong napaluha si Grace. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at malakas na sumigaw. Kasunod niyon ay ang pagkilos ng kanyang dalawang kamay. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Inangat niya ang kanang tuhod at pwersahang inugoy iyon patungo sa mukha ko. Sa sobrang gulat ay ang isang libre kong kamay ang sumalag at ang kamay kong nakasakal sa kanyang leeg ay agad na napabitiw. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Dahil hindi ko rin inaasahan na malakas ang kanyang pagkakabwelo. Muli pang umikot ang kanyang buong katawan at malakas na sinipa ang bewang ko. Dahil doon ay tumalsik ako sa kabilang bahagi ng silid. Nagkaroon pa ng bahagyang pag-crack sa semento sa sobrang lakas ng impact ng pagkakasipa sa akin. Ilang segundo akong nakatunganga sa kisame nang bumagsak ako sa sahig. Matapos niyon ay napatawa ako. "Ngayon lang nabuhayan ang katawan ko sa ginawa mo. Ito 'yung sinasabi ko sa'yo na gusto kong makita. Ilang oras na tayong nag-eensayo pero ngayon mo lang nilabas. Nakakaasar!" bulalas ko nang nakatawa. Mabilis din palang mapikon ang paslit na 'to. Bakit kasi ngayon ko lang din naisipang galitin ang isang 'to? Matapos niyon ay napagpasyahan kong tumayo. Nakangiti akong hinarap si Grace. Nakita kong lumamlam na rin ang kanyang mga mata. May kaunting inis pa ang namumutawi sa kanyang kabuuan ngunit unti-unti iyong naglaho nang makita akong nakangiti. "Ano? Handa ka na ba sa susunod na ensayo?" **** Sumapit ang alas otso ng gabi. Oras ko na ngayon ng pagbabantay sa control room kung saan makikita ang lahat ng CCTV footage ng safe house at sa labas nito. Nakaupo ako sa swivel chair at umiinom ng herbivore blood drink. Dugo ng kambing ang iniinom ko ngayon na nakalagay sa bakal na tumbler. Sa gilid ko naman ay si Sky na tahimik na nakamasid sa kaliwang malapad na monitor kung saan makikita ang CCTV footage ng front house sa ibabaw ng lupa. Nakasampa sa mesa ang paa niya habang ang kanyang dalawang braso ay magkayakap sa likod ng kanyang ulo. "Anong sa palagay mo ang magiging kalabasan nitong desisyon mong dalhin ang buong Valkyrie sa California? Sa tingin mo magiging maayos kaya ang lahat?" biglang tanong niya. Sinarado ko nang mabuti ang tumbler at inilapag iyon sa katapat kong mesa. Napahalukipkip ako't napasandal sa upuan. "Natatakot ka bang mabuwag ang platoon? Sinabi ko naman kasi sa'yo na ayos lang kung ako at si Grace ang pupunta doon." Napalingon si Sky sa akin nang magkasalubong ang kilay. "Kasapi ka ng Valkyrie. Ini-expect mo ba na iiwanan ka namin nang ganoon lang? Ganyan ba talaga kaliit ang tingin mo sa grupo?" "Isa akong walang modong captain, Sky. Matagal na akong wala sa platoon. Alam kong mas madali na lang sa inyo ang iwan ako. Mas makabubuti iyon para sa ating lahat. Mas kaunting casualty, mas madaling makakasagip. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang buong platoon para lang sa personal na involvement ko sa misyon. Kaya kong kunin si Ranny nang mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong sa kahit sino sa loob ng House of Z." Napalingon ako sa kanya sa malamlam kong mga mata. "Sinasabi ko sa'yo 'to kasi baka isipin mo na nagte-take advantage ako sa misyon natin," pinal kong sabi. "Pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sa'yo. Nag-aalangan ako dahil alam kong delikado ang susuongin natin doon. Non-boundary area na ang California at alam mong lungga iyon ng mga Rayka ang teritoryong iyon. Alam mong may posibilidad na hindi ka na makalabas nang buhay. Lalo pa at isa kang Zasek, hindi lang basta isang bampira," paglalahad niya. Napatungo ako at napaisip sa sinabi niya. Tama naman siya sa sinabi niya. Ang higit na klase ng bampira na kinasusuklaman ng mga Rayka ay ang tulad ko na Zasek dahil ang nakapatay sa kanilang pinuno noon ay si Aleyago. At mas lalong delikado ang buhay ko oras na malaman nilang ako ang third generation ni Aleyago. Nagkibit-balikat ako saka hinarap si Sky. "Kailangan ko pa bang matakot ngayon kung ang importante ay ang kaligtasan ng kapatid ko?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Isa pa, alam kong may binabalak na masama ang mga Bernardine na mas malala kaysa sa inaasahan natin. Kailangan nating malaman at pigilan ang kung ano mang balak nila kahit na anong mangyari. Dahil hindi ako naniniwala na ang gusto lang nilang gawin ay ang maghanap ng kakampi," pahaging ko pa. **** Kinabukasan, maaga akong pumasok sa kwarto ni Grace. Nakita ko siyang nakaupo sa isang mahabang upuan habang nagpipinta sa harap ng canvass. Ang kanyang ipinipinta ay isang mabangis na hayop na kawangis ng isang lobo. Ang mga ngipin nito'y nakalitaw na tila handang sakmalin ang sinumang makita niya. Halos matapos na ni Grace ang painting. Marahil ay kaninang madaling araw pa siya nagsimula sa pagpipinta. Napasandal ako sa may pintuan at naghalukipkip. "Kapag nakita ka ng House of Trinity na nagpipinta ng imahe ng isang lobo, tiyak na parurusahan ka. Hindi ka ba natatakot?" pagbasag ko sa katahimikan. Napatigil sa ere ang brush na hawak niya at kaagad na lumingon sa aking direksyon. Doon ako nahintakutan nang makita ang kanyang hitsura. Napasinghap ako. Ang kanyang mga mata ay naging puti. Ilang saglit lang iyon bago nanumbalik sa normal ang kulay nito. Naging brown na ulit ang mga mata niya. Maya-maya, ang kanyang walang emosyong mukha ay napalitan ng kalituhan. "H-ha? K-kanina ka pa ba dyan?" inosenteng tanong niya. Napaturo ako sa kanya. "K-kanina... 'y-yung mata mo..." "Ah..." Napatungo siya saka nanahimik saglit. "Ito ang napakahirap pigilan sa lahat ng kakayahan ko. Ang makita ang kasalukuyan sa ibang lugar. No'ng mahawakan ko ang canvass na 'yan ay bigla kong nakita ang kasalukuyang ginagawa ng gumawa niyan," pagsisimula niya. "Nakikita mo ang ginagawa nila ngayon?" Napailing siya. "Sa ngayon ay wala na akong makita. I don't know how it happens but when I touch a thing or someone, I can see someone's activities real time. Normal lang ba iyon?" Nagkibit-balikat ako. "Iyan siguro ang kakayahan mo bilang isang Zasek. Narinig mo naman siguro kung ano ang kakayahan ko. Naranasan mo na iyon noong maliit ka pa lang," pagpapaalala ko. "Ang lahat ng Zasek ay may kanya-kanyang kakayahan na naiiba sa bawat isa. Kaya natural nang maramdaman mo iyan dahil lahat tayo ay may pagtataka sa mga abilidad natin. So, ibig sabihin ay may kakayahan kang makakita ng kasalukuyan sa ibang lugar. Alam mo rin ba na nagagawa mo ang mga kilos na nakikita mo?" Napatango siya bilang sagot. "Natatakot ako na baka layuan ako ng iba dahil sa kakayahan ko. Hindi ko mapigilan ang pagdagsa ng mga nakikita ko kaya madalas ay nagkukulong na lang ako sa kwarto na 'to." "Gusto mo bang matutong malabanan ang pagdagsa ng kapangyarihan mo?" **** Niyaya ko si Grace na lumabas. Dinala ko siya sa loob ng kwarto ko at doon ko ipinakita sa kanya ang iba't ibang gloves na sinusuot ko. Tulad niya ay isa rin ako sa mga hirap sa pagkontrol ng kapangyarihan ko. Si Matheo ang nagturo sa akin kung paano ko mapipigilan iyon. Paliwanag niya, ang isang Zasek ay naglalabas ng 75% ng kanyang enerhiya sa tuwing ginagamit niya ang kanyang kakayahan. Kaya magiging malaking abala ito sa pakikipaglaban dahil ang natitirang 25% ay ang pinaka-imposibleng matipid niya sa pakikipaglaban. Siguradong matatalo ang sinumang Zasek na gumagamit ng kanyang kakayahan sa oras ng combat. Ipinasuot ko kay Grace ang kulay itim kong gloves. Isa lamang itong simpleng gloves sa mata ng iilan ngunit pinasadya ito para sa tulad namin na kailangang hindi maramdaman ang surface ng pagdadapuan ng aming mga kamay. Hinarap ko si Grace at bahagyang nginitian. Hawakan mo muna ako. Sa pagkakataong ito, siguraduhin mong ako lang ang hahawakan mo at wala nang iba. Naiintindihan mo ba?" Napatango siya pagkatapos. "May papel at ballpen sa tabi mo. Isulat o iguhit mo lang ang imahe na makikita mo. Pagkatapos ay suotin mo ang gloves at subukan ulit akong hawakan. Tingnan natin kung makikita mo pa rin ang imahe na iyon sa pangalawang pagkakataon. Okay?" Tumango siya bilang sagot. Saglit niya pa akong pinagmasdan. Matapos niyon ay nagpasya na siyang hawakan ang braso ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak at ang kanyang pagsinghap. Unti-unti nang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Naging puti na ang mga ito, tanda na nagsisimula na ang pagragasa ng kapangyarihan niya. Napakunot-noo ako dahil doon. "Anong nakikita mo?" Sa halip na sumagot ay agad na dinampot ang ballpen at nagsimula nang gumuhit ng Japanese letters. Mabagal ang kanyang pagkakasulat kaya hindi ko kaagad nahulaan ang kanyangbinabaybay. Doon nanlaki ang mga mata ko nang makita nang buo ang isinulat niya. ******** ang iginuhit niya. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito katindi. Hindi ko mawari pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang nakita ang bagay na iyon sa akin? Bakit sa lahat ng makikita niya ay iyon pa ang lumabas? Ang characters na kanyang iginuhit ay Jinro. Ibig sabihin ay lobo. Iyon ang tanong ko. Bakit may lobo na nakikita si Grace sa akin? "Sagipin mo ako..." pabulong na sabi ni Grace. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD