Chapter 10: Bliss

2295 Words
Maria – this is the term for female vampires. Elders and leaders of each house usually use this term as a replacement for Queen/Princess/President/Leader/Sire Senior – this is for male vampires. Elders and leaders of each house usually use this term as a replacement for King/Prince/President/Leader/Sire ---------------------- Eve Nakatayo ako sa harap ng isang pamilyar na malaking bahay. Madilim ang kalangitan at ang tanging nagbibigay ilaw ay ang maliwanag na buwan sa kalangitan. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang mansyon ito ng mga Cariño, ang adoptive family ko sa South Korea. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Katulad ito sa hangin noong huling nakita ko si Ranny sa isa sa mga vision ko. Nakatayo rin siya sa lugar na ito kung nasaan ako. Wala akong ibang nakitang Ordinary sa paligid. Ni walang paggalaw sa malapit. Dahan-dahan akong lumakad at pumasok ng mansyon. Madilim sa loob na tila walang Ordinary ang bumisita rito sa matagal na panahon. Naaamoy ko ang alikabok sa paligid. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa natagpuan ko ang sarili na papunta sa kwarto ni Ranny. Pagkapasok sa loob ay nakita ko ang kabuuan nito. Wala pa ring nagbago. Kung ano ang hitsura ng kwarto niya noong iniwan niya ito ay ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Gusto kasi ni Lurin, ang kinikilala naming ina, na manatili ang amoy ni Ranny sa kwarto na ito. Naglakad pa ako papasok. Sa harapan ko ay ang maliit na study table na may dalawang drawer sa katawan nito. Sa tabi naman nito ay ang malaking higaan na kulay pink. Paborito rin niya ang color pink. Nilapitan ko ang study table niya at nagsimulang maghalungkat ng gamit. Marami siyang gamit sa eskwelahan niya na nakatambak doon pero wala akong ibang makitang mapapakinabangan. Iniisa-isa ko ang kanyang mga notebook. Nang magsawa ay sa mga drawer naman ako naghalungkat. Sa ikalawang drawer ako napatigil at nakita ang makapal na notebook na kulay pink. May sticky note pang nakadikit doon at may mensahe. Kailangan mo 'to, Ate. Bigla ay dinaga ang dibdib ko sa kaba. Hindi kaya ay matagal nang alam ni Ranny ang tungkol sa mga Bernardine? Ibig sabihin ba ay alam din niya na hindi ako isang Ordinary kundi isang bampira? Simula kasi nang ipaampon ako ni Matheo kay Lurin Cariño ay itinago nilang mabuti ang aking katauhan. Ang mga kapatid ko na sila Ranny, Lito at Rina ay hindi alam na hindi ako isang Ordinary. Ang alam nila ay isa akong Kindergarten Teacher sa isang Daycare center sa Seoul. Kaagad kong binuklat ang notebook sa unang pahina. Doon ako mas nagulat sa nakalagay. Ate Eve, Paparating na sila. Uubusin nila kayong lahat. Mag-iingat ka. Malapit na nila akong kunin. Nagkamali ako ng taong pagkakatiwalaan. Sa oras na makuha nila ako, pakiusap ko sa'yo, huwag mong hayaan na gamitin nila ako sa kasamaan. Pero kapag nahuli na ang lahat, huwag na huwag mong kalilimutan ang ibibilin ko. Kailangan mong patayin si Agnes sa lalong madaling panahon. Ranny Napasinghap ako. Ibinaba ko ang notebook at napahawak sa dulo ng study table. "Alam niya ang lahat noon pa man... pero hindi niya sinabi. Sa halip ay sinikreto niya lang ang lahat..." bulong ko sa aking sarili. Pagkatalikod ko mula sa study table ay napatigil ako nang makitang may pares ng paa akong nakita. Pagkaangat ko ng tingin ay nabigla ako nang makita si Grace. Ang kanyang edad ay nasa 18 years old na. Teka... paano siya napunta rito? Nakita ko ang pagkurba ng ngiti sa kanyang labi. "So, is this the place where you live?" tanong niya na may halong pagkamangha sa kanyang hitsura. "Paano mo ako nasundan dito? Sinong nagsabi sa'yo na dito ako nakatira?" sagot-tanong ko sa kanya. "I should be the one to ask you that. Tell me... paano mo nagagawang makalabas sa katawan mo, Eve?" "A-ako? Nakalabas sa katawan ko?" Napatango siya. "Oo. Hindi mo ba alam? What I am seeing right now is not your body but your spirit. Cool isn't it?" napatawa pa siya dahil doon. "Pwede bang tigilan mo ako sa mga joke mo. Wala ako sa mood para makipagbiruan. Nasaan na ba sila Sky?" "Nasa paligid ko sila ngayon. Kaso hindi natin sila nakikita dahil nandito ang diwa nating dalawa." "Ano bang pinagsasabi mo? Nasaan na nga si Sky?!" Napaaimangot siya at napayuko. "Oh, you don't believe me..." Ilang saglit pa siyang nanahimik saka niya iniangat ang kanyang kamay at itinuro ako gamit ang kanyang hintuturo. Nanlaki ang mga mata ko. Tila nakaturo siya sa parte ng katawan ko. "There..." turo niya. "At first, I didn't know why I'm seeing this but I am very certain about everything. Gusto mo bang malaman kung ilang kaluluwa ang mayroon sa loob ng Safe House?" "S-sa Safe House?" "Alam ko kasi na hindi ka naniniwala. But I know you will if I give you a clue. We're back here in Seoul and the Safe House is located in Echizen, Japan. How do you think you got here this fast?" Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga. Hindi ko rin maintindihan kung bakit narito ako sa mansyon. Pero napakaimposible rin ng sinasabi niyang nakaalis ako sa katawan ko. Ang alam ko lang ay nananaginip ako sa tuwing magpapakita si Aleyago sa akin. Pero itong nangyayari ngayon... hindi ko mapaniwalaan. Hindi ito maaari. Kahit na may kaluluwa ang isang tulad kong Zasek, hindi ibig sabihin niyon ay may kakayahan kaming umalis sa katawan namin. Wala pa akong naririnig na Zasek na nagkaroon ng ganitong ability. Hindi rin maaaring Transfusion Enhanced Ability o TEA ang dahilan ng lahat dahil bunga lamang ako ng Porlomolla at hindi ng nauna. Wala ring scientific study sa buhay ng mga bampira ang nagpapatunay na ang Porlomollian Zasek ay nakakakuha ng panibagong ability aa pamamagitan ng genes ng pamilyang napili ng namayapang Zasek. Sa madaling sabi, itong ability na mayroon ako ay isang misteryo. Kadalasan ay alam na ng isang Zasek ang lahat ng kanyang abilidad sa ikapitong araw. Napatingin ako kay Grace pagkakuwan. "Paano ko malalaman kung totoo ang sinasabi mo?" tanong ko. Itinurong muli ni Grace ang mukha ko. Pero napakunot-noo ako nang mapansing hindi naman talaga aa mukha ko nakatingin si Grace kundi sa leeg ko. Napasunod din ako ng tingin at yumuko kung saan niya itinuturo. Doon ako natigilan nang makita ang isang bagay na hindi ko napansin kanina. "Nakikita mo ba 'yan?" tanong niya. "A-ano 'to?" tanong ko habang tinitingnan ang kulay pula na lubid na nakatali sa leeg ko. Kinapa ko pa ang leeg ko para makumpirma ang nakikita ko. Nabahala ako sa nakapa ko. Totoo ngang may nakatali sa leeg ko. Pero hindi ko makita. "May bakal na nakasuot sa leeg mo at pulang lubid na nakatali. Sa mga kaluluwang ligaw ng mga tao, may pulang sinulid na nakatali sa leeg nila pero putol na ito hanggang sa may tiyan nila. Pero ang sa'yo ay kakaiba. Kulay pula na lubid naman ang nasa iyo. Siguro ay dahil hindi ka naman talaga tao. Isa kang bampira. Pero ang lubid na nakatali sa leeg mo ay walang putol." Iginalaw pa niya ang kanyang hintuturo na tila ginuguhit ang linya kung saan niya nakikita ang lubid na nakatali sa akin. Itinuro niya iyon hanggang sa pinto ng kwarto ni Ranny. "Nakikita ko pa siya hanggang sa pinto..." "Papaano ako makakabalik?" "Sundan mo lang ang lubid na 'yan." Lumapit sa akin si Grace at kinuha ang notebook na hawak ko. Magpoprotesta pa sana ako kaso hindi na natuloy dahil nailagay na niya sa loob ng bulsa ng jacket ko ang notebook. "Pagkagising mo, i-check mo lang ang jacket mo. You'll see..." aniya habang nakangiti. Kumaway muna siya sa akin bago ako nagpasyang lumakad at sinunod ang sinabi niya. Nagsimula na akong maglakad. Pagkalabas ng kwarto ay kaagad kong binilisan ang lakad ko at sinundan ang pulang lubid. Hindi ko namalayan na nakatakbo na pala ako. Unti-unti ay nawala ang mga bagay sa paligid ko hanggang sa lamunin ng liwanag ang lahat... 7th Day... Napasinghap ako. Habol-hiningang siniyasat ko ang buong paligid. Nakita ko ang kisame ng kwarto na alam kong hindi sa akin. Pink na pader lang ang nakikita ko. Ibig sabihin ay nasa kwarto na naman ako ni Grace. Ano bang nangyari bago ako hinimatay? "You're awake!" masiglang pagbati sa akin ng babae. Nakadungaw siya sa akin at nakangiti. Nakita ko ang tuluyang pagbabago ng mukha ni Grace. Isa na siyang ganap na adult. Ito ang kanyang ika-pitong araw bilang isang Zasek. Ang kanyang hitsura ay 20 years old. Ibig sabihin nasa pinaka-maturity state na siya ng kanyang pangangatawan. Simuka ngayon ay hindi na siya tatanda pa. Habambuhay na ang kanyang hitsura magmula sa araw na ito. "Grace..." tawag ko sa kanya. "Don't worry. I didn't tell anyone about what happened. They just think that you saw something in the past," aniya. Napabuntonghininga naman ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig ng kwarto ni Grace. Nilibot ko pa muna ang mata ko bago binalingan ang kasama ko. "Anong nangyari?" "I don't know. Bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko at tahimik na humiga. You're a one weird Zasek..." natatawang sabi niya sa akin. "Humiga lang ako?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Nagawa ko ba talaga iyon? Anong nangyayari sa akin? Nagkibit-balikat siya at itinuro ang suot kong jacket. "Hindi mo ba bubuksan? Don't you wanna know if I'm saying the truth or not?" Napakunot saglit ang noo ko saka dinala ang kanang kamay ko sa loob ng jacket. Kinapa ko ang bulsa doon at nanlaki ang mga mata nang makumpirmang may matigas na bagay sa loob. Agad ko itong hinablot at tiningnan. Napasinghap ako at nakita ang pink na notebook ni Ranny. Ito talaga ang nasa panaginip ko. Totoo ba talagang nangyari iyon? **** Sa loob ng silid ko, ilang beses akong nakatunganga at nakatingin sa notebook ni Ranny. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba talaga iyon? Ang hirap paniwalaan. Ilang beses pa akong nakipagtalo sa isipan ko hanggang sa napagpasyahan kong buklatin ang notebook. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nakasulat nga rito ang letter na isinulat ni Ranny para sa akin. "T-totoo nga... totoong nakarating ako sa mansyon. Pero... paano ko 'to nakuha? Posible ba talaga iyon?" tanong ko sa hangin. Binasa ko ang pangalawang pahina. Ate Eve, Gusto ko sanang ipakita sa'yo ang picture ko sa graduation. Kaso, hindi ko na magagawa iyon dahil sigurado akong sa mga oras na ito ay wala na ako sa poder n'yo. Pagkaingatan mo sila Rina at Lito, pati na rin si Mama. Nakikiusap din ako sa'yo, na gawin ang tama at pigilan ang mga Bernardine sa pagtupad ng masasama nilang plano. Huwag kang pumayag na sirain nila nang tuluyan ang mundong ninais n'yo ring pagkaingatan sa pangalawang pagkakataon. Alam kong hindi lahat ng bampira ay masasama. Alam ko iyon dahil mayroong tulad mo na kayang magmahal at mag-alaga ng mga Ordinary na tulad ko. Sa susunod na pagkikita natin sana ay tapangan mo pa ang sarili mo. Kahit anong mangyari ay kailangan mong patayin si Agnes kahit ano pa man ang kanyang magiging hitsura. Huwag kang papaloko sa kanyang anyo. Ang mahalaga rito ay ang mawala na siya nang tuluyan sa mundong ito. Ranny May tumulong tubig sa pahinang binabasa ko. Hindi ko namalayan na nanlalabo na ang paningin ko. Lumuluha na ako. Napatawa ako nang mapakla. Ako lang yata ang bampirang parang tao kung kumilos. Natutulog, nananaginip, at umiiyak. Hindi ko alam na sa ikatlong buhay ko ay tuturuan ako ng mundong ito para maging isang makataong bampira. Ngayon, alan ko na kung bakit ang mga Ordinary ay walang ibang gustong gawin kundi ang mangarap at maging masaya. Minsan ay makikita ko sa kanilang mga mata ang takot at kalungkutan. Ito ay ang takot nila sa kamatayan. Naiisip nilang napakalupit ng mundo. Dahil dumating kami at pinaramdam namin sa kanila ang inggit kung paano kami nabubuhay nang matagal kaysa kanila. Ito marahil ang dahilan kung bakit may nabubuhay na Bernardine at Almerdine sa mundo. Dahil sa takot nila sa kamatayan. Matapos kong magbasa ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa meeting room. Nakita ko na nag-eensayo na ang karamihan sa kanila. Kasama nila sa loob si Grace. Tinututukan siya ni Zoren na isa sa pinakamagaling naming combat agent. Tutok na tutok sila sa pag-eensayo at hindi na nila ako pinansin nang pagdating ko. Naglakad ako patungo sa mahabang mesa kung saan nakaupo si Lileth at Sky. Seryoso silang nakatuon sa laptop habang nagta-type ang babae doon. Habang si Sky naman ay nakahawak sa balikat ni Lileth at nakaupo sa katabing upuan ng bagong agent. "Tama ka. Iniiba nga ni Senior Matheo ang date ng ticket natin. Hinihintay niya ang araw na magiging ready tayo sa pagpunta sa California," balita ni Lileth sa katabi. "Ilang percent tayong ligtas sa Safe House na ito? At ilang araw tayong magiging ligtas sa loob?" Si Sky ang nagtanong. Napailing ang babae. "Hindi ko pa masabi. Ayon kay Grace ay hindi pa rin tumitigil ang House of Trinity sa pagtugis sa atin. Nililito lang sila ni Senior. May posibilidad na hindi na nila pagkatiwalaan ang mga salita ni Senior. At sa pagkakataong iyon, dapat ay wala na tayo sa Safe House." "Gaano pa katagal bago natin matapos ang pag-eensayo ni Grace?" Sa wakas ay sumingit na ako sa usapan. Nakita ko na napaangat ng tingin ang dalawa sa akin. "Mabilis matuto si Grace. Pero hindi gano'n kabilis ang pagtuturo natin. Kailangan nating magsalit-salit sa pagtuturo," aniya pa. "'Wag na. Tutukan n'yo ang pagdispatya sa mga gamit dito. Ako na ang bahala sa training ng paslit na 'yan..." mariin kong sabi habang nakatingin sa abalang pigura ni Grace na naghahawak ng arnis. Napangisi ako. Ihanda mo na ang sarili mo, Grace. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD