Eve
Dahil sa kumpirmasyon na wala nang mga Rayka sa loob ng California ay ginamit naming tatlo ang aming kakaibang bilis habang naglalakbay.
Nasa ituktok ako ng mga puno at hinahalugad bawat pwesto na maaaring magtago ang isang bampira.
Si Grace at Sky naman ay naghahalugad sa lupa. Hinahanap namin ang kakaibang amoy na ibinigay sa amin sa loob ng secret facility ng Zillion.
Kakaiba ang amoy ng bampira na hinahanap namin. Hindi pa ako nakakaamoy nang ganoong scent sa tanang buhay ko. May hawig siya sa scent ng mga Zasek at Vaz Mortal. May amoy ito ng isang warm-blooded vampire tulad ng Zasek at Vaz Mortal. Pero hindi sila pareho. May distinguished secent ang isang ito ng isang bampira na naiiba sa dalawang class of vampires.
Hindi kaya...
Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdamang may humila sa paa ko. Hindi ko na inabala pang sumigaw sa gulat at agad na naghanap ng makakapitan bago pa man ako bumulusok sa ibaba.
Hindi ko makita kung sino o ano ang bagay na humihila sa akin paibaba. Kahit anong galaw ko para makawala ay walang saysay. Sobrang higpit ng kung anumang nakakunyapit sa aking paa at mabilis akong hinihila padausdos.
Napasigaw na ako sa sobrang inis. Malakas akong kumawag sa paa. Sa wakas ay nakawala ako mula sa pagkakahila. Ngunit huli na dahil malapit na ako sa ibaba ng punong tinungtungan ko kanina. Ang masaklap pa ay ang kamay ko naman ngayon ang nahila. Nauna tuloy ang uluhan ko sa pagbulusok sa lupa.
Nanlaki pa ang mga ko nang makita ang nilalang na nakahawak sa kamay ko. Tila bumagal ang pag-inog ng mundo.
Ang lalaking ito... ang amoy niya... Siya ang hinahanap ko...
Sa hindi malaman na dahilan ay biglang lumamlam ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Siya ay mas malapit na sa pagbagsak sa lupa habang ako ay nakapaimbabaw sa kanya sa ere. May maliit na lamang na agwat ang pumapagitna sa amin.
Ang kanyang buhok ay mahaba at maitim. Ang kanyang katawan ay hantad, may matitigas siyang muscle sa tiyan at braso na dahilan ng malaki niyang pangangatawan. Kulay kayumanggi ang kanyang kulay. Nakasuot lamang siya ng gutay-gutay na pang-ibaba. Nakalahad ang isa niyang kamay sa akin at ang isa naman ay nakahawak sa isang kamay ko.
Ang kanyang mga mata ay matingkad na kulay kahel. Mayroong kung ano na pumintig sa loob ko na hindi ko mawari. Tila may nababasa ako sa mga mata niya. Tila nagmamakaawa.
Totoo ba itong nakikita ko? Sino ang lalaking ito?
Nabasag ang lahat ng naiisip ko tungkol sa lalaking ito nang bigla ay bumagsak kaming dalawa sa lupa. Nagkaroon ng mahinang pagsabog ang paglapag namin na ang pinaghalong tumigas na putik at nyebe ay sabay-sabay nagliparan sa ere.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ng lalaking ito. Tumama ang katawan ko sa matipuno niyang pangangatawan. At dahil sa lakas ng impact ay muntik nang umangat muli ang katawan ko sa ere. Hinapit niya ako at niyakap.
Halos tumigil ang paghinga ko sa naramdaman. Sa gitna ng malamig na panahon ay naramdaman ko ang mataas niyang temperatura. Mas mataas ang kanyang temperatura kaysa akin.
Tama nga ang hinala ko. Isa siyang warm-blooded vampire. Pero anong klaseng bampira siya?
Nagbagsakan na isa-isa ang mga debris ngunit ang paraan ng pagkakahawak sa akin ng lalaking ito ang hindi maalis-alis sa sistema ko.
Bakit ganito? Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit hinahayaan ko ang estranghero na bampirang ito na yakapin at protektahan ako mula sa mga nalalaglag na matitigas na tipak ng yelo at lupa.
Matapos magsibagsak ng lahat at mawala ang malakas na ingay ay agad akong napabalikwas ng bangon at pagapang na lumayo mula sa lalaki. Napansin ko na hindi kaagad siya tumayo kaya inunahan ko na siya. Naroon pa rin siya sa posisyon namin kanina.
Nagmadali akong hablutin ang baril mula sa bulsa ko sa likuran at saka iyon itinutok sa kanya. Ang bala na nasa loob nito ay silver. Iyon ay isa sa ibinigay sa amin kanina sa loob ng secret facility. Ayon sa kanila na ang bampira ay takot sa silver. Inaasahan ko na Vaz Mortal ang makakasagupa namin dahil walang naka-indicate sa report kung anong klaseng bampira amg dapat naming kunin. Ang Vaz Mortal lang kasi ang may kahinaan ng silver bullets. Bukod sa kanila ay wala nang iba.
Pero ang amoy ng isang ito, kakaiba. Natitiyak ko na hindi siya isang Vaz Mortal. Hindi rin siya Zasek. Nararamdaman kong wala siyang kaluluwa.
"Sino ka? Magpakilala ka!" pag-uutos ko sa kanya habang itinututok ang baril.
Napabangon siya habang nakataas ang dalawang kamay. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Relax. I won't hurt anybody. I'm just hungry..." aniya.
Napamura ako nang maalala na nasa California pala ako. Tiyak na hindi nakakaintindi ang isang ito ng Tagalog. Pero paano nagkaroon ng bampira na straight kung mag-English sa California? Halos lahat ng lipi ng mga bampira ay Asian at European. Hindi malayong ang isang ito ay hindi alam kung paano mag-Tagalog pwera na lang kung nakakaalis sila sa teritoryo nila nang mayroong permiso galing sa Zillion.
Ang California ay ang bukod tanging states na natitira sa North American states na hindi pa nakukuha ng Black at Red Lines Territories. Sa madaling salita ay matagal nang pinamumugaran ng mga Rayka ang state na ito.
Simula rin nang maitatag ang Line Treaty ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa klima sa iba't ibang parte ng mundo. Tulad na lamang sa California na ang nyebe ay hindi isang normal na klima para sa kanila. Madalang ang pag-ulan ng nyebe rito ngunit simula noong 1990 ay hindi na natigil ang paglamig sa buong lugar.
Napansin kong unti-unting gumagalaw ang lalaki papalapit sa akin.
Mas inilapit ko pa sa kanya ang aking baril. "'Wag kang gagalaw sabi!" pagbabanta ko.
Napatigil siya. "W-wait... Are you a Filipino? You speak the language so well... but you don't look like one. You seem like a Chinese descent." Napasingot pa siya sa ere. "You're a vampire, are you? It seems like I haven't smelled one once in a while..."
Napataas ang kilay ko sa kanya. Hindi pa siya nakakaamoy ng bampira sa mahabang panahon? Anong ibig niyang sabihin? Itinutok ko pang mabuti ang baril ko hanggang sa nagkalapit na kaming dalawa. Ang bibig ng baril ko ay malapit na sa kanyang direksyon. "Nakakaasar talaga! Nasaan na ba si Grace?!" Nasaan na ba sila at bigla-bigla silang nawawala? Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pagsasalita nang straight English! Pero wala na akong ibang choice. Kailangan kong makausap nang matino ang lalaking ito.
Maingat ko siyang tiningnan.
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
"I'm a local here. Can't you see?" tugon naman niya na ipinagtaka ko nang husto.
Nangunot ang noo ko. "How can you be a local in this state? This is an unclaimed territory. What's your business here?!"
"I live here. That's my business. It's me who should ask you that. What's your business here? This is Raykan Territory. You shouldn't be here!" babala niya na ikinatigil ko.
"A-ano? Teritoryo ito ng mga Rayka at dito ka nakatira? Pinagloloko mo ba ako?!" Sa pagkakataong ito ay idinikit ko na sa kanyang dibdib ang bibig ng baril ko. "I don't want to repeat myself. Now, answer me!" pag-uutos kong muli. "Who are you?"
Nakita ko na walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng lalaki habang pinagbabantaan ko ang kanyang buhay. Alam kong naaamoy niya ang silver mula sa baril na ito ngunit wala akong nakitang takot sa kanyang mga mata. "Alec. That's my name," pagsagot niya. "Look... I don't know what's going on, but you need to seriously get out of here. You can't stay here. It's too dangerous..."
Napangisi ako nang sarkastiko sa kanya. "Why are you so concerned about me? Who are you? I don't think you're a Rayka. I don't smell Raykan blood in you. You are definitely a vampire. But I don't know what kind are you. Who are you?"
Napakunot-noo siya sa akin. "What did you say?"
"Punyeta!" Napasigaw na ako. Kailangan ko pa bang ipaulit-ulit sa kanya ang sinabi kong iyon? Bwisit! "Ginagawa mo ba akong tanga, ha?! Itaas mong mabuti ang kamay mo!" pasigaw ko pang utos sa kanya habang nakatutok ang baril sa kanya.
"Woah! Easy... Easy... I'm not going to hurt you if that's what makes you afraid. I don't know what's happening but I'll try to be cooperative as much as possible.
"I just woke up in the middle of this snow and felt a stinging pain inside my chest. I don't know what's happening but I couldn't transform myself back to my wolf form. So, I can assure you a hundred percent that I'm not going to hurt you..." mahaba niyang salaysay.
"Did you know what happened to this place? My colleagues said that the Raykas here just disappeared without any trace," imporma ko sa kanya.
"What do you mean disappeared? Are you saying that they all disappeared in California?" gulat niyang tanong. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid upang kunpirmahin ang sinasabi ko.
"I am telling you the truth. It's what they told me. So, tell me... what kind of vampire are you?"
Napailing siya at napakunot-noo. "Can't you tell that I'm a Rayka? I'm not a vampire!" mariin niyang tanggi.
"Stop lying! I know how Raykas smell. You don't have their scent so it's impossible for you to be one of them."
"Stop lying!" Napaungol nang malakas si Alec at kaagad na tinabig ang baril na hawak ko. Halos mawala na siya sa katinuan habang sapo ang kanyang ulo. Sumasakit ang ulo niya.
Napatulala lang ako sa kanyang harapan habang pinanonood ang kanyang paghihirap. Dahil doon ay hindi ko inaasahan na mahahampas niya ako gamit ang kanyang malakas na kamay. Napatalsik ako sa malayo at tumama sa isang malaking puno.
Pagkadilat ko ay nakita kong nasa harapan ko na ang lalaki. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay sinakal niya ako at iniangat mula sa lupa.
Napaungol ako nang mahina. Nasapo ko ang kamay niyang nakasakal sa akin. Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata. Galit na galit siya.
"I'm not a vampire!" sigaw niya pang muli. Maya-maya ay napasigaw na naman siya. Tila may iniinda na naman siyang sakit na hindi ko mawari kung saan. Habang tumatagal ay paluwag nang paluwag ang kanyang paghawak sa akin. Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa tuluyan na niya akong binitiwan.
Napasinghap ako at napaluhod sa lupa. Habol-hininga ako at napaubo. Sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin.
Sobrang lakas niya...
Pagapang akong bumalik sa pinagsandalan kong puno at muling napaharap sa kanya. Habol-hininga pa rin ako. Halos maubos ang lakas ko dahil sa pagkakasakal niya sa akin.
Napaharap siya sa akin at nakita ang muling paglamlam ng kanyang mga mata. Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisisi na nasaktan niya ako. Anong mayroon sa lalaking ito?
"If you're not a vampire, then what are you? You really don't smell Raykan. You're not even a Domon..." mahina kong sambit. Itinaas ko ang kamay ko sa kanya. "If you don't mind... can I touch your hand?" pagpapaalam ko sa kanya na kanyang ipinagtaka.
Nakakunot ang kanyang noo ngunit dahan-dahan ding lumapit sa akin.
"I know this may sound unpopular to you if you are really a Rayka, but I am not just an ordinary vampire. My class is the prototype of all other classes of vampires in this planet. I have a better ability that no one has. I can see someone's past whenever I touch them. So, if you don't mind... I'll just have to touch your hand and I'll share with you the vision I will see upon you."
Napalunok siya. Hindi nagtagal ay napagpasyahan niyang lumapit pa sa akin. Umupo siya sa aking tabi at lumiyad nang kaunti. "Are you telling me the truth?"
Napatawa ako nang mahina sa kanya. "I shouldn't be telling you lies if my life is on the line, should I? I promise you... I'm telling you the truth. I will make sure you'll see what I see in the vision," sambit ko sa kanya upang bigyan siya ng kasiguraduhan.
Ilang sandali kaming nanahimik habang hinihintay ko ang kanyang sagot. Hindi nagtagal ay nakita ko siyang tumango. "What should I do?"
Hinubad ko ang gloves sa kanang kamay ko at inilahad sa kanyang harapan. "Hold my hand..." pag-uutos ko.
Saglit pa siyang nagtaka. Sa wakas ay tinanggap din niya ang kamay ko.
Doon ay napahigpit ang paghawak ko sa kanyang kamay at napasinghap ako. Agad na rumagasa ang mga imahe sa isipan ko. Higit na mas masakit ang mga alaalang ito sa aking ulo. Mariin akong napapikit sa sobrang sakit.
Napaungol na ako sa sobrang sakit.
"W-what's happening? Are you alright? Please answer me!" untag niya sa akin.
"P-please..."
"What is it?"
"C-come closer..."
Unti-unti ay naramdaman ko ang mabibigat na paghinga ni Alec. Ang bawat paghinga niya ay tumatama sa pisngi ko. Nang maramdamang malapit na malapit na siya ay napadilat ako.
Nakita ko ang nagtataka niyang mukha pati ang nakaawang niyang labi.
Inilapit ko ang aking mukha at mabilis na sinakop ang kanyang nakaawang na labi. Dahil doon ay lahat ng nakikita ko ay nakikita na rin niya.
Lahat ng nakikita ko sa kanyang nakaraan ay sabay naming sinasariwa.
To be continued...