Eve
Hindi ako sigurado kung ano itong ginagawa ko pero... ang paglitaw ng estrangherong bampirang ito sa buhay ko ang simula ng kakaibang nararamdaman ko.
Hindi ko alam na may mas masakit pa pala sa naranasan ko. Hindi ko alam na may ibang nilalang pa na nakararanas ng mas malupit na pangyayari sa kanilang buhay...
Nakatayo ako sa harap ng kakahuyan. Nakita ko ang tuyo at sariwang amoy ng kagubatan. Walang nyebe. Ito ang dating hitsura ng California.
Napalingon ako sa paligid. Nakita ko ang nagkakagulong mga lobo. May ilan sa kanilang nahalong Domon. Ang karamihan ay mga Rayka.
Napasinghap ako nang biglang may dumausdos na Rayka sa harapan ko. May malakas na Vaz Harpia na sinusubukan siyang kagatin at patayin.
Ang Raykang ito ay may makintab at mayabong na balahibo. Kulay kahel na tila payapang apoy sa aking mga mata. Napakaganda ng kanyang balahibo na hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya.
Natauhan na lamang ako nang makitang naglabas ng pangil ang Rayka at matapang na inatake ang Vaz Harpia. Pumaimbabaw ang lobo at mabilis na kinagat sa leeg ang bampira.
Umalingawngaw ang malakas na iyak ng Vaz Harpia habang ang bahagi ng kanyang leeg ay madaling tinanggal mula sa kanyang katawan, dahilan ng pagkasunog nito at maging abo. Ganoon din ang nangyari sa ibang mga bampira na nagsipag-atake sa iba pang mga Rayka.
Matapos nilang matalo ang mga iyon ay unti-unti silang bumalik sa kanilang ibang anyo. Ang pagiging isang tao.
Ang Rayka na may-ari ng matingkad na kahel ay nag-ibang anyo rin. Ang kanyang malapad na likod ang nakaharap sa akin. May mahaba siyang buhok at kayumangging balat.
"I'm so proud of you, Alec! You fought them one by one. You're so cool!" pagbubunyi ng isang babae na kayumanggi rin ang balat. May maganda siyang mukha at matangos na ilong. Lumapit siya sa lalaking nakatalikod sa akin at sinugod ito ng yakap.
Napaharap sila sa akin at doon ay nahantad ang mukha nito. Siya ang lalaking may-ari ng alaalang ito.
Siya si Alec.
"That's because I can see their deaths ahead..." tugon naman ng lalaki.
Napakunot ang noo ko. "Nakakakita siya ng vision? Kamatayan?"
Maya-maya ay biglang naglaho ang lahat sa paningin ko.
Napasinghap ako at ngayon ay napunta ako sa isang madilim na lugar. Nalaman ko kaagad na isa ito sa lugar sa loob ng kagubatan.
Nakakita ako ng malaking sunog sa loob. Biglang kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit puno ako ng pag-aalala sa mga oras na ito, ngunit ang makarinig ng malakas na iyak mula sa sunog ay nagpadagdag ng kaba ko.
Unti-unti kong nilakad ang mga paa ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga iyak na iyon.
Binaybay ko ang kagubatan hanggang sa umabot ako sa harapan ng nasusunog na kabahayan. Natutop ko ang aking bibig.
"A-anong nangyayari?" tanong ko sa kawalan. Tumakbo pa ako papalapit. Napatigil lang ako nang may isang bagay na biglang bumagsak sa harapan ko.
Napasigaw pa ako at napabuwal sa sobrang gulat.
Ang Rayka na may kahel na balahibo. Nakatitig siya sa mga mata ko. Posible ba ito? Nakikita niya ba ako kahit na nasa nakaraan na ito?
Maya-maya ay maraming mga bampira ang pinaligiran ang Rayka. Mabangis itong suminghal sa mga bagong dating. Ang mga bampira ay may hawak na mahahabang metal na gawa sa silver.
Sabay-sabay nilang itinusok sa lupa ang mga silver staff. Hindi nagtagal ay may lumabas na horizontal lines at nagdugtong bawat isa sa kanila. Bumuo ito ng isang bilugang kulungan hanggang sa walang malusutan ang Rayka.
Halata sa mukha ng Rayka at pagkalito at takot. Maya-maya ay ilang boltaheng kuryente ang dumaloy mula roon at inatake ang Rayka sa loob.
Napaungol nang malakas ang halimaw sa loob habang iniinda ang sakit.
Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya. Wala akong nagawa.
Sumunod na eksena...
Nasa loob ako ng isang pamilyar na lugar. Puro metal ang nasa loob. Ito marahil ang Secret Facility ng Zillion. Doon ko napatunayan ang hinala ko nang makita ang tatak ng Zillion sa itaas ng pinto.
Nagbukas ang hatch na iyon at iniluwa ang dalawang bampira na may hawak na nanghihinang nilalang.
Si Alec.
"A-anong gagawin nila sa'yo?" tanong ko. Pero walang saysay lang ang pagsambit ko. Wala ni isa ang nakakarinig sa akin.
Nagsimulang pumasok ang dalawa dala ang nanghihinang katawan ni Alec. Pinasok siya sa loob ng isang selyadong kwarto. Kinabitan siya ng sangkatutak na aparato sa katawan. Itinali pa siya sa isang matigas na kama.
May nakaputing bampira ang biglang lumapit sa kanya. Nakasuot ito ng pang-doctor na kasuotan. Nakasuot ng face mask at surgical gloves. May inilabas siyang mahabang bagay. Injection.
May laman itong vial na kakaiba ang kulay. Naamoy ko ang chemical na naroon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang amoy na iyon. "A-ang amoy na 'yan... hindi maaari..." Napailing ako.
Pero wala akong nagawa kundi ang panoorin ang lalaki na iturok iyon sa loob ng IV. Sa kabila naman ay isang bag ng dugo.
Patuloy ako sa pag-iling at napaluha. "Ang dugo at ang vial na iyon... galing sa dugo ko... hindi maaari... hindi!" patuloy kong sigaw.
May isang bampira na naman na pumasok sa loob ng kwarto. Kasunod niya ay isang stretcher na may lamang katawan.
Doon na ako nagimbal at napabuwal sa sobrang gulat.
Ang lalaking pumasok ay walang iba kundi si Matheo at ang katawan na nakaratay doon ay ang katawan ko...
Nakarating na ako ng California?
"A-anong ibig sabihin nito? Anong nangyayari?" Napaluha ako. Anong nangyayari? Bakit ganito ang mga nakikita ko? Kailan ito?
Nakita ko na napatingin si Matheo sa kanyang relo. Pagkatapos ay napangiti siya. "Oras na. Anong lagay ng test subject?" tanong niya sa lalaking nakaputi.
Idinaan ng ibang bampira ang stretcher na lulan ang walang malay kong katawan sa tabi ni Alec. Sinimulan na rin nilang lagyan ang katawan ko ng iba't ibang aparato.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na ingay ng machine. Pagkatingin ko sa katawan ni Alec ay nagsimula na itong magkumbulsyon. Bayolenteng nanginig ang buo niyang katawan.
Mabilis ang pagtunog ng aparato sa tabi ng kanyang kama. Nagsimulang mag-alala ang doktor at ibang naroon.
"Senior!" tawag ng lalaki kay Matheo. "Kinukumbulsyon ang test subject. Hindi niya kakayanin ang experiment..." babala niya.
"Ipagpatuloy mo, Julio. Kung kinakailangang ubusin mo ang dugo ng batang ito, wala akong pakialam. Ang gusto ko ay maging matagumpay ang eksperimentong ito. Naiintindihan mo ba?" mariin nitong sabi.
Natutop ko ang bibig ko. "Balak niya akong patayin?"
Napangisi si Matheo at tiningnan ang walang malay kong katawan. "Mapapasalamatan mo rin ako sa huli at ginawan kita ng panibagong lipi... Aleyago..."
Napasinghap ako mula sa malalim na alaalang iyon. Nakaawang ang labi ko at mabilis ang paghinga. Doon ko lang napagtanto na sobrang lapit ng mukha ni Alec sa akin.
Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin.
Ilang sandali pa akong nakatulala hanggang sa napagtanto ko kung anong klaseng posisyon ang mayroon kami ngayon. Sa sobrang gulat ay kaagad ko siyang naitulak.
Hindi niya inaasahan ang pagtulak ko kaya nadapa siya at tumama ang ulo sa may bato. Narinig ko siyang umungol sa sakit.
"Omo! Chumsam!" (Oh my! Sorry!") mabilis kong sabi. Agad akong kumilos at inalalayan siya. "A-are you alright?" tanong ko nang maibangon ko siya nang maayos.
Nakita kong muli ang paglamlam ng mga mata niya. Maya-maya ay napayuko siya at mahinang ngumiti. "Do you wanna know what more interesting right now?"
"W-what do you mean?"
"I couldn't understand anything that I've seen just now. But I'm more surprised that a lady can be so brazen to kiss a stranger she met just now..." salaysay niya habang nakangiti. May makinang siyang mata.
Nakadagdag tuloy iyon sa kaba na nararamdaman ko. Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Tila tumaas nang bahagya ang temperatura sa paligid. Sanhi ba ito ng panghihina ng katawan ko dahil ginamit ko na naman ang kapangyarihan ko? O dahil sa mga sinabi niya?
Napaawang lang ang labi ko. Wala akong masabi. Bakit ganito? Bigla akong napipi sa harap ng isang lalaki.
Narinig ko siyang tumawa. Pinagmasdan ko ang mukha niya pero mukhang mali ang desisyon kong iyon. Hindi ko na maalis ang mga mata ko sa kanya. May kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan.
"Why?" pabulong na tanong niya. May sumulay pang ngiti mula sa kanyang labi at dahan-dahan akong nilapitan.
Napaatras tuloy ako. Sa sobrang pag-atras ko ay hindi ko namalayang napasandal ulit ako sa puno. Napasinghap ako. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Does a vampire like you be attracted to a Rayka like me?"
Napalunok ako. "Umm... I-I... about that... uh... I think you're mistaken. I didn't do that because of that reason you're saying. I did that because i-it's the only way I can show you the past I am seeing..." pagsisinungaling ko. Tanga na kung tanga, pero maging ako ay hindi rin alam kung bakit ko iyon nagawa. Sapat na ang dalawang kamay ko para ipakita sa kanya ang nakaraan niya. Pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon kanina.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin para gawin iyon. Bwisit talaga! Anong katangahan ba ginawa mo kanina, Evangeline?!
"Really?" pag-uulit niya. Ang mukha niya ay tila nang-aakit na hindi ko mawari. "Hmm..."
Napalunok akong muli. "I-it's true! I'm not kidding around. I did show you the past, did I?" Napasimangot ako nang maalala iyon. "By the way, you said that you didn't have the recollection of those memories. You were right. I saw you lying inside a Secret Facility. You've been experimented, that's why..." pag-amin ko.
"Is that why you kept on insisting that I'm not a Rayka?"
Napatango ako.
"Hmm..." Saglit siyang nanahimik. May nakita akong lungkot sa kanyang mga mata na biglang napalitan ng kuryosidad. "I've been awake since yesterday. My body shivers with this snow. I should be in my wolf form but I couldn't do it anymore. It seemed like I have forgetten about transforming. What do you think?" tanong niya.
Doon napakunot ang noo ko sa kanya. "I don't understand... you should be shocked or bewildered that you've been experimented. You've been used to alter your DNA. Why are you just showing me that face?!" Napasigaw ako dahil sa inis. Hindi ko maintindihan ang ginagawa ng isang 'to. Masyado siyang relaxed. Ni hindi man lang nag-alala na baka ginamit na ang katawan niya sa isang napakadelikadong bagay.
Napabuga siya ng hangin at tahimik na humalakhak. "Just because... you know, I don't really worry about that right now. Do you know why?"
Hayan na naman ang napaka anitipatiko niyang tingin. Nakangiti na animo'y nagsasabi lang ng trivia sa isang batang paslit.
"I've discovered something more interesting just now..." pagbunyag niya.
Napataas ang kilay ko. "What is it?"
Lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Halos magdikit na ang mga labi namin sa sobrang lapit naming dalawa. Nakalimutan ko nang huminga. Ang mainit niyang hininga ang lalong nagpadagdag ng tensyon sa loob ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"First, I don't worry about transforming back to my wolf form. It's because your eyes make me warm right now. Second, I could use to do this everytime I'm chilling in the snow..."
"What?"
Nakita kong bumaba ang kanyang tingin. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko dahil doon. Unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako.
Naglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Doon ay naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ng puso ko. Ginalaw niya ang kanyang mga labi at marubdob na tinanggap ang nakaabang kong mga labi. Mabagal ang aming pinagsaluhang halik. Isang mabagal at matamis na halik.
Sumusunod lang ako sa galaw ng kanyang labi. Hindi ko alam ang kasunod. Kahit ilang beses ko nang napapanood sa usong palabas ng mga Ordinary sa sinehan kapag sinasama ako ni Ranny, hindi ko alam na kapag nasa sitwasyon na pala ako ay hindi na pala ako makakagalaw nang husto. Mas masahol pa ito sa pagkakakulong sa isang madilim na piitan. Nakakabaliw at napakainit.
Hindi ko namalayang napakawit na ang dalawang braso ko sa kanyang leeg. Lalong lumalim ang halik na iyon. Walang ni isa sa amin ang umiiwas. Ang bawat halik niya ay tinutugunan ko ng isa pa. Ginagaya ko lang kung ano ang ginagawa niya.
May umusal na ungol mula sa aking bibig. Bahagya akong napatigil dahil doon.
Narinig ko naman siyang tahimik na tumawa ngunit hindi pa rin nilulubayan ang labi ko.
Halos mag-apoy na ang buong katawan ko sa ginagawa niya. Dahil doon ay naitulak ko siya. Napasinghap ako at habol-hiningang napaatras mula sa kanya.
Maging siya ay nagulat din sa ginawa ko. Maya-maya ay napababa siya ng tingin at mapait na ngumiti. "Sorry... I didn't realize this made you uncomfortable..."
"No!" bigla kong tanggi. Pareho kaming nabigla sa sagot ko. "I-I mean... I just... I just thought... I felt my body temperature increased. I just thought I was about to die. You know..."
Napahalakhak siya. "You're killing me..." patuloy siya sa pagtawa.
Napakunot ang noo ko dahil doon. "Is that funny to you? I almost died! How can you be so happy?"
"No, you're not going to die. Haven't you done it before?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?"
"What you just felt earlier is not death..."
"T-then... what is it?"
Muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin at seryoso akong tiningnan. "Reaction to my invitation. Your body is responding to me."
"Invitation?"
"Yes. Invitation... to be my mate..."
To be continued...