Chapter 21: Pressure

2141 Words
Zasek Vampires Life span: unlimited Weakness: Severe attacks Kind of Walker: Daylight Population: 7 Habitat: Modern houses designed by humans Territory: Black Line. Available Gender: Male and Female Reproduction: Through Porlomolla or Blood Transfusion Status: Forbidden to reproduce Physical Appearance: Beautiful, Radiant in human eyes, tall, fair skin, warm-blooded vampires, close to being a human except immortality and immeasurable strength. They have fangs. 2nd Appearance: eye color change to yellow when in battle mode or in hunger Class: Living vampires with spirits Other Abilities: mental and physical abilities exceeding human capacity Diet: Animal blood/Human donated blood ------------------------ Eve Napataas ang kilay ko sa huling sinabi sa akin ni Alec. "Huh?" Napakamot naman siya ng ulo at napangiti. "I forgot... I think you're here to hunt me, aren't you?" Natameme ako sa sinabi niya. Binuka ko ang bibig para may sabihin ngunit naputol ang plano ko nang biglang dumating. "Freeze!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw na iyon. Napalingon ako. Ganoon din ang ginawa ni Alec. Nakita ko ang galit na mukha ni Sky habang nakatutok ang baril sa direksyon namin. "Step away from our agent and don't make any fvcking move!" babala niya. Napalingon ako sa nasa gilid niya at nakita ang gulat na mukha ni Grace. Nakahawak siya sa damit ni Sky na tila isang batang paslit na walang alam paano poprotektahan ang kanyang sarili. "Captain!" tawag ni Sky. Doon lang ako natauhan. Napatingin akong muli sa kanya at saka napagtanto ang lahat. Agad akong napatayo at tumakbo papalapit kay Sky. Patuloy pa rin siya sa pagtutok ng baril sa kasama ko kanina. Habang ang isa naman ay walang mababakas na takot sa mata. Nakatuon lang ang tingin niya sa akin. Tila nasasaktan na hindi ko maintindihan. Ano ba itong naiisip ko? Napailing ako. Hindi ito maaari. Hindi ito ang plano ko. Hindi dapat ako nalilito sa gagawin ko. "Stand up and raise your hands so I could see you!" utos pa ni Sky muli kay Alec. Hindi naman nag-atubili ang isa at tumayo at itinaas ang magkabilang kamay. "I see you're all one of them, right?" tanong niya. "I don't think we have to answer your question. Why don't you just cooperate and get you handcuffed?" "What if I don't? Would you rather kill me?" Pinanlisikan na ni Sky si Alec ng tingin at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa baril. "Shut your fvcking mouth and cooperate!" "Why would I? You're invading this Raykan Territory. Does your so called Line Treaty applicable in this state?" Napaismid siya. "You have no right to order a Rayka around here, Vampire. You should get lost!" Doon napakunot ang noo ni Sky sa kanya. "W-what did you say?" Napabuntonghininga ako dahil doon. "Sky. Tama na. Ako nang bahala sa kanya..." pagpigil ko sa kanya habang sinusubukang hawakan pababa ang baril niya. Winakli ni Sky ang kamay ko. "'Wag kang makialam dito, Captain. Kung hindi mo siya kayang hulihin, ako ang gagawa!" Nakita kong akma nang kakalabitin ni Sky ang gatilyo. Doon nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko ang nakangising mukha ni Alec. Nababaliw na ba siya? Hindi ba siya takot na mamatay? Silver bullets ang dala namin. Ibig sabihin ay isa ito sa fatal weakness ng isang lab-breed creature na tulad niya. Pero mas hindi ko maintindihan ang sunod na ginawa ko... Lumakad ako sa harap ni Sky. Matapos no'n ay humarap ako at humarang sa kanyang target. Wala na akong pakialam kung anong hitsura ko ngayon pero desperado na akong gawin ito. Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit ko ito nagagawa pero kung ito ang tanging paraan para malaman ko ang katotohanan sa likod ng Secret Facility at sa itinatago sa akin ng Zillion, kaya kong itaya ang buhay ko, maprotektahan ko lang ang tanging susi ko sa pag-abot ng mga kasagutan na kailangan ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sky. Napahinto siya sa ere sa gatilyong gamuntik na niyang kalabitin nang tuluyan. "A-anong..." "Eve..." tawag naman sa akin ni Grace. May pag-aalala sa kanyang mukha. "Hindi mo pwedeng gawin 'to, Sky. Hindi ngayon..." pakiusap ko. Napalingon ako saglit kay Alec na gulat din sa ginawa ko. Nakatayo lamang siya roon at natigilan sa mga ikinilos ko. "Captain, anong ibig sabihin nito? Hindi ang usapan natin kanina!" angil ni Sky. Napaatras ako hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin ni Alec sa aking likuran. Napailing ako at hinarap si Sky. "Hindi ako makakapayag sa gagawin mo. Una pa lang, alam mong hindi ako pumayag sa misyon na 'to. Ang orihinal na misyon ay ang hanapin si Ranny. Hindi ito ang napag-usapan!" Napaluha ako sa sobrang galit. "Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan?" Napangisi naman si Sky. "Sa tingin mo? Sa lahat ng mga nangyari sa Valkyrie, magagawa ko pa bang pagkatiwalaan ang mga plano mo? Ipinahamak mo na ang iba sa atin! Sa pagkakataong ito, hindi na ako makakapayag na gawin mo ang gusto mo. Kaya tumabi ka!" sigaw niya sabay tutok muli sa baril sa aming direksyon. "Kung papatayin mo siya, sa akin ka muna dadaan!" sagot ko naman. Nakadipa pa rin ako at pilit na inihaharang ang sarili kay Alec. Masama kong tinitigan si Sky. Wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na kahit kailan ay hindi ako kailanman pinagkatiwalaan ng sarili kong platoon. Ang Valkyrie ay kasabay kong lumago bilang isang agent. Itong mismong platoon na dahilan kung bakit wala nang gugustuhin na sundin ako dahil sa mga kakaiba kong desisyon. "Kung gusto mong ibigay kay Matheo ang lalaking ito, kailangan iyong patay na ako at wala nang tunay na pipigil sa'yo..." dagdag ko pa. "Ano pa bang mawawala sa akin? Wala nang mas sasaya pa sa katotohanan na maglalaho na ako at hindi na muling makararanas ng masasakit na alaala. Ano pang hinihintay mo? Barilin mo na ako!" sigaw ko pa. Nanginginig pa ang mga kamay ni Sky dahil sa galit habang mahigpit na hawak ang baril. Matalas ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang paghihirap na nararamdaman niya sa loob niya. Ilang sandali siyang naging ganoon, hanggang sa napasigaw siya at itinapon ang kanyang baril sa lupa. Iyon na ang cue ko. Matapos niyang ilapag nang ganoon ang kanyang barili ay agad kong hinila mula sa likuran ang kamay ni Alec at malakas siyang binuhat at ibinalibag sa aking harapan. Malakas siyang napabulagta sa lapag. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Maging ang dalawa ay nagulat din. Mabilis akong kumilos at ang makapal na vampire handcuff ay agad kong ikinabit sa kanya. Ito ay ang parehong handcuff na ginamit sa akin noong hinatid ako sa helicopter ng mga taga-Punishment Stadium. Sarkastiko akong ngumiti kay Alec. Itinapak ko pa sa kanyang dibdib ang sapatos ko at diniin iyon. "Gotcha..." Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya pero mas nagulat ako nang napangiti siya sa akin na tila wala siyang nararamdamang takot sa aking presensya. **** Umabot na ang alas tres nang hapon. Nakahanap kaming muli ng panibagong kweba na mapagtataguan. Siniguro ko na hindi na kami muling mahahanap ni Matheo. Nang masiguro naming nakakulong si Alec nang maayos sa ginawa naming silver cage, padabog na naglakad papunta sa akin si Sky. Nasa may bukana kami ng kweba. Magkasalubong pa rin ang kanyang mga kilay at nakapamaywang. "Anong ginagawa mo? Hindi ko ba alam na ground zero tayo? Napapalibutan tayo ng Zillion! Balak mo ba talagang dumihan ang reputasyon ng Valkyrie, ha?!" Pasugod niyang mga tanong sa akin. Pairap ko siyang tinitigan. "Kung ayaw mo sa plano ko, malaya kang barilin ako ngayon," hamon ko pa sa kanya. Napatigil siya. "Ano bang nangyayari sa'yo, Eve?" Napaiwas ako ng tingin. "'Wag kang magtanong as if hindi mo alam anong nangyayari sa paligid mo. Sa tingin mo, bakit wala tayong makitang mga Rayka sa loob ng lugar na ito? Saan sila ngayon na alam mong magandang dahilan kung bakit wala sila sa nag-iisang unclaimed territory sa Black Line? At bakit may facility ang Zillion sa lugar na 'to?" Nangunot ang noo niya sa mga tanong ko. Wala siyang maisagot. Napapaisip din sa narinig niya. "Sa tingin mo, papayag ako na gawing kasangkapan ang Valkyrie sa monkey business ng Zillion? May dahilan kung bakit pursigidong dalhin tayo ni Matheo sa lugar na ito. Ginamit lang niya ang alibi ko na hanapin si Ranny. Dahil ito talaga ang misyon natin. "Sa tingin mo... naniniwala ka ba sa sinasabi nila na bampira ang hinahanap natin? Anong napansin mo sa amoy niya?" dagdag ko pang tanong sa kanya. Doon napaangat ng tingin sa akin si Sky. "Ngayon lang ako nakaamoy nang ganoon. Kaiba siya sa ibang lipi ng mga bampira. Pero ang ipinagtataka ko, bakit sinasabi niyang isa siyang Rayka? Hindi siya amoy lobo. Kahit amoy ng isang Domon ay wala sa kanya," paglalahad niya. "Nakita ko ang nakaraan niya... nakita ko kung anong ginawa sa kanya ng mga bampirang nasa secret facility..." pag-amin ko pagkakuwan. "Anong ibig mong sabihin?" "Makinig ka sa akin, Sky... ngayong alam mo nang ako ang porlomollan generation ni Aleyago, ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan sa likod ng pagkakatatag ng Zillion..." Tahimik lang siya at nakaabang sa aking susunod na sasabihin. "Itinatag ang Zillion hindi bilang isang House para sa mga bampira. Itinatag ang Zillion para sa isang experiment..." Doon nanlaki ang mga mata ni Sky sa mga isiniwalat ko. "A-ano?!" Nagsimula ang lahat dahil sa pagkakamali ni Maria Michzus... Simula nang bawian ng buhay si Aleyago dahil sa matinding pagkagutom ay doon nabuhay ang isang panibagong Zasek. Si Maria Michzus. At ang unang naging kaibigan niya ay si Matheo Irving mula noong 1850. Kilala siya sa pagiging isang matalinong tao. Isa siyang dalubhasa na kahanay ng mga magagaling na mortal noon sa daigdig. Isa sa ipinangako niya kay Maria Michzus ay ang isang eksperimento na makakapagbalik sa mga bampira sa pagiging isang mortal. Pero ang lahat ng test subjects nila ay hindi nagtagumpay. Pero dahil din sa umuusbong na alitan ng mga Vaz Harpia at Zasek ay natigil ang operasyon. Mas naituon ang atensyon sa paghihiwalay ng mortal sa mga bampira. At dahil sa kasunduan nina Maria Michzus at Matheo, nabuhay ang Zillion. Ang layon nito ay ang magpalaganap ng kapayapaan sa loob ng Black Line Territories. Lalo na rin ang programa para sa mga TIM or terminally ill mortals. Maraming naging alok ang Zillion na mapaghanggang ngayon ay inaakala ni Aleyago na isang makataong pagtulong. Pero hindi pa rin maintindihan ni Aleyago na wala nang ibang ginawa si Matheo kundi ang linlangin siya... "Ang ibig mo bang sabihin, ang kasama natin ngayon ay isang tunay na Rayka at hindi isang bampira?" sa wakas ay tanong ni Sky. Napatango ako. "Hindi ko pa alam kung anong tawag ng Zillion sa kaso ng isang iyon. Pero nasisiguro ko na isa ito sa existing projects ng Zillion na naka-disguise as charity works para sa mga taga North America," sabi ko pa. Napakunot ang noo niya. "'Wag mong sabihing..." Napangisi ako sa kanya bilang tugon. "Tama ka, Sky. Ito nga ang project na ito ang tinutukoy ko. Ang Riding Hood Project..." "Pero, akala ko ba, ang proyekto na ito ay naglalayon lang na bigyan ng trabaho ang ibang unemployed vampires? Kahit ang Vaz Dracula ay inaalok din ng Riding Hood Project na magtrabaho nang naaayon sa kanilang shift. Paanong naging ito ang tunay na mukha ng proyektong ito?" "Hindi mo ba napansin ang mga hindi kilalang bampira na nagsulputan sa Nagoya? Noong una, akala ko ay mga tauhan sila ng Trinity. Pero nagkamali ako. Ang mga iyon ay mga Vaz Dracula na na-hire ng Riding Hood Project sa ilalim ng pamamahala ng Zillion. At ang target nila ay hindi unemployment kundi ang maglikha ng secret facility sa bawat unclaimed territory. Ang tunay na target nila ay ang mga lobo. Experiment ang tunay na dahilan..." pagsisiwalat ko pa. "Pero bakit mga Rayka pa? Hindi ko maintindihan..." "Kilala ko si Matheo. Ginagawa niya ito sa ngalan ng siyensya. Dahil ito ang mayroon na lang siya. Kung makagagawa siya ng isang malakas na lipi ng mga bampira, tiyak na wala nang makakapigil sa pagdami natin sa daigdig. At maaaring wala nang saysay ang Line Treaty sa hinaharap kung magtagumpay siya sa kanyang eksperimento." Napahigpit ng pagkuyom si Sky. Napatitig siya sa sahig at seryosong tumingin doon. "Sa tingin mo..." Napaangat siya ng tingin sa akin. "Tama ba itong tinatahak natin? Paano kung magkamali tayo sa huli?" Napangiti ako nang mapait. "Simula't sapul, isa nang pagkakamali na narito tayo sa mundo ng mga tao. Walang ibang rason para maging makasarili tayo. At hindi ako makakapayag na gamitin ang dugo ko para sa isang masamang plano. Hindi ito ang kagustuhan ni Aleyago. At alam kong kapag siya ang nagdesisyon, hinding hindi maaaring baliin ng sinuman. Kahit pa ng pareho naming pinagkakatiwalaan ng aming buhay. Kahit pa ni Matheo..." To be continued...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD