Chapter 3: Gift

2101 Words
Classifications Vampires – they are usually soulless, undead creatures who take in the form of a human that feeds on human or animal blood. Werewolves – they are shape-shifting wolves that may turn into a human, usually on the full-blown moon. In this series, they are the unwanted species on earth. They are inferior in numbers compared to vampires. Humans – they are creatures that are the principal inhabitants of Earth. They are cursed with death. They can possess powers through witchcraft and gifts from the demons **** Eve Gwangju, South Korea, Year 2010 Sa madilim na parte ng isang daanan, isang nakabalot ng mahabang kapa na nakatabion sa kanyang ulo hanggang sa kanyang sakong ang pagewang-gewang na naglalakad. Natanggal ang pagkakasuot ng hood sa kanyang ulo at nahantad ang kanyang mala-kremang buhok. Ang kanyang mata ay nag-iiba ng kulay, mula kulay brown ay nagiging matingkad na dilaw na tila mata ng isang pusa. Lumalalim na rin ang kanyang hininga. Pinipilit niyang tapangan ang sarili na huwag manghina o mawala sa sarili sa oras na maramdaman na naman niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang kaluluwa na pumaslang muli upang gawing pagkain. Kailangan niyang mahanap ang babae na nakita niya sa isang larawan kahapon nang mapadaan siya sa isang pamilihan. Napaangat ang ulo niya at mapait na napangiti. Nagsimula na ang unang pagbagsak ng nyebe mula sa kalangitan. Ito na ang kinatatakutan niya. Malapit nang mawalay ang kanyang katinuan. Nangangamba siyang makapaminsala ng ibang tao dahil sa kanyang kakaibang kakayahan. Hindi niya maaaring baliin ang batas na ang Source Blood mismo ang gumawa. Nasa kanyang katawan ang kaluluwa nito at hindi siya maaaring magkamali, kung hindi, mawawalan ng saysay ang kanilang pinaghirapan. Sinubukan niya pang tumayo kahit na hapong-hapo na ang kanyang katawan. Hindi na niya alam kung anong daan na ang kanyang tinatahak. Iniiwasan lang niya ang mga tao sa daan. Hindi siya tiwala sa kanyang sarili at baka makasakit pa siya ng iba. Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa bumagsak na nang tuluyan ang kanyang katawan sa malamig na lupa. Ngunit, kasabay ng kanyang pagbagsak ay ang paghinto ng isang sasakyan sa kanyang harapan. Isang humahangos na babae ang biglang umibis mula sa sasakyan at kaagad siyang nilapitan. Naririnig niya ang pagsasalita nito pero hindi niya maintindihan. Marahil ay nagsasalita ito ng Korean. Hindi siya nag-aral ng lenggwahe ng mga tao sa lugar na ito dahil mas abala siya sa pagtugis sa mga Rayka at sa ibang bampira na nais saktan ang mga tao sa Borderline. Matagal na siyang namamalagi sa mundong ito. Marami na siyang nasaksihan na pagbabago ng mundo, isa na roon ang pagkaubos ng populasyon ng mga mortal dahil sa paglobo ng populasyon ng mga bampira. Isa siya sa nanindigan sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa mundo at kinatawan na ito sa pamamagitan ng isang batas na tinatawag na Line Treaty. Nagagalak na rin siya na sinunod ni Meja ang kanyang mungkahi na pamunuan ang pagpapatupad nito. Dahil dito ay hindi na siya kailangan pang mabuhay sa katauhan na ito, bilang si Maria Michzus. Ngunit, nang makita niya ang mukha ng babaeng nasa kanyang harapan ay doon nabuhayan ang kanyang loob. Hindi alintana ang pagod na natanggap niya sa halos pitong daang taon na inilagi niya sa mundong ito. Sa wakas ay nakita na rin niya ang babaeng kanyang hinahanap. Ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang babaeng nararapat na pagsalinan niya ng kanyang kaluluwa. Nakita ni Maria Michzus ang larawan ng babaeng ito sa isang malaking billboard na kalalagay lamang sa may Skyway. Ang babae ay nagpakita ng kanyang kagandahan. Isa siyang matangkad na babae at may angking kagandahan. Mukhang kinagigiliwan din ang babaeng ito sa buong South Korea dahil isa siyang artista. Nang makita niya ang larawan ng babae ay agad niyang naramdaman ang buhay na nasa sinapupunan nito. Ito ang nararapat na magdala sa kaluluwa ng prinsesa. Bago pa man pumikit nang tuluyan ang mga mata niya ay napagawi ang kanyang paningin sa tiyan ng babae at dahan-dahan itong hinawakan. Mabuhay ka para sa ating mahal na prinsesa. Ingatan mo ang kanyang kaluluwa't ipagpatuloy ang kanyang adhikain. Nawa'y mapatawad mo ang iyong sarili matapos nito. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa'yo ng iyong ina. Nakikita ko na ang iyong magiging hinaharap. Makikita kong mababawi mo ang trono na para sa iyo... **** Osaka, Japan; Valkyrie's Tent Inaayos ko ang mabigat kong sapatos at maayos na sinintasan ito nang biglang pumasok si Sky sa loob ng tent. Napaangat ang tingin ko sa kanya at napansin ang walang ekspresyon niyang mukha. "Hindi tayo pinayagan na pumunta ng California," pagbabalita niya. Napaismid naman at at napatawa sa kanyang tinuran. "Bwisit talaga..." Nang matapos ako sa pag-aayos ay napatayo ako at napaangat ng tingin sa matangkad na tikas ni Sky. "Anong plano? Sa tingin ko, hindi naman tanga si Matheo para sayangin ang oras natin sa pagsuyod sa buong Japan para hanapin ang mga nawawalang estudyante. Ano bang gusto niyang mangyari?" "May bago tayong assignment. Mukhang mas urgent ang isang 'to kaya ayaw niya tayong paalisin muna rito." Napahalukipkip ako at walang ganang napatango kay Sky. Wala naman bago sa ugali ni Matheo. Palagi siyang paiba-iba ng assignment. Ito ang pinakaayaw ko dahil lalong napapatagal ang oras. "Kapag nakita ko talaga ang matanda na 'yun, magtutuos kami. Alam niyang hinahanap ko si Ranny!" "Ginagamit ni Senior ang dahilan na iyon para mapanatili ka sa Valkyrie. Alam niyang kailangan ka ng team sa ngayon. Isa pa, hindi mo rin mahahanap si Ranny kung wala ako at ang iba pa sa atin. Hindi mo kaya nang mag-isa na kalabanin ang mga Bernardine." Napapantastikuhan ko ang sinabi niya. "Asin lang ang katapat nila. Kung pwede, magdadala ako ng isang sako no'n para makuha ko lang si Ranny, gagawin ko! Hindi n'yo ako pwedeng diktahan kung kailan ko siya pwedeng hanapin." "Wala kang ibang choice kundi ang sundin si Senior. Alam mo na kung bakit. Kaya mas makakabuti na sumama ka na sa kabilang tent para mapag-usapan ang panibagong assignment." Wala akong nagawa kundi ang padabog na sumunod kay Sky. Alam na alam talaga nila na wala akong magagawa sa pinag-uutos ni Matheo. Hawak niya ako sa leeg sa ngayon dahil sa utang na loob ko sa pagliligtas niya sa akin noon. Kung hindi dahil doon ay matagal na akong nakawala sa House of Z. Pagdating sa kabilang tent ay nakaupo na roon si Vorun at Zoren. May nadagdag na sa officials na isang babae. May kulay abo na buhok na nakapusod at seryoso na nakatingin sa isang malawak na puting screen. "'Nga pala, Captain, may bago tayong kasama. Siya si Sergeant Major Lileth Young. Makakasama natin siya sa panibagong mission ngayon," pagpapakilala ni Sky sa babae. Napasaludo ang babae sa akin at ngumiti nang bahagya. "Sgt. Maj. Lileth Young for duty, Ma'am!" Walang kagana-ganang napatango at tinaboy siya gamit ang kamay ko. Napabaling akong ulit kay Sky. "Sabihin mo na ang bagong misyon at nang makapunta na agad tayo." Napaharap siya sa aming lahat at binuksan ang projector. Lumabas ngayon ang iba't ibang imahe ng isang magandang bahay na kulay puti. Isa itong malaking bahay na halatang pagmamay-ari ng isang mayamang nilalang. "We have a grave situation. Alam naman natin na mahigpit na ipinagbabawal na ang paggamit ng Porlomolla sa panahon natin lalo na at hindi ipinagpaalam sa House of Trinity ang pagpagsasalin-silang na ito. Isang pamilyang Pilipino na naninirahan ngayon sa Osaka, Japan ang nag-report sa RLPA ang tungkol sa pagkamatay ng isang babae matapos maipanganak ang kanyang anak na hinihinalang bunga ng Porlomolla. Natanggal na sa pinaghihinalaan natin na ang naging kabiyak ng babae ay isang bampira. So, hindi Vaz Mortal ang naging bunga, kundi isang Zasek. Sa ngayon, minamatyagan na ang buong kasambahayan nila ng mga Vaz Mortal na ipinadala ni Matheo mula sa Pilipinas." mahabang pagsasalaysay ni Sky. "Sino ang naging bunga ng pagsasalin-silang?" nagtatakang tanong ko. "Ang pangalan niya ay Eliza Grace Ignacio. Kahapon lang siya ipinanganak. Ibig sabihin ay may namatay na Zasek no'ng isang araw bago ang kanyang kapanganakan. Mahirap pang malaman kung sino ang Zasek na iyon. Limang araw pa bago natin makakausap nang matino ang bagong silang. Sa oras na iyon ay sampung taong gulang na siya. May alaala na siya sa kanyang nakaraan," tugon niya. Tama. Anim lang ang populasyon ng mga Zasek at ito lamang ang itinalagang kabuuan na populasyon namin noong itinatag ang Line Treaty. Kaming pito lamang ang may karapatang mabuhay. Kailangan naming ingatan ang aming mga katawan upang mapanatili ang aming buhay. Ang sakop lamang ng ika-anim na utos sa Line Treaty ay kung ang isang Zasek ay magsasagawa ng Porlomolla nang walang pahintulot mula sa House of Trinity. Sa oras na mapagbigyan ang hiling ng isang Zasek na magsalin-silang ay makakatanggap sila ng tatak ng Trinity na ipapadala gamit ang mail. Ang House of Trinity rin ang may karapatan na mamili ng mortal na maaaring pagsalinan ng kaluluwa ng mga sinaunang Zasek. Ang sinumang Zasek na mapapatunayang lalabag dito ay papatawan ng isang matinding kaparusahan na kamatayan sa harap ng mga pinuno ng House of Trinity. Ang tanong, sino ang Zasek na hindi nagpaalam na magsalin-silang? Ang alam kong nabubuhay pang mga Zasek ay sila Maria Frieda, Senior Shalom Cain, Senior Hiroku, Senior Lazarus, Senior Matheo Irving, at ang panghuli ay ako. Matagal na ring wala sa loob ng Black Line si Maria Frieda. Posible kayang siya ang may gawa sa bagong silang? Napatingin ako kay Sky nang may seryosong tingin. "Dalhin mo ako sa batang 'yon. Kaya kong malaman ang nakaraan niya nang hindi naghihintay ng limang araw..." **** Agad kaming nagtungo sa nasabing lugar na bahay ng pamilya ng bagong silang na Zasek. Huminto ang sasakyan namin sa isang magarang mansyon. Napaismid si Sky. "Talagang namili ang Zasek na iyon ng paglilipatan niya ng kaluluwa." Bumaba na kaming lahat sa sasakyan. Nang makalapit ay si Sky ang nag-doorbell. Nakaapat nang pindot ang lalaki bago may lumabas na tao sa pintuan. Isang babae na nakabihis pangkasambahay. Lumapit ito at tumingin nang may pag-iingat sa aming lahat. Lahat kasi kami ay nakasuot nang normal na damit. Hindi kami pinagbihis ni Sky ng opisyal naming uniporme upang hindi makatawag-atensyon sa mga mortal. "Anong kailangan nila? Mga Pilipino ba kayo?" maingat nitong tanong. "Inaasahan kami ng amo mo..." si Sky ang sumagot. Ilang saglit lang ay nag-iba na ang reaksyon ng katulong. Ngumiti ito at saka mabining tumawa. "Ay, oo nga pala! Sige, tuloy kayo!" anito at niluwangan pa ang pagkakabukas ng kanilang pinto. Ginamit na naman siguro ni Sky ang pagkontrol niya sa utak ng mga tao. Sa loob ay malawak at madilim ang paligid dahil sa kulay ng pader. Natural na kulay ng kahoy ang makikita sa loob at ito ang tema at disenyo roon. May isang malaking chandelier din na nakasabit sa mataas na kisame ng tahanan. Malawak ang salas na may dalawang malalaking sofa na magkatapat at ito ang unang makikita pagkapasok na pagkapasok pa lang sa pinto. Sa isang sofa ay may dalawang batang babae na nakaupo. Magkamukha rin sila at parehong nakasuot ng kulay pink na sando at palda na hanggang tuhod. Pareho rin ang kulay at disenyo ng sandals na kanilang suot. Naka-jinkee naman ang pagkakatali ng kanilang buhok. Hindi nagtagal ay lumabas na ang aming hinihintay na tao. Si Mr. Ernesto Ignacio. Siya ay isang Ordinary at ang ama ng bagong silang na Zasek. Bahagya itong ngumiti sa amin at napayuko bilang paggalang. "Sa wakas ay narito na kayo. Ipapakita ko sa inyo ang aking anak..." anito bilang pagbati at agad na tumalikod. Naglakad na siya papalayo sa amin. Hindi naman kami nagpatumpik-tumpik pa at sinundan namin siya hanggang sa ikalawang palapag ng bahay. Naglakad kami hanggang sa pinakadulong silid. Nakakandado na malaki ang pinto. Nang matapos itong buksan ay tumambad sa amin ang nakapagulong kwarto sa loob. Naunang pumasok sa loob si Mr. Ignacio. Sumunod naman si Sky, ako, si Vorun, Zoren, at Lileth. Matapos naming makapasok lahat ay sinarado rin ito ng nakasunod sa amin na katulong. Lumapit si Mr. Ignacio sa isang crib na luma at halos magiba na sa sobrang dami ng galos at bitak. May kinuha siya roon, maingat na kinuha, at binuhat. Doon ko nakita ang isang napakagandang batang babae. Base sa kanyang hitsura ay nasa limang taong gulang na ito. Kahapon lang siya ipinanganak ngunit mabilis na ang paglaki nito. Maamo ang mukha, bilugan ang ulo at mga mata. Ang kanyang buhok ay maitim ay may bahagyang kulot. Napatigil ako nang biglang mag-angat ng tingin ang bata at napatingin sa akin. Napangiti ito at itinuro ako. "She can see you..." -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD