Chapter 14: Flight

2108 Words
"Those who betray you Have reasons to trust you Because they can use you To make those who side with you To be against you." -Vampires --------------------------- Eve Walang silbi ang mga nagawa ko. Sa pagkakataong ito, nautakan ako ng transfused soul porlomolla na si Grace. May mapanuya siyang ngiti na nag-aabang sa pagsuko ko sa kanyang mga kondisyon. Tulad ng pagka-curious ko sa anong nangyayari kay Ranny ngayon, curious din ako sa kung ano ang gustong makuha ni Grace sa California. Kung sino ba talaga si Edward Manalo at kung saan siya nanggaling. Iyon ang gusto kong malaman. Nakalabas kami nina Sky at Grace habang si Tupac at Vorun naman ay pinasakay lang sa van kung saan kami umibis. Didiretso sila pabalik sa Z Corp. building. Pagkatapos umalis ng van ay naiwan kaming tatlo. Nakita ko na napangisi nang bahagya si Grace at lumingon sa akin. "Good choice. Now... let's head to Nagoya as planned..." paanyaya niya. "Wala tayong ibang pupuntahan kundi rito," giit ko. Napataas ang kilay niya at ganoon din si Sky na nalilito sa mga nangyayari. "Gusto mo bang patayin ko si Sky ngayon?" pagbabanta niya. Napaigting ang kanyang panga, halatang napikon sa sinabi ko. Napangisi ako sa kanya. "Anong akala mo, natatakot ako sa banta mo? Walang mahalaga sa akin kundi si Ranny. Wala akong pakialam kung sino ang gamitan mo ng walang kwenta mong kapangyarihan. Ang mahalaga rito ay maiaalis ko si Ranny sa kung saan man siya sa lalong madaling panahon. "Inaamin ko na kailangan kita sa misyon ko at wala akong pakialam kung may personal agenda ka sa pagpunta mo sa California. Ang gusto kong malaman ay kung anong kinalaman mo sa mga Bernardine? Sino ka ba talaga? Kapag sinagot mo ang mga iyan, saka lang ako papayag na makalampas ka nang buhay sa lugar na ito..." pagbabanta ko habang iniharang ang dalawang kamay ko. Seryoso akong nakatingin sa kanya. Determinado akong patayin ang babaeng ito kung kinakailangan. Kung magiging balakid siya sa mga plano ko, wala akong plano na buhayin siya dito pa lang sa Japan. Ang mga tulad niya ay hindi na dapat binubuhay. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako kung bakit isa siya sa napagtripan ko noon. Kung hindi lang ako nagpadala sa pagiging immature vampire ko, hindi ito mangyayari sa akin ngayon. Nagsalubong ang mga kilay ni Grace habang tinititigan ako nang matalim. Maya-maya ay napatungi siya na tila kalmado na sa aking paningin. Napabuga siya ng hangin. "Fine. Makulit ka. Hindi pwede maubos ang oras ko sa'yo sa pakikipagmatigasan. Gustuhin ko mang sagutin ang mga katanungan mo, Eve, pero wala akong magagawa. Sa California pa ang mga sagot matatagpuan. Malay mo, ang hinahanap mong tao ay may kaugnayan pala sa akin. "Gayunpaman, natitiyak ko sa'yo na iisa ang goal natin. I want to kill someone. This someone might be your enemy, too. Kaya kailangan mo akong pagkatiwalaan. If not, bahala ka. It's your choice if you can't trust me. Ang mahalaga rito ay makapupunta tayo sa California. Happy now?" Pairap niya akong iniwasan ng tingin saka siya maghalukipkip. "I so hated waiting, Eve. Pakibilisan ang pagdedesisyon!" pag-aapura niya. Tiim-bagang ko siyang tiningnan habang nag-iisip nang malalim. **** Tahimik kaming nakarating ng Nagoya Airport. Ang private airplane na nakahanda para sa pagbiyahe namin papunta sa California. Naririnig na namin ang makina nito habang papasok kami sa umpisa ng runway. Napakunot noo ako nang makitang may mga hindi pamilyar na tao ang nasa paligid. Hindi ko sila kilala. Nakasuot sila ng itim ba tuxedo at gwardyado ang buong lugar. Napahinto ako sa paglalakad at ganoon din ang ginawa ni Sky. "Anong problema, Captain?" tanong niya sa likuran ko. Napalingon ako kay Grace. Napakunot ang noo ko nang makitang gulat din ang hitsura ni niya. "Sino sila? Akala ko ba kuntsaba ito kasama si Matheo? Sino ang mga 'yan?" "Hindi ko sila kilala. Wala akong ideya na may bantay rito..." nalilitong sagot niya sa akin. Palinga-linga siya sa paligid. Maya-maya ay may lumapit sa amin na anim na lalaki. Agad nila kaming pinalibutan. "Anong ibig sabihin nito?!" Isang ring ang biglang umalingawngaw. Naramdaman ko na nanggaling iyon sa aking bulsa. Kahit nalilito ay kinuha ko ang bagay na nasa bulsa ko. Doon nanlaki ang mata ko nang makitang ang cellphone ko ang umiilaw at nagri-ring. Pangalan ni Matheo ang nabungaran ko. Sinagot ko naman agad. "Anong ibig sabihin nito, Tanda?" bungad ko sa kanya sa tawag. "I'm sorry, Eve. You're on your own. Ikaw na ang bahala sa gusto mo at ikaw na ang bahala kung papaano ka makakatakas sa kanila ngayon. Alam mong hindi ko pwedeng ipagpalit ang House of Z para lang sa kapakanan mo," imporma nito mula sa kabilang linya. Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko dahil sa sobrang galit na gusto kong pakawalan. Pinigilan ko ang sarili ko na sumigaw dahil sa galit. Huminga akong malalim habang nakaabang ang mga lalaki sa harapan namin. Napaismid ako. "Binibenta mo na pala ang sarili mong platoon. Pinilit-pilit mo akong bumalik sa Valkyrie para lang ipahamak ang sarili ko. Hindi ka na talaga nagbago, Tanda. Tuso ka pa rin..." mariin kong sabi sa kanya. "Alam mo ang sagot dyan. Wala akong ginawa na totoong ikapapahamak mo. Alam mong kaya ko ito ginagawa ay dahil alam kong kaya mong malagpasan iyan. Ito na ang pagkakataon mong ipakita sa Valkyrie ang tunay mong kapangyarihan. Kailangan na nilang malaman na ikaw si Aleyago..." paalala nito sa akin. Napalingon ako kay Sky. Napalunok ako at tumitig sa kanya nang matagal. Sky, hintayin mo ako. Makakaalis din tayo rito... mensahe ko sa kanya sa pamamagitan ng mind reading. **** Naglalakad ako sa kadiliman. Ito lang ang natatandaan ko. Walang ibang nasa isipan ko kundi ang malaman ang hangganan ng kadiliman na ito. Malamig ang paligid. Ang aking mga yapak ay hindi marinig. May ilang butil ng tubig ang umaalingawngaw sa pagpatak sa malalim na parte ng tubig sa loob ng lugar na iyon. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng munting liwanag mula sa di-kalayuan. Dahan-dahan ay lumapit ako hanggang sa lumawak ang liwanag sa buong paligid. Nakita ko ang isang dambuhalang altar. Nakaangat ito sa lupa na tila lumulutang. Sa ibabaw nito ay isang malaking trono na gawa sa ginto. May tatlo itong upuan na magkakaiba ng tangkad. Ang nasa gitna ang pinakamataas at magkapantay naman ng laki ang dalawa sa magkabilang gilid. May mga tatak na nakaselyo sa bawat upuan. Iyon ang pamilyar na tatak na palagi kong nakikita sa tuwing pupunta kami sa ibang border. Iyon ang Seal ng Trinity. Ang tinaguriang "Trinity Statue". Nanlaki ang mga mata ko. Wala ni isa sa nilalang sa mundo ngayon ang nakakakita pa ng totoong hitsura nito. Ni ang kuhanan ito ng litrato ay ipinagbabawal. Halos manginig ang buong katawan ko sa sobrang kaba. "N-nasaan ako?" Maya-maya ay may yapak akong narinig patungo sa akin. Unti-unti kong naaaninag ang katawan niya hanggang sa kanyang mukha. Nangunot ang noo ko. "G-Grace?" Imbes na makita ko ang mapanuya niyang mukha ay ang walang emosyon ang bumungad sa akin. "Ang tagal kong naghintay. Ang tagal mong gamitin ang Astral Projection mo. Paano ka napunta rito?" inosente niyang tanong. Doon ako natigilan. Paano napunta rito si Grace? At nasaan ba talaga ako? "Anong lugar 'to?" "Vaz Harpia's cave. Ito ang palasyo kung saan nananahan ang Trinity sires," pagbibigay-impormasyon niya sa akin. "D-dito talaga ako napadpad?" "Hindi ko rin alam kung paano pero palagay ko'y narito ka dahil sa kagustuhan mong makawala." "Teka... 'di ba kasama kita kanina? Nasaan si Sky?" Napangiti siya na tila isang anghel. "Huwag kang mag-alala. Kasama niya si Edward ngayon," sagot niya na lalong ikinakunot ng noo ko. "E-Edward?" "Mamaya ko na ipaliliwanag. Sa ngayon, kailangan mo akong tulungan," mungkahi niya. "Paanong tulong?" "Ito lang ang tanging paraan para mas mapadali ang lahat, Eve." Nagpalinga-linga si Grace sa paligid. Napahinto lamang siya nang may makita siyang isang matulis na bagay. Agad niya itong kinuha at dinala sa kanyang palad. Madiin niyang sinugatan ang kanyang kaliwang palad gamit iyon. Napasinghap siya dahil sa sakit. Lumabas pa ang kanyang pangil. Marahil naamoy niya ang mabangong amoy na hatid ng kanyang sariling dugo na hindi pa nawawalan ng bisa sa dugo ng mortal na kanyang kinasidlan na katawan. Maya-maya ay napaluhod siya. Ang sunod na ginawa niya ay ang aking ikinagulat nang husto. Napaatras pa ako. Pinadanak ni Grace ang kanyang dugo sa lupa at nagsimulang gumuhit ng malaking bilog gamit ito. Sa loob ng bilog ay gumuhit pa siya ng ibang simbolo. Napailing ako. "A-anong ginagawa mo, Grace? Itigil mo 'yan!" pigil ko sa kanya. Akma ko siyang lalapitan at pipigilan nang bigla siyang nag-angat ng kamay. Itinapat niya ito sa akin. Sa isang iglap ay bigla akong tumalsik mula sa kanyang lugar. Napaprotesta ako sa sakit. Itinukod ko ang kamay ko sa lapag at iniangat ang tingin ko patungo sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Napailing ako. "H-hindi. Hindi ito maaari..." Tumayo si Grace at hinarap ako. Wala pa ring emosyon na makikita sa kanyang mukha. Natapos na niyang iguhit ang simbolo na ipinagbabawal sa buong mundo. Ang Trinity Statue. "Taksil!" sigaw ng isang tinig na umalingawngaw sa buong paligid. **** Pagbuklat ko ng mga mata ko, nakita ko ang nakasisilaw na kapaliguran. Ang dalawa kong mga kamay ay nakadipa sa bakal na platform kung saan nakadapa ang katawan ko. Nilagyan ng tatlong makakapal na bakal ang braso at palapulsuhan ko. Nakalapat ang dibdib ko sa platform. Nagsimula akong gumalaw at sinubukang kalagan ang sarili ngunit hindi ko magalaw ang dibdib ko. Sobrang higpit ng pagkakagapos sa akin. Sinubukan ko ring humiyaw ngunit may nakabusal sa bibig ko. Tumingin ako sa paligid. May napansin akong malawak na lugar na may malaking bubungan. Sa gitna ay may tatlong trono. At sa paligid ay maraming bampira na nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar ang senaryo na ito. Bigla akong kinutuban. Nasa loob na ba ako ng Punishment Stadium? "Maligayang pagdating sa araw ng pagbitay sa isang bampira na nakagawa ng pinakamataas na kasalanan. Ito ay ang pumunta sa Vaz Harpia's Cave at ang pagguhit sa Trinity Statue Seal," anunsyo ng isang lalaki. Kasunod niyon ay ang malakas na pagtambol na umalingawngaw sa buong paligid. Halos magkaritmo lang ang t***k ng puso ko at ng tambol. Pabilis nang pabilis. "Nasa harap ninyo ngayon ay si Evangeline Cariño, Zasek, 10 years living as a vampire. Siya ay nagkasala sa pamamagitan ng pagguhit ng Trinity Statue Seal. Siya ay naririto ngayon upang patawan ng parusang kamatayan!" pag-anunsyo ng lalaki na nakatayo sa ibaba ng malawak na trono. Nakasuot siya ng kulay ginto na roba. Ang kanyang balat ay kayumanggi. Ang kanyang ulo ay may sumbrero na kulay pula. Siya ay tinatawag na Sian o isang taga-anunsyo sa tanggapan ng House of Trinity. Tambol. Nanginginig ako sa sobrang pagod sa paglingon sa malawak na lugar na iyon. Sa di-kalayuan ay nakita ko sa maraming tao si Grace at Sky. Nakasuot sila ng mahabang kapa na may hood. Itinago nilang mabuti ang kanilang mga mukha. Napakunot-noo ako. Bakit sila nandito? Nakatakas ba sila mula sa mga hindi kilalang bampira? Kung gano'n, ako lang ang nahuli nila... Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na may lumapit na sa harapan ko. Isang malaking lalaki. Nakasuot siya ng itim at mahabang roba. Base sa kanyang amoy ay isa siyang Vaz Mortal. May hawak siyang malaking espada na tatlumpung pulgada ang haba. Matalas ang gilid nito at kayang kumitil ng isang bampira. Unti-unting nanginig ang buong kalamnan ko. Tiim-bagang kong tiningnan ang seryosong mukha ng bampira na may hawak ng espada. "Tunghayan ang pagbitay sa mapangahas na bampirang ito at huwag nang pamarisan kailan pa man. Alam naman natin na ang Trinity Statue Seal ay isang sagradong selyo na hindi maaaring iguhit, kopyahin o litratuhan dahil ito ay isang uri ng pagtataksil at paglapastangan sa ating gobyerno sa daigdig. Ang sinumang lalabag sa kautusan, 'di lamang nito at pati na rin sa kabuuan ng Line Treaty ay ituturing na kaaway 'di lamang ng gobyerno kundi ng buong lipi ng mga bampira!" dagdag pa ni Sian. Sinabayan pa ng malakas na hiyawan mula sa mga nasa audience. "Simulan na ang pagbitay!" Dumagundong ang boses nilang lahat na halos wala na akong maintindihan. Napapikit ako. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na hanggang dito na lang ang buhay ko. Tutal, wala akong karapatang mabuhay na muli. Isa lang akong hamak na halimaw na walang karapatang mamuhay nang payapa sa mundong hiram na ito. Napapikit ako at ihinanda ang sarili. Naramdaman ko na bumwelo na ang bampira upang ihiwalay ang ulo sa leeg ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD