Chapter 17: Set-up

2258 Words
Kabilugan ng Buwan Halimaw ay nagbabago Iisa ang gusto Dugong bughaw na pumapatay Sa nilalang na walang buhay. Buwang kay linaw ay naitakda Digmaang aso't pusa Luha'y magmamakaawa Lunas ay pag-ibig at awa. Buhay ay walang saysay Kung katotohana'y 'di maisasalaysay Lahi'y tanging yaman Prinsipyo'y inakalang may laman. Ang nakalaan ay itatakda Pigilan may walang makikitang kalasag Iwasiwas man sandatang walang hawakan Naitutusok sa balat ng kawalan. ---------------------- Classes of Werewolves (Existing) Rayka – werewolves that live in cold places Domon – werewolves that live in warm places ------------------------ Eve Namalayan ko ang malakas na sipol ng hangin mula sa labas. Halos yanigin na ang nakatabon na mga kahoy sa bukana ng kweba. Nagbabanta ang isang bagyo. Nararamdaman ko iyon. Mabuti na lamang at ang ilaw namin ay hindi namamatay nang basta-basta. Hindi kami gumamit ng apoy sa loob dahil tiyak na mabilis kaming matutunton ng nga Rayka. Napalingon ako sa mga kasamahan ko. Nakita ko na nakayakap si Grace sa kanyang sarili. Si Sky naman ay naglilinis ng kanyang mga armas. Tahimik silang lahat at naghihintay na lamang ng takdang oras para umalis. "Eve..." Napalingon ako sa nagsalita. Si Matheo. Seryoso ang mukha niya at tila may gustong sabihin. "Ano 'yun?" "Alam kong taliwas ito sa orihinal na misyon natin sa California, ngunit tulad ng ipinunta natin dito at urgent din ito. May ipinadala si Senior Howard na mensahe ngayon lang. May kailangan tayong kunin na package sa lugar na ito. Ibinigay niya sa akin ang coordinates. Mas mapapabilis ang pagpunta natin sa naturang lugar. May ruta tayo na mapupuntahan na mas ligtas ayon sa kanya," pagbabalita niya. Napataas ang kilay ko. "Anong package? Ang ibig mo bang sabihin ay matagal na tayong may business sa site na 'to? Paano nangyari iyon? Sa pagkakaalam ko'y ipinagbabawal ng Trinity ang pagpunta sa hindi natin teritoryo, hindi ba? Ano ito? Bakit?" Napabuga siya ng hangin. "Gusto ko mang i-disclose sa'yo ngunit may protocol tayo sa Zillion. Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang mga detalye. Alam mo naman ang rules. Classified information ito at hindi ko pwedeng i-disclose kahit pa sa pinaka malapit sa akin. Pero importante na magawa natin ito sa lalong madaling panahon. Nakasalalay ang gagawin natin sa kaligtasan ng House of Z." "Pagkatapos ng nangyari, sa tingin mo ba ay maniniwala ako nang basta-basta sa'yo? Tandaan mo na sinabihan mo akong ako na ang bahala sa buhay ko matapos akong mahuli ng mga taga-Trinity!" pagpapaalala ko sa kanya. "Hindi kita pinabayaan. Pinuntahan pa rin kita. Hindi mo maalala na ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa rin hanggang ngayon?" Napairap ako. "Kahit na! Ikaw naman ang may gawa nito. Hinayaan mo ako dahil alam mong umaayon ang mga plano mo sa naiisip ko. Wala kang ginawa at hinayaan akong ilang beses na mapahamak! Kahit kailan talaga, wala ka nang ginawa kundi ang unahin ang kapakanan ng Zillion!" "Ang Zillion ay ang buhay ko. At hindi iyon para sa akin lang. Kasapi ka ng House of Z kaya alam mong isa ka sa mga iniingatan ko." Napaismid ako. "At pagkatapos nito? Tiyak na iiwan mo ulit ako sa ere." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Maya-maya ay napabuntonghininga ako. "Wala na akong pakialam. Pagkatapos nito ay magpapahinga na talaga ako sa pagiging isang Vampire Agent. Kung mamamatay man ako habang nasa misyon, mas mainam. Siaiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay hinding hindi na ako muling mabubuhay pa..." pinal na sabi ko. Napaisip ako. Nakakalito ang mga pangyayari simula nang makadaupang palad ko si Grace. Pero wala akong choice kundi ang sumunod sa ipinag-uutos ni Matheo. Ngayong siya na ang nanghihingi ng pabor sa akin, wala akong magawa kundi ang sundin ito. Hindi nagtagal ay napatango ako sa kanya. "Simulan na natin ang paghahanap sa sinasabi mo. Pagkatapos niyan ay ituloy na natin ang paghahanap sa Exorcist," sa wakas ay pasya ko. **** Nakalabas na kami ng kweba at dinala ang lahat ng aming kagamitan. Binaybay namin ang kailaliman ng kagubatan. Makapal pa rin ang nyebe na bumabalot sa kapaligiran. Wala kaming magawa kundi ang dahan-dahanin ang pagkilos at hindi gamitin ang aming mga kakayahan. Mabilis kasing natutunugan ng mga Rayka ang kilos ng mga bampira kung ginagamit namin ang kakaiba naming bilis. Dalawang oras na rin kaming naglalakad at wala pa rin kaming makitang Rayka sa paligid. Nakakapagtaka. Ano bang nangyari sa kanilang lipi? Bakit tila hindi ko maramdaman ang kanilang presensya sa lugar na ito? Malawak naman ang California ngunit hindi ko lang maintindihan na wala man lang ni isa ang naalerto sa pagdating namin. Napakaimposible na hindi nila kami naramdaman. Ang bilis namin ay maituturing nang pinaka-visible sa lahat at tulad sa mga mortal. Napalingon ako sa paligid at inusisa ang paggalaw ng mga dahon sa itaas. Kung wala sila rito, ano ang mayroon sa kagubatan na ito? Napatigil ako sa paglalakad. Sa pagtataka ng mga kasama ko ay napatigil din sila. Hinubad ko ang gloves ko sa kanang kamay. Umupo ako sa aking sakong at nagsimulang hawakan ang lupang nababalutan ng nyebe. Maya-maya ay napasinghap ako sa rumagasang alaala sa aking isipan... Ilang buwan nang walang mga Rayka na dumaraan sa kagubatang ito. May ibang nilalang ang nananahan sa lugar na ito magmula noon. Hindi ko mawari kung ilan sila. Napakarami nila. Nalamangan nila ang bilang ng mga Rayka. Ang iba sa kanila ay inosenteng hinuli. Ang iba ay pinaslang. Napaungol ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakakita ako ng dalawang Rayka na nagtatago. Pinagtataguan nila ang mga tumutugis sa kanila sa kanilang teritoryo. Ang isa ay nagsalita. "Bakit nandito ang mga bampira? Nagsisimula na naman ba sila sa paghahanap ng mapag-eesksperimentuhan nila?" "Napakalupit nila! Kailangan natin itong sabihin sa ating pinuno. Ang alam ko'y nag-aalok ng proteksyon sa atin ang mga Bernardine. Kailangan na nating magtago ngayon kung hindi ay mauubos ang lipi natin," tugon naman ng isa. "Sino ba ang mga iyan?" "Mga bampira. Balita ko'y isang malakas na uri ang kanilang pinuno. Isang lahi na pinanggalingan ng kaaway ng ninuno nating si Zailo Hiroino. Iyan siya!" turo niya sa isang lalaki na nakatalikod mula sa kanila. Maya-maya ay napaharap sa kanila ang lalaki at tumambad sa kanila ang mukha nito. Walang iba kundi si Matheo Irving... Napadilat ako at malakas na napasinghap. Tila umahon ako sa pagkakalunod. Napahawak ako sa aking ulo at napaungol nang malakas. Sobrang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na sina Sky at Grace. Si Matheo naman ay nakatingin lang sa akin nang may pagtataka sa kanyang mukha. "N-niloko mo... ako..." hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko dahil unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang aking kamalayan. **** Nagising ako. Walang ibang nagrehistro sa utak ko kundi ang bumangon. Pagkatingin ko sa paligid ay puro lang matamlay na kulay ng sementadong pader. Nakaamoy ako ng matapang na gamot. Doon ko lang napagtanto na nakahiga ako sa isang mahabang mesa na gawa sa bakal. Nakabalot pa akong ngputing kumot. Tumayo ako at nagpalinga-linga. Nasaan ako? Nagpalakad-lakad ako. Nangunot ang noo ko nang makitang walang bintana sa paligid. "Anong nangyayari?" Bigla akong nag-panic. Saan ako napunta? Bakit wala sila Grace? Nasaan sila? Napatigil lamang ako nang maalala ko ang sinabi ni Grace sa akin. Paano kung nakawala na naman ako mula sa aking katawan? Doon ako napatingin sa ibaba. Doon ako nahintakutan nang malamang walang lubid na kulay pula doon. Ibig sabihin... nasa loob lang ako ng aking katawan at literal na nasa loob ako ng apat na sulok ng kwartong ito. Tiim-bagang akong napapikit. Kailangan kong mag-isip nang mabuti. Hindi ako pwedeng mag-panic sa mga oras na ito dahil kailangan kong malaman kung sino ang nagdala sa akin dito. Isa lang ang tanging paraan. Kailangan kong malaman ang nakaraan ko. Tinanggal ko ang gloves mula sa kanang kamay ko at hinawakan ang sarili kong braso. Maya-maya ay napasinghap ako dahil sa lakas ng enerhiya na lumabas mula sa aking sariling katawan... Nakita ko ang sarili ko na hinimatay. Agad akong tinulungan ni Sky. Papalapit din sana si Matheo sa akin ngunit may biglang dumating. Hindi sila mga Rayka kundi mga Bampira. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Sky. "A-anong ibig sabihin nito?!" May tatlong bampira na nakasuot ng itim na vest at vampire agent uniform. Dala nila ay kanilang mga baril. Lumapit sila kay Matheo at walang sabi-sabing pinalo ng baril. Dahil sa gulat ay hindi nakailag si Matheo. Napaluhod sila dahil sa impact. Hindi nagtagal ay may isa sa kanila ang nagturok ng kung ano sa leeg niya dahilan upang mawalan ito ng malay. "S-Senior!" sigaw ni Grace. Akma siyang pupunta kay Matheo ngunit naunahan na sila ng iba pang dumating at mabilis na naiturok sa kanilang mga leeg ang isang vial na hindi ko alam kung ano. Pareho silang dalawa ni Sky na naturukan na dahilan ng kanilang pagkahimatay. Ang mga hindi kilalang vampire agent ay isa-isa kaming binitbit papasok sa kanilang black truck. Matapos niyon ay umalis sila sa kagubatan kung saan kami huling nakita ng mga ito... Napadilat ako kasabay ng pagsinghap at pagbitiw sa aking braso. Nagtaas-baba rin ang aking dibdib sa sobrang pagod. Masyado kong nagamit ang sarili kong enerhiya dahil sa nakaraan na iyon. Pero ang tanong, sino ang mga bampirang iyon na kumuha sa amin? At nasaan kami? Hindi pa rin ako satistfied sa nalaman kong iyon. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari. Habang tumatagal ay patagal nang patagal ang paghahanap ko kay Ranny. Napasigaw ako at sinipa ang higaan na kaninang pinagbangunan ko sa sobrang galit. Naihilamos ko ang sariling kamay sa aking mukha. Napasandal ako sa pader at dahan-dahang dumausdos hanggang sa sahig. Hindi ko pa kayang gamitin muli ang kapangyarihan ko. Masyado pa akong nanghihina. May nararamdaman din akong kakaiba sa katawan ko na hindi ko malaman. Baka pati ako ay tinurukan din ng vial. Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapahilata sa sahig. Nakatitig lang ako sa blangkong kisame habang inaalala ang masasayang alaala na mayroon ako kay Ranny... Sa tatlo kong kapatid sa adoptive family ko, si Ranny ang pinaka malapit sa akin. Palangiti siya at makulit na bata. Matalino at masipag. Lagi niya akong sinusundan sa lahat ng mga lakad ko. Ako ang pinaka unang naging anak-anakan ni Lurin Cariño. Siya lamang at si Matheo ang nakakaalam na ako ay isang bampira. Nang nakumpleto ang aking maturity stage ay saka dumating sa buhay namin si Rahanola. Noong mga panahon na iyon ay nagtatrabaho na ako sa House of Z at sa isang Day Care Center sa Seoul. Doon ay mapagtatakpan ko ang katotohanan na ako ay isang bampira. Matapos ang mahabang klase ay naglabasan na ang mga bata mula sa aming silid-aralan. Nakita ko na may tao na nag-aabang sa may pintuan. Paglingon ko ay ang masayang mukha ni Ranny ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng High School uniform niya at backpack. Naka-bangs ang maitim niyang buhok. Napangiti ako sa kanya at napatayo mula sa kinauupuan ko. "Oh, bakit ka napabisita? Akala ko ba ngayon ang flight mo papuntang Japan?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi pa man nakakatugon ay sinugod na niya ako ng mahigpit na yakap. "Ah... R-Ranny... may problema ba?" Napailing siya habang nakasandal sa akin. "Wala, Ate. Masaya lang ako at ikaw ang naging ate ko. Sobrang saya ko lang..." mahina niyang sambit. Napatawa naman ako. Pero sa totoo lang, sobrang tumaba ang puso ko sa mga sinabi niya. Dahil sa kanya, naramdaman kong may nagmamahal at nagpapahalaga pa sa akin. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng isang pamilya. Hindi ako makakapayag na may kumuha sa akin ng masayang pamilyang ito. Hindi ko namalayang napahigpit na pala ako ng yakap sa kanya. "Palagi mong aalagaan ang sarili mo, Ranny. Masasaktan ako nang husto kung may mananakit sa'yo..." sabi ko sa kanya. Ang isipin pa lang na masasaktan si Ranny ay hindi ko kakayanin. Sisiguraduhin ko talagang magbabayad ang sinumang gagawa nito sa kanya. "Paano kung bigla na lang akong mawala, Ate? Paano kung isang araw ay bumalik din ako at hindi na ako ang taong nakilala n'yo noon? Mamahalin n'yo pa rin kaya ako?" Nabigla ako sa kanyang mga tanong. Napabitiw siya sa akin at hinarap ako. Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang mapait niyang ngiti. "Anong sinasabi mo, Ranny? 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Malayo pa ang mararating mo. 'Wag kang mag-isip ng negative." Napatawa siya. "Natanong ko lang 'yun, Ate. Hindi 'yun seryoso. By the way, nandito lang ako para ibigay 'to sa'yo..." May iniabot siya sa akin na isang bagay na hugis-parisukat na nakabalot ng panyong puti. Napakunot ang noo ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa bagay na iyon at sa kanyang mukha. "Ano 'to?" Ngumiti siya. "Buksan mo ito kapag nakaalis na ako, Ate. Okay?" Napatango ako. "Makakaasa ka. Mag-iingat ka, Ranny..." Napaangat ako sa kaliwang kamay ko at tinitigan ang singsing na bigay sa akin ni Ranny. Ang singsing ay may makinang na diamond na hugis korona ng isang reyna. Naalala ko na may kalakip pa itong sulat sa loob. Patuloy kang magligtas at magturo ng iba tulad ng ginagawa ng isang reyna. Patuloy kitang susuportahan sa lahat, Ate. - Ranny Napangiti ako nang mapakla nang maalala iyon. "Ito pala ang sinasabi mong regalo. Itong pagkawala mo..." May nakatakas na luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na ininda pa iyong punasan at patuloy lang sa pagpagpapahinga. Ibinalik ko nang muli ang gloves sa aking kamay. "Kung nasaan ka man, Ranny, sana hindi ka nasasaktan o nahihirapan. Hintayin mo ako. Hahanapin kita...." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD