Chapter 6: Relocate

2093 Words
Classes of Humans Bernardine – humans that possess powers from the demon Almerdine – humans that possess powers through witchcraft. They have covens Ordinary – humans that are only cursed with death --------------- Eve Simula nang magdesisyon akong iligtas si Grace mula sa jurisdiction ng House of Trinity, alam kong kaakibat nito ay ang kapahamakan ng buong House of Z. Dahil sa desisyon kong ito, marami ang bampira at mortal ang mapapahamak nang dahil dito. Pero kung ito lamang ang magiging daan para mailigtas ko si Grace, gagawin ko ang lahat para maitama ang mga pagkakamali na nagawa ko noon... Off GPS. Off mobile phones. Iyon ang usapan naming lahat matapos naming bigyan ng misyon si Agent Vorun na lumipad papuntang Ghana. Siya na ang bahalang sumundo kay Mr. Ignacio at papuntahin sa safe house na pupuntahan namin. Limang sasakyan ang magkakahiwalay na ginamit namin para dahan-dahang umalis mula sa mansyon ng mga Ignacio. Sa unang sasakyan ay ako at si Grace ang magkasama. Sa kabilang sasakyan naman ay nakasakay si Sky at ang iba pang mga kasambahay sa mansyon. Ang ibang agents naman ay nakasakay sa iba pang natitirang sasakyan. Hiwa-hiwalay kaming umalis upang hindi kami makatawag ng pansin sa iba na taga-Osaka. Mas tahimik, mas madali. Pinasakay ko si Grace sa may back seat. Pinagsuot ko siya ng makapal na jacket na may hood, gloves, at face mask. Pinagsuot ko na rin siya ng black shades. Maraming nakatambak na gamit sa paligid niya at halos ulo na lang niya ang nakikita ko. Sinadya namin iyon para hindi siya madaling makita ng mga tao. Hindi ako pwedeng magpakampate ay dahil baka sa mga oras na ito ay kilala na siya ng mga tauhan ng House of Trinity. Tinitigan ko si Grace mula sa rearview mirror ng black tinted pajero. "Tatandaan mo ang bilin ko sa'yo kanina, ha?" untag ko sa kanya. Nakita ko na nakatunganga lang siya at nakatitig sa akin sa rearview. "Kapag pinahinto tayo ng mga sundalo sa checkpoint, yuyuko ka at magtatalukbong ng kumot. Naiintindihan mo?" Dahan-dahang tango naman ang kanyang sinagot sa akin at walang ibang inimik. Marami kaming dinaanan na pasikot-sikot at ligtas naman kaming nakatawid. Wala akong ibang hawak kundi isang lumang mapa na naka-print sa papel. May nakamarka na pulang marker doon kung saan ako dapat dumaan. Nakarating na ako noon sa Japan pero hindi pamilyar sa akin ang pupuntahan namin. Ang safe house na itinuro sa akin ni Sky ay nasa Echizen. Malayo iyon at aabutin kami ng 2 and a half hours para makarating sa safe house. Pasado alas siete na nang umaga at nararamdaman ko na ang malamig na hangin. Sa susunod na linggo ay darating na ang niyebe sa Japan. Habang nasa biyahe ay nakita kong kakaunti lang ang sasakyan na nakakasabay ko sa daan. Ang iba kasi ay mas sanay sumakay ng train. Malaki naman ang ipinagpapasalamat ko dahil doon. Pero maaari na maging mas delikado ang lahat kung masyadong magiging obvious ang pagpunta namin sa Echizen. Nag-isip ako nang mabuti. Habang nagmamaneho ay nagdadalawang isip ako kung idederetso ko ang pagpunta o mag-iiba ng direksyon. Malapit na ako sa may pinakadulo nang may isang sasakyan na biglang humarurot mula sa aming likuran. Tiningnan ko ang side mirror sa may kanan at nakita na humaharurot ang nakasunod sa amin. Pinaling-paling ko ang aking ulo sa magkabilaan. Tumunog naman iyon at kaagad kong binilisan ang pagpapaandar ng sasakyan. Nakita ko ang pagtalukbong ni Grace ng kumot. Alam kaya niya na sinusundan kami? Hindi ko pa nakukumpirma kung talagang sinusundan nga kami pero mukhang mas napatunayan ko ito ngayon dahil sa inakto niya. "Kumapit kang mabuti, bata..." babala ko sa kanya. Sa walang pag-aalinlangan ay kaagad kong kinabig ang kambyo at tinapakan ang gas pedal. Mabilis kong inikot ang manibela pakanan. Narinig ko ang maingay na pag-ingit ng sasakyan dahil doon sabay tapak sa break. Inikot kong muli ang manibela pakaliwa at pinaharurot ang sasakyan palayo sa itim na kotse na desididong banggain kami. Dahil sa ginawa ko ay nakalampas kami sa humahabol sa amin. Nakadaan na kami sa isang tulay kung saan marami nang sasakyan ang nakakasabay namin sa daan. Mabilis kong pinaandar ang kotse at nag-overtake sa kanila. "Mga bwisit! Bakit kailangan pa akong sundan?!" himutok ko habang nagmamaneho. Muli kong pinaharurot ang kotse sa may dulo ng tulay ay nakita kong may kaguluhan. Halos lahat ng kotse doon ay nagkabanggaan na sa isa't isa. Lumingon ako sa likuran at nakitang malayo pa ang sasakyan na humahabol sa amin. Dahil doon ay mas lalong kong binilisan ang pagpapatakbo. May kotse kaming matatamaan ngunit hindi ako umilag. Hinayaan ko na bumangga kami doon. Malaki ang pinsala na nangyari sa dulo ng tulay na iyon. Lahat ng mga Ordinary ay umiiyak at nagkakagulo. Ang iba sa kanila ay namatay na sa sobrang lakas ng impact. Malalaking sasakyan ang unang sumalpok na nagsanhi ng aksidente sa daanan. Makapal na ang usok na bumabalot sa lugar na iyon. Ang ibang sasakyan ay nasusunog na. Ang sasakyan na kanina pa sumusunod sa amin ay nakarating na rin sa wakas. Kaagad silang huminto doon. May dalawang lalaki ang umibis mula sa sasakyan. Tumakbo sila at hinanap ang kotse namin. Nang matagpuan nila iyon ay kaagad nilang binuksan ang pinto. Nanutok sila ng kanilang mga baril sa loob. Ilang beses silang naghagilap doon ngunit wala silang makitang ibang nilalang na nakasakay doon. Doon na ako kumilos. Inakay ko si Grace sa bisig ko at tumakbo nang mabilis sa kabilang daan. Maswerte akong nakakita ng isang yellow taxi. Nagliwanag ang mga mata ko at kaagad iyong pinara. "Taxi! Taxi!" Pagkahinto ay isinakay ko kaagad si Grace. Pagkatapos ay pumasok na ako. Nakita ko na Japanese pala ang taxi driver. Napakagat-labi ako. Wala akong ibang choice kundi ang magsalita ng Nihonggo. "Echizen ni tsureteitte kudasai!" (Dalhin mo ako sa Echizen, pakiusap!) sabi ko sa kanya. "Hai!" (Yes!) sagot naman niya at saka pinaandar ang sasakyan. Doon ay nakahinga na ako nang maluwag. Nakatingin ako kay Grace na bahagyang napaling ang pagkakasuot ng shades habang nakatingin sa akin na tila nawiwirduhan. Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. "Sa tingin mo, ligtas na tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya sumagot. Marahas akong napabuntonghininga at isinandal ang likod ko sa malambot na upuan. "Hay... kailan mo pa ba ako kakausapin? Ayoko nang maghintay pagkatapos ng pitong araw..." maktol ko pa. Napahagikhik siya. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. "T-tumawa ka ba?" Humagikhik na naman siya. Nakatakip pa ang kanan niyang kamay sa kanyang bibig na halos hindi na makita dahil sa face mask na nakakabit doon. "Ano na? Ligtas na ba tayo o hindi? 'Wag kang magpanggap na walang alam! Alam kong matalino ka. Napakatalino ng pinanggalingan mo kaya umayos ka!" saad ko pa. Pero kahit anong salita ko ay wala pa rin akong ibang narinig sa kanya. Matapos niyang tumawa ay nakatingin lang siya sa akin na parang isang inosenteng paslit. Gusto ko na lang matawa sa hitsura niya na nadungisan dahil sa alikabok at uling mula sa pinanggalingan namin na aksidente. Nakapaling pa rin ang shades na suot niya. Inayos ko na lang iyon para hindi ako ma-distract. Baka malaman pa niya na malakas akong tumawa. "Sorry..." sambit ko pagkakuwan. Inayos ko ang buhok niya at saka ibinalik ang hood ng jacket na kanyang suot. Natanggal kasi iyon dahil sa pagmamadali kong ilabas siya mula sa kotse. "Alam kong galit ka. Hindi mo dapat nararanasan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa akin. Hindi kita nalimutan, kaya siguro nagkakaganito ako nang makita ko ang nakaraan mo. Dahil sa nangyari last 2010, nasira ko ang buhay mo..." Isang alaala ang biglang pumasok sa isipan ko... Maulan na gabi sa Gwangju ang nagpabalik sa akin sa aking huwisyo. Kahit saan ako pumunta ay puro patay na katawan lang ang nadadaanan ko. Nakakita ako ng isang ospital. Wala na akong ibang marinig na ingay kundi ang sirena lamang ng ambulansya na napupuno rin ng dugo. Ang likuran at harap ay may mga patay na katawan. Humarap ako sa kanilang lahat nang walang emosyon sa mukha. Ako ang umubos sa kanilang lahat. Ako anf umubos sa lahat ng mga tao na naririto. Hindi nagtagal ay natigilan ako nang may maramdaman akong isang kamay na biglang humawak sa paa ko. Napayuko ako at nakita kung sino iyon. Naririnig ko ang nanghihinang t***k ng puso ng nilalang na nasa paanan ko. Isa siyang lalaki. Nakasuot siya ng maputing damit. May nakakabit na aparato sa kamay niya. Sa tabi niya ay ang natumbang IV stand. Ang ulo niya ay nakakalbo na. Mapayat siya at lubog ang mga mata. Naaamoy ko na nasa edad na 30 years old pa lamang siya. Ngunit ang kanyang hitsura ay tila isang matanda na hindi na kayang makalakad pa. Naamoy ko rin na marumi na ang kanyang dugo. Hindi siya magandang kainin. Baka sumakit lang sikmura ko kung iinumin ko ang dugo niya. Napairap ako at akmang aalis. Ngunit ang kamay niyang nakahawak sa aking paa ay agad akong pinigilan. Pagkatingin kong muli sa kanya ay umiiyak siya. "Jebal... jigeum nal jugyeowo...jugyeowo..." (pakiusap... patayin mo na ako ngayon...patayin mo na ako...) pakiusap niya sa akin. Napakunot-noo ako at umupo sa aking sakong. "Wae?" (Bakit?) tanong ko naman. Gusto ko ring malaman kung bakit sa lahat ng taong narinig kong sumigaw at humingi ng saklolo sa akin na hindi ko sila patayin, ang lalaking ito lang ang nakiusap ng isang kakaibang bagay... gusto niyang patayin ko siya? Napangisi ako dahil doon. "Maneun saramdeuri geudeurui sojunghan saengmyeongeul sallyeodallago gancheonghaetda. Wae neodo gugeolhaji anneun geoya?" (Maraming tao ang nakiusap sa akin na isalba ko ang pinahahalagahan nilang mga buhay. Bakit hindi mo rin gawin?) tanong ko sa kanya. "Jugyeowo... jebal..." (Patayin mo na ako... pakiusap...) muli pa niyang pakiusap. Pero imbes na makinig ay napangisi pa ako. Hindi ako makuntento sa mga nakikita ko. Gusto ko na salungatin ang lahat ng gusto ng mga tao. Gusto ko silang paglaruan sa aking palad. Hindi nagtagal ay dinala ko ang aking kanang palapulsuhan sa aking bibig at kinagat iyon doon. Napakislot ako sa sakit. Matapos niyon ay pinagkatitigan ko ang lalaki at hinatak ang kwelyo niya. Kinagat ko siya sa leeg. Samot-saring imahe ang biglang sumulpot sa aking isipan. Ito marahil ang alaala ng lalaki na kinakagat ko ngayon. Nasaksihan ko ang kanyang buhay sa pamamagitan niyon. Nahinto lamang ang mga imahe nang bitiwan ko siya. Naririnig ko pa rin ang kanyang hikbi ngunit wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti nang nakaloloko. Pinatakan ko ng dugo mula sa akong palapusuhan ang may kagat niyang parte sa leeg. "Sisiguraduhin kong gugustuhin mo pang mabuhay pagkatapos nito... sisiguraduhin ko..." sambit ko pa bago ako natapos sa pagpatak ng sarili kong dugo sa kanyang may sugat na leeg. Matapos niyon ay iniwan ko siya at walang ibang baon kundi ang pangalan ng lalaki sa aking isipan. Siya si Edward Manalo. Hinding hindi ko malilimutan ang pangalan niya dahil iyon ang pinaka importante sa buhay niya... ang pangalan niya... Napangiti ako nang sumagi sa isipan ko ang alaala na iyon. Pagkaraan ay nilingon ko si Grace na nakatanaw pa rin sa akin sa inosente niyang mukha. "Alam kong hiniling mo na putulin na ang buhay mo sa mga panahon na 'yun, pero hindi kita pinakinggan. Katulad mo ngayon... bata lang din ako noon. Hindi ko alam na ito ang ikapapahamak ng bago mong pamilya. Hindi ko sinasadya..." paghingi ko ng dispensa. Matapos niyon ay tumanaw ako sa bintana ng taxi. Maya-maya ay nagulat ako sa susunod na nangyari. Naramdaman ko ang maliit na kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Ramdam ko ang malambot na telang cotton na nakabalot sa kanyang kamay. Napagawing muli ang tingin ko aa kanya nang may pagtataka sa mukha. Nakita ko na inalis niya ang kanyang face mask at ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis. "Edward is happy that you let him live..." sambit niya na aking ikinagulat. Ilang sandali rin akong nakatulala sa kanya bago ko napagdesisyunang mag-iwas ng tingin. "Nagi-guilty ako para sa wala. Nakakainis..." pabulong kong sabi habang nakasimangot. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagsandal niya sa braso ko. Binalik niya sa pagkakaayos ang kanyang face mask at nagpanggap na natutulog. Napangiti ako. Kahit papaano, may nagawa akong tama sa buhay ko kahit na matagal ko iyong pinagsisihan. Kung ano man ang kahihinatnan namin sa Echizen, sana maging ligtas si Grace. Pinapangako ko na magiging maayos ang lahat. At hindi ako makakapayag na pagdaanan ni Grace ang kadiliman na napagdaanan ko noon. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD