"Salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin Manuel.hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo sa lahat ng kabutihan mo sa akin." Sabi ko kay Manuel habang naglalakad kami sa tabing dagat. Tumingin ito sa akin at iniharap ako sa kanya. "Mahal kita kaya ginawa ko yun. Hindi ako naghahangad ng kapalit, sapat na sa akin na mahal mo rin ako masaya na ako dun." Sabi nito at niyakap ako. "Tandaan mo sweetheart lahat gagawin ko maging masaya ka lang at ligtas." Sabi nito habang yakap ako. "Mahal na mahal din kita Manuel kaya sana lagi mo akong Pagkatiwalaan." Sabi ko sa kanya at niyakap ko din siya. "Ako din sweetheart mahal na mahal kita. Nagtitiwala ako sayo sana pagkatiwalaan mo rin ako" Sabi naman nito. Maya maya tinawag na kami ni manong Pedring para kumain kaya pumunta na kami sa kubo.