Chapter 1
Masayahin at matalino si Jhanin,ulila na siya sa ina kaya ang ama niya at ang bagong asawa nito at ang anak nitong si Christy ang kasama niya sa bahay.
"Jhanin!" Tawag ni Tita Veron sa taas ng hagdan.
Iniwan ko muna ang hinuhugasan kong pinggan at nagmamadali akong umakyat ng hagdan.
"B..Bakit po Tita Veron?" Tanong ko dito ng nasa harap na niya ako.
"Anong bakit ha? Halika nga rito, bakit ang dumi dumi pa ng bistida ko.?" Tanong ni Tita Veron ko. Sabay hila sa buhok ko papasok sa silid nila.
"Aray ko po Tita, nasasaktan po ako!!" Sigaw ko. Habang hawak ang kamay niya na humihila sa buhok ko.
"Talagang masasaktan ka sa akin ngayun babae ka pag wala akong naisuot na damit mamaya papuntang Casino." Sabi niya at mas lalo niya pang hinila ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
"Nilabahan ko po talaga ang damit niyo kahapon." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Kung nilabahan mo bakit ang dumi dumi pa niyan?" Tanong niya uli sa akin ng makapasok kami sa silid nila. Habang hawak niya ang buhok ko.
"H.hindi ko po A..lam tita Veron."
Sagot ko sa madrasta ko.
"Ang sabihin mo ang tanga tanga mo paglalaba lang hindi mo pa alam."
Sabi nito na sinabunutan pa ako bago niya ako tinulak,napasubsob ako sa kama. Napa igik ako ng tumama ang tagiliran ko sa gilid ng kama.
"Ano na naman ba yan?" Tanong ni Tatay ng mapalingon sa pagdating namin.
"Pano ang tanga tanga ng anak mo sukat bang sabihin na nilabhan na daw niya ito e ang dumidumi pa."
Sagot nito na inis na inis.
"Jhanin! Bakit hindi mo nilabahan ang damit ng Tita mo? alam mo naman na gagamitin niya yan ngayun." Sabi naman ni tatay.
"Nilabahan ko naman po talaga yun Tatay." Sagot ko naman dito.
"Abat! Magsisinungaling pa." Sabi ni Tita sabay sampal sa akin.
"Tama na yan, Humingi ka ng tawad sa Tita mo Jhanin. Sa susunod na hindi mo sinunod ang utos ng Tita mo malilintikan kana sa akin." Sabi ni Tatay. Umiiyak ako na humingi ng tawad kay Tita Veron. Inirapan lang ako nito.
"Pano na yan ano ang susuotin ko niyan mamaya magkikita pa naman kami ng mga amiga ko sa casino."
Nagmamaktol na sabi nito ng lumapit kay Tatay.
"Magbihis ka at aalis tayo." Sabi ni Tatay nagliwanag ang mukha nito.
"Ibibili mo kami ng damit ni Christy?"
Tanong nito kay Tatay nakangiting tumango si Tatay. Tuwang tuwa na hinalikan nito si Tatay saka nagmamadaling pumasok ng banyo.
"Ano pang hinihintay mo diyan Jhanin kunin mo na ang mga damit na labahan namin at labahan mo na. Hindi yung naka tanga ka pa diyan."
Sabi ni Tatay pinunasan ko ang luha ko saka kinuha ang mga damit nila at walang umik na lumabas ng silid.
"Buti nga sayo tatanga tanga ka kasi."
Sabi ni Christy ng masalubong ko sa sala hindi ko na lang pinansin siya.
"Grabee! Perfect na naman ang Exam mo Jhanin." Sabi ni Sally nagiisang kaibigan ko sa school, sabay sundot sa tagiliran ko napa igik ako ng masagi niya ang tumama sa gilid ng kama kahapon.
Napatingin siya sa akin saka nililis ang damit ko sa gilid kasalukuyang nasa CR kami. Nakita niya ang malaking pasa sa tagiliran ko.
"Grabe na talaga yang pamilya mo hindi na nakontento na gawing alila ka sa bahay niyo sinasaktan ka pa talaga nila." Sabi nito. Hindi na lang ako umimik.
"Bakit kasi hindi mo na lang sila iwan." Sabi uli nito.
"Alam mo naman ang dahilan diba."
Sabi ko sa kanya.
"As if naman na may pakialam ang tatay mo sayo. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang dahilan mo."
Inis na sabi niya.ngumiti na lang ako sa kanya.
Natahimik kami ng pumasok ang grupo nila Christy
"Grabee ka best nung isang araw ang ganda mo ha!" Rinig kong sabi ng isa.
"Ay Oo be, ang ganda ng suot mo na kulay Violet na bistida bagay na bagay sayo ang sexy mo dun." Sabi naman ng isa.
"Talaga lang ha? Kaya pala binuhusan mo ng souce." Sabi naman ni Christy.
Nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Ano kaba Best, hindi ko naman sadya yun no." Sabi ng isa napaisil ako ng maalala yung bistida ni Tita Veron na may mantsa ng souce.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nagkarumi ang damit ni Tita Veron?"
Tanong ko kay Christy ng lapitan ko ito.
"Ano naman kung ako, saka hindi ko naman sinasadya yun no." Sabi nito.
Na tatawa tawa pa.
Nagdilim ang paningin ko sa galit. Hinawakan ko ang buhok niya napatili ito.
"Aray ko Jhanin! Isusumbong kita kay mommy." Tili nito lalapitan sana ako ng mga kaibigan niya kaso inambaan ng suntok ni Sally ang mga ito kaya hindi nakaimik.
"Dahil sayo nasaktan ako ni Tita kaya ipapatikim ko din sayo ang sakit na ginawa ni Tita." Galit na galit na sabi ko sabay sampal sa kanya tili siya ng tili.
"Grabee ka pala besty pag nagalit."
Sabi ni Sally ng palabas na kami sa school hindi ako umimik alam ko ang kapalit ng ginawa ko. Pero hindi ako nagsisi sa ginawa ko dahil matagal ko na talagang gustong gawin yun sa babaeng yun.
"Jhanin!!" Sigaw ni Tita Veron kasalukuyang nasa kusina ako katatapos ko lang magluto.
"B.." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tumama na ang palad ni Tita sa pisngi ko saka ako sinabunutan nito.
"Ang kapal ng mukha mo para saktan ang anak kong Babae ka!!" Sigaw niya.
"Tama na!!" Sigaw ko sa inis ko sabay tulak sa kanya. Nabitawan niya ako sa gulat niya sa ginawa ko.
"Jhanin!!" Sigaw ni Tatay na kakarating lang galing trabaho.
Lumapit agad si Tita dito sabay iyak.
"Nakita mo Ramil sinisigawan na lang ako ng anak mo. Tinanong ko lang naman siya kung bakit niya sinaktan si Christy sa school Wala na talagang galang sa akin ang anak mo." Sabi nito na humihikbi sa dib dib ni tatay. Umiiyak din sa tabi niya si Christy.
"Bakit mo ginawa yun Jhanin? Hindi kita pinalaki para maging bastos." Galit na sabi ni tatay.
"Per.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sinampal ako ni Tatay. Napatanga ako kay Tatay habang hawak ang pisngi ko.
"Humingi ka ng tawad sa Tita mo at sa kapatid mo. Sa susunod na ulitin mo pa yan hindi lang yan ang matitikman mo sa akin naiintindihan mo?" Galit na sabi niya sa akin tumango ako at tumutulo ang luha ko habang humihingi ng tawad kay Tita at kay Christy. Inirapan lang ako ni Tita Veron ngingiti ngiti naman na tiningnan ako ni Christy. Saka nila ako iniwan.
****
NAGISING ako isang gabi sa kaingayan sa labas ng kwarto ko.
"Ano ka ba naman Veron, hindi ka nagiisip pano ngayun yan anong gagawin natin.?" Narinig kong tanong ng tatay ko.napatingin ako sa orasan ala una ng madaling araw, ngayun ko lang sila narinig na nagtatalo at madaling araw na gising pa si Tatay. Datirati kapag gumagawa ako ng homework ko tulog na si Tatay. Ano kaya ang problema nila?
Kinabukasan nagising ako ng umaga para magluto ng almusal nakita ko na tahimik sila walang umiimik sa kanila habang kumakain. Hindi ko na lang sila pinansin. Araw araw kailangan kong gumising ng umaga para matapos ko lahat ng trabaho ko bago magtanghali,kasi papasok pa ako. Pagkatapos ko magluto nagwalis pa muna ako sa labas kasi hindi pa ako pwede mag almusal kailangan mauna muna sila bago ako kakain. Maging sa tanghalian at hapunan.
kaya kapag hindi pa sila kumakain at papsok na ako hindi na ako kakain papasok na lang ako.
Dumating ako isang araw sa bahay na may mga armadong tao ang kakaalis lang sa bahay namin. Nagtaka na napatingin ako sa kakaalis lang na sasakyan, ng maisip na baka may nangyaring masama sa tatay ko ay nagtatakbo na ako papasok sa bahay namin.
"tatay..tatay ano po ang nan.."
"Pak..!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong sinampal ng stepmother ko. Nagtataka na napatingin ako sa tatay ko habang nakahawak ako sa pisngi ko,tiningnan lang ako. Ng tatay ko.
"Bakit ngayun ka lang? Kung kanina ka pa sana hindi na nang gulo ang mga yun dito." Sabi ng stepmother ko. Naguluhan ako na napatingin sa kanila ano ang kinalaman ko sa mga tao nayun na nanggulo sa bahay namin.
****
"HOY..!Jhanin wag ka ngang istorbo sa daan ko na iimbyerna ako sa pagmumukha mo.ganitong nagmamadali ako." Sabi ni Christy sa akin na iksakto naman na nagwawalis ako ng sahig patapos na akong maglinis ng bahay. Isusunod ko naman ang mga labahan nila na inipon ko na sa banyo.
Pinagpapasinsiyahan ko na lang si Christy dahil sa tatay ko. dahil pag pinapatulan ko yan ako pa rin ang mali. Nasasaktan lang ako. Hindi lang pisikal pati emotional.
"Ano ba yan..! Ano ang kakainin ko dito. Wala naman nakahain dito.
Sabi ni Christy at hinampas pa ng kamay ang lamesa.
"Nandiyan lang ang pagkain tinakpan ko lang muna sa kalan kasi kailangan ko pang tapusin ang mga nilalabahan ko." Sabi ko habang nagpipiga ng pantalon niya.
"So kasalanan ko. Kung bat ang bagal mo..! Kaya hindi mo na ako paghahainan." Sabi nito na nakataas pa ang kilay at naka hawak pa sa bewang.
"Bat ba kasi ang batugan mo, paghain na lang ng pagkain mo hindi mo pa kaya." Inis na sabi ko habang nagpupunas ng kamay sa palda ko.
"Ano ang sinasabi mo diyan? Na angal ka gusto mo isumbong kita kay tatay."
Sabi pa nito na tinuro ang sala. Kung nasaan sila Tatay at Tita Veron. Pagtingin ko sa kanya nagulat ako sa suot niya. Suot suot nito ang uniform ko.
"Hoy..! Christy uniform ko yang suot mo hubarin mo yan wala akong isusuot mamaya pagpasuk ko sa school."
Sabi ko na pinapahubad yung uniform ko sa kanya kasi iisa na nga lang ang uniform ko, pagsinuot niya yan ano ang susuotin ko mamaya pagpasok.
"Ano ka ba? Jhanin ano ang susuotin ko pagpasok? Nadumihan kasi ang damit ko kahapon ayuko naman suutin ang luma kong uniform no. Hindi kaya ako cheap." Maarteng sabi nito na hindi parin binababa ang kilay.
"Paano ako? Ano ang susuotin ko? Alam mo na nga na iisa lang yang uniform ko, yan pa ang susuotin mo."
Sabi ko sa kanya naguumpisa ng mainis kay Christy. Samantalang ito tuwang tuwa pa na naiinis niya ako.
"Ano ba Christy? Hubarin mo yan wala akong isusuot sa pagpasok sa school." Sabi ko na hinila na siya sa banyo.
"Ano ba bitawan mo nga ako hindi ko huhubarin to. Pwede ka naman umabsent ah." Sabi pa nito na natatawa.
"Eh kung ikaw kaya ang hindi pumasok, dahil wala kang uniform. Hindi mo iniingatan ang uniform mo tapos magsusuot ka ng uniform na hindi sayo." Sabi ko na hinila ko na siya sa banyo.
""TATAY..TATAY SI JHANINA BIMUBUGBUG AKO!!" Sigaw nito. Akala mo talagang binubugbug ko siya. Napatanga ako sa kanya habang hawak ko siya sa braso. Nagulat ako ng may tumulak sa akin napaupo ako sa sahig.
"Ano nanaman ang ginagawa mo kay Christy jhanin?" Tanong ni Tatay hindi ako nakaimik nagulat ako sa ginawa ng tatay ko sa akin. Nakita ko na yakap niya si Christy na nakayakap din sa kanya na umiiyak.
"Kasi tatay pinahuhubad ni Jhanina ang uniform nato sa akin." Sabi nito na umiyak pa na akala mo kinawawa ko.
"K.. kasi tatay uniform ko yan. Yan na nga lang ang uniform ko, kung susuotin niya yan ano naman ang susuotin ko mamaya pag pasok ko sa school." Sabi ko na nagpapaliwanag sa tatay ko.
"Eh tatay wala akong susuotin nag karumi ang uniform ko kahapon kapag hindi ko to isinuot hindi ako makakapasok sa school ko ngayun. Yan naman si jhanina pwede naman yang hindi pumasok kasi mataas na naman grades niyan hindi katulad ko na mababa ang grades." Sabi nito na nagpaawa epek pa.
"Pero tay hi.."
hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na ng tatay ko ang sasabihin ko.
"Jhanin ipahiram mo na yang uniform mo sa kapatid mo tutal mataas naman ang grades mo hindi katulad ng kapatid mo.at isa pa masmatanda ka kay Christy." Sabi ni tatay.
"Pero tay kai.." Pinutol nanaman ng tatay ko ang sasabihin ko
"JHANIN KUNG ANO ANG SINABI KO, SINABI KO, PAG SINABI KONG HINDI KA PAPASOK HINDI KA PAPASOK!!"
Sigaw ng tatay ko kaya napatigil nalang ako. Iniyakan ko yun maghapon kasi ayaw kong umabsent sa klase natatakot ako na bumaba ang Grades ko kasi baka ako matanggal sa Scholarship yun na nga lang ang inaasahan ko sa pagaaral ko. Hindi naman ako sinusuportahan ng tatay ko sa mga gastusin ko nag papart time ako sa library para doon kumuha ng mga gagamitin ko sa mga project at iba pang gastusin ko. Dahil binibigay niya lahat ng sahod niya kay Tita Veron.
*****
"BINIBIGYAN na kayo ng boss namin ng palugit, pero hindi pa rin kayo nagbayad. Kung hindi kayo magbabayad yung anak mo ang kukunin namin dito bukas kung hindi ulo mo ang kapalit. Naiintindihan mo?" Sabi ng malaking lalaki na mukhang leader nilang lahat kay Tita Veron. Nagkataon na sabado maaga ang uwian namin, kaya narinig ko lahat yung sinabi ng lalaki bago ito umalis naabutan ko sila sa loob ng bahay namin. Kaya napatingin ako kay tita Veron namumutla ito. Ano kaya ang atraso ni Tita sa mga taong yun.?
"Ano ang gagawin natin Ramil? Hindi ko kaya mawala ang anak ko. Ako nalang ang ibigay mo sa kanila."
Sabi nito na umiyak pa ng malakas, para magmukhang kawawa. Tumingin si tatay kay Christy
"Ayoko tatay, wag niyo akong ibigay sa leader ng mga yun. Ayoko maawa ka sakin tatay, napaka bata ko pa."
Sabi nito na umiyak na rin ng malakas. Maya maya tumingin ito sa akin. Kaya kinabahan ako. Umalis ako sa harap nila para hindi ako mapasali sa usapan nila. Pero bago pa ako makatalikod nakita ko na lahat sila nakatingin sa akin.
Kinagabihan. Nagulat ako ng may kumatok sa kwarto ko matutulog na sana ako. Kaya binuksan ko ang pintuan. Nagtaka ako ng mabungaran ko ang tatay ko. Ng makita ako nagdalawang isip pa na kausapin ako.
"Anak pwede ba kitang makausap sandali." Sabi nito na nakayuko. Himala naisipan akong puntahan ng tatay ko at kakausapin pa ako. Samantalang dati kakausapin lang niya ako pag pagsasabihan ako tungkol kayla tita Verron o kaya lalapitan niya lang ako para saktan. Ano kaya ang dahilan ng pag punta nito sa kwarto ko,mukhang importante kasi dito pa sa loob ng kwarto ko kami maguusap.
"Anak alam mo naman na may problema si tita Veron mo diba? Hindi naman pwedeng pabayaan natin sila."
Sabi nito na pinutol ko. Kasi parang alam ko na ang tinutumbok ng tatay ko.
"Tay deretsahin niyo na po ako. Gusto niyo na ako ang ibigay sa kanila bukas diba.?" Kinakabahan na sabi ko. Pero umaasa parin ako na mali ako ng iniisip.
"Anak intindihin mo naman bata pa si Christy at Tita Veron mo naman hindi ko kaya na mawala siya.
Sabi nito. Nagunahan na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ng malaman ko ang tinutumbok ng usapan.
"Tay bakit ako? Bata parin naman ako, isang taon lang ang agwat namin ni Christy di ba Tay? Saka ako ang totoong anak niyo tay, sana kahit ngayun lang makita kong nakapanig ka naman sa akin." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Nanahimik ito.
"Alam mo naman na hindi ko kakayanin pag na wala ang Tita Veron mo sa akin." Sabi niya napahilamos ito ng palad niya.
"Pero ako kaya niyong mawala sa inyo? Talaga bang wala na kahit katiting na pagmamalasakit meron ka para sa akin Tay?"
"Pak..." Isang malakas na sampal ang dumapo sa akin napasubsub ako sa higaan ko.nagdugo ang labi ko.
"Anak lang kita wala kang karapatan magsalita sa akin ng ganyan at kung ano ang sinasabi kong gagawin mo, gawin mo. Magpasalamat ka pa nga at pinapalamon pa kita." Sabi ng tatay ko at umalis na ng kwarto ko.
Umiyak ako ng umiyak hindi dahil masakit ang pisngi ko na sinampal ng tatay ko, kundi masakit ang puso ko na para bang sasabog. Kahit kailan hindi ako tinuring ng tatay na anak niya magmula ng dumating sila tita Veron, puro pasakit na ang naranasan ko. Pero ano pa ba ang higit na mas sasakit pa sa harap harapang ipamukha sa akin ng taong pinahalagahan ko at minahal ko ng buong buhay ko na wala akong halaga sa kanya. Ni kahit kailan hindi niya ako itinuring na pamilya niya.
*****
KINABUKASAN. Habang nag iimpake ako ng mga damit ko sige ang tulo ng luha ko. Ngayun na kasi ako susunduin ng mga lalaki na pumunta kahapon.
"Jhanin..! Ano ba ang bagal bagal mo naman baka dumating na sila hindi ka pa tapos diyan, wag ka ngang maginarte diyan. Pag dating mo dun gawin mo lahat ng ipagawa sayo ni Bossing ha. Pag hindi sayo nakontento yun at bumalik sa amin ang mga tauhan niya, humanda ka talaga sa amin." Sabi ng madrasta ko sa akin.
Bumaba na kami ng hagdan, maya maya may dumating na mga tao.
Parang hindi mapag kakatiwalaan ang mga mukha nila.
"Ano na? Hinanda mo na ba ang pambayad ninyo o isasama ko na lang ang anak mo?" Tanong ng leader at nag tawanan silang lahat. Natakot ako sa mukha nila kasi kung tumawa sila parang yung mga napapanood ko sa tv na rapist, yung leader nilang kalbo nakakatakot yung mukha parang killer. Ilan na kaya ang napatay nito?"
"Itong anak na lang namin. Sabihin niyo kay Bossing wag siyang magalala berhen pa yan." Sabi naman ni tita Veron at itunulak ako sa harap ng mga lalake.
Nagulat ako ng magtinginan at magtawanan ang mga lalaki na kukuha sa akin. Natakot ako bakit pa kailangan kasi sabihin ni Tita Veron na berhen pa ako para tuloy natakam ang mga ito sa akin, baka bago pa ako dalahin ng mga ito sa amo nila ay gutay gutay na ako. Tumingin ako sa tatay ko umaasa na magbago ang pasya niya ngunit iniwasan niya lang ako ng tingin. Hindi na ako umimik at inihanda na lang ang sarili sa dadanasin ko sa mga tao na kukuha sa akin. Tumulo na lang ang luha ko.