maaga akong nagising kinabukasan. Nasa isang kubo kami may dalawang kwarto ito na may kanya kanyang banyo. Ang banyo nito ay may shower pero ang sahig nito ay tiles at paglabas mo ng shower ang sahig ay malalaking batong buhay. Ang ganda ng pagkakaayos nito, hindi naman matalim hindi rin madulas. may sarili din itong sink na may malaking salamin at toilet bowl. Pinagsamang makaluma at makabago ang disenyo ng bahay. Pagkatapos ko gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako ng kubo. Nakita ako ni manang Pasing lumapit ito sa akin. "Naku! Gising ka na pala. Nan doon si Manuel kasama nila Pedring nanghuhuli ng isda at alimasag, na lulutuin ko mamaya sa tanghalian. Kakain ka na ba?" Sabi nito sa akin. Akala ko napaaga ang gising ko, tanghali parin pala. Dahil ang aaga pala nila magising d