Nang dumating kami ni Manuel sa kubo kumain na muna kami nag luto si manang pasing ng sinigang na sugpo at nag prito siya ng isda,kumain kami ng sabay sabay. "papano ka natutu humawak ng baril?" tanong ko kay Manuel,gusto ko lang malaman kung totoo ang kwento ni manang Pasing. Tumingin sa akin si Manuel nasa balkunahe kami ng kubo dito kami madalas nag papalipas ng oras kasi masarap ang hangin. Nakasandal ako sa dibdib niya habang nakasandal siya sa sandalan ng upuan,maliwanag ang buwan kaya ang sarap sa labas ng bahay. "Si manong Pedring ang nagturo sa akin, dati siyang bodyguard ni PaPa. nung nasa edad sampung taon na ako ginawa niyang personal bodyguard ko si mang Pedring at pinaturuan niya ako humawak ng ibat ibang armas at ibat ibang klase ng self defense," Sabi niya na nakating