BORACAY ISLAND, PHILIPPINES
“Yehey! I wanna go swim! Splish! Splash!” masayang saad ni Cale habang binibihisan siya ni Glory ng swimming trunks, nasa dalampasigan na sila ngayon at maganda ang sikat ng araw at sakto lamang upang maglaro at magtampisaw.
“Me too! Me too!” saad naman ni Cole na tumatalon talon pa.
“Hey Noreen!” singhal ni Cale na natanaw si Noreen na tumakbo agt sinalubong ang maliit na waves ng dagat.
“Come on Cale! The water is so cool!” sigaw nito.
“Oh, sa malapit lang kayo huh, wag lalayo,” paalala ni Glory sa mga bata habang nilalagyan ang mga ito ng sunblock.
“Eww Mommy! Ayaw ko ng sunblock, ang lagkit!” reklamo ni Cole.
“Hindi pwede, gusto mo bang sumakit ang balat mo? Magkakasunburn ka sige ka!” panakot ni Glory sa anak habang inaasikaso ito.
“Mommy totoo bang pag pumunta ka doon sa pinakamalalim may mermaid na hahatak sayo sa ilalim ng dagat at dadalhin ka sa Atlantis?” seryosong tanong ni Cale.
“Ha? Sinong nagsabi sayo nyan?” tanong ni Glory.
“Tito Joaquin told me,” saad ni Cale.
Dismayado namang napailing si Glory.
“Yes, it’s true baby, so don’t go that far kasi kukunin ka nila, mawawalan na ako ng Cale pag nangyari iyon,” saad ni Glory sa anak.
“I don’t want to, Mommy,” saad ni Cale na napayakap kay Glory.
“Nah! It’s just a story, Cale, Tito Joaquin is just messing around,” saad naman ni Cole.
Nasapo ni Glory ang noo at mukhang alam niya na kung kanino nagmana ang si Cole. he got the looks of his father but he got her strong and brave attitude, while Cale is just so Ralph. So Innocent and pure and handsome.
Napatingin siya sa di kalayuan at nahuli niyang nakatingin sa kanila si Ralph kung kaya’t kaagad siyang nag iwas ng tingin dito. Simula ng mangyari ang halik na iyon ay tila naging malayo na ang loob nila sa isa’t isa at hanggang ngayon na nasa team building sila ay hindi pa rin sila nagkakaayos.
“Why why why, Glory? Este Delilah,” parinig ni Joaquin na dumaaan sa harap ni Ralph na tila naasar ito dahil nakabusangot lang ito at tumutungga ng beer habang naka boardshorts at nakaputing tshirt.
Ayaw niya ng ganon sa team niya kung kaya’t iniinis niya pa lalo si Ralph dahil pumunta sila dito upang magsaya, ayaw niya ng may malungkot at nag aaway.
Nakita naman iyon ni Glory kung kaya’t inirapan niya si Joaquin. Maya maya ay nagpatawag na ng palaro si Joaquin kung saan ang gagawin nila ay paramihan ng masasalok na tubig sa balde.
Ang lahat ay kasali pwera lang sa pamilya ni Joaquin. Ibinilin naman ni Glory ang kambal niya kay Samantha na kasamang naglalaro ang kambal nito sa may dalampasigan upang makasali siya sa team building.
Noong umagang iyon ay naglaro sila, magkatunggali ang team ni Glory at team ni Ralph at sila ang naunang magsasalok ng tubig sa dagat at isasalin sa malaking balde kung kaya’t nagpabilisan sila sa pagtakbo. Mabilis na tumakbo si Glory habang si Ralph naman ay hindi pa nangangalahati ay hingal na hingal na habang sinasalok ang tubig sa dagat.
“Huh, akala mo matatalo mo ako? Probinsyana ‘to! Malakas! palaban! Kumain ka ng buhangin ngayon,” saad ni Glory sa isip na natutuwa na dahil nauuna na siyang makabalik kay Ralph at nagsalin ng tubig sa balde.
Kaagad na ipinasa ni Glory ang pangsalok sa susunod na katrabaho niya at saka iyon mabilis na tumakbo upang magsalok ng tubig.
“Bilis! Bilis!” kantyaw buong grupo na chini cheer ang kanilang mga ka team sa laro.
“Ay! Ayan na! Bilis!” kantyaw pa ng mga manunuod na tuwang tuwa sa team building nila.
“Okay! Team! Ang mananalo ay may prize syempre at ang matatalo naman ang siyang maghahanda ng pagkain natin mamaya! Yehey!” saad naman ni Joaquin na parehas tinignan ang balde ngunit pag tingin niya ay talo ang team niya.
“Puta, talo kami! Luto ang laro ah! Hindi ako mag aayos ng pagkain ah, boss ako!” singhal ni Joaquin na nagbibiro, natawa naman ang kanyang mga empleyado sa inasal niya.
Nang tignan niya naman ang balde ng team nila Glory ay ito ang may pinakamaraming nasalok na tubig.
“Aba! Lakas ah, may inspirasyon ito?” kantyaw ni Joaquin, pinalo naman siya ni Glory sa braso.
“Gago!” singhal ni Glory na tatawa tawa kay Joaquin.
“Okay, ang panalo sa unang game natin ay ang team Glory!” sigaw ni Joaquin at nagsipalakpakan naman ang mga nanalo.
Ang pangalawang laro naman nila ay isang volleyball game, si Glory ang setter at ng paluin niya ng malakas ang bola ay mabilis iyon na lumagpas ng net ngunit natamaan non si Ralph sa mukha at natumba ito, napatakip siya ng dalawang kamay sa kanyang bibig at dali daling pinuntahan ito.
“Sorry, sorry, Ralph!” singhal niya na nag aalala na rito.
Pagtingin niya ay dumudugo na ang ilong nito kung kaya’t inalalayan ito ng mga katrabaho nila at sumunod naman siya.
“Oh ano? Ayos ka lang?” tanong ni Joaquin kay Ralph ngunit tumango lang si Ralph. Inabot naman ni Joaquin ang first aid kit kay Glory.
“Sige na, maglaro na kayo, ako na ang bahala rito,” saad ni Glory na kaagad binuklat ang first aid kit.
Ngayon ay nasa Nipa Hut sila na cottage.
“Sumandal ka,” saad niya kay Ralph at saka kumuha ng alcohol at cotton balls. Nilagyan niya ng alcohol ang cotton balls at idinampi iyon sa ilong ni Ralph.
“Ah! Aray naman, Glory!” reklamo niya dahil sa sobrang hapdi ng alcohol.
“Sorry! Hindi ko naman sinasadya eh, at saka laro kaya iyon,” saad ni Glory na dahan dahang idinampi pa ang cottonballs na may alcohol sa ilong nito.
Kahit sugatan ang ilong nito ay kapansin pansin pa rin ang kagwapuhang taglay ni Ralph, mamula mula pa ang pisngi nito at ang mga labi nito dahil sa init ng panahon na humahalo sa natural na tanned skin nito at hindi na naman mapigilan ni Glory na humanga dito kahit na palihim lamang.
“Are you… still mad at me? Because of that kiss and that confession?” tanong niya kay Glory.
“Galit pa rin pero kasalanan ko kung bakit ka nadisgrasya ngayon kaya ginagamot kita,” paliwanag niya kay Ralph.
“Grabe naman yan, doon ka na nga, ako na dito, kaya ko na sarili ko,” saad ni Ralph na hinawi ang kamay ni Glory habang idinadampi nito ang bulak sa ilong niya.
“Ah ganon, tinataboy mo ako?!” singhal ni Glory na nainis na.
“Ano ba naman kasing klase ang ganon? Galit ka pero ginagamot mo ang sugat ko, masokista ka ba?” asik ni Ralph sa kanya.
“Yes. He was right about that. I’m a masochist from the very first start pero iyon dahil takot ako.” saad ni Glory sa isip.
“Madali akong kausap Ralph, edi kung ayaw mo wag mo! Bahala ka dyan!” singhal niya at akmang tatayo na ngunit hinigit siya nito sa braso.
“Hindi, sabi ko nga dito ka lang eh… sa tabi ko, gamutin mo na ‘tong sugat ko, alagaan mo ako please, Ms. Glory,” saad ni Ralph.
Hindi alam ni Glory ngunit tila nanghihina siya sa panunuyo ni Ralph at kumuha na lamang siya ulit ng panibagong bulak at alcohol at ginamot ng maayos ang sugat nito.
“Masakit pa ba?” tanong niya rito.
“Hindi na, ginamot mo na eh… thankyou…” saad ni Ralph.
Napakagat labi naman si Glory habang inaayos ang first aid kit. Mabilis ang t***k ng puso niya ng mga oras na iyon ngunit takot na takot at pigil na pigil siya sa sarili.