Chapter 24

1333 Words
KINABUKASAN ay nagpatawag ng meeting si Joaquin sa Dela Vega Corp. sa lahat ng mga empleyado. Kataka taka iyon dahil iyon ang pangalawang beses na ginawa iyon ni Joaquin kung kaya’t nababahala ang ilan. Noong una kasi itong nagpatawag ng ganito kalaking meeting ay sinesante niya ang lahat ng empleyado at sinara ang Dela Vega Corp. Sa mga empleyado niyang nakasaksi non ay ayaw na nilang maulit pa iyon ulit dahil ilang buwan din silang nawalan ng trabaho. “Ano ba kasi ‘to Joaquin?” tanong ni Glory na naiinis habang si Joaquin ay nakangiti lang at tila good mood na good mood. “Tutal tapos naman na ang malaking project natin kay Velasco at summer naman ngayon let’s have a team building!” anunsyo ni Joaquin. Natuwa naman ang lahat at nawala na ang mga tanong at pangamba sa kanilang isip. “Unbelievable,” bulong ni Glory na iiling iling at dismayado dahil napakarami nilang naka line up na projects at proposals na kailangang tapusin ngunit nag anunsyo naman si Joaquin ng team building. “Saan tayo Sir?” tanong ni Jonas na isa sa mga consultants niya. “Brace yourselves team, we’re going to the fantastic white sand beach of Boracay!” saad pa ni Joaquin na tuwang tuwa. Nagsikantyawan at nagsipalakpakan naman ang mga empleyado. “Sir tanong lang, pwede ba magsama ng jowa?” tanong ni Jonas. “Uhm, sorry bawal, guys this team building is strictly for employees only, pwede magsama ng kids kung walang maiiwan pero jowa wag muna kasi maglalaro tayo at iinom at magpapakasaya, ako lang magsasama ng jowa, bawal kayo,” saad pa ni Joaquin. “Ang daya nito ni Sir oh,” saad naman ni Jonas. “The decision is final kaya yung mga trabaho ninyo tapusin niyo ng maaga para makalarga na tayo, next week dapat maipasa na lahat ng proposals at mairecord para pag binalikan natin ay tuloy tuloy na yan so double time, team, kung kinakailangan niyo mag OT, mag OT kayo babayaran ko naman yan,” paliwanag ni Joaquin. “Okay po Sir,” saad ng mga empleyado. “Okay, dismiss,” iyon lang at nagsialisan na ang mga empleyado sa main hall. Nang makalabas ang lahat ng empleyado ay naiwan naman si Ralph, Glory at Joaquin sa loob. “Ano iyon? Bakit nag announce ka ng team building?” tanong ni Glory. “Come on, masyado tayong stress dahil kay Mr. Velasco, aminin niyo na pressure kayo ng sobra at saka si Ralph din nahirapan, diba Ralph?” tanong ni Joaquin dito. “Ah oo, hindi ko naman alam na metikuloso iyon si Mr. Velasco at pabago bago ang isip, buti na nga lang at nadaan ko sa maayos na usap eh namahalan daw siya sa furnitures natin sa Romauldez Group, naghahanap na ng mura pati Alvarez Group kinontak daw pala niya para sa furnitures eh parehas lang naman ang presyo ng mga furnitures nila Dean Alvarez at saka ng Romualdez Group, na istress nga ako, samin kinuha yung mga lamesa tapos nag order pa kila Dean ng upuan,” hinaing ni Ralph na nahilot ang sintido. “Aba, nakinabang rin pala ang mga Alvarez sa project natin kung ganon,” saad ni Joaquin. “Oo, nakakahiya nga eh tinanong pa ako ni Dean nung nakaraan, bakit daw sa kanya pa kumuha ng furnitures eh meron naman daw samin at saka parehas lang naman presyo at materyales,” saad pa ni Ralph. “Ganyan talaga, akala siguro nila mas makakamura sila kung sa iba sila kukuha ng furnitures,” saad naman ni Glory. “Hayaan niyo na, tapos na tayo doon pagbalik natin sa team building saka natin tignan ang iba pang naka line up na projects, pagod ako gusto ko mag relax at magpahinga na muna kaya mag team building tayo sa white sand beach. Dagat na dagat na ako,” saad ni Joaquin. “Aba, hindi ka pa nakuntento noong na stranded tayo nung lumubog yung Cruise Ship,” saad ni Glory at nakalimutan nilang kasama pala nila si Ralph. Naalala naman bigla ni Ralph ang tungkol doon. “About that accident on the Cruise Ship, I think I remember… I was there with Renzo and…” sabat ni Ralph, nagulat naman si Joaquin. “Naalala mo na? Yes Ralph ,you were there with us, with Glory! Try to remember!” saad ni Joaquin. Nasapo naman ni Glory ang noo niya. “Alright, that’s it. I’m out of here,” saad ni Glory na kinuha ang mga envelope, notebook at ballpen niya at saka akmang aalis na ngunit mabilis na tumayo si Ralph at hinawakan siya sa braso upang pigilan siya. “Ms. Glory, wait,” saad ni Ralph ngunit nagulat siya sa ginawa niya kung kaya’t binitiwan niya ang braso ni Glory. “Sorry, I know this is kinda rude,” saad ni Ralph. “Uhm, busy pala ako, maiwan ko muna kayo ah,” saad ni Joaquin na mabilis na lumabas ng boardroom at sinara ang pinto, pinandilatan pa siya ng mata ni Glory ngunit hindi natinag si Joaquin at ngingisi ngising umalis sa boardroom. Naiwan naman si Glory at Ralph sa loob. “If this is about your handkerchief, I uhm, hindi ko pa kasi nalalabhan, pero isosoli ko iyon sayo,” saad ni Glory. “It’s not about my handkerchief,” saad ni Ralph na nilock ang pinto ng boardroom. Nagulat at natakot naman si Glory sa ginawa nito kung kaya’t napaatras siya dahil palapit na sa kanya si Ralph. “Ano bang… kailangan mo?” tanong ni Glory. “Bago ako maaksidente, nitong huli, naikwento sa akin ni Renzo na nag cruise ship kami, at nandoon din kayo pero hindi ko alam na lumubog yung barkong sinasakyan natin,” saad ni Ralph. “Ahh, Oo lumubog nga yung barko,” pag amin ni Glory na napayuko. “Nung naaksidente ako, nung nalunod ako, bumalik iyon sa alaala ko. That one tragic night pero nakita kita, ikaw yung kasama ko noong gabing iyon, hindi ko maipaliwanag pero noong nagising ako sa ospital, pangalan mo kaagad ang nasambit ko.. It was you all this time Glory, it was you,” saad ni Ralph at saka biglang sinunggaban ng halik si Glory, nahulog naman ni Glory ang mga gamit niya sa sahig, ikinulong na siya ni Ralph sa mga bisig nito ngunit pilit siyang nagpupumiglas dito. Kumawala ang mga luha sa mga mata ni Glory ng mga oras na iyon. Gusto niya ang mga paghalik ni Ralph ngunit tila inuutusan siya ng isip niyang layuan ito kung kaya’t nang makakuha siya ng lakas ay tinulak niya ito at sinampal ng malakas. “Stay away from me! You pervert!” singhal ni Glory at saka pinagpupulot ng mabilis ang mga gamit niya at dali daling binuksan ang pinto ng boardroom ngunit nahigit ulit ni Ralph ang braso niya. “Glory, Glory, please, listen to me,” saad ni Ralph ngunit hinawi ni Glory ang kamay niya. “What Ralph?! I can’t believe you’re expressing your feelings for me right now. This is the last time Ralph, kapag inulit mo pa kakasuhan na kita ng harassment!” “I’m sorry, Glory please, I’m sorry, I just don’t understand why I’m always thinking about you, lagi kang tumatakbo sa isip ko, mababaliw na ako kakaisip sayo! Hindi ko alam kung bakit!” reklamo ni ralph na tila naguguluhan sa sarili. “Ikakasal ka na hindi ba? Sa tingin mo matutuwa ang fiancei mo pag narinig niya yan mismo na lumalabas sa bibig mo?!” “I’m sorry, I’m just so confused. I don’t know what to do,” saad ni Ralph na napaatras at umalis na ng boardroom. Napahagulgol naman ng iyak si Glory nang maiwan siya doon mag isa, nanghina ang mga tuhod niya at napaupo sa sahig ng mga oras na iyon. “Ako dapat ang mag sorry sayo Ralph, I’m sorry, kasalanan ko lahat, I’m so sorry,” saad ni Glory habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD