Chapter 1
“No Addy, not Villanueva, San Juan ang gagamitin ko, do not include my ex husband there, hindi siya ang ama ng bata! I have nothing to do with him anymore, do you understand? Okay, I’ll talk to you later, bye,” iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag.
Naiinis siya sa sekretarya niya dahil nagpa schedule siya ng appointment sa isang OB Gyne pero gusto nitong isama ang pangalan ng kanyang ex husband bilang ama ng ipinagbubuntis niya. Hindi pa kasi siya nakakapagpa check up simula ng makaligtas sila sa nangyaring paglubog ng Cruise Ship kung saan doon sila nag date ng manliligaw niyang si Ralph Romualdez ang kakambal ng kasosyo niya sa negosyo na si Renzo Romualdez. Ang malaking problema niya ngayon ay buntis na siya kaagad pagkatapos ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Ralph sa Cruise Ship.
Bagama’t parehas silang nakaligtas nito sa trahedyang nangyari ay hindi niya pa rin masabi sa manliligaw na buntis siya at ito ang ama ng batang dinadala niya. She is Glory San Juan, alam niya sa sarili niyang kayang kaya niyang buhayin ang bata ng mag isa, kahit walang suporta ng ama nito ngunit may nagbubulong pa rin sa isip niya na sabihin dito. It’s Ralph’s rights after all and Ralph is not a bad person, she knows that. Alam niya ang pagtangi nito sa kanya at kung paano siya nito alagaan, she knows that he will be an amazing father… pero… sadyang nahaharap siya sa magulong sitwasyon ngayon kung kaya’t ang magtago lang kay Ralph ang magagawa niya.
Glory is an architect just like Joaquin Dela Vega, kaklase niya ito noong kolehiyo at naging magkasintahan sila ngunit nang ipakasal ito ng mga magulang sa ibang babae ay ipinaubaya niya na ito, sa huli ay hindi pa rin siya pinili ni Joaquin kung kaya’t nang alukin siya ng kasal ng anak ng kasosyo ng tatay niya sa negosyo na si Enrico Villanueva ay tinanggap niya na ito ngunit hindi naging maganda ang pagsasama nila. Enrico is possessive, wala siyang kalayaan dito, ni hindi nito isinasaalang alang ang mga naisin niya sa buhay. Enrico expected her to behave like a plain housewife, ngayon lamang siya nakabalik sa pagpapatakbo ng negosyo niya dahil nakipaghiwalay na siya sa asawa at ipinangako niya sa sarili na ibabangon niya muli ang buhay niyang nasira at iiwasang wag ulit maigupo sa lusak na pinanggalingan niya.
Ngayon ay nasa opisina siya at napabuntong hininga sa isiping iyon. Sinimulan niya ng ayusin ang mga papeles na kailangan niya para sa mga appointments niya, hindi naman kasi siya tamad para iasa pa ang mga iyon sa secretary niya at kung kaya niya namang gawin ay ginagawa niya, isa rin iyon sa sikreto kung bakit nananatiling maunlad ang negosyo itinayo niya, iyon ay masipag siya.
Habang nagtatrabaho siya ay may biglang pumasok sa opisina niya, nakaupo siya sa swivel chair ngunit nakatalikod siya sa desk niya habang may binabasang kontrata kung kaya’t hindi niya nakikita kung sinong pumasok.
“Addy, ilang beses ko bang sasabihin sayo na kakatok ka muna bago ka pumasok dito sa opisina ko?! Don’t you have your manners? Tss, anong kailangan m” naputol ang mga sasabihin niya ng makita niyang hindi iyon si Addy na sekretarya niya, kundi si Ralph na nakangiti, naka business suit at may hawak na bouquet ng bulaklak.
“Bilib naman na talaga ako sayo, mahal ko, kahit nagtataray ka ang ganda mo pa rin,” saad ni Ralph na nakangisi.
“Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na nga,” mataray na saad ni Glory.
“Oh Come on Love, I just got here, pinapaalis mo na ako kaagad? Grabe ka naman, masama bang bisitahin ka dito sa workplace mo,” saad ni Ralph.
“Paano mo nalaman kung nasaan ang opisina ko? Wala akong naaalalang sinabi ko sayo kung saan ako nagta trabaho,” saad ni Glory na mainit pa rin ang ulo, masama kasi ang pakiramdam niya dahil sa pagbubuntis niya at pagkatapos ay dumagdag pa ang ama ng batang dinadala niya.
“I have my ways, Sweetheart, at isa pa, investor ka sa Romualdez Group, and as the future CEO, hindi ba’t dapat kilalanin kong maigi ang mga investors sa kumpanya ko?” sarkastikong saad ni Ralph.
“Tss,” iyon na lang ang nasabi ni Glory at tnarayan si Ralph.
“Siya nga pala, flowers for you Love, hindi ko kasi alam kung anong paborito mong bulaklak kaya tinry ko na lang ang best ko para pumili ng mga bulaklak na kasing ganda mo,” saad ni Ralph sabay abot ng bouquet kay Glory ngunit hindi niya iyon tinanggap at sinamaan niya lang ng tingin si Ralph, napailing na lang si Ralph at inilapag ang boquet ng bulaklak sa desk niya.
At dahil buntis siya ay maselan ang pang amoy niya kung kaya’t lumayo siya sa bulaklak na bigla na lang nilagay ni Ralph sa desk niya at pinagkasya ang sarili sa bintana at tumayo doon upang pagmasdan ang magandang view, mataas na ang sikat ng araw at napakaganda ng paligid sa labas.
“Hmm, 12:30 p.m. na pala , why don't we grab some lunch, are you free today?” alok ni Ralph.
“I’m busy, may appointment ako ngayon, actually, paalis na nga ako eh,” saad ni Glory na napatingin sa relo niya, totoong may appointment siya dahil ngayon ang punta niya sa OB Gyn para magpa check up, ang sabi kasi ng OB ay after lunch daw, wala siyang ganang kumain kung kaya’t aalis na siya.
Kinuha niya ang bag at cellphone niya sa desk at akmang aalis na.
“Saan ang appointment mo today? Sama ako!” saad ni Ralph na nangngulit.
“Pwede ba, Ralph, stop pestering me! Wala ka bang ibang gagawin ngayong araw kundi bwisitin ako?!” mataray na saad ni Glory.
“Sasama lang naman eh, sige na, let me tag along with you,” saad ni Ralph habang sinusundan si Glory, naglalakad na sila ngayon sa pasilyo at pinag uusapan talaga sila ng mga ilang empleyado dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na may nanliligaw ulit sa kanya pagkatapos ng nakaka traumang pagsasama nila ng ex husband niya.
“I have an appointment with my dentist today, ipapabunot ko lahat ng ngipin ko, sama ka?” sarkastikong saad ni Glory na tumaas pa ang kilay kay Ralph.
Napahawak naman si Ralph sa bibig niya at parang natakot sa tinuran ni Glory na ipapabunot nito ang lahat ng ngipin niya.
“Sabi ko nga aalis na ako eh,” saad ni Ralph.
“Takot ka pala eh! Alis na, tss!” singhal ni Glory at saka umirap.
Pagbaba ng building ay nahilo siya ng konti pero sinubukan niyang makarating sa parking lot upang kunin ang kotse niya. Pagpasok niya sa loob ay kinuha niya sa bag ang mineral water niya at ininom iyon ngunit pakiramdam niya ay susuka siya kung kaya’t binuksan niya ang pinto ng kotse at dinura ang tubig na ininom niya, maluha luha na siya dahil sa sama ng pakiramdam niya, napansin naman iyon ni Ralph dahil kukunin rin nito ang kotse nito sa kabilang parking.
“Glory, are you… okay?” tanong nito.
“I’m fine, stay away from me!” saad niya kay Ralph at pabalibag na sinara ulit ang pinto ng sasakyan niya at saka nagmaneho.
Habang nasa daan siya ay napapansin niya sa rearview mirror na sumusunod ang kotse ni Ralph sa kanya kaya inihinto niya ang kotse niya sa may gilid at saka bumaba, huminto rin si Ralph at bumaba ng kotse nito.
“Wag mo nga akong sundan! Hindi ka na nakakatuwa!” singhal ni Glory.
“Baby please, alam kong galit ka pa sa akin dahil sa nangyari sa barko… pero please bigyan mo naman ako ng chance ulit,” saad ni Ralph na nagmamakaawa na.
“Alam mo, hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin at kung bakit ka nagkakaganyan!”
“Glory please… ayaw mo ba talaga sa akin?” tanong ni Ralph na halos ayaw sumuko.
“Wala akong sinabing ayoko, at saka.. Masakit pa sa akin na nagpakasal ang lalaking mahal ko sa iba, I really can’t right now Ralph, magiging unfair lang ako sayo, ayoko makasakit,” saad ni Glory habang nakayuko, ang totoo ay palusot niya lang iyon upang tigilan na siya ni Ralph.
“I can wait Glory…”
“I’m sorry Ralph, but… I don’t know,” saad ni Glory at saka pumasok na sa kotse niya habang tumutulo ang mga luha habang si Ralph ay naiwan lamang doon na nakasandal lang sa kotse niya at bagsak ang mga balikat.
Hindi niya gusto ang nakikita ngunit wala siyang magawa kundi umiyak na lang, ang totoo ay gusto niyang yakapin ito at sabihing buntis siya ngunit hindi niya kaya dahil hindi pa siya tuluyang nakakalaya sa ex husband niya dahil sa matagal na proseso ng annulment nila. Nambabae rin ang ex niyang si Enrico kaya napagdesisyunan nilang mag hiwalay na dahil puro sakit na lang ang naidudulot ng asawa sa kanya at ngayon ay handa na siyang harapin ang buhay niya ng mag isa. She is Glory San Juan and she is stronger now.