Nang makalayo ay kaagad na sinara ni Glory ang pinto ng board room at saka siya sumandal doon. Hindi niya gustong magsinungaling kay Ralph. Nadadala lamang siya ng takot dahil baka kunin nito ang mga anak niya sa kanya. Tumulo ang mga luha niya ng mga oras na iyon. Takot na takot siya, ni ayaw niya ng makita pa si Ralph dahil maayos naman silang mag iina kahit wala ito ngunit ngayon ay tila gumugulo ang sitwasyon dahil sa pagbalik ng alaala nito.
Samantala, hindi maintindihan ni Ralph kung bakit nagkaganon dahil ang buong akala niya ay maayos na sila ni Glory ngunit hindi pa pala at ang malala pa doon ay pilit pa ring nagsisinungaling sa kanya ito kahit na alam niya naman ang totoo kung kaya’t nag laylow muna siya ulit ng dalawang linggo ngunit tumawag naman bigla sa kanya ang private investigator na hinired niya.
“Hello Max? Any news?”
“Hello Sir, hawak ko na po yung DNA test results,”
“Ganon ba, sige, papunta na ako, magkita tayo sa coffee shop sa tapat ng building,”
Nakipagkita si Ralph sa private investigator niyang si Max upang kunin ang DNA test results na pinagawa niya. Sa takot na baka ilayo pa ulit ni Glory sa kanya ang mga anak ay sinamantala niya ang pagkakataon na binigay sa kanya ni Joaquin upang makasama ang mga ito at kumuha ng DNA ng mga bata.
Binuklat ni Ralph ang DNA Paternity Test Results at nakumpirma niya ngang positive ito. Anak niya nga ang kambal ni Glory. Tila nabuntuan siya ng tinik sa dibdib ng malaman iyon ngunit palaisipan pa rin kay Ralph kung bakit gumawa pa si Glory ng fake na abortion consent form at ipinakita ito sa kanya. Ibig sabihin lamang non ay desidido talaga si Glory na itago ang mga anak nito sa kanya ngunit ang pinaka malaking tanong ay bakit?
“Salamat sa serbisyo mo, Max,” saad ni Ralph na kumuha ng cheque book at nagsulat sa cheque at iniabot iyon kay Max.
“Maraming salamat po Sir, sa uulitin po,” saad ni Max at saka mabilis na umalis pag tanggap ng cheque kay Ralph.
Nang hapon ding iyon ay hinintay niyang makalabas si Glory ng Dela Vega Corp at saka niya ito inabangan. Nagulat na lang si Glory nang higitin siya nito sa braso.
“Ralph ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Ano na naman ba ‘to?!” inis na singhal ni Glory kay Ralph
“You said they are not my kids, then how do you explain this DNA Paternity test results?!” saad ni Ralph na pinakita ang results kay Glory ngunit hindi na iyon binuklat pa ni Glory dahil alam niyang magpo positive talaga ang results lalo na’t tunay na anak ni Ralph ang kanyang kambal.
“Why do you keep on lying to me Glory? Huh?! Why?!” galit na singhal ni Ralph at saka hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ni Glory.
“Leave me alone! I don’t want to talk to you!” singhal ni Glory na nagpupumiglas na kay Ralph.
“What the f**k do you want huh?! Bakit mo ginagawa sa akin ito?! Bakit mo ako pinaglalaruan ng ganito? Huh?!” singhal pa ni Ralph na masamang masama ang loob. Napahagulgol naman si Glory ng iyak dahil wala siyang maisagot sa mga tanong ni Ralph.
“Glory?! Ralph! That’s enough!” pag aawat naman ni Joaquin nang makita sila nito na nag aaway sa parking lot. Pilit na tinanggal ni Joaquin ang mga kamay ni Ralph kay Glory.
“Tama na! Ano ba kayo, huh?! Dito pa talaga kayo nag aaway sa kumpanya?! Gusto niyong pag piyestahan ng media?! Mag ingat naman kayo!” singhal ni Joaquin na pumagitna na sa kanilang dalawa.
“Hindi pa tayo tapos Glory, pagsisisihan mo lahat ng ‘to! Tandaan mo yan!” pagbabanta ni Ralph at saka umalis.
“Sira ulo! Buti nga umalis ka na! Tama yan!” singhal ni Joaquin.
Wala namang patid ang iyak ni Glory.
“Okay ka lang? Saan masakit? Anong ginawa sayo ng gago na iyon?” sunud sunod na tanong ni Joaquin na chine check kung may galos ba si Glory.
“Wag mo na nga akong ipagtanggol! Ako may kasalanan dito!” singhal ni Glory kay Joaquin.
“Kahit na ikaw pa ang may kasalanan, babae ka pa rin Glory, ano ba ginawa sayo? Halika nga, pumasok ka sa kotse,” saad ni Joaquin na pinapasok na si Glory sa kotse.
“Tell me what happened,” mahinahong tanong ni Joaquin.
“Hindi ko alam… hindi ko alam kung paano siya nakapagpagawa ng DNA testing, eh hindi naman siya nakakalapit pa sa mga bata, eh sinabi ko kasi sa kanya na wag na siyang bumawi dahil hindi niya naman talaga tunay na anak yung kambal, para layuan niya na kami tapos ngayon… tapos ngayon nagpakita siya sa akin ng DNA Paternity test result, hindi ko na binuklat kasi alam ko namang magpo positive iyon, tapos nagalit siya, sobrang nasasaktan ako Joaquin,” paliwanag ni Glory habang humahagulgol ng iyak.
“Ano?! Bakit mo pa kasi sinabi sa kanya na hindi niya tunay na anak yung mga bata? Akala ko pa naman ayos na kayo, dinagdagan mo na naman ang kasalanan mo tsk tsk! At saka nakalapit na siya sa mga bata, bumisita siya last last week sa Hacienda at hinayaan ko siyang lapitan yung mga anak mo dahil wala ka naman non at nasa site visit ka,” paliwanag ni Joaquin.
“Ano?! Bakit mo siya pinalapit sa mga anak ko?! Damn it Joaquin! Why did you do that?! Kaya naman pala eh! Mas lalo mo lang dinadagdagan problema ko eh!” singhal ni Glory na nagalit kay Joaquin at nasapo ang noo.
“Bakit pati sa akin nagagalit ka?! Karapatan ni Ralph iyon, bilang ama ng mga bata, hindi ko naman akalaing magpapa DNA testing siya,”
“Kaya pala gustong gusto ni Cole na pumunta sa car show, urrghh! kainis! Kasalanan mo ito Joaquin! I hate you! I hate you!” singhal niya at pinalo palo ng shoulder bag na hawak si Joaquin.
“Aray! What’s the big deal about it?! Bakit ba tinatago mo pa rin ang mga anak mo sa kanya?!” tanong ni Joaquin na pilit iniiwas ang sarili sa pamamalo ni Glory.
“Because I’m scared Joaquin, natatakot ako na baka kunin niya sa akin ang mga anak ko! Si Cale at Cole ang buhay ko, hindi ko kakayanin pag nawala sila sa akin!” singhal ni Glory na humahagulgol pa rin ng iyak.
Niyakap naman siya ni Joaquin upang pagaanin ang loob nito.
“Don’t worry, akong bahala, okay? Just relax and don’t think about it, Ralph would never do that,” saad ni Joaquin na pilit inaalo alo si Glory.
Totoo naman kasi talaga na kasalanan niya pero naisip rin ni Joaquin na okay na rin na nalaman ni Ralph na tunay niyang mga anak ang kambal ni Glory at nalaman rin nito ang responsibilidad nito sa mga bata.