Chapter 40

1636 Words
“Nasaan na ba kasi ang wallet ko? Hays!” singhal ni Glory habang hinahanap ang kanyang wallet sa bag ngunit wala kung kaya’t napilitan siyang mag withdraw sa ATM niya dahil hindi naman pwedeng wala siyang dalang pera kahit papaano sa site visit niya. “Hays, saan ko ba kasi nailagay iyon? Nandoon pa naman ang black card ko,” singhal niya pa sa sarili na inis na inis ngunit napatakip siya sa bibig ng maalala ang nangyari kagabi. Ang lagaslas ng tubig sa shower, ang mga paghalik ni Ralph, ang gwapong gwapong anyo nito, ang matipunong katawan, ang bawat paghaplos ng kamay nito sa kanyang katawan na nagdudulot ng matinding init at pagnanasa sa kanya. “Wallet, Glory. Focused! Wallet ang hinahanap mo, hindi si Ralph! Damn it!” asik niya sa isip na tila pinapagalitan ang sarili. “Ms. Glory, Ms. Glory?” saad ng client niya na si Mrs. Raymundo. “Oh uhm, yes?” tanong niya na biglang napatingin sa client niya. “Are you okay? You seem like day dreaming, are you in love?” tanong ni Mrs. Raymundo na napangiti ng bahagya. “Yeah, no. I mean, I’m okay and I’m not… in love. I’m busy, I have no time for that,” saad ni Glory sa kliyente niya. “Really? You’re kinda blooming and blushing right now,” Natawa lang ng bahagya si Glory. “I’m sorry, uhm, by the way, let’s continue,” saad niya sa client at muling ipinaliwanag dito ang lahat. *** Nang makauwi siya ay gising pa ang mga anak at tila naglalaro. Si Cale ay may hawak na laruan na eroplano habang si Cole naman ay may hawak na sports car na laruan. “Mommy!!!” sinalubong siya ng yakap ng mga ito kung kaya’t natanggal na ang pagod niya. “Hi babies! Nag behave ba kayo kay Tito Joaquin ninyo?” tanong niya sa mga ito. “Yes Mommy, we’re playing with Noreen and Nerri,” saad ni Cale. “Oh, that’s good,” saad niya na binaba ang bag sa kama. “Mommy, come here on the couch!” saad ni Cole at saka iginiya si Glory sa couch. “Teka, bakit niyo ba ako pinapaupo?” tanong niya sa mga ito. Naglagay naman ng plangganang may maligamgam na tubig si Cale at iniharap sa kanya. “What are you doing, baby? Careful! Baka matapon!” saad niya rito. “Lagay mo yung paa mo, Mommy,” saad ni Cole na humagikgik ng tawa. “Kayong dalawa mamaya pinagtitripan niyo ako ah,” saad ni Glory ngunit sinunod naman ang sinabi ng mga anak na ilagay ang paa niya sa maligamgam na tubig. “Just relax there, Mommy,” saad ni Cale. “Thank you, babies,” saad niya sa mga ito, napapikit naman siya at dinama ang mainit na tubig sa kanyang paa dahil nakakarelax nga iyon. “Someone said that we should take care of you,” saad ni Cole. “Really? Who?” tanong niya. “It’s a secret, Mommy,” saad ni Cale na humagikgik ng tawa. “Kayong dalawa, secret secret pa kayo,” saad ni Glory. “Mommy, can we go to a race track to see some race cars?” tanong ni Cole. “Sure, kailan ba? At saan?” tanong niya dito dahil sinusunod niya naman minsan ang gusto ng mga anak dahil minsan lang humiling sa kanya ang mga iyon. “uhm , I don’t know pero pag nagkaroon ng car show pwede mo ba kaming samahan ni Cale?” tanong ni Cole. “Yeah sure, sabihin mo lang sa akin kung kailan,” saad niya sa anak. “Thanks Mommy! You’re the best!” saad ni Cole. KINABUKASAN ay nagbibihis na si Joaquin at Glory. Nadaanan ni Glory si Joaquin na nag aayos ng necktie niya sa full body mirror sa sala. “Ba’t dyan ka palagi nag aayos may salamin naman doon sa kwarto ninyo ni Samantha?” tanong niya rito. “Eh gusto ko dito eh, ano Glory? Gwapo na ba ako?” tanong nito sa kanya na kumindat pa. “Ewan ko sayo, halika na, wala namang pinagbago mukha mo,” saad ni Glory na tatawa tawa. “Teka, mukhang blooming ka ngayon huh, naka hot pink na business suit ka pa,” pang aasar ni Joaquin dito. “Tigil tigilan mo ako, nga pala, may alam ka bang car show or racing event na gaganapin? Si Cole kasi gusto niya na daw manuod ng live,” saad ni Glory. “Uhm, hindi ko alam eh pero sige, hanap tayo,” saad ni Joaquin. “Thanks, you’re the best!” saad niya rito na sumakay na sa kotse. “Aba, syempre naman! Si Joaquin Dela Vega ‘to! The one and only! Teka, sasabay ka sa akin? Saan kotse mo?” tanong ni Joaquin kay Glory. “Ano eh, nasa office, naiwan, diba nga niyaya ako nila Rosenda noong nakaraan, hindi ko pa nakuha,” paliwanag ni Glory. “Ah, sige,” iyon lang at nagdrive na si Fredo na siya pa ring driver ni Joaquin. Nang makarating sila sa Dela Vega Corp ay kanya kanyang punta na sila sa kanilang mga area ngunit pagpasok ni Glory sa office niya ay tumambad sa kanya ang napakaraming bulaklak. “Addy! Addy!” sigaw niya sa sekretarya niya. Nagmadali namang pumunta ito sa kanya na may hawak pang mga files at halatang nagkukumahog at stress na stress. “Yes po, Ma’am?” “Kanino galing ang mga ito? Gagawin niya bang garden or flower shop ang office ko?!” singhal niya kay Addy na napalakas na ang boses. Naiinis kasi siya dahil punong puno ng bulaklak ang opisina niya at maging ang upuan at desk niya ay meron. “Uhm, kay Sir Ralph po galing ang mga ‘yan,” saad ni Addy. “Good morning, Gorgeous,” narinig niyang saad ni Ralph mula sa likod niya kung kaya’t humarap siya dito. Tumambad sa kanya ang mala diyos ng griyegong mukha at ang malapad na ngiti nito. Ralph is just the same as Renzo but Ralph is the more jolly and outgoing type hindi katulad ni Renzo na serious type at kung walang nakakatawa ay hindi mo pa mapapangiti. “Pwede ba Ralph, walang good sa morning! Tignan mo nga itong ginawa mo sa office ko! Ayan! Ayan pa!” inis na pinagtuturo niya ang mga bulaklak na nakahilera sa sahig at ang bulaklak sa desk at upuan niya. “Saan ako uupo ngayon?!” singhal niya kay Ralph. “Upuan lang pala ang problema mo, dito sa kandungan ko, mag eenjoy ka pa, you can sit on my face too, you’re lucky if I put my tongue inside,” saad ni Ralph na kumindat at ngumiti ng matamis sa kanya. “Bastos!” singhal ni Glory na inilapag ang bag niya sa desk. Nagpipigil naman ng tawa si Addy dahil sa naririnig niya kay Ralph. “Come on Love, I’m back now, hindi mo ba ako na miss?” saad ni Ralph na nang aasar pa. “Tigil tigilan mo ako at magtatrabaho ako, ikaw, kung wala kang gagawin dito, umuwi ka na lang, sayang lang pinapa sweldo sayo ni Joaquin! tsupi!” saad ni Glory na binangga si Ralph sa may pintuan habang may hawak na mga files, sinundan naman siya ni Ralph. “Ang sungit nito, hoy! Baka hindi mo alam, diyes mil ang ginastos ko doon sa mga bulaklak na iyon, ginawa ko pang pang hanging gardens of babylon iyon para lang sayo, ni thank you man lang wala! Tss!” singhal ni Ralph na naiinis na rin. “Fine, thank you, okay ka na ba?” sarkastikong saad ni Glory sa kanya, napakamot naman ng ulo si Ralph. “Akala ko pa naman okay na tayo kaya nga pumasok na ako ngayon eh, at saka bakit mo naman ako iniwan? Sabi mo mag stay ka diba?” saad ni Ralph. “Nag stay naman ako pero hindi ako pwedeng umagahin sa Penthouse mo dahil may site visit ako,” paliwanag ni Glory. “I just want to say I’m sorry about the last time, nagsabay sabay kasi… namatay si Daddy tapos niloko pa ako ni Luz, tapos nalaman ko pa na itinago mo sa akin yung mga bata. I’m not really like that. Sorry kung nasaktan at naharas kita,” saad ni Ralph na napayuko sa harap ni Glory. “Okay na iyon, wag mo ng alalahanin pa, naiintindihan ko naman kasi kung ako siguro mawalan din ng tatay, masakit din para sa akin,” saad ni Glory. “But I’m here now, and I promise, babawi ako sayo, sa inyo ng mga bata,” seryosong saad ni Ralph. Napabuntong hininga si Glory ng mga oras na iyon. “Look. Ralph, the truth is, Cale and Cole are not your kids, sinabi ko lang iyon dahil ayaw mong ihinto yung kotse the last time and the abortion consent form that I showed you, it’s not fake. Pinaglaglag ko ang anak natin, Ralph,” palusot ni Glory ngunit sarkastikong ngumiti si Ralph. “I really love listening to your lies when I really know the truth, Love, pwede ba Glory, wag mo ng bilugin ang ulo ko, hindi mo na ako maloloko ngayon at hindi makitid ang utak ko. I don’t get it, bakit ba palagi kang nagsisinungaling sa akin? You’re keep on hiding the obvious all the time,” saad ni Ralph na hindi tinatanggap ang mga palusot niya. “Fine. Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan, wala na akong pakialam, just stay away from me and from my kids, wala kang anak sa akin Ralph, tandaan mo yan, wala!” saad ni Glory na ipinagdiinan iyon kay Ralph at saka lumakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD