Umuwing lasing si Ralph sa mansyon ng mga Romualdez, ang totoo ay ayaw niyang mag isa ngayong gabi kung kaya’t doon siya pumunta baka kasi pag sa Penthouse ay baka kung anong gawin niya sa sarili niya. Baka bigla niya na lang maisip na magpakamatay dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
“Ralph, is that you? You look so drunk,” saad ni Rossy ng madaanan ito.
“I’m fine, I just need to sleep this off,” saad niya sa sister in law na si Rossy.
“Palagi ka na lang lasing Ralph, hindi na maganda yan,” saad ni Rossy na nag aalala.
“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Rossy,” saad ni Ralph na pilit pinapahid ng marahas ang kanyang mga luha, napaupo ito sa hagdan.
“Did you talk to Glory about why she hid your sons from you? Nalaman ko kasi kay Renzo,” tanong ni Rossy.
“Ayaw ngang sabihin eh,” saad ni Ralph na nasabunutan na ang sarili.
“Just give her some time, you two need some space,” saad ni Rossy na nakatayo lang sa harap ni Ralph.
“Hanggang kailan Rossy? Hindi ko na alam kung anong gusto niyang mangyari, ang gusto ko lang naman ay makasama sila ng mga anak ko, bakit hirap na hirap siyang ibigay iyon? Mahal ko naman siya eh, kung sana ay hinahayaan niya lang ako na mahalin siya edi walang problema,”
Napabuntong hininga ng malalim si Rossy dahil naaawa siya sa brother in law niya. Kilalang kilala niya kasi ito pag nagmahal at alam niya kung anong kayang gawin nito para sa pag ibig. Ralph is the exact opposite of Renzo when it comes to love, Ralph gives his everything unlike Renzo, at di hamak na mas mabait ito kay Renzo ngunit mas grabe naman kapag nagalit.
“I’m sorry, hindi man lang kitang natulungan, but I’m still willing to return the favor. Kakausapin ko si Glory, we’re good friends naman eh,” saad ni Rossy.
“Hindi na, wag na Rossy, problema namin ‘to, kami na lang ang aayos,” saad ni Ralph.
“Sorry din dahil hindi kita natulungan noon kay Luz, I know she was plotting something behind your back pero hindi ko nagawang magsabi sayo, I’m sorry,” saad ni Rossy.
“It’s fine Rossy, don’t apologize, I guess mahal pa rin ako ng Diyos, ipinaalam niya sa akin ang mga dapat kong malaman bago pa mahuli ang lahat,”
“Oh siya, matutulog na ako,”
“Goodnight, Rossy,”
“Goodnight, Ralph,”
Iyon lang at umalis na si Rossy, nagpatuloy naman si Ralph sa pag akyat sa hagdan, pilit niyang inihahakbang ang mga paa kahit na hilong hilo na siya sa sobrang kalasingan. Mabigat. Masakit.
Pagapang siyang humiga sa kama, sa dati niyang kwarto. Hindi pa rin nagbago ang ayos non. Nahagip ng mata niyang ang naka picture frame na litrato nila ni Sophia.
“Sophie, would it be the same if you were still… alive?” saad niya na animo’y nagtatanong sa litrato ng yumaong asawa.
***
Hacienda Dela Vega
Nasa sala sila Joaquin, Samantha at Glory na tila inaayos ang mga pinamili nilang gamit ng mga bata para sa darating na pasukan.
“Aba, tignan mo nga naman oh, ang mga gamit sa school ngayon mga hightech na, de gulong na yung bag,” saad ni Joaquin na natutuwa habang tinitignan ang bag ng mga anak niyang kambal.
“Hindi ako nakaranas nyan noon sa probinsya kasi mahirap lang ang buhay doon kaya simpleng bag lang ang gamit ko, ikaw ba Glory, nakaranas ka ba ng ganitong bag?” tanong ni Samantha kay Glory.
“Hindi nga rin,” saad ni Glory.
“Naiignorante ako sa gamit ng mga bata tignan mo itong pencil case, may hagdan na maliit oh, dito ata sa ilalim yung mga eraser saka lapis tapos ballpen sa taas, ayos ano? Ang galing, parang naka double deck yung mga pangsulat,” saad ni Joaquin na natutuwa habang hawak hawak ang pencil case ni Noreen.
Natatawang tinapik ni Samantha ang tuhod ng asawa.
“Daddy naman!” singhal ni Samantha habang tumatawa.
“Aba, noong nag aaral tayo, hindi naman tayo nakaranas ng mga ganitong gamit, ngayon na lamang ang mga ganitong klaseng gamit sa eskwelahan,” saad ni Joaquin.
“Hay naku, oo na Daddy, wag mo na ipangalandakan at napaghahalataan na naman ang edad mo,” saad ni Samantha na nakangiti habang inaayos ang bag ng mga anak.
Samantala, narinig naman nila ang mga maliliit na yabag ng paa ng mga bata habang humahagikgik at papalapit ang mga iyon sa kanila.
“Wow! I’m so excited to go to school tomorrow!” saad ni Nerri na may malapad na ngiti sa mga labi.
“Yeah me too, I’m so excited to meet some new friends!” saad naman ni Noreen.
“Mommy, I don’t want to go to school,” saad ni Cale sa inang si Glory, napakunot naman ng noo ito.
“Why Baby? Is there something wrong?” tanong niya sa bata.
“Mommy, I’m scared, wala ka naman doon, paano kung may mambully sa akin?” saad ni Cale na nag aalala.
Mukhang alam niya na kung kanino nagmana, sa tatay na naman. Minsan kasi ay napapansin niya na mahina din ang loob ni Ralph at kailangan pa ng push.
“Oh don’t worry Cale, I’m here, I got your back!” saad ni Cole, natuwa naman si Glory sa tinuran nito dahil mukhang sa kanya talaga nagmana si Cole kahit na kamukha nito ang tatay.
“Iyon naman pala eh, don’t worry, kahit wala ako doon, nandyan naman si Cole, sabay kayong papasok at saka magkaklase naman kayo, wag ka na mag worry, okay?” saad ni Glory sa anak na inaalis ang takot nito.
“Okay Mommy, thanks Cole, you’re the best!” saad ni Cale sa kakambal.
“Anytime, Bro!” saad ni Cole at saka inapiran si Cale.
“Oh kayong mga bata kayo, mag aral kayo ng mabuti huh, yan lang ang maipapamana namin sa inyo, magandang edukasyon at hindi yan maagaw ng kahit sino,” saad ni Joaquin.
“You’re a liar, Daddy, we’re rich and you owned so many properties kaya marami kang ipapamana sa amin,” saad ni Nerri.
“Ah ganon? Oh, eh ilan kayong magkakapatid, apat. Ang kuya mo, ikaw, si Noreen at saka si Joaquin Jr. ko pa, sa dami ninyo mauubos kayamanan ko,” saad ni Joaquin na tatawa tawa.
Hinampas naman ni Nerri si Joaquin sa tuhod.
“Daddy naman eh! Gusto ko marami ipapamana mo sakin ah!” singhal ni Noreen.
“Ay hindi pwede yan, hating kapatid, walang lamangan, at saka papamanahan ko pa ang ate Rosenda ninyo syempre, kahit ampon ko iyon, mayroon pa rin siya so lima kayo, kawawa naman si Junior ko baka wala ng matira sa kanya kaya nagtatrabaho pa ako ngayon para marami kayong mamanahin sakin,” saad ni Joaquin.
“Sana all, may mamanahin,” saad ni Glory na sumabat bigla sa usapan.
“Anong sana all may mamanahin? Hoy wag ka, mas mayaman sa akin ang mga Romualdez Glory baka akala mo, si Ralph ganon ganon lang yung hayop na iyon pero maraming pera iyon,” saad ni Joaquin.
“Huy! Dahan dahan ka naman sa salita mo at nandyan ang mga bata, hindi naman nila alam yan,” pabulong na saad ni Samantha kay Joaquin dahil nasa harap nila ang kambal ni Glory na si Cale and Cole.
Napabuntong hininga na lang si Glory at hindi na pinansin ang sinabi ni Joaquin ngunit totoo naman kasi iyon. Mas mayaman ang mga Romualdez kumpara sa kanila. Ralph can really provide for his sons kahit na hindi ito magtrabaho at sa sobrang yaman nito ay kayang kaya nitong kunin ang mga anak nito sa kanya, natatakot siya dahil pag dumating ang araw na iyon ay pakiramdam niya’y hindi niya kayang kalabanin ang mga Romualdez at kung aabot pa sila sa korte para sa custody ng mga bata ay sigurado siyang mamumulubi siya.