Dumaan pa ang mga araw na hindi nagkikibuan sina Ralph at Glory. Pansin ni Ralph na masyadong ginagawang busy ni Glory ang sarili niya, upang hindi ito mabakante at mawalan ito ng oras upang hindi sila makapag usap ngunit hindi niya akalain na ganito ito ka workaholic. Minsan ay nakakalimutan na nitong kumain ng lunch kung kaya’t pasikreto niya itong binibilhan ng pagkain at pinapaabot niya iyon kay Addy na sekretarya nito ngunit hindi pinapaalam ni Addy kay Glory na sa kanya iyon galing dahil baka magalit ito.
Ngayong araw ay ganon ulit ang ginawa ni Ralph.
“Addy! Addy!” pabulong na singhal niya kay Addy.
“Yes Sir Ralph, ano po iyon?” tanong ni Addy na kaagad na lumapit kay Ralph, inabutan naman siya ni Ralph ng malaking kulay brown na supot, mabigat iyon at halatang pagkain na naman ang laman.
“Bigay mo sa boss mo, kamo kumain na at mamaya na yung ginagawa niya, alas dose na naman, makakalimutan niya na naman yan,” saad ni Ralph.
“Eh pero Sir, kayo na lang ho kaya magbigay? Nauubusan na ho ako ng alibi eh, hindi ko na alam ang sasabihin ko, ilang araw na pong ganito, nagtataka na ho sa akin si Ms. Glory, nung nakaraan sabi niya sakin ang dami ko daw pera at nanlilibre pa daw ako ng lunch, baka kagalitan na ho ako ni Ma’am pag nalaman niya,”
Napabuntong hininga naman si Ralph.
“Syempre, wag mong sasabihing galing sakin, sige na, last na ‘to promise, please Addy,” saad ni Ralph na nagmamakaawa na kay Addy.
“Hays, sige na nga Sir, last na ‘to ah, makakagalitan kasi talaga ako nun ni Ms. Glory,” saad ni Addy na walang nagawa at kinuha na lang ang supot.
“Yes, thankyou, Addy,” saad ni Ralph at pinagmasdan si Addy habang binibigay nito ang pagkain kay Glory.
Narinig niya pa ang usapan ng dalawa.
“Oh, nag abala ka pa Addy, salamat ah, baka wala ka ng pera nyan, sabihin mo lang sa akin,” saad ni Glory.
“Ay okay lang ho ako Ms. Glory, ang importante po kumain po kayo sa tamang oras,” saad ni Addy, napangiti naman si Ralph.
“Salamat Addy. I appreciate it,” saad ni Glory na ngumiti ng matamis sa sekretarya.
Sa gayong paraan ay solve na si Ralph, at masaya na siyang tinatanggap at kinakain nito ang mga pagkaing binibili niya ngunit nagulat siya ng may magsalita sa likod niya.
“Cookies and cream na ice cream,” saad ni Joaquin na nakangisi sa likod niya.
“Ahe, Sir… kanina ka pa ba nandyan?” tanong niya kay Joaquin.
“Oo dapat ikaw na lang nag abot kay Glory, binigyan mo pa ng problema si Addy eh, nahihiya ka pa, parang hindi ka naman Romualdez nyan eh,” saad ni Joaquin, napakamot na lang ng ulo si Ralph.
“Eh ano kasi eh.. Baka magalit na naman sa akin eh,” saad ni Ralph.
“Pero bilib ako sa determinasyon mo ah, nasaktan ka na niya lahat lahat, sinusuyo at inaalagaan mo pa rin,” saad ni Joaquin.
“Gusto ko talagang ayusin ang lahat sa amin kaya ginagawa ko ‘to, siya lang naman ‘tong nagmamatigas eh,” saad ni Ralph.
“Kung bibigyan mo siya ulit ng pagkain, cookies and cream ang gusto niyang flavor ng ice cream,” saad ni Joaquin na tinapik ang balikat niya.
“Ganon ba, sige salamat,” saad ni Ralph.
“Magiging ayos din ang lahat,” saad ni Joaquin na naglakad na palayo.
***
“Ano?! Nag backed out yung client? Bakit daw?” tanong ni Glory sa contractor na kausap niya sa telepono.
“Mga sira ulo ba sila?! Syempre mahal talaga ang singil natin kasi quality naman ang gawa! Nakakainis naman yan! Patay ako kay Mr. Dela Vega nito, sinabi ko pa naman na ongoing na yung project,” saad pa ni Glory na nahilot ang sintido.
Mabuti na lamang at nakakain siya ng maayos dahil sa dinalang pagkain sa kanya ni Addy kanina kundi ay baka hindi niya kayanin at himatayin na siya sa stress.
“It costs millions tapos biglang cancelled, hays! Oh siya sige na, mukhang wala na akong magagawa dyan, I’ll just tell Joaquin the bad news, thanks for informing me, bye,” pagod na ibinaba ni Glory ang telepono at iniyuko niya ang ulo sa desk.
Pagod na pagod na siya ngunit mamaya pa ang uwian dahil hapon pa lang. Maya maya ay nakatanggap ulit si Glory ng tawag mula sa isang unknown number.
“Hello?”
“Hello? Kayo po ba ang guardian ni Cole and Cale?”
“Yes, I am their mother, can I know who I’m speaking with?”
“Sa Medical center po ito, wag ho kayong mabibigla Ma’am ngunit naaksidente po ang kambal ninyo at dinala po sila dito, ngayon ngayon lang, pakipuntahan na lang po agad, kritikal po kasi ang lagay nila,”
“Ano?! Sige sige, papunta na,” saad ni Glory na pinatay ang cellphone at kinuha ang bag at saka nagmamadaling lumabas ng building.
Alalang alala na siya at lakad takbo na ang ginagawa niya papunta sa parking lot. Hindi niya kakayanin kapag may masamang nangyari sa kambal niya. Mabilis siyang pumasok ng kotse at nagmaneho na papunta sa ospital.
Samantala ay napansin naman ni Ralph na biglang lumabas si Glory ng office niya dala ang bag nito at tila nagmamadali at tumatakbo pa at halatang nag aalala ang mukha.
"Addy, what happened?" tanong ni Ralph na kaagad na lumapit kay Addy.
"Hindi ko po alam Sir," saad ni Addy.
"Okay, I will follow her," saad ni Ralph at saka nagmadaling lumabas ng office.
Maya maya ay lumabas naman si Joaquin ng office niya.
"Addy, nasaan boss mo?!" tanong ni Joaquin kay Addy.
"Kanina pa ho umalis Sir, nagmamadali nga po eh, hindi ko po alam kung bakit," saad ni Addy.
"Eh si Ralph?!"
"Sinundan niya ho si Ms. Glory," saad ni Addy.
"Sige, aalis na din ako pag may mga tumawag sabihin mo may emergency kami ah," saad ni Joaquin at saka nagmadaling umalis.
Huli niya ng nalaman ang nangyari kay Cale at Cole nang tawagan siya ng asawa.
***
Napahagulgol si Glory ng iyak nang makitang parehas nasa hospital bed ang mga anak, walang malay at duguan. Kaliwa't kanan ang nurse at doktor na tumitingin sa kanila at halos hindi magkanda ugaga ang mg aiyon.
"Mga anak ko! Iligtas niyo po sila Doc! Parang awa niyo na po!" singhal ni Glory habang humahagulgol ng iyak, nanginginig na siya sa takot at tila hindi mapakali.
"Misis, ano hong blood type ninyo?" tanong ng doktor.
"Type A po," saad ni Glory.
"Naku po Misis, may iba pa po ba kayong kilala sa family niyo na Type O po? Hindi po kayo pwedeng mag donate ng dugo pero kailangang kailangan na ho natin ng blood donor kundi malalagay po sa peligro ang buhay nila," paliwanag ng doktor.
Hindi naman malaman ni Glory ang gagawin at tila nag iisip. Tinatawagan niya si Joaquin ngunit hindi ito sumasagot.
Samantala, nang sundan naman ni Ralph si Glory ay nakita ni Ralph ang nangyaring aksidente sa mga anak niya kung kaya't mabilis siyang lumapit kay Glory.
"Glory, anong nangyari?! Napano ang mga bata?!" singhal niya na hinihingal pa sa pagtakbo.
"Ralph!" singhal ni Glory na napayakap kay Ralph ngunit hinawakan siya ni Ralph sa magkabilang braso at inilayo ang katawan niya kay Glory.
Ramdam niya ang pangangatog ni Glory dahil sa sobrang takot at pag aalala at galit na galit siya ng mga oras na iyon dahil nakikita niyang agaw buhay ang mga anak niya.
"Parang awa mo na tulungan mo ako, nakikiusap ako sayo, ikaw lang ang makakapagligtas sa kanila!" singhal ni Glory habang humahagulgol pa ng iyak.
“Kayo ho ba ang ama ng mga bata? Kailangang kailangan na hong masalinan ng dugo ang mga bata,” saad pa ng doktor.
“Sige, sandali lang, mag uusap lang kami ng mabilis,” saad ni Ralph sa doktor at saka kinaladkad si Glory sa may pasilyo, mahigpit niyang hawak ang braso nito, alam niyang nasasaktan na si Glory ngunit tinitiis lang nito.
“Nakita mo na ginawa mo?! Masyado ka kasing selfish, ipinagdadamot mo sa akin yung mga bata, kaya ayan tignan mo nangyari! Kailangan pang umabot sa ganito, Glory! Kung sana pinag usapan na lang natin ng maayos!”
“Magsisisihan pa ba tayo ngayon ah?! Nasa peligro na ang buhay ng mga anak natin, Ralph!”
“Alam mo ba kung gaano kalaking pabor ‘tong hinihingi mo sa akin ngayon?! huh?!”
Nagulat siya ng lumuhod sa harap niya si Glory.
“Parang awa mo na, nakikiusap ako sayo, iligtas mo sila Ralph, gagawin ko kahit anong gusto mo, iligtas mo lang sila,”
Nanggigigil si Ralph sa galit sa nakikita niya, awang awa siya kay Glory at sa mga bata ng mga oras na iyon at ang dami ng nakakakita sa kanila sa Ospital dahil lumuhod ito sa harapan niya ngunit wala itong pakialam at umiiyak lamang ito habang nagmamakaawa sa kanya.
“You said that you would do anything?” tanong niya kay Glory na siniguro ang sinabi nito sa kanya.
“Kahit ano, please, iligtas mo lang sila, nakikiusap ako Ralph,” singhal ni Glory na hinawakan na ang kamay ni Ralph ng mahigpit habang patuloy sa paghagulgol ng iyak. Takot na takot ito at hindi malaman ang gagawin.
“Okay fine, I’ll do it, I’ll save them, but I have conditions,”
“Anything, please!” saad ni Glory na tila pinapanawan na ng pag asa habang nagmamakaawa kay Ralph.
“Sa akin mapupunta ang custody ng mga bata, sa poder ko sila titira and you Glory…” saad ni Ralph na ngumiti ng mapait kay Glory at hinaplos ng marahan ang pisngi nito, “You’re gonna be mine,”