“Do we have a deal?” tanong ni Ralph.
“Yes, deal…” mahinang saad ni Glory at tila walang nagawa.
Nang pumayag si Glory ay mabilis na naglakad na si Ralph kasama ang nurse na mag a assists sa kanya sa pagdodonate ng dugo. Hinang hina na naiwan doon si Glory at tila hirap na hirap na tumayo.
Hindi niya akalaing gagawin iyon sa kanya ni Ralph, naisip niyang napakasama nito pero sa kabilang banda ay na kay Ralph ang lahat ng karapatan para mag desisyon ngayon dahil nag aagaw buhay na ang kanyang mga anak.
Nang matapos ang pagdodonate ng dugo ni Ralph ay hinang hina siyang lumabas ng Blood donation facility doon ay nakasalubong niya si Glory.
“Ralph, kain ka oh, para bumalik yung lakas mo, halika, dito tayo,” saad ni Glory na nag aya sa may bakanteng bench sa gilid at doon ay inilapag niya sa harap nila ang mga pagkain na dala nito.
Hanggang ngayon ay mugto pa rin ang mga mata ni Glory na siyang napansin ni Ralph. Hindi niya gustong harasin ito sa sitwasyon ngunit ito lang ang nakikita niyang paraan para mapalapit kay Glory at sa mga anak niya.
“Ikaw ba kumain ka na?” tanong ni Ralph dito.
“Busog pa naman ako, mahalaga ikaw, makabawi ka ng lakas,” saad ni Glory sa kanya.
“Hindi, samahan mo akong kumain,” saad ni Ralph.
“Kumain ka na, busog pa nga ako,” pagpupumilit ni Glory, tinignan ni Ralph ang relo niya at hapunan na.
“Kanina pang tanghali yung pagkain na pinaabot ko kay Addy, imposibleng hindi ka na gutom ngayon,” saad ni Ralph na sumandok ng kanin at ulam at akmang isusubo kay Glory.
“Ano? Anong pinaabot?” tanong ni Glory dahil naguguluhan siya.
“Yung lunch meal na binigay sayo ni Addy kanina sakin galing iyon, sige na, isubo mo na ‘to, hindi ako kakain pag hindi ka kumain,” pag amin ni Ralph, wala namang nagawa si Glory kundi isubo yung inaalok ni Ralph na pagkain.
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Ralph, nahihiya siya kung kaya’t hindi na siya kumibo at kumain na lang sila ng tahimik.
Maya maya ay biglang dumating si Joaquin.
“Sorry, ngayon lang ako, traffic eh, ano? Kamusta yung dalawang bata?!” tanong ni Joaquin na hinihingal pa habang nakaharap ngayon sa kanila.
“Maayos na sila at sasalinan na ng dugo, okay na rin pala kami ni Glory, napag usapan na namin ang lahat, diba, mahal ko?” saad ni Ralph na hinawakan ang kamay ni Glory.
Tumalim naman ang tingin ni Ralph kay Glory na para bang nagpapahiwatig dito na sakyan na lamang ang mga palusot niya sa harap ni Joaquin.
“Ah, Oo, napag usapan na namin ang lahat,” saad ni Glory kay Joaquin.
“Mabuti naman kung ganon at salamat naman at okay na kayong dalawa,” saad naman ni Joaquin na tuwang tuwa lalo ng makita niya na magkaholding hands ang mga ito.
Nag ring naman ang cellphone ni Joaquin, “Wait. Si Samantha, sasagutin ko lang ‘to,” saad nito na nagpaalam at saka sinagot ang tawag.
Nang makalayo si Joaquin ay binitiwan na ni Ralph ang kamay ni Glory.
“Don’t you dare tell Joaquin what we’ve discussed earlier, naiintindihan mo? Ayokong may ibang makakaalam nito kahit pa ang kakambal kong si Renzo, Glory, kung gusto mo pang makita ang mga anak mo, Say yes, my dear,” pagbabanta ni Ralph.
“Yes,” saad ni Glory na napipilitan at tila naghihirap ang kalooban.
Nang gabing iyon ay binantayan nila ang mga anak nila at umalis na rin si Joaquin dahil may dadaluhan pa itong meeting kinabukasan. Nailipat na ang kambal sa private room dahil matapos masalinan ng dugo ay naging stable na ang kalagayan ng mga ito.
Hindi na naman mapigilan ni Glory ang pag iyak niya habang pinagmamasdan ang kambal niyang mahimbing na natutulog.
“Hey… get some rest,” saad ni Ralph at saka nilagyan siya ng kumot sa balikat, inalis naman iyon ni Glory sa balikat niya.
“I’m fine, go ahead, you should sleep, dito lang ako, babantayan ko sila,”
Pinahid pa ni Glory ng marahas ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata.
“Wag ka ng mag alala, narinig mo naman ang sabi ng doktor diba? Okay na sila kaya hindi naman yata tamang pagurin mo ang sarili mo, baka ikaw naman ang magkasakit nyan eh. Come on, lay beside me,”
“Where? There’s no bed,”
“In the couch,” saad ni Ralph na tinuro ang sofa na naroroon.
Umupo silang dalawa sa sofa ngunit nahihiyang lumapit si Glory kung kaya’t tumabi na sa kanya si Ralph at saka kinuha ang kumot at ipinulupot iyon sa kanilang dalawa.
“Here, gawin mong unan yung dibdib ko,” saad pa ni Ralph, wala namang nagawa si Glory kundi sundin si Ralph ngunit rinig niya pa rin ang mga paghikbi nito.
“Glory naman,”
“Sorry, kasalanan ko… kasalanan ko lahat, sorry,” saad ni Glory na humagulgol na ng iyak at sumubsob sa dibdib ni Ralph kung kaya’t mas lalo pang napayakap si Ralph sa kanya.
“Ssshh, don’t blame yourself,” saad ni Ralph at saka inalo inalo ito.
Bagama’t masama ang loob niya kay Glory ay may parte sa puso niya na parang kumikirot sa sobrang sakit dahil nakikita niyang umiiyak ito ngunit hindi niya man lang mapagaan ang kalooban nito.
“Stop crying, wala ng magagawa ‘yang iyak mo Glory, nangyari na, hindi mo na maibabalik pa kaya ayusin mo ang sarili mo,” saad ni Ralph na tila naiinis na sa kakaiyak nito ngunit napasinghap si Glory nang biglang inilapat ni Ralph ang labi nito sa kanya. Napapikit siya at dinama ang init ng halik na iyon ni Ralph, napahaplos naman si Ralph sa pisngi ni Glory at mas lalo pang nilaliman ang paghalik dito. Napatigil niya ito sa pag iyak ngunit hindi niya na alam ngayon kung paano naman siya titigil sa paghalik nito.
Her lips are like a drug to him. A very tempting and dangerous drug.
“Uhmmph,” impit na ungol ang pinakawalan ni Glory ng mga oras na iyon dahil inilalabas ng pilit ni Ralph ang dila niya, nakagat pa nito ang ibabang gilid ng kanyang labi na animo’y nanggigigil ito sa paghalik.
“Sto uhmmph,” pag aawat ni Glory dito, tinutulak niya na ito ngunit ayaw pa nito magpa awat. Ramdam niya na ang hapdi, nagsugat na kasi ang ibabang labi niya na kinagat ni Ralph.
Hindi maiwasang wag magalit ni Ralph dahil ang babaeng kahalikan ay ang siyang dahilan ng kanyang pagdurusa kung kaya’t ng magkalas sila sa paghalik ay kaagad na tumayo ito at lumabas ng private room.
Samantala, naiwan naman si Glory doon na hindi maintindihan kung anong nangyayari. Gulong gulo ang isip niya kay Ralph at hindi niya ito masisisi. Alam niyang galit pa rin ito sa kanya at napipilitan lamang ito dahil sa sitwasyon at iyon ang mas nagpapasakit ng damdamin niya.