Nagsimula na nga ang pasukan ng mga bata kung kaya’t kailangang mag adjust nila Joaquin at Glory. Si Fredo ang naatasan nilang maghatid sundo sa mga ito kung kaya’t wala munang driver si Joaquin at siya muna mag isa ang magmamaneho ng kotse niya. Gayon rin si Glory na sanay naman na mag drive mag isa.
It was an ordinary day at work, pumasok na rin si Ralph sa Dela Vega Corp ngunit hindi sila nagkikibuan ni Glory. Pakiramdam kasi nila ay sasabog silang dalawa, the moment na magkita or magkausap sila ngunit isang unexpected na bisita ang dumating. It was Renzo, mahilig itong gulatin ang lahat at hindi man lang nag aabiso na dadaan ito. Renzo is strict when it comes to his businesses at kung wala kang maipakitang input or report man lang sa kanya ay siguradong sermon ka ngunit ngayon ay iba, mukhang dumaan lang talaga ito upang kamustahin ang lahat sa Dela Vega Corp. nakuntento na ito sa pagtingin tingin sa mga empleyado. Nagpunta ito sa opisina ni Ralph at naabutan niya itong abala at nagtitipa sa computer nito.
“Good morning,” bati ni Renzo sa kakambal.
“Morning,” iyon lang ang sinabi ni Ralph na nagtitipa pa rin sa computer ngunit nang mapansin nitong si Renzo pala iyon ay napaangat siya ng ulo.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa kakambal.
“Wala. Masama bang bumisita? Kamusta na dito?” tanong ni Renzo.
“Okay lang, nagagawa ko naman yung trabahong iniwan mo, habang kumakausap ako ng clients,” saad ni Ralph.
“That’s good. I’m proud of you, Bro,” saad ni Renzo na ngumiti sa kanya.
Natawa ng bahagya si Ralph, “Ginagaya mo ba si Daddy? Hindi bagay, Renzo,”
“I’m not. Proud talaga ako sayo na nagagawa mo pa ‘to lahat kahit na maraming nangyaring masasakit at nakakalungkot na pangyayari nitong mga nakaraang buwan sa atin,” saad ni Renzo.
“Wala naman akong choice eh, I’m alive so I’m just making myself useful,” saad ni Ralph.
“Nagkausap na ba kayo ni Glory?” tanong ni Renzo.
“Hindi pa,”
“Anong plano mo? Nakita ko yung DNA test, anak mo nga talaga yung kambal, hindi ko naman akalain na maglilihim din sa akin si Glory ng ganon,” saad ni Renzo na naihilamos ang palad sa mukha.
“Nagpapalamig lang muna ako sa ngayon, pero eventually… kakausapin ko rin siya tungkol sa custody ng mga bata,” simpleng saad ni Ralph.
“Do you still love her?” tanong ni Renzo.
“Yeah, I do love her, pero wala eh… mukhang ayaw niya naman sa akin kaya ang concern ko na lang ngayon ay yung mga bata. She’s just so independent and a very strong woman, she has this strong personality which I can’t handle. I don’t know, siguro hindi kami talaga para sa isa’t isa,” saad ni Ralph na napakamot ng ulo.
“Oh come on, you’re a Romualdez, walang babaeng hindi natin kayang i handle,” saad ni Renzo na natawa habang inaasar ang kakambal.
Binato naman siya ni Ralph ng lapis, “Tigilan mo ako Renzo, sira ulo mo, magkaiba naman tayo,”
“Sige na, iiwan na kita at dadaan ako kay Joaquin,” saad ni Renzo at saka umalis ng opisina ni Ralph, papunta na sana siya sa opisina ni Joaquin nang mahagip ng mata niya ang office ni Glory kung kaya’t iyon muna ang inuna niya.
“Good morning,” bati niya kay Glory.
“Anong ginagawa mo dito, Ralph? Pwede ba, I’m busy, kung kukulitin mo na naman ako, umuwi ka na lang,” mataray na saad ni Glory.
“Kaya naman pala ilag sayo yung kapatid ko, ganyan ang trato mo,” saad ni Renzo.
Nagulat si Glory at napanganga pa “Oh my god, Renzo?! Is that you?!”
“In the flesh!” saad ni Renzo na ngumiti.
“I miss you, big guy!” saad ni Glory at yumakap sa kaibigan.
“I guess we have a lot to discuss, that’s why I’m here,” saad ni Renzo at kumalas sa pagyakap kay Glory at tumalikod dito.
“Are you… still mad?” tanong ni Glory.
“Oo galit talaga ako. Hindi naman kasi biro yung ginawa mo Glory eh, at wag na wag mo ng uulitin, okay? Nakakapag alala eh, buti na lang nalaman ng kapatid ko kung hindi baka nagpakasal sila ni Luz tapos ikaw nanahimik ka na lang,” saad ni Renzo.
“I’m sorry,” saad ni Glory na napayuko.
“Do you still love Ralph?” tanong ni Renzo.
“I don’t know Renzo, nagkanda letse letse na kasi lahat simula ng malaman ni Ralph na tunay niyang anak yung mga anak ko, galit na galit siya sa akin ngayon kaya hindi ko alam kung paano kami mag uusap,” saad ni Glory.
“Why don’t you give him a chance? Alam mo ang kapatid kong iyon likas na mabait iyon, kaya palaging kawawa sa akin iyon eh, alam mo ugali ko diba? At saka si Ralph, kailangan niya ng maraming push, mahina ang loob ng kapatid kong iyon kaya hanggang ngayon ay hindi niya alam kung anong gagawin niya sa buhay niya,” paliwanag pa ni Renzo.
“If I gave him a chance, do you think it will be worth it?” tanong ni Glory dito.
“Just gave it a try, at saka may mga anak na kasi kayo eh, it’s not just you and Ralph. May mga bata ng involved. I know you understand what I mean right now. Ang akala ko nga noon ay maayos niyang nahahawakan ang Romualdez Group pero hindi kasi naging satisfied si daddy sa performance niya sa kumpanya kaya hiniling ni Dad na magpalit kami kaya pinasok ko dito si Ralph para mag improve, alam ko kasing hindi siya mag go grow kapag nandoon lang siya sa Romualdez Group eh at kita ko naman ang improvements sa kanya. Ibig sabihin ay talagang mas natuto na si Ralph ngayon ng mag isa that’s a good thing that he’s not living in my shadows anymore,”
“Siguro pag uusapan na lang namin ng maayos,” saad ni Glory na sumang ayon kay Renzo.
“Yes, please Glory, and… I know this is too early to say but… welcome to the family,” saad ni Renzo na dahan dahang nagpakawala ng makahulugang ngiti.
“Oh, stop!” saad ni Glory na natatawa dahil mukhang walang mapag tripan ito at siya ang puntirya at tila inaasar siya ngayon.
Habang naghaharutan sila ni Renzo ay hindi sinasadyang napatingin siya kay Ralph na ngayo’y nasa kabilang office lang, napatingin rin ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila ngunit kaagad na nag iwas si Ralph ng tingin at yumuko na lang. Full glass kasi ang mga offices nila at ang kay Joaquin lang ang concrete kung kaya’t malaya silang makita kung ano ang ginagawa ng isa’t isa.
Napabuntong hininga si Glory at doon niya naisip na siguro ay dapat ngang magka ayos na sila ni Ralph.