Chapter 31

1090 Words
Nang makarating si Ralph sa simbahan ay kaagad siyang naglakad sa isle at pumwesto sa gilid ng altar. Narinig niya pa ang usap usapan ng mga bisita. “Oh, ayan na pala eh,” “Akala ko hindi sisipot,” “Kanina pa naghihintay si Luz,” “Napaka iresponsable naman,” “Yan ba mapapangasawa ni Luz? Kasal na nga lang nila late pa,” Nagpunas siya ng pawis sa noo gamit ang panyo niya at binalewala na lang ang mga sinasabi ng mga bisita. Nabasa niya ang mga tingin ni Renzo na animo’y nagtatanong kung saan siya nangggaling pero binalewala niya lamang iyon. Maya maya ay nakita niya ng pumasok na si Luz sa pintuan ng simbahan. Nakangiti ito sa mga bisita at tila napawi na ang lungkot, alam niya kasing naghintay ito sa kanya at hindi niya maatim na nakakangiti pa ito gayong malaki ang kasalanan nito sa kanya. “How dare she walk in the aisle so happy and worry free? While I’m dying in pain and so much anger?” saad ni Ralph sa isip na matalim ang tingin kay Luz. Nang makalapit si Luz ay mas hinusayan pa ni Ralph ang pagpapanggap at tinanggap ang kamay nito. “We gathered here today to witness the nuptial of Ralph and Luz. Whoever against this wedding may now speak ayo ngayon at nagkakatipon sa banal na simbahang ito upang saksihan ang pag iisang dibdib nina Luz at Ralph. Kung sinuman ang tumututol sa kasalang ito ay magsabi na ngayon din o manahimik habangbuhay,” saad ng Bishop na nagkakasal. “Eh! Ehem! Ehem! Eh ehem!” singhal ni Joaquin na nagpanggap na nauubo, napatingin naman sa kanya ang lahat at napansin niya naman iyon. “Ay, sorry po Father, naubo lang po, tuloy niyo na po ang kasal,” saad ni Joaquin na napakamot ng ulo at alanganin na ngumiti. Kinurot naman siya ni Glory sa tagiliran at napangiwi siya sa sakit dahil pinong pino ang kurot nito. Sinaway naman sila ng matanda sa harapan nila dahil sa ingay nila. Para silang mga bata na napagalitan ng mga oras na iyon. Nagsimula na ang kasal hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ni Ralph, ang tanungin siya ng Pari. “Ralph Romualdez tinatanggap mo ba si Luz Gamale bilang kabiyak sa hirap at ginhawa hanggang sa papaghiwalayin kayo ng tadhana?” tanong ng Pari. “I’m sorry, forgive me Father, cause I can’t marry a fraud like this woman in front of me,” saad ni Ralph. Natawa naman ng bahagya si Luz. “Honey, are you even joking right now? Stop! Okay, this is a ceremony,” saad ni Luz na hinaplos ang pisngi ni Ralph ngunit kaagad na nag iwas ng mukha ito sa kanya. “I saw you Luz and I heard you. Kayo ng lalaki mo!” singhal ni Ralph na galit na galit. “Ralph, let me explain please Honey,” saad ni Luz na pilit pinapakalma si Ralph dahil nanggagalaiti ito sa galit. “Explain what Luz?! Kung paano mo sabihin na pag nakasal tayo ay makukuha mo na ang pera ko?! You f*****g gold digger!” singhal ni Ralph, nagulat ang mga bisita sa tinuran nito. Samantala, matamang nanunuod si Glory at Joaquin sa nangyayaring tensyon. “Anong nangyayari?” tanong ni Glory. “Honey, please just let me explain, please hear me out. Mali ka ng narinig,” “All this time Luz, ikaw at ikaw ang pinipili ko! Anong kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin ito?! Balak mo pang ipaako sa akin ang batang hindi ko naman anak?!” “Ralph please,” saad ni Luz na mangiyak ngiyak na hinawakan si Ralph sa braso. “Don’t touch me, you know what?! Buti pa kayo na lang ng lalaki mo ang magpakasal, sagot ko na lahat, kayo na lang ang magtuloy nito kasi sayang naman eh, gumastos na ako dito, binayaran ko na yan, kaya ituloy nyo na, magsama sama kayo sa impyerno mga halang ang kaluluwa ninyo!” singhal ni Ralph at saka bumaba ng altar. Habang pababa ay nakatingin siya sa direksyon ni Glory na tila ba nagtatanong ang mga mata. Lumapit si Ralph kay Glory at saka hinawakan ito ng mahigpit sa pulso. “You’re coming with me!” mariing saad nito at saka kinaladkad palabas ng simbahan si Glory. Tila nagulat ang mga bisita sa nangyari. “Ralph, ano ba?! Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” singhal ni Glory dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakaladlad nito palabas ng simbahan ngunit mistulang bingi si Ralph na walang ibang naririnig, dumiretso sila sa parking lot at saka nito binuksan ang pinto ng kulay itim na Nissan GTR. “Sakay!” singhal ni Ralph na siyang kinagulat ni Glory. “Bakit ako sasakay dyan?! Nahihibang ka na ba?!” singhal ni Glory na ayaw magpatalo. “Sakay sabi eh!” singhal ni Ralph na galit na galit na. “Ayoko!” singhal ni Glory na maglalakad na sana palayo ngunit bigla siyang niyakap ni Ralph mula sa likod at binuhat, nagpumiglas siya ngunit sadyang malakas ang binata. “Ralph! Ano ba! Bitiwan mo ako! Ayoko sabing sumakay dyan eh! Ano ba! Tulong!” sigaw ni Glory ngunit naipasok na siya ni Ralph sa Kotse at saka mabilis nitong isinara ang pinto at nilock iyon. Pilit namang pinagkakalampag ni Glory ang pinto ng kotse. Kinuha niya ang high heels niyang suot at saka ipangpupukpok na sana niya sa binata ang takong nito ngunit kaagad siyang napigilan ni Ralph, ibinato nito sa labas ng kotse ang sapatos niya at saka nagmaneho ng mabilis. “Walang hiya ka! Napakasama mo!” singhal ni Glory na galit na galit na hinahampas si Ralph sa braso nito. “Ako pa ah?! Ako pa ang masama ngayon?! Ikaw na nga ‘tong naglihim at nagsinungaling sa akin?! Ikaw ang masama sa ating dalawa Glory! Ikaw! Wala kang kasing sama!” singhal ni Ralph na nangigigigil na sa galit. Nagulat naman si Glory dahil mukhang naaalala na nito ang lahat. “Naalala mo na ang lahat?..” mahinahong tanong ni Glory ng mga oras na iyon, napatakip pa siya ng kanyang kamay sa kanyang bibig. Parang gripo na mabilis na tumulo ang kanyang mga luha sa harapan ni Ralph habang nagmamaneho ito. “Sa tingin niyo maloloko niyo pa akong lahat ngayon ah?!” singhal ni Ralph na inabot na ang speed limit ng kanyang supercar na para bang lilipad na ang kotse sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD