Chapter 32

1059 Words
“Ralph, slow down please, baka maaksidente tayo,” saad ni Glory na natatakot na. “Hindi ko ititigil ‘to hanggat hindi mo inaamin sa akin ang lahat!” singhal ni Ralph. “Pwede naman tayong mag usap ng maayos eh..” saad ni Glory na nakikiusap dahil natatakot na talaga sya sa bilis ng pagmamaneho ni Ralph. “You lied to me! Big time, tapos ngayon gusto mo maayos na usap?! Unbelievable Glory! Tell me right now, bakit mo itinago sa akin ang lahat?! Bakit hindi mo pinilit ipinaalala sa akin ang lahat ng meron tayo noon?!” “I have my reasons, I’m sorry, I can’t tell you,” saad ni Glory na humahagulgol na ng iyak at mariing napapapapikit dahil sa takot na baka mabangga ang kotseng sinasakyan nila sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Ralph, napakapit pa siya ng mahigpit sa upuan at animo’y takot na takot talaga. “Fine then I won’t stop this f*****g car!” singhal ni Ralph na mas lalo pang binilisan iyon. “Ralph! Tama na please! Nahihibang ka na ba?! Papatayin mo ba tayong dalawa?! Stop right now!” singhal niya rito. “The abortion paper that you showed me, it’s fake, right? Tang ‘ina naman, talagang kinutsaba mo pa ang Ob mo?! your kids… they are mine, right?! Do not f*****g lie to me right now or else!” “Yes! Mga anak mo sila Ralph and I’m sorry, I lied to you, I have my own reasons and I can’t tell you. I’m scared, please Ralph, stop the car! Now!” “Sinasabi ko na nga ba! Limang taon Glory! Tinago mo sa akin ng limang taon ang mga anak natin?! Wala kang kasing sama! Ni hindi ka man lang ba nakukunsensya sa mga pinag gagagawa mo, huh?! How dare you do this to me huh?! How dare you! Kung natuloy pala akong makasal kay Luz nyan edi mas lalong gumulo!” “Ralph please, stop the car now! Maaksidente tayo!” pagpupumilit niya kay Ralph. Iyak na siya ng iyak at basang basa na ng mga luha ang kanyang magandang mukha. Nayakap niya ang mga tuhod ng mga oras na iyon dahil nanginginig na siya sa takot, ayaw ihinto ni Ralph ang kotse at wala siyang kalaban laban dahil alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat. “Sobrang galit ako ngayon Glory, I don’t know how to f*****g control this anger! Pinagmukha niyo akong tanga lahat! Mga walang hiya kayo! And you plot something behind my back! Talagang itinago mo pa sa akin ang mga bata!” sigaw ni Ralph. “It’s not my intention to do that. I have my reasons and I didn't have a choice back then,” paliwanag ni Glory. “f**k those reasons Glory! Kung sinabi mo na nalang sana sa akin, kung ipinaalala mo na lang sana sa akin ang lahat edi sana hindi tayo hahantong sa ganito ngayon! Bakit kailangang mangyari pa ‘to?! Putang ‘ina naman! Pakiramdam ko mawawala ako sa sarili ko!” hindi alam ni Glory kung paano pagagaanin ang loob ni Ralph. Masamang masama ang loob nito at tila galit na galit. “Oo na, ako na ang may kasalanan pero gusto kong malaman mo na nagawa ko iyon para protektahan ka, you don’t know me Ralph,” saad ni Glory. “From who?! And who are you to decide for me?! Magulang ba kita?! Sino ka ba sa akala mo huh, Glory?! You’re f*****g sick! Kaya pala.. Kaya pala hindi kita maalis sa isip ko, kaya pala hinahanap hanap kita, kaya pala masakit tuwing nakikita kita, it’s because it’s you, it’s always been you, Glory!” singhal ni Ralph na bumusina pa sa kasalubong na kotse dahil nasa highway na sila ngayon at tanging siya lang ang nagmamaneho ng mabilis. “I love you… so please, stop,” mahinang saad ni Glory at maya maya ay naramdaman niya ng unti unti ng bumabagal ang pagmamaneho ni Ralph. Nag angat siya ng ulo, galit pa rin ito. Huminto sila sa isang building at saka lumabas si Ralph ng kotse at umikot para buksan ang pinto ng kabilang kotse, kinuha niya ang braso ni Glory at hinatak upang mailabas ito. Pumasok sila sa building at walang nagawa si Glory kundi sumunod lang kay Ralph. “Ralph, where are you taking me?” saad niya rito ngunit hindi ito nagsasalita at kinakaladkad lang siya. Bigla siyang natapilok dahil iisa lang ang suot niyang sapatos, “ouch! My feet,” Napabuntong hininga si Ralph at binuhat si Glory pa bridal style. Habang papasok sila sa elevator ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Bihis na bihis pa kasi si Ralph habang si Glory naman ay naka white formal dress din. Napasandal si Glory sa balikat ni Ralph dahil ayaw niyang makita ng mga tao na umiiyak siya. Nang makarating sila sa Penthouse ay kaagad na inihiga ni Ralph si Glory sa kama at dinaganan ito. Alas syete na ng gabi kung kaya’t madilim na rin. Marahas niyang pinaghahalikan si Glory ng mga oras na iyon. Hindi malaman ni Glory kung paanong pagpupumiglas ang gagawin. “Ralph, please stop! Parang awa mo na! Bitiwan mo ako!” singhal niya habang patuloy naman si Ralph sa kalapastanganang ginagawa, mahigpit at puno ng galit ang bawat paghawak sa kanya ni Ralph sa braso na para bang magmamarka na ito kapag binitawan siya nito. Ilang sandali lang ay nanghihina na siya at hindi na nagpupumiglas pa kung kaya’t mahinahon na rin si Ralph sa mga paghalik sa kanya. “Please, say it again,” saad ni Ralph. “Say what?” tanong ni Glory habang humahagulgol ng iyak “Say it again, the one you said in the car earlier.. Say that again, say that you love me, I want to hear it again!” “Wala akong sinabing ganyan, let me go now, please…” saad ni Glory na itinatanggi ang sinabi niya kanina, hindi niya akalaing narinig pala siya nito kahit pa mabilis ang pagpapatakbo nito sa kotse at mahina niya lang na sinabi iyon. “Liar! I heard you!” singhal ni Ralph na idinidikit dikit na ang mga labi niya sa labi ni Glory. Hindi naman malaman ni Glory ang gagawin at tila hindi siya makagalaw dahil bihag siya ng binata sa mga bisig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD