Chapter 30

1084 Words
SUAREZ HOTEL “Noreen, Nerri! Bilisan ninyong maligo dyan at baka ma late tayo!” sigaw ni Samantha sa mga anak habang kapwa sila naghahanda at nagbibihis para sa dadaluhang kasal. “Tapos na ako Mommy, nagbibihis na ako, si Nerri iyon, matagal,” singhal ni Noreen. “I need to look beautiful!” singhal ni Nerri na nasa bathroom pa. “Mommy, I don’t know how to tie my necktie,” saad naman ni Cole na hirap na hirap na sa necktie niya. Nakikita naman sila sa kabila ni Noreen dahil parehas bukas ang mga pinto ng VIP rooms nila at magkatapat lamang ang kwarto kung kaya’t kaagad na nilapitan ni Noreen si Cole. “Akin na,” saad naman ni Noreen na kinuha ang necktie at itinali, pinanuod naman ni Glory ang dalawa habang tinatali ni Noreen ang necktie ni Cole. “How do you know how to do that?” tanong ni Cole dito. “Tinatali ko ang necktie ng Daddy ko minsan,” saad ni Noreen. “Thanks, Noreen,” saad ni Cole dito, napangiti naman si Glory dahil nacu cute tan siya sa dalawa. “Sigurado kang ‘yan ang suot mo? Hindi itim? Diba pipigilan mo yung kasal?” Tanong ni Joaquin kay Glory kaagad naman siyang sinabunutan ni Glory. “Aray! Kakalagay ko lang ng pomada dyan, ginulo mo na naman ang buhok ko!” reklamo ni Joaquin na nakabihis na. “Hindi ko pipigilan ang kasal noh! Hmp! Dyan ka na nga!” saad ni Glory sabay irap kay Joaquin. “Diyos ko naman, Anak! Okay na ‘yan, halika na at male late na tayo! Flowergirl pa naman kayo!” singhal ni Samantha kay Nerri habang inaayos ang buhok nito. “Eh Mommy, hindi pa nga perfect eh! I want to look beautiful!” singhal ni Nerri. “Babygirl, you’re already perfect and beautiful,” saad ni Joaquin na nilambing ang anak na si Nerri para tumigil na ito sa pagmamaktol. “Thank you, Daddy, carry me, please,” saad ni Nerri na nagpabuhat kay Joaquin, binuhat naman siya ni Joaquin. “Syempre naman nakuha mo ang kagandahan ng mommy mo kaya maganda ka,” saad pa ni Joaquin na nilalambing ang anak, napapangiti naman si Nerri sa tinuran nito. “Nagbolahan pa kayong mag ama, halika na,” saad ni Samantha na binuhat ang sanggol na anak na si Joaquin Jr. “Nakakatuwa nga sila,” saad naman ni Glory habang akay akay si Cole at Cale. *** Samantala, inaayos naman ni Ralph ang necktie niya habang nakaharap sa isang full body mirror. Nasa Suarez Hotel sila ngayon upang doon na mag ayos bago pumunta ng simbahan. “Honey, I’m done, come on!” singhal ni Ralph na inayos pa ng kaunti ang buhok sa salamin bago naglakad palayo. Hinanap niya si Luz sa VIP room nila ngunit wala ito, nagulat na lamang siya nang mapatingin siya sa kabilang kwarto, may kausap si Luz na isang lalaki, hindi niya kilala kung sino iyon pero naka business suit ito kung kaya’t lumapit pa siya at nagkubli sa may gilid ng pader. “Wag kang mag alala, kaunting panahon na lang mahal ko, makakasal na ako kay Ralph Romualdez at makukuha ko na rin ang yaman niya at mabubuhay na tayo ng masaya kasama ang baby natin,” saad ni Luz at saka hinalikan ang lalaki. Rinig na rinig at kitang kita ni Ralph ang buong kaganapan na iyon. Naikuyom niya ang mga palad at naglakad palayo. Nanggagalaiti na siya sa galit, gusto niyang magwala ngunit mas mas pinili niyang manahimik. Hindi niya akalaing magagawa siyang lokohin ni Luz ng ganon ganon lang at sinamantala pa nito na nawalan siya ng alaala. Kinuha niya ang luma at sira niyang cellphone sa bag niya at saka umalis ng Hotel. Maraming nakakita sa kanya na mga bisita ng oras na iyon ngunit wala na siyang pakialam. Ni ayaw niya na ngang sumipot sa kasal nila ni Luz at ang malala pa nga doon ay hindi pala sa kanya ang ipinagbubuntis nito kundi sa ibang lalaki. Dinala niya sa pagawaan ang cellphone niya. “Do you think you can retrieve the photos and videos of this phone?” tanong niya sa nag gagawa habang inilalapag sa lamesa nito ang sira at basag basag niyang cellphone. “Uhm, sige po Sir, subukan po natin,” saad ng gumagawa at saka binuksan ang cellphone. Sinaksakan niya iyon ng USB connector at kinonek sa computer. Saglit na nagtipa ang gumagawa sa keyboard at saka biglang bumukas ang mga files na nasa phone. “Ito na po yung mga photos and videos, Sir,” saad ng nag gagawa at ipinakita iyon kay Ralph sa monitor. Nanlumo siya sa nakita dahil puro si pictures nila ni Glory ang nakita niya sa gallery, pati ang mga panahong magkasama sila sa Cruise Ship. “Paki play mo nga yan,” saad ni Ralph na tinuro ang isa sa mga videos kung saan makikitang nakatakip lang ng puting kumot si Glory at katabi niya ito sa kama. “You’re so beautiful, baby,” “Hmm, bolero,” “Hindi ako bolero noh, I’m telling the truth, look at that beautiful face of yours, so perfect,” “Talaga ba?” “Aba, oo naman, if you will be the one who will carry my child, I would be so blessed,” “Child? Kakakilala pa lang natin noh, tumigil ka nga,” “Doon na rin naman papunta iyon at saka binigay mo na sa akin ang sarili mo, wala ng bawian,” Hindi niya maiwasang wag mabighani sa kagandahan nito lalo na ng lumabi ito at ngumiti. Masakit. Nasasaktan siya sa nakikita niya. All this time, akala niya nananaginip lang siya na nakangiti sa kanya si Glory, iyon pala ay totoong ibinibigay ng dalaga sa kanya ang mga matatamis na ngiti na iyon dati na ngayon ay halos maparam na nang dahil sa hindi niya maalala ito. “Sir, okay lang ho ba kayo?” tanong ng nag gagawa dahil halos maluha luha na si Ralph sa sobrang sakit at sama ng loob sa nakikita niya. “Uhm, oo okay na, pa repair na lang ng LCD, babalikan ko na lang yan,” saad niya at saka iniwanan doon ang cellphone niya. Nagmaneho na siya papunta ng simbahan, tumingin siya sa wristwatch niya at medyo late na siya dahil 3:00 PM ang kasal niya, at saktong alas tres na kung kaya’t nagmadali na siya sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD