Chapter 23

1181 Words
Bagama’t kinakabahan ay nakipagkita si Glory kay Luz. kung ano mang mangyari sa pag uusap nila ay bahala na, ang mahalaga ay naipaalam niya kay Luz na hindi siya hadlang sa pagmamahalan nila ni Ralph. “Alam ko ang ugnayan ninyo ni Ralph, pati na rin ang tungkol sa kambal mong anak sa kanya,” saad ni Luz na nakayuko habang nagsasalita. “Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente, nakipaghiwalay ako sa kanya nung gabing iyon, hindi ko naman akalain na mawawalan siya ng alaala pag gising niya eh kaya minabuti ko na lang itago sa kanya ang lahat, pati na ang mga anak ko,” paliwanag ni Glory. Hinawakan naman ni Luz ang kamay niya na siyang kinagulat niya. “I know I’m being selfish right now pero… buntis din ako Glory at si Ralph ang ama ng batang ipinagbubuntis ko,” saad ni Luz na naluluha at tila humahawak sa kanyang tiyan. Kanina pa ay pinipigilan ni Glory ang kanyang mga luha na gusto ng kumawala sa kanyang magandang mga mata. “Wag kang mag alala, hindi ako magiging hadlang sa inyo, kung sa tingin mo ay hahabulin ko pa si Ralph ngayon dahil lang may mga anak kami, nagkakamali ka, hindi ako ganong klase ng tao, Luz, I can handle my own shits, so if you’ll excuse me, marami pa akong kailangang gawing trabaho,” matapang niyang saad kay Luz at saka tumayo at umalis ng coffee shop kung saan sila nag usap ngunit paglabas niya ay hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya. “I hate you! I hate you so much, Ralph!” singhal ni Glory sa isip dahil sobrang sakit ng natuklasan niya na buntis si Luz. Masakit na sa kanya dati na malamang ikakasal si Ralph sa ibang babae ngunit ngayon na buntis na ito ay mas doble pa ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya ng alam kung gusto niya bang umuwi or bumalik na lang sa opisina. Gulong gulo ang isip niya. Minsan ay hinihiling niya na lamang na sana ay siya na lang ang nakalimot, para hindi siya nasasaktan ngayon, tila mapagbiro ang tadhana dahil paulit ulit siyang pinaparusahan sa kanyang kasalanan kay Ralph. Naupo siya sa may waiting shed at napayuko dahil wala siyang dalang panyo at tulo na ng tulo ang mga luha niya ngunit maya maya ay may nag abot sa kanya ng panyo at naramdaman niyang tumabi pa ito sa kanya. “Salamat..” saad niya at saka tinanggap ang panyo na inabot sa kanya, pinunasan niya ang luha niya at suminga pa doon ngunit pag angat niya ng ulo niya ay si Ralph pala ang nag abot sa kanya ng panyo. Napakunot ang noo niya, gusto niyang kumprontahin ito, sampalin at pagsalitaan ng masama ngunit napatingin lang siya dito. “Ralph? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Glory kay Ralph. “Dito ako pumupunta pag malungkot ako at pag gusto ko mapag isa,” saad ni Ralph habang nakatingin sa kalsada. “Bakit ka naman malungkot?” tanong niya rito. “Eh kasi… pakiramdam ko wala ako sa right track ko ngayon, parang wala naman akong silbi sa Dela Vega Corp at display lang ako,” saad ni Ralph na bumagsak ang mga balikat at yumuko. “Wag mo ngang sabihin yan, malaking tulong na para sa amin ang pag close mo ng deals ng mga big clients kahit iyon lang ang gawin mo ay okay na okay na,” saad ni Glory na pinapagaan ang loob nito. “Hindi ko naman kasi forte ang architecture, si Renzo lang iyon. Ikaw naman ang tatanungin ko, tambayan ko ‘to eh, anong ginagawa mo rito? At saka bakit ka umiiyak?” tanong nito. “Wala, napuwing lang ako,” palusot ni Glory. “Sus, napuwing pala pero hagulgol ang iyak at suminga ka pa sa panyo ko,” saad ni Ralph. “Wag kang mag alala, lalabhan ko ‘to!” singhal niya na naiinis na, hindi niya alam kung bakit naroon pa siya samantalang galit nga pala siya sa lalaking ito na wala man lang kamalay malay sa nangyayari. Natawa naman ng bahagya si Ralph, “Di na, sayo na yan, siningahan mo na nga eh, hindi hamak na mas kailangan mo yan kaysa sa akin, mukhang masama ang loob mo ngayon Ms. Glory. Tell me, sinong nanakit sayo?” “Ikaw,” saad ni Glory sa isip ngunit hindi niya naman iyon masabi kay Ralph. “Wala ‘to, uhm, sige na, uuwi na ako, hinahanap na ako ng mga anak ko,” saad ni Glory na nagpaalam na kay Ralph. “Sama mo sila sa office minsan, ang kwento sa akin ni Mr. Dela Vega ay mga gwapings ang mga chikiting mo,” saad pa ni Ralph na nakangiti. “Kung alam mo lang, kamukha mo ang mga iyon kaya gwapo talaga sila,” saad ni Glory sa isip. Hindi niya na lamang pinansin ang sinabi ni Ralph at saka umalis na doon. Iyon lang naman ang kaya niyang gawin ngayon, ang lumayo sa lalaking pinakamamahal. Doon lang siya magaling, ang magtago at tiisin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. HACIENDA DELA VEGA “Oh, kararating mo lang?” tanong ni Joaquin na nakasalubong si Glory sa pinto. “Ah Oo, si Cole at Cale?” “Naku, tulog na, inaya na naman maglaro nung kambal ko,” saad ni Joaquin. “Ganon ba,” saad ni Glory na minasahe ang kanang bahagi ng kanyang balikat dahil masakit. “Nga pala, anong nangyari sa pag uusap nyo ni Luz?” tanong ni Joaquin na mukhang handa na ang mga tainga sa pang uusisa. “Wala,” saad ni Glory habang nilalapag ang bag niya sa center table ng sala at naupo sa sofa. Napasandal siya at napapikit na dinadama ang malambot na sofa. “Magkwento ka naman, ano ngang sabi?” saad ni Joaquin. “Pag kinuwneto ko sayo, siguradong manlulumo ka lang,” saad ni Glory na napabuntong hininga. “Bakit? Ano nga kasi, sabihin mo na,” saad ni Joaquin na namimilit na niyugyog pa ang balikat ni Glory, hinawi naman ni Glory ang kamay ni Joaquin. “Napaka tsismoso mo talagang matanda ka,” asik sa kanya ni Glory at tinarayan ito. “Nagtatanong lang eh,” saad ni Joaquin na tila nagtatampo. “Nalaman niya yung tungkol samin ni Ralph dati kaya pinapalayo niya ako at saka… buntis na daw siya,” saad ni Glory na nahilot na lang ang sintido. “Ano kamo?! Buntis?! Anak ng teteng naman yan oh,” singhal ni Joaquin na dismayadong napakamot ng ulo. “Matutulog na ako, maaga pa pasok bukas,” saad ni Glory na kinuha na ang bag niya at tumayo at saka nagpaalam kay Joaquin. Sa sobrang ganda ng Hacienda Dela Vega ay parang ayaw niya ng iwan ito ngunit naisip rin ni Glory na kailangan na nilang bumukod mag iina lalo na ngayong lumalaki ang pamilya ni Joaquin kung kaya’t nakapagdesisyon siya na lilipat na sila sa susunod na buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD