Habang nag aayos si Luz sa harap ng tukador ay bigla namang tumawag ang boyfriend niyang si Henry.
“Hello? Oh anong balita sa pinapagawa ko sayo?”
“Medyo bad news Sweetheart,”
“Anong bad news? Wag ka na ngang magpatumpik tumpik pa! Sabihin mo na sa akin!”
“Eh, ex niya pala tong Glory na ‘to eh, tapos may anak pa sila, kambal pa nga,”
Tila nagulat si Luz sa sinabing iyon ni Henry, napatakip siya ng bibig. Hindi siya makapaniwala na may anak si Glory at Ralph ngunit pilit niyang ikinalma ang sarili.
“Oy, andyan ka pa ba?”
“Oo, sige, sapat na ang mga impormasyon na yan, salamat,” iyon lang at pinatay na ni Luz ang tawag.
Sa totoo kasi ay hindi niya mahal si Ralph at ang pera lamang ng mga Romualdez ang puntirya niya kung kaya’t handa siyang magpanggap na may nararamdaman siya dito upang masamsam lamang ang kayamanan nito.
Hindi totoo ang sinabi niyang galing siya sa States at gawa gawa lamang niya iyon dahil ang totoo ay isa siyang gold digger na gagawin ang lahat para sa kayamanan.
Nabalitaan niya kasi na may taning na ang buhay ng ama nito at handa ng isalin nito ang lahat lahat ng mga pera at ari arian nito sa mga anak kung kaya’t hindi na siya nag atubili pang magpapansin kay Ralph Romualdez dahil sa mamanahin nito kapag yumao ang ama nito ngunit tila hindi umaayon sa plano niya ang mga pangyayari. Sa una ay natutuwa pa siyang hindi naaalala ni Ralph ang nakaraan nila kung saan ginamit niya lang din si Ralph noon pero ngayong napag alaman niyang may ibang babae at mga anak na pa lang makikinabang sa kayamanan nito ay mas lalo siyang nag ngitngit sa galit.
***
DELA VEGA CORP.
Bored na tinignan ni Ralph ang paper shredder machine habang nag shred siya ng mga papeles na luma na. Napatingin naman siya kay Glory na abala sa pagtatrabaho, may hawak itong metro at tinitignan ang sukat ng blueprint na nasa big table, kumuha pa ito ng lapis at ruler upang matantya nito ang bawat sukat. Napabuntong hininga siya dahil kalalaki niyang tao ay daig pa siya ng babae kung magtrabaho, mas lalo pa siyang nanliit sa sarili niya dahil si Glory ay maraming alam sa ganitong industriya, samantalang siya ay wala. Parehas kasi sila ng tinapos na course ni Rossy na business management, hindi katulad nila Glory at Joaquin at ng kakambal niya na si Renzo na nagtapos ng architecture.
Napakamot siya ng ulo dahil na realize niya na pang intern lang ang ginagawa niyang trabaho sa Dela Vega Corp. pakiramdam niya ay wala siyang panama kila Glory.
***
Samantala, habang nagtatrabaho naman si Glory ay nakatanggap siya ng isang email galing kay Luz. kataka takang kinontak siya nito dahil wala naman silang ugnayang dalawa at isang beses pa lang sila na nagkakakilala. Kaagad niyang binuksan ang ipinadala nitong message.
“Hi Glory, I know your secret. I want to talk to you about that matter. Please, meet me at the parking lot and have some coffee with me.” from: Luz
Nanlaki ang mata niya sa nabasa, posible kayang nalaman ni Luz ang dating relasyon nila ni Ralph at ang mga anak na naiwan nito sa kanya? Pero imposible iyon dahil si Joaquin lang naman ang nakakaalam na si Ralph ang ama ng mga anak niya.
Napatayo siya at saka sinalubong ng piningot sa tainga si Joaquin.
“Ah! Aray! Bakit?! Inaano ba kita?! Bakit ka namimingot ng tainga?! Ang sakit!” reklamo ni Joaquin na hinimas himas pa ang parteng masakit ng tanggalin ni Glory ang kamay niya sa tainga nito.
“Sinabi mo ba sa Luz na iyon na si Ralph ang tunay na ama ni Cale at Cole?!” galit na tanong niya kay Joaquin.
“Ano?! Bakit ko naman sasabihin doon sa babaeng iyon?! Baliw ba ako? At saka baka pag nalaman ni Samantha na lumapit na naman ako sa ibang babae baka magalit na naman iyon, alam mo naman ang asawa ko, may pagka selosa iyon,” saad ni Joaquin na todo tanggi.
“Talaga bang hindi mo sinabi?” paninigurado pa ni Glory.
“Hindi nga, ano ka ba at saka sayo ako kampi, ayaw ko sa babaeng iyon para kay Ralph kaya bakit naman ako lalapit doon?” saad ni Joaquin na itinatangging mainam ang pagbibintang ni Glory.
“Okay, sabi mo eh,” saad ni Glory at saka akmang babalik na ulit sa office niya ngunit sinundan siya ni Joaquin.
“Wow ah, ayos ka rin noh? Piningot pingot mo ako tapos bigla ka na lang aalis basta basta, bakit ba? Ano ba iyon at nagkakaganyan ka?” tanong ni Joaquin.
Papasok na sila sa office ni Glory, kaagad namang hinila ni Glory ang blinds sa office niya dahil napatingin sa kanila si Ralph na nakatayo pa rin sa harap ng paper shredder. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon lang ang ginagaw ani Ralph samantalang pag si Renzo ang naroon sa opisina ay halos hindi na nila makausap si Renzo sa sobrang busy nito habang si Ralph naman ay chill chill lang.
Ipinabasa naman ni Glory kay Joaquin ang email ni Luz ngunit nakakunot ang noo nito.
“Teka, malabo na mata ko, asan ba yung salamin ko,” saad ni Joaquin na kinakapa sa bulsa ng slacks niya ang salamin niya, napabuntong hininga naman si Glory.
Nang makita na ni Joaquin ay kaagad nitong sinuot ang salamin at saka lumapit sa monitor upang mabasa ang email ni Luz.
“Patay,” asik ni Joaquin nang mabasa niya na.
“Hindi ko alam ang isasagot ko, Joaquin,” saad ni Glory na nag aalala.
“Eh.. pumayag ka na, usap lang naman daw eh,” saad ni Joaquin.
“Natatakot ako, paano kung sabihin niya kay Ralph ang totoo? Sigurado akong kamumuhian ako ni Ralph,” saad ni Glory, mababakas na ang takot at pangamba sa kanyang magandang mukha.
“Relax. Mag uusap pa lang naman kayo,” saad ni Joaquin na napayuko at napakamot ng ulo.
“Pero Joaquin, ayaw ko namang makasira ng relasyon at saka puro lungkot at sama ng loob lang ang maibibigay ko kay Ralph,” saad ni Glory.
“Tsk! Wag mo ngang isipin ‘yan, you gave him enough reason to stay with you, doon pa lang sa dalawang bata ay panalo ka na. Pakinggan mo muna si Luz at saka maayos naman siyang nakikiusap eh, hindi ka naman niya siguro sasaktan,” saad ni Joaquin.
“Sige..” saad ni Glory at saka nag type ng message.
“Okay. I’ll be there, let me know the exact place and time. Thanks.” fr: Glory.
Nang ma type niya iyon ay pinindot niya na ang “sent” button.