Chapter 21

1424 Words
Nang makalabas si Ralph ng ospital ay kaagad siyang bumalik sa pagtatrabaho dahil kay Glory, malinaw na malinaw sa natatandaan niyang alaala sa barko na ang dalaga ang kasama niya sa Cruise Ship noong lumubog iyon kung kaya’t kailangan niyang makausap ito ngunit hindi naman siya makatyempo dahil palaging kasama nito si Joaquin. Ang gusto niya sana ay sila lang dalawa ni Glory ang mag uusap. “Oh, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa?” tanong ni Joaquin nang maabutan niya sa ospisina niya si Ralph na nag aayos ng mga papeles. “Ah, okay na ako Sir at saka hindi ko naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko ng matagal dahil lang sa aksidenteng iyon,” saad ni Ralph. “Oo pero health is wealth, ika nga, okay ka na ba? Kamusta ang pangangatawan mo?” tanong ulit ni Joaquin. “Maayos na ako, salamat,” iyon na lang ang nasabi ni Ralph kay Joaquin, hindi niya alam kung bakit nakangiti sa kanya ang ginoo ngunit hinayaan niya na lang at isa pa ay inis pa rin siya kapag nakikita niyang lumalapit ito kay Glory kung kaya’t hindi niya na pinahaba pa ang pag uusap nila. Habang nag aayos si Ralph ng papeles ay lumapit naman si Joaquin kay Glory na ngayon ay pinupukpok ang desktop dahil mukhang ayaw gumana ng CPU. “Whoa! Wag ganyan! Lalong masisira, aba, ingatan mo naman ang mga gamit dito, Glory,” saway niya kay Glory na hinimas himas pa ang CPU. “Eh kasi naman nakakainis! Ayaw mag on, ang dami ko kayang trabaho noh, pinaiba pa ng kliyente yung kulay, ayaw niya na daw ng nilagay natin na kulay! Hays! Para kulay lang nagkakaganyan siya! Metikuloso talaga tsk!” singhal ni Glory na nagrereklamo sa harap ni Joaquin. Pinindot lang ni Joaquin ang button at gumana na ang CPU. “Ito naman, ang aga aga stress ka, ayan na oh, bukas na, wag kang magpa stress, kliyente lang yan,” saad ni Joaquin na mahinahon lang at nakangiti pa. Kung si Glory ay badtrip, siya naman ay good mood. “Bwisit! Bwisit na Mr. Velasco na yan! Ugh!” singhal ni Glory na nasipa pa ang swivel chair. “Huy, awat, hayaan mo siya basta sundin na lang natin kung anong pinapagawa niya, pera niya naman ang winawaldas niya sa kakapalit ng colors at designs eh,” saad ni Joaquin. “Ah basta, nakakainis siya, pabago bago ng isip, ano bang akala niya sa atin? Nagma magic?!” “Wag ka ng mainis, alam mo bang kahit masama pa pakiramdam ni Ralph, pumasok iyon ng maaga makita ka lang? Yiiieee!” pang aasar ni Joaquin. Natawa naman ng bahagya si Glory at saka hinampas sa braso si Joaquin. “Aray! Totoo iyon! Nakatingin na naman siya satin kaya umayos ka,” saad ni Joaquin na nakangisi pa. ‘Ikaw talaga, palagi mo na lang akong inaasar sa kanya, wala na ngang namamagitan sa amin nung tao,” saad ni Glory upang ipagtanggol ang sarili. “Meron, ang mga bata, kaya kung ako sayo bago siya ikasal ay sasabihin ko na na may anak kami, sige ka, baka pagsisihan mo yan,” saad pa ni Joaquin at saka umalis. Tila napakamakapangyarihan ng pangongonsensya sa kanya ni Joaquin at talagang napaisip siya. Samantala, dahil sa aksidenteng nangyari kay Ralph ay napag desisyunan nito na ipostponed muna ulit ang kasal at pumayag naman si Luz ngunit hindi na natutuwa si Luz sa mga nangyayari at napapansin niya na rin ang kakaibang kilos ni Ralph tuwing kaharap si Glory kung kaya’t napagdesisyunan niyang ipa background check ito. Nakipagkita siya sa tunay niyang kasintahan na si Henry sa may parking lot ng Dela Vega Corp. “Hi Sweetheart! I miss you!” saad ni Henry sabay halik sa kanya at pinisil pa ang kanyang pwet. “Ano ba?! Wag mo nga akong halikan at hawakan!” saway ni Luz at saka hinawi ang kamay ni Henry na nakapulupot sa kanyang baywang. “Sungit mo naman, ano? Kamusta yung pagpikot mo sa Romualdez na iyon?” tanong ni Henry. “Pinostpone na naman ang kasal! Naiinis na ako tsk!” saad ni Luz na nag rolled eyes at nag taray kay Henry. “Nandito naman kasi ako eh, sakin ka na lang magpakasal,” saad ni Henry na muling hinawakan ang baywang ni Luz. “Tigilan mo nga ako Henry! Isa ka ring may problema sa pera eh, bakit naman kasi hindi mo na lang ipapatay ‘yang walang hiya mong tiyuhin para makamkam mo na ang kayamanan niya tsk! Mayaman naman kayo pero nagtitiis ka sa pinaglumaang kotse at sa trabahong ibinigay sayo ng tiyuhin mo!” reklamo ni Luz kay Henry. “Grabe ka naman Babe, hayaan mo na, mamamatay na rin naman iyon malapit na, wag kang mag alala,” saad ni Henry na nilambing si Luz. Si Henry ang kaisa isang tagapagmana ng Zorel Travel and Tours ngunit sa paanong kadahilanan ay ayaw ng tiyuhin niya na maiwan sa kanya ang lahat ng ari arian nito dahil si Henry ay sugarol, bastos, walang modo at palaging nasa Bar. “Tigilan mo ako! Ang sabihin mo duwag ka! Tss!” singhal ni Luz na naiinis. “Ano ba kasing ginagawa natin dito?! Nakipagkita ka sa akin tapos susungitan mo ako?! Imbis na mag labing labing tayo, ginaganyan mo ako!” reklamo ni Henry. “May ipagagawa ako sayo,” saad ni Luz na inabot ang litrato ni Glory kay Henry. “Sino to? Magand ah, mukhang mayaman,” saad ni Henry habang sinusuri ang litrato. “Siya si Glory San Juan, ipa background check mo ang babaeng ‘yan. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya at kung may koneksyon ba sila ni Ralph. Lahat ah, ayusin mo, dahil pag ikaw nabulilyaso, hihiwalayan talaga kita,” saad ni Luz na mariin na nagbanta at nag kibit balikat pa. “Ako pa talaga tinakot mo ng ganyan? Hoy Luz, baka nakakalimutan mo, kundi dahil sa akin hindi ka makakaahon sa pinaglugmukan mo,” saad ni Henry. “Fine, sorry, gusto ko lang naman masigurong magiging maayos ang lahat,” saad ni Luz. “Ikaw pa, ang galing galing mo kaya Sweetheart, pa kiss,” saad ni Henry na binigyan ng masuyong halik si Luz na siyang tinugon naman ni Luz. Nagulat sila ng may marinig silang kaluskos at mga yabag ng paa na mabilis ang takbo kung kaya’t nagmadali silang hanapin kung sino iyon at kung saan nanggagaling iyon. “Sino yan?! May tao ba dyan?!” singhal ni Luz ngunit walang sumasagot sa kanya. Samantala, mabilis naman ang pagtakbo ni Rossy na tila hingal na hingal na, pilit niyang inaalis sa isip niya ang nakita niya ngunit alam niyang hindi niya pwedeng sarilihin iyon. Malinaw ang nakita niya, si Luz iyon na fiance ni Ralph at nakikipaghalikan ito kay Henry Zorel. Si Rossy ang asawa ni Renzo Romualdez na kakambal ni Ralph at dumaan lamang sila sa Dela Vega Corp. upang kamustahin si Ralph at ang trabaho nito ngunit nasorpresa pa si Rossy sa nakita niya. “Love, okay ka lang?” tanong ni Renzo kay Rossy nang makita niya itong nakahawak sa pintuan ng board room at hingal na hingal. “Oo, okay lang ako,” tugon niya kay Renzo at saka siya pumasok sa board room at lumapit kay Ralph. “Uhm ano, Ralph, may free time ka ba tonight? Gusto mo mag dinner sa bahay? Magluluto ako ng masarap,” alok ni Rossy. “Naku, nakakahiya naman, hindi na Rossy at saka… kakain naman kami ni Luz sa labas kaya okay lang,” pagtanggi naman ni Ralph. Akmang magsasalita pa sana si Rossy at hihikayatin na makausap si Ralph ngunit bigla silang nakarinig ng masiglang pagbati. “Hi!” bungad ni Luz na may ngiti pa sa mga labi. “Oh, you’re here!” saad ni Ralph na masayang nakita si Luz at sinalubong ng halik ang kasintahan. Tumalim naman bigla ang mga mata ni Rossy kay Luz. “Hmm, nakaligtas ka ngayon, pero sa mga susunod na pagkakataon ay sinisigurado kong hindi na,” saad ni Rossy sa isip. Isa si Ralph sa mga tumulong kay Rossy noong nangangailangan siya ng tulong kung kaya’t handa siyang ibalik ang pabor ngayon at tulungan din si Ralph. Ayaw niyang makitang masaktan ang brother in law niya nang dahil lang sa manlolokong babae na iyon kung kaya’t habang hindi pa ito ikinakasal sa babaeng iyon ay kailangan niya ng masabi rito ang natuklasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD