Chapter 20

1089 Words
“Tito help me! Help me! I’m scared!” saad ng limang taong gulang na batang si Annika. “Here, hold my hand,” saad ni Ralph na kaagad na inilahad ang kanyang kamay sa pamangkin. “Tito, I’m scared!” saad nito na humahagulgol na ng iyak. “Annika, come on, hold my hand!” utos niya sa bata. “I don’t want to, I’m scared! I might fell,” saad ng bata na takot na takot. Inabot niya na lamang ito at nahawakan niya ang kamay nito ngunit biglang sumakit ang ulo niya at bumalik sa ala ala niya ang tagpong may sinusubukan siyang sagipin at ang sabi niya ay wag itong bibitaw kahit anong mangyari. Napapikit siya ng mariin upang alisin iyon sa isip niya ngayon dahil baka mahulog ang pamangkin niya. Mabilis niyang hinila ito pabalik sa deck ngunit hindi niya na kinaya ang sakit ng ulo niya at siya ang nahulog sa Yate. Sumigaw naman ng tulong si Annika na kaagad ikinabahala ng lahat. Samantala, habang si Ralph naman ay dahan dahang lumulubog sa dagat ay tila biglang bumalik ang lahat ng kanyang mga alaala sa naganap na paglubog ng Cruise Ship. May kasama siyang babae, hindi niya nga lang masyadong maalala kung sino ito. “Do you know how to swim?” “No,” “It’s alright, do not let go of my hand,” “It’s so cold Ralph,” “Okay. come here, let’s warm you up,” Tila ba nag e echoed ang usapan na iyon sa kanyang isip ngunit hindi niya makilala kung sino ang kasama sa Cruise Ship, sa lamig ng tubig ay naaalala niya ang paglubog ng barko hanggang sa tumama ang ulo niya sa isang bato at nawalan siya ng malay. Pagmulat ng kanyang mga mata ay naaninag niya ang mga kapatid niya na tila nag aalala sa kanya. “Tol, naririnig mo ba ako?” tanong ni Renzo. “Kuya, kaya mo pa? Hang on there dadalhin ka namin sa ospital,” saad naman ni Bryan ngunit masyado na siyang nanghihina dahil sa sinapit na pagkalunod kung kaya’t nawalan ulit siya ng malay. *** Tumawag naman si Renzo kay Glory na na ospital na naman si Ralph. Nagdadalawang isip man ay sinilip pa rin ni Glory si Ralph sa ospital, at ng mabalitaan ng maayos na ito ay nakahinga na siya ng maluwag. Paalis na sana siya ng ospital ng harangin siya ni Renzo. “You came, ibig sabihin ba nito mahal mo pa rin ang kakambal ko?” seryosong tanong ni Renzo sa kaibigang si Glory. “Renzo, hindi mo naman maaalis sa akin na hindi mag alala, kahit papaano ay may pinagsamahan kami ni Ralph,” “Dahil lang ba doon o may iba pang dahilan?” tanong ni Renzo. Nagulat naman si Glory sa tinanong nito. “Renzo, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Glory sa kanya. “You keep acting like you don’t care but you do care. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Nagbreak kayo kasi sabi mo nabuntis ka ng ibang lalaki, sabi mo client mo nakabuntis sayo, tumingin ako sa mga files mo, hinanap ko yung Alaric na sinasabi mo, wala naman sa client list,” saad ni Renzo. “I know… uhm, nakalimutan ko i encode, sorry,” saad ni Glory. “Nakalimutan i encode? Anong silbi ng secretary mo? Kung client mo talaga iyon dapat may record ka diba?” “I have, kaso nga wala pa sa system, magulo isip ko non Renzo, ano bang gusto mong palabasin? Na nagsisinungaling ako sayo?” palusot niya ngunit hindi niya na talaga alam kung anong palusot ang gagawin niya kay Renzo para lang paniwalaan siya nito. Napabuntong hininga si Renzo. “Kung wala ka ng tanong, aalis na ako,” saad ni Glory upang makatakas na sa pag iinterrogate ni Renzo. Masama ang loob ni Glory habang naglalakad sa may hallway, hindi niya alam kung bakit pinakialaman pa ni Renzo ang mga client list niya at hinahanap nga ang sinabi niyang pangalan dito. Sa pag iisip niya ay hindi niya namalayan na nakabunggo na pala siya. “I’m sorry, I’m so sorry,” saad niya ngunit ng makita niya kung sino ito ay nahiya siya bigla dahil si Luz iyon. “Ms. Glory?” “Luz,” “Pinuntahan mo ba si Ralph kaya ka nandito?” “Si Ralph? Bakit? Na ospital ba siya?” maang maangan na saad niya kay Luz. “Oo kawawa nga eh, nalunod daw, hindi ko pa alam kung anong totoong nangyari, nag party kasi kami kagabi tapos nawala na lang siya bigla sa tabi ko then nahulog daw sa Yacht,” paliwanag ni Luz na alalang alala sa kasintahan. “Naku, sana naman maayos na siya at hindi malala ang nangyari,” saad ni Glory. “Papunta na ako doon gusto mo ba sumama?” pag aaya ni Luz. “Ah, hindi na, may gagawin pa kasi ako eh pasensya na, alam mo naman, trabaho, dadalaw na lang siguro kami ni Joaquin sa ibang araw,” palusot niya kay Luz. “Okay sige,” saad ni Luz at saka nagmadali na puntahan si Ralph. Dahil sa pag uusap na iyon ay napagtanto ni Glory na mabuting babae si Luz na nagmamahal lamang kay Ralph. Mas lalo niyang na realize na tama lang ang ginawa niyang pagtatago dahil deserve ni Ralph ng babaeng aalagaan siya kagaya ni Luz naisip niya kasi na puro sama na lang ng loob ang naibigay niya kay Ralph noong time na magkasama pa sila. HACIENDA DELA VEGA Nang makauwi siya ay kaagad ulit siyang sinalubong ng kanyang kambal. Totoong ang mga anak na lamang niya ang kasiyahan niya sa buhay dahil ang mga ito na lamang ang nagpapaalala sa kanya na minsan siyang nagmahal ng lalaking kahit kailan ay hindi na magiging kanya dahil ikakasal na ito sa iba. *** Samantala, nagising si Ralph na mag isa sa ospital. “Glory…” iyon ang una niyang nasambit na pangalan ngunit tila walang tao sa kwarto at mag isa lamang siya. Sinubukan niyang gumalaw galaw ngunit hindi niya pa kaya masakit ang buong katawan niya ngunit naaalala niya na, si Glory ang kasama niya noong lumulubog ang Cruise Ship ngunit hindi niya alam kung bakit sila magkasama. Mukhang kailangan niyang itanong na naman sa kakambal kung ano ang nangyari ng lumubog ang barko. Nabalot ng takot ang pangamba ang puso at isip niya, tila naging sariwa sa kanyang alalala ang nakakapangilabot na paglubog ng barko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD