Chapter 19

1076 Words
Pag uwi ni Glory sa Hacienda ay kaagad niyang binuksan ang package na galing kay Siobeh. Tumambad sa kanya ang isang cheque at ang isang kasulatan na ibinabalik niya na ang perang kinuha niya kay Glory na pagmamay ari ng yumaong asawa nito. Ibinalik rin ni Siobeh sa kanya ang lumang papel na nilagyan niya ng pangalan, litrato at impormasyon ni Enrico. Nakalagay sa sulat na wag niya ng sisihin pa ang sarili niya sa pagkamatay ng dating asawa dahil nakatakda talaga itong mamatay sa mga kamay ni Siobeh. May malaking atraso kasi si Enrico kay Siobeh at ang nais lamang nito ay gumanti at patahimikin na ito, nagkataon lang na nalaman ng dalaga ang tungkol sa kanya na nais niya ring ipapatay ang sariling asawa. Bagama’t naiiyak at hindi makapaniwala ay napangiti non si Glory dahil malaking tulong ang halaga ng cheque para sa pagsisimula niya dito sa Maynila kasama ang kambal niya. Samantala, hindi naman maalis sa isip ni Ralph ang pagiging close ni Glory at Joaquin, naiinis siya ngunit wala siyang magawa. Nagbibihis na siya ngayon at handa ng pumasok sa office ng tumawag ang kakambal niyang si Renzo. “Ano? Bilis, busy ako,” suplado niyang saad sa kabilang linya. “Ang aga aga ang sungit, tara muna dito Suarez Hotel,” “Bakit? Anong gagawin ko dyan?” “Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Bryan,” “Huh? Ngayon ba iyon?” “Oo, masyado mo naman kasing kina career ‘yang posisyon ko dyan sa Dela Vega Corp, hayaan mo na muna yan, family time muna tayo. Alam na ni Joaquin yan, I also invited Luz to come over,” “Ah, okay, sige papunta na,” “Hoy sandali, wag kang magsuot ng business suit, bohemian themed ang party,” saad ni Renzo. “Okay bye,” Iyon lang at pinatay na ni Ralph ang tawag at inilapag sa kama ang cellphone at saka siya nagpalit ng damit, iritable niyang hinatak ang suot na necktie at pati na rin ang suot na suit. Nagpalit siy ang kulay puting polo at kulay brown na short at saka nagsuot ng kulay brown din na leather loafer shoes at saka kinuha ang shades niya. Habang nagmamaneho ay naisip niya rin na buti na lamang ay tinawagan siya ni Renzo para matuon ang pansin niya sa ibang bagay. Hindi niya na kasi nagugustuhan na si Glory ang palaging tumatakbo sa isip niya at isa pa, birthday ngayon ng half brother nila na si Bryan Suarez kung kaya’t ngayon ay oras para magsaya. SUAREZ HOTEL Nagsitinginan ang mga empleyado sa loob ng Suarez Hotel ng pumasok si Ralph, halos ang lahat ng mga kababaihan ay napapatulala sa kanyang ka gwapuhang taglay na animo’y mala diyos ng griyego, pumuputok kasi mula sa suot niyang polo ang nagsusumigaw niyang abs, kahit hindi iyon masyadong kita ay masasabi mo talaga na kapansin pansin na mayroon siyang maganda at lalaking lalaking pangangatawan. Mas lalong napatingin ang mga empleyadang babae nang alisin niya ang suot na shades. “s**t. Ang gwapo talaga ng kambal na Romualdez noh, kahit isa lang sa kanilang dalawa, Lord, ibigay mo naman samin!” “Oo nga Diyos ko! Pakiramdam ko malalaglag ang panty ko girl!” Napa smirk na lang si Ralph dahil sa narinig na bulung bulungan ng mga employees habang pumapasok siya sa loob ng Hotel. Dumiretso siya kaagad kung nasaan ang Yate dahil palagi namang doon ginaganap ang mga espesyal na okasyon. Pagpasok niya ay kaagad siyang sinalubong ng yakap ni Luz. “Honey, you made it, buti naman pinakawalan ka ng very strict mong boss na si Joaquin,” saad ni Luz. “He’s not that strict,” saad naman ni Ralph kay Luz dahil kilala niya si Joaquin. The man is a good man. “Daddy, you’re here!” saad ni Danice na kaagad na sinalubong ng halik sa pisngi ang ama. “Oh, nandito ka pala, kanina ka pa ba dito?” tanong niya kay Danice. “Yes, tinulungan ko sila mag organize ng party,” saad ni Danice na may malawak na ngiti sa mga labi. “Ah ganon ba, okay, where’s the birthday boy?” tanong niya na iginala ang mga mata sa kumpol ng mga bisita. “Over there, Uncle is waiting for you,” saad ni Danice na itinuro ang kinaroroonan ni Ralph na ngayon ay abala sa pagkausap sa mga bisita niya habang may hawak na beer sa kanang kamay nito at tinuntungga tungga pa. Paglapit niya ay niyakap niya ang kanyang half brother. “Kuya, nakarating ka,” saad ni Bryan. “Ako pa, syempre kahit busy ako hindi ko kakalimutan na birthday mo,” saad ni Ralph sa kapatid. “Andito na pala eh, ang tagal mo,” reklamo naman ni Renzo na lumapit sa kanilang dalawa. “I was drunk last night,” palusot ni Ralph. “Oh, maglasing ka ulit para bumalik yung tama,” saad ni Renzo na inabutan siya ng beer. Kinuha naman iyon ni Ralph dahil mukhang kailangan niya nga iyon. Naging masaya ang birthday party ni Bryan Suarez kasama ang kanyang half brothers na si Renzo at Ralph at ang kanyang asawang si Erika at ang mga anak na si Bryle at Annika. Halos lahat sila ay masaya maliban kay Ralph na nakatingin sa malawak na karagatan. Pinaandar nila ang Yate noong gumabi upang magpaikot ikot ito sa lugar. Hindi maintindihan ni Ralph ngunit parang natatakot siya bigla at kinakabahan sa rumaragasang tubig, bawat madaanan ng Yate ay pakiramdam niya ay lulubog ito, hindi niya alam kung bakit kung kaya’t tinanong niya ang kapatid na si Renzo. “Oy, may itatanong ako,” “Ano?” “Sumakay na ba tayo dati sa barko o yate?” “Ah, Oo sa Great Gatsea Cruise bakit?” saad ni Renzo. “Cruise? Nag Cruise Ship tayo?” tanong niya sa kakambal. “Oo, pero matagal na iyon,” saad ni Renzo at saka tumungga ng beer. Hindi na inusisa pa ni Ralph ang tungkol doon dahil matagal na raw pala ngunit maya maya ay may narinig siyang isang sigaw na nanggagaling sa may likod ng Yate kiung kaya’t kaagad agad siyang pumunta roon at nakita ang pamangkin niyang si Annika na humihingi ng tulong dahil malapit na itong mahulog sa Yate at nakakapit na lamang sa handrail. “Annika!” singhal niya na kaagad na tumakbo papalapit sa pamangkin. Iyak na ito ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD