Habang nasa bridal shop sila ay walang ibang naiisip si Ralph kundi si Glory. Ang kagandahan nito, nahihiling niya pa nga na sana ay si Glory na lang ang kasintahan at naiinis siya sa sarili niya na ganun ang iniisip niya dahil kasama niya ngayon ang kanyang long time girlfriend na si Luz.
“What do you think, Love? Bagay ba?” tanong ni Luz na may ngiti sa mga labi habang suot ang magarbong design ng wedding dress.
“Uhm, yeah, you look beautiful,” saad ni Ralph ngunit nainis na si Luz.
“Damn it Ralph! You said that for the ninth time! Kasama ba talaga kita? Mukhang naiwan mo ata ang isip mo sa office,” saad ni Luz, na nagtataray na sa kanya.
“Honey, kahit anong isuot mong wedding gown maganda ka at saka hindi naman importante sa akin yan, mas gusto ko kasi pag nakahubad ka na,” saad ni Ralph na kumindat at kumagat labi ng bahagya.
“Sira ulo mo noh!” saad ni Luz na hinawi si Ralph ng pabiro.
Napatalikod naman si Ralph pagkatapos niyang sabihin iyon dahil hindi niya naman forte ang mga ganong klaseng biro, napakunot noo na lang siya.
“Uhm, nga pala, pagkatapos natin dito, mauna ka na sa penthouse, may gagawin lang ako sa office sandali,” saad ni Ralph.
“Ganon ba, oh sige, hintayin na lang kita sa penthouse then, I will cook for you, let’s have dinner,” saad ni Luz na ngumiti at hinalikan siya ng mabilis sa labi.
Nakapili na si Luz ng wedding gown at nabayaran na rin iyon ni Ralph kung kaya’t kaagad na bumalik si Ralph ng office pagkatapos non.
Nang makabalik siya doon ay dumiretso siya sa opisina niya at naupo dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang gagawin na, gusto niya lang masulyapan si Glory habang nagtatrabaho ito. Magkalapit kasi ang office ni Renzo at Glory at puro glass pa ang pader kung kaya’t napaka liwanag at kitang kita ni Ralph si Glory mula sa kanyang kinauupuan.
Nabaling naman ang atensyon niya sa isang package na nasa lamesa niya, napakunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang package. Galing iyon sa Romualdez Group kung kaya’t pinatawag niya si Liana na secretary niya.
Kaagad itong pumasok sa office niya at posturang naka heels at nakadress.
“Ano itong package na ‘to? Wala naman akong inaasahan ngayon,” saad ni Ralph.
“Ay, pinapabigay po yan ni Sir Renzo, yan daw po yata yung nasira niyong phone nung naaksidente kayo,” saad ni Liana.
“Ahh, okay, sige, salamat, Liana,” saad ni Ralph at saka na ito lumakad palabas.
Kumuha naman si Ralph ng cutter at binuksan ang package at pag bukas niya ay tumambad sa harapan niya ang isang wasak na wasak na mobile phone. Basag basag na ang LCD non kung kaya’t sinubukan niyang i on ang power button nito at bumukas naman, iyon nga lang, basag na talaga ito.
Nag iisip si Ralph kung anong gagawin niya sa mobile phone na iyon dahil basag basag na iyon, itatapon niya na sana sa trashcan pero nagbago ang isip niya at itinabi na lang sa loob ng drawer ng desk niya. Wala pa rin talaga siyang gaanong maalala pagkatapos ng aksidente dahil sa loob ng apat na taon ay puro trabaho at bahay lang ang inatupag niya at wala siyang gaanong oras para sa sarili, ngunit noong bumalik si Glory ay para bang may parte sa puso niya na tila parang sinasaksak, na para bang matagal na itong hinahanap ng puso niya, matagal na itong minamahal ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na iyon pero tuwing nakikita niya ang magandang mukha nito ay para bang nakakaramdam siya ng lungkot lalo na pag titingin ito sa mga mata niya.
Samantala, abala si Glory sa dine design na blueprint, nakatuon ang buong pansin niya sa computer at walang tigil sa pagtipa at pag galaw ng mouse. Maya maya ay nagulat siya sa malamig na bagay na dumampi sa kanyang braso pagtingin niya ay si Joaquin pala iyon na may hawak na isang maliit na pint ng ice cream.
“Busy ah,” saad nito habang inaabot sa kanya ang ice cream.
“Salamat,” saad ni Glory at saka inabot ang ice cream na binigay sa kanya at sinimulang buksan iyon, “Tignan mo nga kung okay na ba ‘to, nilagay ko na rin naman yung mga sukat, wala bang tatamaan? Sakto lang ba?”
“Uhm, may space pa dito, siguro pwede natin i adjust, teka,” saad ni Joaquin at saka hinawakan yung mouse ngunit hindi pa naaalis doon ang kamay ni Glory kung kaya’t nahawakan din nito ang kamay niya.
“Hoy, kamay mo!” saway ni Glory sa kanya.
“Wag kang magulo, tinutulungan na nga kita eh, alam mo bang kanina ka pa sinisipat sipat nung isa? Pinagseselos ko nga eh, sumakay ka na lang,” saad ni Joaquin.
“Sira ulo ka!” singhal niya kay Joaquin pero wala siyang magawa, napansin niya nga na nakatingin sa kanila si Ralph sa kabilang office.
“Bitaw na! Hindi ako makakain ng ice cream, favorite ko pa naman ‘tong binili mo,” saad ni Glory sabay bawi ng kamay niya at sumandok ng ice cream sa pint.
“Uhm, ang sarap! Hindi mo pa rin talaga nakakalimutan ang mga gusto kong pagkain,” saad ni Glory habang inaayos naman ni Joaquin yung blueprint na ginagawa niya.
“Sa takaw mong ‘yan makakalimutan ko ba naman ang mga paborito mong pagkain? Tss,” saad ni Joaquin.
“Kung maka matakaw ka naman!” singhal niya rito.
“Alam mo bang bumalik yan dito sa office para sayo? Wala naman ng gagawin yan dito eh, ayiiieeee!” saad ni Joaquin na tila nang aasar pa.
“Bwisit ka!” singhal niya at pinagpapalo sa braso si Joaquin.
“Aray! Wag kang magulo matatapos ko na tong trabaho mo oh, pinapalo mo pa ako,” reklamo ni Joaquin habang inaayos na ang blueprint.
“Malandi ka kasi!”
“Hindi ako malandi noh, si Ralph iyon, nilalandi ka ng tingin,” saad ni Joaquin na natatawa.
“Baliw ka, baka may nakalimutan lang gawin kaya bumalik noh,” saad pa ni Glory.
“Sus, wala na, sinubmit niya na nga sa akin lahat ng files, tumatambay na lang yan dito para sayo yiiieee!”
“Wag ka ngang gumaganyan, hindi bagay sayo!” saad ni Glory na natatawa. Para kasing baklang tanders si Joaquin habang kinikilig.
“Oh ayan! Tapos na! Easy!” saad ni Joaquin na nagyabang.
“Edi wow,” saad ni Glory na nag rolled eyes sa kanya.
“Tara na, uwi na tayo,” saad ni Joaquin kung kaya’t kinuha na ni Glory ang mga gamit niya.
Naglalakad na sila sa may hallway ng bigla siyang akbayan ni Joaquin.
“Hoy! Ba’t mo ako inaakbayan?!” naalarmang tanong ni Glory.
“Wag kang maingay! Gagi nasa likod natin! Nakasimangot na nga eh,” saad ni Joaquin.
Naawa naman si Glory, “Ito, tigilan mo na nga, kawawa naman yung tao sayo eh,”
Nakangisi lang si Joaquin na binitawan siya.
Sa kamalas malasan nga naman ay nagkasabay pa sila sa elevator.
“Oh, Ralph, uuwi ka na?” bati ni Joaquin dito.
“Ah, Oo Sir, hinihintay na kasi ako ng fiance ko sa penthousepinagluto niya raw ako ng favorite kong food,” tugon ni Ralph.
“Wow, ang sweet naman! Sana all,” saad ni Joaquin na nang aasar pa ang mukha habang si Glory naman ay nasapo na lang ang noo, mabuti ay hindi siya nakikita ni Ralph dahil nasa likuran siya.
Nang huminto na ang elevator sa ground floor ay humarap si Ralph kay Glory.
“Uhm, ladies first?” saad nito sa kanya.
“Thanks,” iyon lang at lumabas na ng elevator si Glory at sumunod naman si Joaquin.
Nasa parking lot na sila ng maabutan nila si Addy na tumatakbo at hinahabol sila.
“Oh Addy, ano na naman at nagmamadali ka pa dyan?” tanong ni Glory sa sekretarya niya.
“Ano kasi ma’am eh, may package po kayo, nakalimutan ko pong ibigay kanina,” saad ni Addy at iniabot kay Glory ang package.
“Kanino galing?” tanong niya sa sekretarya.
“Hindi ko po alam Ma’am eh, basta sabihin ko lang daw care of Siobeh Aldama po,” saad ni Addy na siyang kinagulat ni Joaquin.
“Did I heard it right? Siobeh? Siobeh Aldama? Do you have connections with her?! Seriously Glory, anong ginawa mo?” tanong ni Joaquin.
Napakunot naman ang noo ni Glory dahil mukhang kilala ni Joaquin kung anong klaseng tao si Siobeh.
“Wala noh! Siobeh is a friend of mine, amin na nga yang package na ‘yan,” saad niya na kinuha kay Addy ang package at saka sumakay na sa kotse.
What does she want this time? Saad ni Glory sa isip. Hindi niya kasi alam kung paano nalaman nito na nasa Maynila na siya ulit at bukod pa roon, alam nito kung saan siya nagtatrabaho.