Chapter 17

1083 Words
Pagdating ni Luz doon ay nagkasalubong sila ni Glory sa may hallway, natandaan naman ni Glory ang mukha ng babae. Iyon ang kasama ni Ralph sa opisina niya noong dumaan siya sa office kahapon. “She must be Ralph’s girlfriend,” saad ni Glory sa isip ngunit binalewala na lang niya iyon. Maya maya ay nakita niyang paalis ang dalawa at mukhang may importanteng lakad. Halos madurog ang puso niya sa sakit. Ang akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng sakit pag nagkita sila ni Ralph at pag nakita niyang may ibang babae na ito ngunit hindi pa rin pala. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon na para bang nanghihina siya at hindi halos makabangon sa pagkakalugmok. Dumating naman si Joaquin at kinausap ang dalawa ngunit nagulat siya ng biglang lumapit ang tatlo sa kanya. “Glory this is Luz, Ralph’s girlfriend, Luz this is Glory, my best friend and business partner,” pagpapakilala ni Joaquin sa dalawa. “Hi Ms. Luz, nice to meet you,” saad ni Glory. “Pleasure to meet you Ms. Glory, congratulations on the big project ah, I heard na kakabalik mo lang dito from the province,” saad ni Luz. “Ah Oo,” simpleng tugon ni Glory ngunit sumabat pa si Joaquin. “Nanganak kasi siya sa kambal niya kaya kinailangan niyang umuwi sa probinsya,” saad ni Joaquin na ine emphasize pa talaga kay Ralph ang salitang “nanganak” at “kambal” “Oh wow! You have twins! Lovely!” saad naman ni Luz na masaya. “Oo, lalaki nga pareho at kamukhang kamukha ng tatay,” saad pa ni Joaquin, hindi na nakatiis si Glory at pinandilatan na ng mata si Joaquin na para bang nagbabanta ito na humanda siya dito mamaya. “Bet they are good looking,” saad pa ni Luz na may malapad na ngiti sa mga labi. “Oo naman, gwapo talaga ang ama ng mga batang iyon,” saad ni Joaquin na inakbayan pa si Ralph. Napakunot naman ang noo ni Ralph at naiilang na tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni Joaquin. “Ah, Mr. Dela Vega, Ms. Glory, mauna na po muna kami ng fiance ko, may appointment kasi kami ngayon sa wedding planners namin,” pagpapaalam ni Ralph. “Ah ganon ba, congratulations, ikakasal na pala kayo,” halos mamutla at gumunaw ang mundo ni Glory sa nalaman ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili. Napakamot naman ng ulo si Joaquin. “Congrats! Sige ingat kayo,” iyon na lang ang nasabi ni Joaquin. “Let’s go Honey, guess, I’ll see you around. Mr. Dela Vega, Ms. Glory,” saad ni Luz at saka sila umalis ni Ralph. Pagtalikod ng dalawa ay kaagat na inapakan ni Glory ang paa ni Joaquin, napangiwi ito sa sakit. “Aray! Inaano ka ba?!” reklamo ni Joaquin. “Ikaw! Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon?! Wala ka talagang magawang matino, may balak ka pang sabihin talaga kay Ralph?!” singhal ni Glory na konti na lang ay tutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. “Aba syempre naman Glory, hindi na lang naman ikaw ang usapan dito, pati na ang mga bata, kita mo nalaman pa tuloy natin na ikakasal na pala sila, ano? Papayag ka? Ganon ganon na lang iyon? Paano ang mga anak mo? Sige nga!” singhal ni Joaquin na pinapagalitan siya at naiinis siya dahil tama lahat ang sinabi nito. “Simula’t sapul Glory, kilala kita, hindi ka nagpapatalo, ngayon lang,” saad pa ni Joaquin at tumulo na nga ang mga luha niya at parang abang aba sa sarili. “I hate you!” singhal niya kay Joaquin at saka pumasok sa opisina niya. Sinundan naman siya ni Joaquin. “Glory come on, tama na ang pagmamatigas na ‘to maawa ka sa mga bata, wag mong palakihin ang mga anak mo na walang kinikilalang ama,” pangungumbinsi pa ni Joaquin. “Eh… anong gagawin ko?! Hindi na ako naaalala nung tao, paano pa kaya ang anak namin na hindi niya naman nalaman?” saad ni Glory. “Wag mo akong pilitin dahil sasabihin ko talaga sa kanya para hindi matuloy ang pesteng kasal na ‘yan, its either ikaw mismo ang magsabi o mapipilitan ako, Glory,” saad ni Joaquin na nahilot ang sintido niya. “Joaquin naman eh…” “Pag hinayaan mo si Ralph sa Luz na iyon, iyon na ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sa buhay mo, tandaan mo ‘yan, aba, hindi biro ang pinagdaanan mo sa kambal mo, apat na taon Glory, kami nga ni Samantha, dalawa na kami nyan ah hirap na hirap na kami sa kambal namin, ikaw pa kaya na mag isa,” saad ni Joaquin na dismayadong napapailing na lang sa magulong sitwasyon nito. “Joaquin, ayoko ng makasakit, alam mo ‘yan, nasaktan ko na kayo ni Samantha noon, ayoko ng maulit,” saad ni Glory na parang na trauma na sa mga dating pangyayari sa buhay niya. “Glory, iba iyon, iba rin ang ngayon, time heals all wounds,” “Pag pinilit ko ang sarili ko kay Ralph, sa tingin mo ba magiging masaya ako? Kami? Hindi na nga ako naaalala nung tao eh, paano pa kaya ang nararamdaman niya para sa akin? At saka halata namang mahal niya si Luz, anong laban ko doon?” “Tss, dapat nga ikaw ang pakasalan niya eh dahil may anak kayo,” “Gusto ko rin naman iyon kaso iba na ang sitwasyon ngayon,” saad ni Glory na tila walang magawa. “Sabihin mo lang sa kanya, kesa naman habangbuhay mong pagsisihan na itinago mo ang kambal mo sa tunay nilang ama, nakita ko kung gaano kasabik si Cale at Cole sa ama noong ipinakilala mo sila sa akin, nakita ko yung inggit nila sa mga anak ko na buti pa ang mga anak ko ay may tatay, masakit iyon Glory, please lang, maawa ka sa mga anak mo,” saad ni Joaquin at saka lumabas ng office nito. Malalim na bumuntong hininga si Glory, hindi niya alam ang gagawin at pinag iisipan niyang mabuti kung paano niya sasabihin iyon kay Ralph. Wala kasi silang gaanong memories nito na magpapaalala kay Ralph kundi ang halik niya lang dahil palaging inaangkin ni Ralph ang mga labi niya noon. Pinagbubura niya rin kasi ang mga pictures nila na magpapaalala sa kanya sa binata. Nagsisisi tuloy siya ngayon na binura niya ang mga iyon at nasapo ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD