KINABUKASAN ay pumasok na sa opisina sila Glory at Joaquin. Naabutan na nilang nagdi discuss na si Renzo sa harapan at may ineexplain sa board meeting para sa latest project nila. Naroon na din ang mga investors at kararating lang. Inilatag ni Renzo ang mga plano para sa bagong project, inabot sila ng halos apat na oras sa pagpapaliwanag dahil talaga in detailed simula sa materials hanggang sa gagawa at sa mga floorings ng nasabing itatayong mall, pati ang lupang tatayuan ay pinag usapan din nila.
“Magaling, magaganda ang mga designs at mukhang matibay naman ang mga materyales, ito, high quality ito,” saad ni Mr. Velasco na itinuro ang isa sa mga blueprints at kumbinsido na sa ginawang effort nila sa pag di discuss.
“Yes, Sir, oo naman high quality talaga ‘yan, maraming kumukuha sa amin nyan ganyang klase for construction,” saad ni Renzo na ginalingan pa sa pangungumbinsi.
“So, what do you think, Mr. Velasco? We’re always ready, with Glory here to help me,” saad ni Joaquin.
“All settled then, okay, let’s do it as soon as possible!” saad ni Mr. Velasco na natuwa.
Nakahinga na rin ng maluwag sina Renzo, Joaquin at Glory at nakangiti na kay Mr. Velasco dahil sa wakas ay na close na nila ang deal dito at sila na ang magde design at gagawa ng Mall na ipapatayo nito.
“Yes!” bulong ni Joaquin kay Glory. Napailing na lang si Glory habang nangingiti sa dating kasintahan.
Napansin niya naman na kakaiba ang ikinikilos ni Renzo at tila ba nakakunot ang noo sa kanila ni Joaquin.
Nang makaalis ang kliyente ay sila na lamang tatlo ang natira sa loob ng board room.
“We closed the deal! Ang galing mong mag explain kanina Renzo, wala ka pa ring kakupas kupas!” kantyaw ni Glory dito na hinampas ang braso nito.
Nagulat naman si Renzo at tila ininda ang bigat ng kamay ni Glory, napansin naman iyon ni Glory na umiwas ito sa kanya.
“Oh, bakit?! Wag mo sabihing hindi ka pa rin sanay palagi naman kitang hinahampas sa braso.
“Uhm, hi- hindi ako si Renzo, ako 'to si Ralph," paliwanag ni Ralph.
"H-ha?" hindi makapaniwalang saad ni Glory.
"Ay, oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo Glory, si Ralph na ngayon ang humahawak ng posisyon ni Renzo as COO, nagpalita kasi sila dahil ang gusto ni Mr. Romualdez ay si Renzo na ulit ang mamahala sa Romualdez Group of Companies," paliwanag ni Joaquin.
"Ah- ganon ba, sorry," saad ni Glory na nahihiya sa ginawa, nag iiwas siya ng tingin dito kung kaya't napayuko siya.
"It's alright, it was nice to see you again, Ms. Glory, I'm really glad that you're back now,"
"Thankyou, Mr. Romualdez," saad ni Glory.
"Ralph, nalang," saad ni Ralph na inilahad ang kamay sa kanya.
Nagdadalawang isip si Glory kung makikipag shakehands ba siya dahil nahihiya siya pero tinanggap niya na ang kamay ni Ralph at nakipag shakehands.
"Ralph, it was nice to see you again," iyon na lang ang nasabi ni Glory dahil hiyang hiya talaga siya.
Nang sila na lang ni Joaquin ay kinurot ni Glory si Joaquin sa tagiliran.
"Aray! Inaano ka ba?!" saad ni Joaquin na napangiwi.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na all this time si Ralph pala ang kaharap ko at hindi si Renzo?! Nanggigigil ako sayo!" inis na singhal niya kay Joaquin.
"Eh nakalimutan ko nga at saka… hindi ka naman nagtanong pero uy, aminin, na miss mo noh? Mahal mo pa?" tanong ni Joaquin habang tatawa tawa at nang aasar na naman.
"Tigilan mo nga ako, Joaquin, pwede ba, hindi mo alam ang hirap ko malayuan lang ang lalaking 'yan pagkatapos ay makakasama at makakatrabaho pa natin sa project?!" saad ni Glory na nahilot ang sintido.
"Ito naman, hayaan mo na, besides, Ralph is as good as Renzo, kita mo nga kanina hindi mo naman napansin na siya si Ralph at ang akala mo ay si Renzo siya," saad pa ni Joaquin.
"I don't know if this is a good idea, Joaquin, paano kung bumalik na ang alaala niya at maalala niya ako?" pangamba ni Glory na halos hindi mapakali, halu halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, galit, lungkot at pangamba ang namumutawi sa kanyang kalooban.
"Edi mas maganda, maaalala ka na niya at ang mga anak niya sayo, kamukhang kamukha nga ni Ralph yung kambal mo eh," saad ni Joaquin.
“Siguradong magagalit siya sa akin…" saad ni Glory.
"Magagalit talaga, sino ba namang hindi? Pero kung papakinggan niya ang paliwanag mo siguro ay maiintindihan ka rin niya, kahit ako noong tinago sa akin ni Samantha si Samuel, sobra din ang galit ko, kinimkim ko lang dahil ang mahalaga sa akin ay yung bata at siya," paliwanag ni Joaquin.
"Hays! Bahala na nga, ayoko muna mamroblema at ang mahalaga ay na close natin ang deal, excited na akong bumalik sa trabaho!” saad ni Glory na lumapad ang ngiti sa mga labi.
Samantala, habang si Ralph naman ay mag isa sa kanyang opisina ay hindi niya maalis sa isipan niya ang kagandahan ni Glory. Postura itong nakasuot ng black high heeled closed shoes, naka black chub fitted dress at naka brown na formal blazer, bumagay din sa kanya ang chocolate brown na kulay ng straight niyang buhok at ang amoy ng vanilla perfume nito.
Natigil siya sa pagpapantasya ng marinig niyang nagri ring pala ang cellphone niya at nang makitang si Luz iyon ay kaagad niyang sinagot ito.
“Yes, Honey?” tanong niya sa kabilang linya.
“Don’t forget our appointment with the wedding planners, okay?”
Nasapo ni Ralph ang noo niya, nakalimutan niya ang bagay na iyon.
“The wedding planners, yes, kailan nga ulit iyon at saan? I’m sorry, na busy lang ako Honey,”
“Ano ka ba, ngayon iyon, diba pinag usapan natin na dadaanan na lang kita dyan sa office mo? On the way na ako, I’ll be there in a minute, Honey,”
“Ah Oo nga pala, ngayon nga pala iyon, sige, I’ll see you then,”
“Bye! I love you!”
“Love you too, bye,”
Iyon lang at pinatay na ni Ralph ang tawag at sumagi na naman sa isip niya si Glory. Dismayado siyang umupo sa swivel chair niya at niluwagan ang suot na necktie. Iba ang epekto sa kanya ni Glory ngayon na para siyang mababaliw kakaisip at nasabi niya na lang sa sarili na,
“Damn it Glory, why did you come back? Bakit ngayon? Kung kailan ikakasal na ako, sobrang ganda mo, hindi kita maalis sa isip ko,”