Pagbaba ni Glory ng kotse ay nagsuot siya ng hat at shades at saka pumasok na sa building, tinignan niya ang ayos nito at wala pa ring pinagkaiba, kung ano ang ayos non nung iniwan niya ang lugar na iyon ay ganon pa rin.
Kaagad siyang pumunta sa office niya at sinilip lang iyon. Papunta na sana siya sa office ni Renzo nang may makita siyang babaeng nakaupo sa desk nito kung kaya’t mabilis siyang nag kubli sa pader ng pinto at dahan dahang sumilip. Hindi naman iyon si Rossy na asawa ni Renzo. Sino ang babaeng kasama ni Renzo? At mukhang may ginagawa silang milagro sa loob ng office.
Napansin niyang may mga matang nakatingin sa kanya kung kaya’t umalis na siya doon at pumunta na sa mismong opisina niya, bukas niya na lamang kakausapin si Renzo dahil sa tingin niya ay nakakaistorbo siya ngayon.
“Ma’am Glory?” saad ng isang boses na nakikilala niya at ng lumingon siya ay tama nga ang hula niya, si Addy, ang kanyang secretary kung kaya’t hinubad niya ang shades niya.
“Addy,” saad niya rito.
“Ma’am Glory! Mabuti naman ho at bumalik na kayo, papasok na ho ba kayo bukas?” tanong nito na masayang masaya.
“Oo, pakihanda ng schedule ko, ang alam ko ay may meeting kami ni Joaquin tungkol sa malaking project, anong oras nga ulit iyon?” tanong niya sa sekretarya.
“Alas otso po ma’am,” saad ni Addy.
“Sige, nakit ana ba nila ang portfolio ko?” tanong pa ni Glory.
“Opo Ma’am, eh kokontakin ko na sana kayo ang kaso lang ay sabi ni sir Joaquin ay siya na lang daw po ang kakausap sa inyo,” paliwanag ni Addy.
“Oo, nagkausap na kami, pakihanda na lang para bukas yung mga idi discuss,” saad ni Glory na seryoso ang mukha dahil pag trabaho ay trabaho lang para sa kanya.
Nagmamaneho na siya pauwi ng madaan siyang fast food chain kung kaya’t nag order siya ng burger at fries doon, dinamihan niya na at may kasama ring drinks para sa mga anak niya at mga anak ni Joaquin, natuwa siya dahil siguradong matutuwa ang mga bata sa dala niyang pagkain.
Nang makabalik siya sa Hacienda Dela Vega ay sinalubong agad siya ng kambal niya.
“Mommy! Mommy! You’re here!” masayang saad ni Cale, si Cale talaga ang malambing niyang anak at mas mabait ito kesa kay Cole.
“Kamusta kayo? Nag good boy ba kayo? Hindi ba kayo nagkulit kay tito Joaquin and tita Samantha?” tanong niya sa mga ito.
“Hindi naman Mommy, Noreen and Nerri are so nice, they invite us to a tea party,” saad ni Cale, samantalang si Cole naman ay tahimik lang at hawak hawak ang laruan niyang eroplano.
“Siya nga pala, may pasalubong ako,” saad ni Glory na tuwang tuwang pinakita iyon sa mga anak.
“Wow! Thank you Mommy! This is delicious!” saad ni Cole na kaagad na tinulungan si Glory sa mga hawak na paperbag na may lamang burgers at fries.
“Tawagin niyo sila Noreen at Nerri para makakain din sila,” saad ni Glory sa kambal niya at nagsitakbuhan na ang mga ito dala dala ang mga pagkaing binili niya.
“Oh, nakabalik ka na pala,” saad ni Joaquin na kakababa lang ng hagdan.
“Uhm, what is that smell?” tanong naman ni Samantha na nasa likod ni Joaquin.
“Sorry, maselan ka nga pala sa pang amoy ngayon, napadaan kasi ako sa fast food chain at nag order ako ng burgers at fries, mga bata lang naman ang kakain nyan,” saad ni Glory.
“Oh, burgers and fries, sayang masarap sana eh ang kaso ay bawal na sa akin, mamantika,” saad ni Joaquin.
“Sakin pwede!” saad ni Samantha at ngumiti ng matamis.
“Anong pwede? Hindi rin noh!” saway ni Joaquin sa asawa.
Natawa naman si Glory dahil totoo ang sinabi ni Samantha, pwede pa siya sa mga pagkaing ganon dahil bata pa siya, “Nandoon sila sa kusina, you can join them, narinig ko rin ang kambal ninyo, aba, tuwang tuwa sila,”
“Sige, susundan ko muna sila, makikikain ako,” saad ni Samantha sabay kalas sa pagkakahawak kay Joaquin at akmang dederetso na sa kusina ngunit hinigit siya ni Joaquin.
“Hey, Babygirl, hindi pa ako pumapayag, sino may sabi sayo na pwede kang kumain ng burger at fries? kabuwanan mo na, hinay hinay ka naman sa pagkain mo ng mga ganyan!” saway ni Joaquin kay Samantha.
“Eh! Daddy naman eh! Gusto ko ng burgers at fries, sabi din ni baby, nagugutom din siya at gusto niya iyon!” saad ni Samantha na hinawakan ang bilugan at malaki niyang tiyan.
“Hays! Palagi mo na lang ginagamit ‘yang bata para makakain ka ng marami at ng mga gusto mo!” saad ni Joaquin na naiinis na ngunit walang magawa sa asawa.
“Syempre noh!” saad ni Samantha na tatawa tawa.
“Joaquin, let her be, bata pa naman siya at pwede pa siya sa mga fast food, tayo lang ‘tong medyo medyo hindi na,” saway naman ni Glory kay Joaquin.
“Eh Glory, diba dapat healthy foods ang kinakain ng buntis? Hindi yung ganyan,”
“Ciao!” saad ni Samantha na tuluyan ng dumiretso sa kusina.
“Hey, Babygirl, bumalik ka dito, hindi pa ako pumapayag diba? Ang tigas talaga ng ulo,” saad ni Joaquin na nahilot ang sintido.
“Hayaan mo na nga sabi! Ito! Masyadong overprotective! Halika at may pag uusapan tayo,” saad ni Glory at iginiya si Joaquin sa may sala.
“Ano na naman iyon?” tanong ni Joaquin.
“Tungkol bukas, yung about sa deal natin kay Mr. Velasco,” saad ni Glory.
“Okay na iyon, plantsado na, aba, ako pa ba Glory? Si Joaquin Dela Vega ‘to!” saad ni Joaquin na nagyayabang na naman kay Glory.
“Tss! Ayan ka na naman eh!” singhal ni Glory na tatawa tawa.
“Oo nga, bakit ba ayaw mo maniwala sa akin? Aba, pinuri kita ng matindi doon sa kliyente noh kaya pumayag, nagkataon lang din na pinakita pa ni Addy ang portfolio mo,” saad ni Joaquin na proud sa nagawa.
Napapailing na lang si Glory sa sinabi ni Joaquin.
“Hay naku, ewan ko sayo, Joaquin,” saad niya rito.
“All you have to do is show up first thing in the morning,” saad ni Joaquin na kumindat pa sa kanya.