Chapter 14

1110 Words
Nagbalik sa Maynila si Glory kasama ang kanyang kambal ngunit doon muna sila tumuloy sa Hacienda Dela Vega gaya ng alok ni Joaquin. “Salamat naman at nakarating kayo ng ligtas,” saad ni Joaquin na may malawak na ngiti ng tumigil ang kotse na lulan nila Glory sa harap ng pinto ng mansyon. Naroon din si Samantha na sinalubong din sila pati na ang kambal ni Joaquin na si Nerri at Noreen. Pagbaba nila ng kotse ay kaagad na inalalayan sila ni Joaquin at inilahad ang kamay nito kay Glory, nagulat si Glory nang makita niya ang sinapupunan ni Samantha. “Oh, buntis ka pala Samantha, ilang buwan na yan?” tanong ni Glory. “Ah, Oo.. 7 months na,” saad ni Samantha. “Akala ko ay gabi pa kayo makakarating, buti na lamang at maliwanag pa,” saad ni Joaquin. “Siya nga pala, mga anak ko, si Cale at Cole,” pakilala ni Glory sa kambal niya. “Good afternoon, Mr. Dela Vega,” saad ng kambal na si Cale at Cole na sabay na bumati. Natuwa naman si Joaquin sa mga ito, “No need to be formal, boys, Tito Joaquin na lang at ito naman si tita Samantha ninyo,” “Hello po, tita Samantha,” bati ni Cale at Cole. “Hello sa inyo, ito nga pala mga anak namin si Noreen at Nerri, sa tingin ko magkakasing edad lang kayo,” pakilala ni Samantha sa mga anak, napansin niya naman si Samuel na kakalabas lang, “saka ito si Samuel, baby, do you remember Tita Glory?” “Yes Mommy, hi tita Glory,” bati ni Samuel. “Si Samuel na ba ito? Aba, ang laki na!” saad ni Glory na natuwa dahil noong nasa Cruise Ship pa lang sila ay maliit pa ito at ngayon ay nagbibinata na. “Let’s go inside, shall we,” saad ni Joaquin at saka iginiya sila Glory sa loob. Kumain sila ng tahimik ng hapong iyon at itinuro na ni Samantha at Joaquin ang kanilang kwarto. Napansin naman ni Glory na hindi kumportable si Samantha sa pagdating nila kaya binabalak niyang kausapin ito upang magkapatawaran na rin sila dahil sa nangyari dati. Alam niyang nasaktan niya si Samantha dahil sa paghahabol niya kay Joaquin kung kaya’t gusto niyang bumawi dito ngayon. “Ano Glory? Okay na kayo?” tanong ni Joaquin. “Oo Joaquin, okay na, salamat, uhm, Samantha, pwede ba kitang makausap?” saad ni Glory dito. Naalarma naman si Joaquin, “Bakit? Ano iyon? Walang mag aaway ah, alam kong hindi kayo okay, pero nasabi ko naman na kay Samantha na dito kayo tutuloy,” “Kaya ko nga siya gustong makausap tungkol doon eh, come on, it’s a girl talk Joaquin, don’t bother yourself,” saad ni Glory. “Okay, basta walang mag aaway ah, may gagawin lang ako sa taas, Samantha, alalahanin mo, Babygirl, buntis ka, baka mapano ka,” saad ni Joaquin sa asawa. “I'm fine, don’t worry,” saad ni Samantha. “Okay, maiwan ko muna kayo, ceasefire, Glory, I’m keeping my eye on you,” saad ni Joaquin na tatawa. Nang maiwan sila ay iginiya ni Samantha si Glory sa kabilang kwarto habang si Cale at Cole naman ay nagtatatalon sa malambot na kama sa kabilang kwarto. Sinara nila ang pinto para walang makarinig sa kanila. “I know we’re not on good terms Sam, pero.. Gusto kong malaman mo na hindi ako nandito para sirain ang buhay nyo ni Joaquin, at ang focus ko lang ay ang mga anak ko.. Kaya wag kang mag alala sa akin, wala akong intensyong masama at saka sana mapatawad mo na ako sa lahat ng mga kasalanan ko sayo..” saad ni Glory na sincere sa kanyang mga sinasabi. “Wala na iyon Glory, sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Nakaraan na iyon, okay na… at saka masaya ako na nandito kayo, kahit papaano may makakalaro ang mga kambal ko,” saad ni Samantha na ngumiti ngunit niyakap niya ito dahil talagang nagsisisi na siya sa mga kasalanan niya rito. “Napatunayan mo sa akin na hindi lang pera ang habol mo kay Joaquin, mahal mo talaga siya,” saad pa ni Glory habang nakayakap kay Samantha. Naiyak si Samantha sa sinabing iyon ni Glory. Marubdob ang damdamin niya para kay Glory na ngayon ay humihingi sa kanya ng tawad. “Mahal na mahal ko si Joaquin,” saad ni Samantha. “I know… and I’m really sorry for all the mess na nagawa ko sa inyong mag asawa,” saad pa ni Glory. “Maluwag na ang damdamin ko ngayon Glory, salamat naman at hindi ka na galit sa akin,” saad ni Samantha. “Ako dapat ang magsabi sayo nyan, Sam,” saad ni Glory. “Tama na nga ito, naiiyak lang ako, anong gusto mong gawin? Tara mag shopping tayo!” pag aaya ni Samantha na nagpunas na ng luha niya. “Uhm, I can’t right now, may aasikasuhin ako, pero pwede ako bukas,” saad ni Glory na ngumiti kay Samantha. “Sige, bukas na lang, oh paano? Maiwan muna kita at may aasikasuhin pa ako sa baba,” pagpapaalam ni Samantha. “Sige, salamat ulit sa pagpapatuloy sa amin,” saad naman ni Glory. “Feel at home and stay as long as you like, welcome ang Hacienda sa mga kaibigan ni Joaquin,” saad ni Samantha na ngumiti at saka lumabas na ng kwarto. Nakahinga naman si Glory ng maluwag dahil okay na sila ni Samantha. Binalikan niya sa kabilang kwarto ang kambal niya at nakitang tulog na ang mga ito kung kaya’t nagbihis siya. Nakita naman siya ni Joaquin na aalis habang palabas siya ng mansyon. “Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Joaquin. “Sa office,” saad ni Glory na nagsuot ng shades. “Eh, hapon na eh,” saad ni Joaquin. “It’s okay, I just wanna see my office, aayusin ko na rin ang mga gamit doon, pahiram muna ng kotse mo,” saad ni Glory. “No, alam kong pagod ka galing byahe kaya wag ka na mag drive. Fredo! Ipag drive mo nga si Glory,” utos ni Joaquin kay Fredo sabay bato rito ng susi. Nasalo naman iyon ni Fredo at dali daling pumunta na sa kotse. “Tara na ho Ma’am,” saad ni Fredo kay Glory. “Okay,” saad ni Glory at saka sumakay na sa kotse. Hindi naman ang opisina niya ang pakay niya sa office, kundi si Ralph. Gusto niyang malaman kung anong pinagkakaabalahan nito ngayon at kung kamusta na ba ang pamamalakad ni Renzo sa kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD