Chapter 13

1366 Words
Binisita ni Danice at Ralph ang puntod ni Sophia at nang makita kaagad iyon ni Ralph ay nagbalik sa kanya ang mga dating ala-ala, ang mga pinagsamahan nila ni Sophia noong nakakasama niya pa ito. Sophia is his childhood sweetheart at nagkahiwalay sila noong nag aral sa abroad si Sophia ngunit muli sila pinagtagpo ng tadhana ng ipa-arrange marriage ng kanilang tatay si Sophia kay Renzo ngunit parehas walang nararamdaman si Renzo at Sophia sa isa't-isa kung kaya't hindi natuloy ang kasal nila at doon ay nanindigan si Ralph na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Sophia. Niligawan niya ito, minahal at pinakasalan at nagkaroon sila ng napkagandang anak na si Danice. Nakasama niya si Sophia sa saya at lungkot sa maraming taon nilang pagsasama bilang mag asawa at ang buong akala nila ay wala ng makakabuwag ng kanilang matibay na relasyon ngunit biglang dumating si kamatayan at kinuha si Sophia. Danice was already eighteen years old when Sophia died, she had to took care of her old man ngunit palagi lang silang nag aaway ni Ralph kung kaya't napagdesisyunan na nilang doon muna sa States si Danice. "Daddy, lagay mo na 'yang bulaklak na binili mo kay mommy," saad ni Danice. Dahan-dahan namang inilapag ni Ralph ang kumpol ng mga lilies sa puntod ni Sophia. Hindi niya maintindihan kung bakit nag iinit ang mga mata niya at nagbabadya na ang kanyang mga luha kaya tumalikod siya kay Danice. Ayaw niyang makita siya ng anak niyang umiiyak ngunit nagulat siya ng yakapin siya nito. "Daddy, it's alright, you still have me, I'm sorry, I was wrong when I left you. You needed me the most more than anyone else but I just left without saying any words, sa sobrang galit ko sa sitwasyon, hindi ako nagpaalam, I'm so sorry. Hindi na ulit kita iiwan, pangako yan," saad ni Danice na naiiyak na din na lalo pang sumubsob sa dibdib ng ama. "Naaalala ko na mommy mo at ikaw, patawarin mo rin ako Danice, alam ko hindi ako naging mabuting ama sayo pero handa akong bumawi ngayon," saad ni Ralph sa anak. Hinaplos naman ni Danice ang pisngi niya, Ralph remembered that Sophia used to do that all the time. "I love you, Daddy," saad ni Danice na nangingilid ang mga luha. "I love you too, my princess," saad ni Ralph na hinalikan ang anak sa noo. *** Samantala, kabuwanan na ni Glory kung kaya’t nagpa schedule na siya for cesarean section. Naroon din ang mga magulang niya upang samahan siya. Habang naghihintay ay kinalikot niya muna ang cellphone niya at nakita ang phone number ni Ralph. Napakaraming pumapasok sa isip niya dahil kinakabahan siya, first time niyang manganganak at kambal pa. Paano kung hindi ko kayanin ang panganganak? Paano kung bigla akong mawala? Sinong mag aalaga sa mga anak ko? Tatawagan ko ba ang tunay nilang tatay? She had to hear Ralph's voice bago siya manganak para kumalma ang sarili niya sa pag iisip. He was all that she needed that moment kaya tinawagan niya ito. Sandali siyang naghintay dahil nagri ring na iyon. Maya maya ay may nagsalita na sa kabilang linya. "Hello? Glory? I just saw your name on my contact list. Is that you, Glory?" Nakinig lamang si Glory sa boses ni Ralph, napapikit siya ng mariin dahil wala siyang lakas ng loob na kausapin ito at hanggang ngayon na manganganak na siya ay inuunahan pa rin siya ng takot at pangamba. "Have you given birth, already? Listen, about the kiss last time, I know that you're confused and worried, don't worry, I'm not mad, guess I'll see you when I see you," Iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at napa hagulgol na siya. "I'm so sorry Ralph, I'm sorry," saad niya sa sarili habang patuloy sa pag iyak. "Ms. San Juan, ready na po ba kayo?" tanong ng nurse kung kaya't pinahid niya ng marahas ang mga luha niya at matapang na hinarap ang panganganak niya. Ipinanganak ni Glory ang identical twins niyang si Cale at Cole at lumaki itong mababait at masiyahing mga bata. Binusog niya ng pagmamahal ang dalawa niyang anak kasama ang mga magulang niya na naging katuwang niya sa pagpapalaki sa mga ito. 4 years later… Isang maaliwalas na umaga ang tumambad kay Glory, maaga siyang nagising upang samahan ang mga kasambahay para magluto ng almusal. Nakasanayan niya na ito dahil hilig din niya ang pagluluto. Maya maya ay narinig niya na ang mga yabag ng paa ng kanyang kamba na nag uunahan sa pagbaba ng hagdan. “Cale, Cole! Dahan dahan! Kayo ang lilikot ninyo ah, pag kayo nahulog dyan ah!” saway ni Glory sa kambal niya. “Mommy, si Cole sinuntok ako!” singhal ni Cale na umiiyak. “Tinulak niya ako, Mommy, diba sabi mo pag inaway ako wag ako papatalo,” saad naman ni Cole. Tumakbo papalapit si Cale sa ina at yumakap. Dahan dahan namang lumapit si Cole. “Cole naman, ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Diba sabi ko magmahalan kayo at wag kayong mag aaway?” saad ni Glory na nasapo ang noo. “Eh Mommy kinuha niya kasi laruan ko,” depensa pa ni Cole. “Heheram ko lang naman Mommy eh,” saad ni Cale na umiiyak. “Sige na, tahan na anak, lagyan natin ng ice yan mamaya,” saad ni Glory kay Cale na pinunasan ang basang basang mukha ng anak dahil sa kakaiyak. “Cole, say sorry, mali ang ginawa mo,” saad ni Glory sa anak na si Cole. “Fine! I’m sorry!” singhal ni Cole na pagalit. “Oh, sorry na daw Cale,” saad naman ni Glory kay Cale. Niyakap naman ni Cale ang kakambal na si Cole ngunit masama pa rin ang loob ni Cale. “Cole, awayin mo na ang lahat, wag lang ang kapatid mo huh? Magkakampi kayo dapat sa lahat ng bagay at hindi dapat kayo nag aaway, ipagtanggol nyo dapat ang isa’t isa, maliwanag ba iyon?” payo ni Glory sa kambal niya. “Yes Mommy, I’m sorry,” saad ni Cole. “Oh siya, sige na, maglaro na kayo ulit, walang mag aaway huh, magluluto lang ako,” saad ni Glory sa mga bata. Nagtakbuhan na ulit si Cale at Cole sa malawak na bukirin ng pamilya San Juan. Kamukhang kamukha ni Ralph ang dalawa niyang supling kung kaya't napapangiti na lamang si Glory kapag pinagmamasdan niya ang kambal niya. She never hated their father at hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito ngunit wala siyang lakas ng loob na magpakita rito kung kaya't naroon lamang sila sa probinsya at namumuhay ng tahimik hanggang sa nakatanggap siya ng tawag mula kay Joaquin. "Hello? Oh, napatawag ka? Kamusta dyan sa office?" "Glory, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, naaalala mo ba si Mr. Velasco? Yung sinasabi ko sayong client na big time ang negosyo sa ibang bansa?" "Ah, si Mr. Velasco, Oo yung strikto na businessman nga, bakit? Anong tungkol sa kanya?" tanong ni Glory, kasalukuyan kasi siyang nagluluto ng tanghalian ng araw na iyon. "Well, guest what, may offer siya sa ating dalawa, gusto niyang tayo ang mag design ng ipapatayo niyang Mall at syempre, si Renzo na ang bahala sa construction equipments!" masayang ibinalita ni Joaquin na siyang ikinatuwa din ni Glory. "Wait. Ako? Kasama ako?!" "Oo! Check mo yung email mo, nag email daw siya sayo, you will be the head architect and I'm your assistant!" "Mukhang malaking project yan ah, sa atin din ba lahat ng materials na gagamitin?" "Oo milyon ang kita natin dito kaya buti pa bumalik ka na at isama mo ang mga bata, pwede naman kayo sa Hacienda muna mag stay pansamantala," "Sige, thanks Joaquin, you're the best!" "Ingat! Tawagan mo ako pag nasa airport na kayo, para mapasundo ko kayo," "Sige, salamat, Joaquin!" "Anytime! Oh paano? Makikipag meeting muna ako, busy na eh bye bye," "Okay, bye," Iyon lang at pinatay na ni Joaquin ang tawag. Kinilig at natuwa naman si Glory sa hindi inaasahang biyaya dahil finally, makakabalik na siyang muli sa pagtatrabaho at malaking project pa ang nag offer sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD