Chapter 39

1082 Words
“Come on in, don’t worry, Glory is not here, nasa site visit siya, mamaya pa iyon uuwi,” saad ni Joaquin na pinapasok siya sa gate ng Hacienda Dela Vega. “I thought you’re mad at me why are you helping me now,” saad ni Ralph na nakabusangot ang mukha kay Joaquin. “I’m not mad at you, ayoko lang na sasaktan mo si Glory pero karapatan mong makilala ang mga anak mo kaya sino kami para humadlang, hindi ba?” saad ni Joaquin. “You really care about Glory, do you?” saad ni Ralph na napansin iyon kay Joaquin. “Alam mo, Glory and me… matagal na kaming magkakilala, since college kasama ko na siya, naging magkasintahan pa nga kami, pero wala eh.. Mukhang hindi kami para sa isa’t isa. My wife, Samantha came.. And then you came so.. Hindi na rin namin sinubukan ulit,” saad ni Joaquin. “Ahh, kaya pala tumanggi ka nung inaalok ka niya ng kasal noon,” saad ni Ralph. “You know, Glory maybe too harsh, too tough sometimes, too stubborn pero mabait iyon, lambingin mo lang iyon at suyuin mo ulit, ayos na iyon,” saad ni Joaquin. “Sus, kinama ko na nga, umalis pa rin, anong klaseng lambing ba ang gusto niya? Niromansa ko na nga, sobra sobrang suyo na ang ginagawa ko, hindi ko pa to nagawa sa kahit sinong babae, sa kanya lang,” saad ni Ralph. “Tang ‘ina mo, kailan mo kinama?” tanong ni Joaquin na tatawa tawang tinapik ang braso niya. “Kagabi, iniwan pa rin ako ngayon, tss,” saad ni Ralph na dismayado. “Ah kaya pala hindi umuwi, akala ko dumiretso na ng Antipolo kasi doon site visit niya, magkasama pala kayo kagabi pambihira oh,” saad ni Joaquin na tatawa tawa sa kalokohan ni Ralph. “Eh nalasing ako, siya sana ihahatid ko, ako naman ang hinatid niya sa Penthouse ko, aba naman syempre, nandoon na siya alangang hindi ko anuhin,” saad ni Ralph. “Anong anuhin? Tang ‘ina mo! Manyak ka din hayup ka!” saad ni Joaquin na tatawa tawang binatukan si Ralph. “Wag ka na lang maingay na kinuwento ko sayo, magagalit iyon,” saad ni Ralph. “Oh siya, tuloy ka dito sa Hacienda Dela Vega,” saad ni Joaquin. “I don’t think I can… I mean, hindi ko alam, nahihiya ako sa mga anak ko,” saad ni Ralph na naihilamos ang palad sa mukha. “Come on, just don’t tell Glory,” saad ni Joaquin na handang tulungan si Ralph. “Baka magalit si Glory eh, baka itago niya na naman sa akin yung mga bata,” saad ni Ralph na tila may trauma na. “Hindi yan, hindi niya naman malalaman eh, halika na,” pag aakay ni Joaquin kay Ralph. Natigilan naman si Cale at Cole sa pagtatakbuhan nang makita nila si Ralph at Joaquin na papalapit sa kanila. “Good afternoon po Tito Joaquin,” saad ni Cale at Cole na ngumiti ng malapad. “Hello there, boys, siya nga pala may bisita akong ipapakilala sa inyo, meet Mr. Ralph Romualdez, he is a friend of mine and also your” kaagad na kinabig ni Ralph si Joaquin at sinenyasan ito na wag sabihin sa mga anak niya na siya ang tunay na tatay ng mga ito. “Good afternoon, Mr. Romualdez, it’s nice to meet you,” saad ng kambal. “Good afternoon, what’s your name, huh?” masayang tanong niya sa mga ito. “My name is Cale and he’s name is Cole,” pakilala ni Cale. “Yes and we’re five years old,” saad pa ni Cole. “Nice name, do you know that me and my brother are also identical twins?” saad niya sa mga ito, ramdam niya ang lukso ng dugo at saya ng puso niya ngayong kausap niya ang mga anak na para bang maiiyak na siya sa sobrang tuwa. “Wow, that’s so cool,” saad ni Cale. “Twin brother’s are the best!” saad din ni Cole. Nangiti na lang si Ralph sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay nakausap at nakita niya ng malapitan ang mga anak kahit pa sandaling panahon lamang iyon. Inubos ni Ralph ang oras sa Hacienda Dela Vega kasama ang mga anak. Hinayaan lamang iyon ni Joaquin dahil at inobserbahan at sa tingin niya naman ay magiging mabuting ama si Ralph sa mga ito. “What’s your dream job or profession?” tanong ni Ralph sa kambal niya. “Oh, I wanna be a pilot someday!” saad ni Cale. “Me, I wanna be a race car driver, just like the famous fast and the furious movie, like Vin Diesel! That’s so cool!” saad naman ni Cole. Natuwa naman si Ralph sa sinabi nito, “Oh, really? Well guess what, I’m an F1 car racer, Kiddo, wanna see me race?” saad niya rito, hindi naman makapaniwala si Cole sa tinuran ni Ralph. “Really? Are you an F1 car racer for real?” tanong pa nito. “Yes, I am, here, look,” saad ni Ralph at saka pinakita sa bata ang cellphone niya, naroon ang picture niya na nakasuot siya ng uniform pang racing at nakasakay siya sa sports car. “Wow! Amazing! You’re really an F1 car racer! That’s so cool, can I go with you sometimes? I wanna see the cars!” saad ni Cole. “We will tell Mommy that we will hang out with you,” saad naman ni Cale. “Uhm, I don't think we can do that,” saad ni Ralph sa mga bata. Nalungkot naman ang mga ito at saka nagtanong, “Why?” “Hey uhm, can we keep a secret? Just between us?” “What secret Mr. Romualdez?” tanong ni Cale. “Can you not tell your mom that I went here and talked to both of you?” saad niya sa mga bata. “Why? You seem nice,” saad ni Cole. “Please? Because… if she knew I won't be able to visit you here,” “Is that so?” saad ni Cale. “Well, okay, on one condition,” saad ni Cole. “What condition?” “I wanna hang out with you to see the racing cars,” “Okay, I’ll see what I can do, maybe some other time,” saad niya sa bata at kumindat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD