KINABUKASAN ay masakit na masakit ang ulo ni Ralph at pagtingin niya doon ay wala na si Luz, maaga itong umalis, nagsulat pa ito sa full body mirror niya gamit ang red lipstick nito na sinasabing “see you later, I love you”
Naligo siya at nagbihis ng kanyang business suit. Pumasok siya sa opisina ng wala sa sarili ng mga oras na iyon.
“Ralph! Salamat naman at nandito ka na! Lasing na lasing ka kagabi, ang akala ko ay napano ka na, pumunta ako sa Bar ngunit ang sabi ay kasama mo raw na umuwi si Luz kaya umuwi na lang din ako,” saad ni Renzo na nakasalubong niya.
“Pasensya ka na kuya, naparami inom ko eh,” saad ni Ralph.
“Ayos lang, I’ve been there before at kilala kita, ano? Kamusta? May mga sumusulpot bang alaala sayo lately?” tanong ni Renzo.
“Meron kaso malabo pa eh,” saad ni Ralph na nahilot ang sintido niya, ininuman niya na kasi ng gamot ngunit umiikot pa rin ang paningin niya at para bang may humahatak na demonyo sa kanya pababa.
“Nakakita ako ng puntod sa alaala ko kuya, sino ba ang… namatay?” tanong ni Ralph ngunit napabuntong hininga si Renzo na para bang hirap na hirap itong sabihin sa kanya.
“Si Sophia, your wife, she died because of aortic aneurysm, naaalala mo na ba?” tanong ni Renzo.
“Wife?.. I have a wife?” tanong ni Ralph.
“Yeah but she died a year ago,” saad ni Renzo.
“Teka, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito, Kuya?!” singhal ni Ralph na napataas na ang boses dahil sa sama ng loob.
“Ralph, relax, kakagising mo lang non at hindi ka pa tuluyang magaling kaya dinadahan dahan ko lang na ipaalala sayo ang lahat at saka isa pa, baka magwala ka doon sa Ospital pag nalaman mo ang tungkol kay Sophia, kaya hindi ko muna sinabi sayo. I know how much you love Sophie,” paliwanag ni Renzo.
“Kahit na kuya, karapatan kong malaman iyon, gusto kong puntahan ang puntod na iyon ngayon, ibigay mo sa akin ang eksaktong lugar ng sementeryo kung saan siya nakalibing,” saad ni Ralph na naiinis na.
“Bad timing Ralph, pwede bang wag ngayon? At saka tumawag sa akin ang anak mong si Danice, uuwi raw siya,” saad pa ni Renzo na siyang kinagulat ulit ni Ralph.
“And now, I have a daughter?! Great. Just. great. Renzo!” singhal ni Ralph sa kakambal.
“Ralph, I’m sorry, okay? Alam kong mali ako sa part na hindi ko muna ipinaalala sayo ang mag ina mo pero look at the result, hindi ka masyadong nag aalala diba? You and Luz are okay,”
“Oo kuya nandoon na tayo sa hindi ko sila iniintindi dahil nakalimutan ko sila pero sana naman subukan mong ipaalala sila sa akin, pamilya ko sila and.. That child, anong uuwi? Nasaan ba ang anak ko na sinasabi mo?”
“Simula kasi ng mamatay si Sophia ay sobrang nalungkot si Danice kaya napagpasyahan ninyong mag ama na doon muna sa States si Danice upang mag trabaho, pero ngayon ay uuwi na raw siya para alagaan ka, nabalitaan niya kasi ang nangyari sayo,”
“Magtrabaho? How old is she?” tanong pa ni Ralph.
“She’s still young and in her twenties sadyang masipag lang talaga ang anak mong iyon ngunit nag rebelde sayo, hindi kayo nagkakasundo for some reasons, talaga ‘yang si Danice, porket wala kang maalala ay saka uuwi dahil alam niyang hindi mo siya papagalitan, hays,” saad ni Renzo na napakamot ng ulo.
“Anong oras daw ang dating niya?” tanong ni Ralph na mahinahon na ngayon dahil curious din siya sa ibinalita sa kanya ni Renzo na uuwi raw ang kaisa isa niyang anak.
“Actually, papunta na siya ngayon, hintayin na natin at saka tayo sabay sabay mag lunch, come on, bumaba na tayo sa lobby at salubungin natin siya,” saad ni Renzo na iginiya ang kapatid sa elevator.
Pinindot na ni Renzo ang ground floor at saka umandar ang elevator ngunit nang makarating na sa ground floor, pagbukas ng pinto ay kaagad na bumungad kay Ralph ang isang babae at niyakap siya nito.
“Daddy!!! I miss you so much! I miss you, I miss you! Pa kiss nga sa noo!” saad ng babae na nanggigigil pa sa tuwa dahil nakita niya ang tinatawag niyang daddy niya.
“Danice!” saway ni Renzo sa pamangkin.
“Bakit ba nakakunot pareho ang mga noo ninyo sa akin?! Magkamukhang magkamukha talaga kayo, minsan hindi ko na talaga kilala kung sino ang daddy ko buti na lang magkaiba kayo ng hairstyle,” saad ni Danice.
“Nakauwi ka na,” saad naman ni Ralph dahil hindi niya alam ang sasabihin, hindi maalis ang tingin niya sa anak, hindi niya malaman kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon at tila naghahalo ang saya at lungkot.
“Oo naman Daddy, nandito na nga ako oh, natatandaan mo pa ba ako?! Ako to! Si Danice! Ang prinsesa mo!” saad ni Danice na tuwang tuwa na nagpakilala.
“Danice, I told you already diba, hindi pa tuluyang magaling ang daddy mo kaya wag mo siyang masyadong stressin agad,” saad ni Renzo.
“Aba, Daddy, so totoo ngang may amnesia ka at hindi mo ako maalala, parang awa mo na Dad, isipin mo naman ako, wag mong hayaang mawalan ako ng mamanahin sayo,” saad ni Danice na tila nag aalala ngunit nagbibiro.
“Tigilan mo na nga yan Danice, hayaan mo ang daddy mo, just give him some time,”
“Okay, sige na nga, pero gusto ko sabay kaming maglalakad ni Daddy,” saad ni Danice at saka kumapit sa mga bisig ni Ralph, binalewala lang ni Ralph iyon dahil mukhang wala na siyang magagawa at hindi na siya makakatakas pa rito dahil hawak na nito ang braso niya.
Kumain sila ng tanghali din na iyon. Inobserbahan ni Ralph ang anak, maganda at masiyahin ito. May kadaldalan rin at kinukwento ang mga nangyayari sa buhay niya sa States kung kaya’t natutuwa rin si Renzo.
Nang matapos sila sa pagkain ay naglakad lakad sila sa Mall. habang naglalakad sila ay hinawakan niya ang kamay ni Danice, napalingon si Danice dahil naramdaman niya iyon.
“Daddy? What is it?” tanong nito.
“Uhm, Danice right? Can we… visit your mother tomorrow?” pag aaya ni Ralph.
“Okay Daddy, I miss mom too, let’s go tomorrow,” saad ni Danice at ngumiti sa ama.