Simula ng pagbantaan ni Rossy si Luz ay hindi na umalis si Luz sa tabi ni Ralph, binantayan niya itong mabuti upang hindi makalapit si Rossy sa brother in law nito samantalang si Ralph naman ay hindi napapansin ang tensyon sa mga taong nasa paligid niya.
“Ugh! Bwisit! Bwisit! Hindi ako makalapit kay Ralph, hindi ko naman masabi kay Renzo at nasa business trip, hindi ko rin mahagilap si Danice!” singhal ni Rossy sa isip.
Tatlong araw na lang ang nalalabi at ikakasal na si Ralph at Luz dahil gusto na ni Ralph na ikasal sila sa lalong madaling panahon dahil sa kalagayan ni Luz.
Hindi na malaman ni Rossy ang gagawin niya dahil hindi niya rin mahagilap ang anak na si Alexander.
Gusto niyang tulungan si Ralph dahil noong nangangailangan siya ng tulong ay tinulungan siya nito ng malaki ngunit ngayon ay wala naman siyang magawa.
***
Hacienda Dela Vega
“Daddy, daddy, our dresses is here!” saad ni Noreen na tuwang tuwa habang tumatakbo sila ni Nerri.
Excited ang dalawa para sa kasal ng kanilang ninong Ralph.
“Look how beautiful the dress is, bagay na bagay sa skin natin!” saad naman ni Nerri.
“Yes! I agree! Then si Mommy ang mag aayos ng buhok ko,” saad naman ni Noreen.
Masaya at excited ang kambal kung kaya’t napangiti na rin si Glory ng makita niya ang mga ito habang si Joaquin ay tahimik na lang at hindi na nagsalita pa.
Samantala, kahit pa ikakasal na ay hindi pa rin tumigil sa paghahanap ng sagot si Ralph. Sapat ng dahilan ang paglayo ni Glory sa kanya upang mas lalo niyang ipagpatuloy ang pag iimbestiga sa nangyari noong gabing naaksidente siya at nawala ang alaala niya.
Pumunta siya sa drag race kung saan siya nangangarera dati ngunit wala siyang maalala rito kahit isa. Hinintay niyang gumabi at nagpaalam siya sa may ari na mag stroll lang sa race track. Kumuha siya ng isa sa mga race car doon, nagsuot ng gears at helmet at saka sumakay doon. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Ito ang kauna unahang pagkakataon na makakahawak siya ulit ng race car at makakapagmaneho ng ganito kung kaya’t maingat siya.
“On three, one.. Two.. three!” saad niya sa sarili at saka pinaandar ng mabilis ang kotse. Habang pinapaandar niya ito ay naalala niya ang tagpo ng gabing iyon. Kasama niya si Luz sa Bar at iniwan niya ito, lasing na lasing siyang nagmaneho at pinaharurot ang sasakyan.
Napahinto siya ng maalala niya ang aksidente. Wasak na wasak ang kotse niya non at himalang nakaligtas pa siya sa nangyaring trahedya. Sumakit ang ulo niya ng matindi kung kaya’t ibinalik niya na ang race car at saka umalis sa lugar na iyon.
Wala doon ang sagot na hinahanap niya. Kinabukasan ay sunod niyang pinuntahan ang Great Gatsea Cruise Line, pinayagan naman siyang pumasok sa Cruise ship dahil kaibigan niya naman si Ross Weighman na siyang Captain ng barko.
Nagpalinga linga siya sa paligid habang may pinipilit na maalala. Napatingin siya sa isang cabin na naroon. Ang Cruise Ship na ngayon kung nasaan siya ay kamukhang kamukha ng naunang lumubog na Cruise ship ng Great Gatsea.
Bumalik sa alaala niya ang gabing pinuntahan niya si Glory sa cabin nito upang iligtas mula sa lumulubog na barko ngunit tila nag aaway sila sa kanyang alaala, hindi niya alam kung ano ang pinag aawayan nila dahil puro pahapyaw lamang ang sumusulpot sa isip niya.
Nang makabalik siya sa office ay naghihintay sa kanya si Luz.
“Honey, why are you here? Okay lang ba na lumalabas labas ka? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?” tanong ni Ralph.
“Uhm, ano.. Kasi nag pa check up ako kanina eh, naisipan ko na daanan ka na dito,” saad ni Luz.
“Ahh okay, you can go home kapag bored ka na,” saad ni Ralph dahil wala namang gagawin si Luz doon at siya ay magtatrabaho lang maghapon.
“No, dito lang ako sasamahan kita,” saad ni Luz na umupo pa sa sofa sa loob ng office niya.
Napapansin niya na madalas siyang gustong palaging kasama nito, nagtataka naman siya kung ganon ba talaga ang babae pag buntis dahil hindi naman ganon ang yumao niyang asawa na si Sophia noon.
Hindi niya na lang pinansin at nagtrabaho na lamang siya ngunit biglang nahagip ng mata niya ang sirang cellphone niya sa drawer. Napabuntong hininga siya, kinuha niya iyon at nilagay sa zip lock bag at nilagay sa bulsa niya.
Napatingin siya sa desk name plate ni Renzo na nasa desk niya at biglang nag flashback sa isip niya ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Glory. Napagkamalan siya nitong si Renzo at nagreklamo ito sa harap niya.
"Mr. Romualdez, I wanna know, totoo ba ang balita na may plano kayong i-restore ulit ang Dela Vega Corp? Without me knowing it? Hoy, baka nakakalimutan ninyo, I won't be Glory San Juan for nothing! isa ako sa mga pioneer na shareholder, bakit hindi niyo ipinaalam sa akin ang bagay na ito?! Wala ba akong karapatan malaman ang tungkol dito? huh?! Kung inalok nalang sana ni Joaquin ang offer ko na magpakasal kami edi sana ay walang problema,”
“So you’re single now,”
“What?”
“And your name is Glory,”
“Renzo, what are you talking about?!”
“We haven’t officially met, I’m Ralph Romualdez, Renzo’s twin brother, He ask me to fill in for him but I didn’t expect someone who was as vigilant as you,”
Ipiniling piling pa ni Ralph ang kanyang ulo dahil sumasakit na iyon. Tila nabibingi siya sa mga naririnig niya sa kanyang nagbabalik na mga alaala.
“You’re single, I’m single, maybe we can grab some coffee, if you have free time,”
“All I know is you shouldn't beg for love or marriage, Ms. Glory, you're beautiful and obviously smart and independent woman, you deserve someone who will love you more than himself, and I believe right now that it was me,"
Nasapo na ni Ralph ang noo at pinalo palo iyon gamit ang kanyang palad dahil hindi niya na kinakaya ang mga flashbacks sa isipan niya. Masyadong masakit. Nakakagulat at hindi siya makapaniwalang nasabi niya ang mga gayon noon kay Glory. Nang matapos ang office hours ay nagpaalam siya kay Luz.
“Uhm, Honey, I forgot something, pwede bang sumunod na lang ako sayo sa Penthouse?” saad ni Ralph pero ang totoo ay balak niya sanang ipatingin ang cellphone niyang sira.
“Okay sige,” saad ni Luz ngunit maya maya ay nagpanggap siyang masakit ang tiyan niya.
“Ugh! Ralph, tulong! Sumasakit ang tiyan ko! aray!” singhal niya na napangiwi habang hawak ang tiyan.
Kaagad na kumaripas papalapit sa kanya si Ralph.
“Hon, okay ka lang?! Halika, dadalhin kita sa ospital,” saad ni Ralph na binuhat siya kaagad.
“Hindi na Hon, pagod lang siguro ito, sa Penthouse na lang, magpahinga na lang tayo,” saad ni Luz na kumapit pa sa leeg ni Ralph.
“Okay, sige,” saad ni Ralph at saka sinamahan na umuwi si Luz.
Saka na lang niya siguro ipapatingin ang sirang cellphone pagkatapos ng kasal dahil mas mahalaga ngayon ang kaligtasan ni Luz.